I didn't know why he was here. Ang alam ko, umalis na siya. Akala ko, may pupuntahan siyang iba na hindi ako kasama. Pero narito kami ngayon sa movie booth at magkatabing nanonood habang kumakain ng popcorn.
Ramdam ko pa rin ang paghawak niya kanina sa braso ko. Ang higpit noon. Iyon 'yong unang pagkakataon na hinawakan niya ako ng gano'n kahigpit. Though, I didn't see it in a bad way... it actually made me more comfortable.
Ang weird nga, e. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gano'n ang naramdaman ko kanina. Pero wala akong balak na sabihin 'yon sa kanya. Nakakahiya, at isa pa, baka kung anong isipin niya. Malikot pa naman ang utak ng isang 'to.
"Gusto mo pa?" He asked in a cold tone, pertaining to the popcorn.
'Yon nga lang at hindi siya ang usual self niya ngayon. Sobrang cold nito at halatang may tampo pa rin sa'kin.
"Uh, ikaw bahala..." Medyo nao-awkward-an na tuloy ako kapag nagsasalita.
Baka may masabi na naman akong hindi maganda.
"Thank you pala kanina," mahinang saad ko nang maalala na hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya sa ginawa niyang pagligtas sa'kin.
Hindi ko gustong makulong sa jail booth. Siguro, nag-aalala ako na walang kumuha sa'kin doon dahil wala akong kaibigan. Kaya mula Grade 7, hindi ko pa nararanasan na lumapit doon.
"Saan?"
"No'ng hinabol ako ng mga C.A.T..."
"Ah..." Pinatong niya ang siko sa arm chair at pumangalumbaba. "Wala 'yon."
"B-Bakit pala nando'n ka pa?" Kumunot ang noo ko. "'Di ba ano... may pupuntahan ka pa?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala."
Ayaw niya akong sagutin nang maayos. "Galit ka ba?"
"Hindi,"
"Ano nga?"
"Hindi ako galit. Bakit ako magagalit?"
Umiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako sa mata. "Ewan ko rin."
I still couldn't face him. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin 'yong mga gusto kong i-voice out na nasa utak ko.
Natapos ang movie na pareho kaming hindi na ulit nagsalita. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa kanya pero umiiwas din agad kapag bigla itong tumingin sa'kin.
"May gusto ka pang puntahan na booth?" Tanong niya at kinunot ang noo.
"Uh..." Saglit akong nag-isip bago tumango.
"Ano 'yon?"
"Gusto kong mapanood 'yong play ng isang section,"
"Ah..." His forehead creased a bit. "I didn't know that you're into plays."
Mabilis akong umiling. "Hindi naman masyado..."
Gusto ko lang talaga magpunta roon para makapag-usap kami. Sa gymnasium kasi 'yon gaganapin at malawak ang lugar doon, naka-lights off din kaya walang makakahalata sa'min kung may kaklase man kaming nando'n.
"I see," maikling aniya.
"Uh, tara na?" Aya ko sa kanya bago pa maging awkward ang lahat.
Hindi ko in-expect na mahirap palang magpaamo ng kaibigan kapag nagtampo sila sa'yo.
Kaya pala isa sa mga iniiwasan ng mga introvert ay ang magkaro'n ng kaibigan. Challenge ang bagay na 'to para sa'min. Ni hindi ko alam kung paano mag-uumpisa na maibalik siya sa usual self niya.
"Wait lang,"
"Bakit?"
Pinunas niya ang kamay sa panyo na dala-dala bago ilahad ito sa'kin. "Hawak."
"Huh?"
"Hawakan mo ako,"
Taka akong tumingin sa kanya. "Bakit?"
He looked away. "Baka mawala ka."
It was almost a whisper but I still could hear it well.
"O-Okay, pero baka may makakita–"
Hindi niya na ako pinatapos at hinila na ang kamay ko sa gilid. "Tara na."
"U-Uh, yeah."
What's with him?
Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya. Pakiramdam ko, nagtatampo siya pero sa mga pinapakita niya, parang hindi naman. Tila nagtatampo siya pero gusto niya pa rin na makasama ako.
He's so sweet and kind.
Hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya, mapalalaki man o babae. Halos perpektong kaibigan na siya, e.
Sa kalagitnaan ng play, sinubukan kong i-approach siya sa iba't ibang paraan pero bihira kung sagutin nito ako. Mukhang iwas pa rin siya sa'kin. Masama talaga ang loob niya pero naiintindihan ko naman.
"Anong balak mo para bukas?" Tanong ko sa kanya nang malapit nang mag-end ang play.
Sa totoo lang, wala na akong naintindihan sa kung anong nangyari sa palabas. 'Tsaka hindi ko naman type ang storyline kaya wala akong paki kahit na ano pang mangyari. Kinuha ko lang ang chance na 'to para kay Ezrel.
"Baka hindi ako pumasok bukas,"
"Ah, gano'n ba..." Mag-isa pala ako bukas. "Bakit naman?" Pahabol na tanong ko.
"May kailangan ako puntahan,"
"Ah..."
"Bakit?"
"Hindi, wala naman."
"Okay,"
"E, sa susunod na araw? Bale last day na 'yon... papasok ka?"
Nagkibit-balikat ito. "Depende sa mood."
"I see..."
Hindi ko maiwasang manlumo. Nakakapanibago na hindi siya masigla magsalita at wala masyadong kwento. Nami-miss ko na agad 'yong madaldal niyang part.
"Ikaw ba?"
"Papasok ako, bukas 'tsaka sa susunod na araw." Mahinang tugon ko.
"Ah,"
Gusto ko sanang sabihin na pumasok din siya kahit sa huling araw pero inatake na ako ng kahihiyan. Dalawang araw ko pa yata siyang 'di makakasama.
Sana makabawi ako sa kanya. Kaso sa paanong paraan? E, hindi ko nga alam pa'no kami mag-aayos.
Lumipas ang maghapon na magkasama kami pero parang hindi. Minsan lang kung kausapin niya ako at puro pa oo o hindi lang ang sagot niya. Ang akala ko pa man din ay mae-enjoy ko na ang school festival na 'to ngayon dahil may kasama na ako.
Mission failed ulit. Bawi na lang siguro ako sa senior highschool.
"You look gloomy today." Halos tumalon ang puso ko nang may nagsalita sa gilid ko. "Oh, sorry. Did I startle you?" Paghingi niya rin agad ng paumanhin.
Lutang ako ngayong umaga. Hindi ko napansin na narito din pala siya sa jeep na pinasukan ko. Dati, siya lagi ang unang napapansin ko, e, pero ngayon na medyo may iniisip ako, hindi ko na nabigyan ng atensyon 'yong paligid ko.
"Okay lang po..." Mahinang sagot ko at iniiwas din ang tingin sa kanya.
"Bakit parang malungkot ka ngayon?" Kunot-noong tanong niya.
"Hindi po, ah." Pagtanggi ko.
"Mukha kaya. May problema ba?"
"Wala po," tipid na sagot ko.
Mukha ba akong malungkot? Hindi ba pwedeng ganito lang talaga ang mukha ko? 'Tsaka hindi naman talaga ako ngumingiti o ano. Tingin ko nga sa itsura ko ay laging walang buhay. Kaya paano niya nadi-differentiate ang mukha ko sa malungkot at masaya?
"May problema kayo no'ng kaibigan mo?"
Gulat ko siyang tiningnan. Paano niya nalaman 'yon?
Napatawa ito. "So, away nga?"
Nilayo ko ang tingin ko at napangiwi. Hindi siya sure doon at cinonfirm niya lang 'yon base sa mukha ko. Napaka-clever din ng isang 'to... o OA lang ako mag-react? Hindi ko maiwasan, e. Parang ang dali niyang mahulaan.
"Bakit kayo nag-away?"
Nagkibit-balikat ako. "Ewan."
"Hindi mo ba kailangan ng kausap about do'n? 'Di ka ba manghihingi ng advice sa'kin?"
I couldn't help but to raise my left eyebrow a bit. "Bakit po ako manghihingi ng advice sa'yo?"
"Sungit, ah." Aniya.
"S-Sorry..."
"It's fine, I was just teasing you." Nangingiting aniya. "But anyway, you can reach me out if you have problems like this. Baka matulungan kita,"
"Hindi mo po ako matutulungan,"
"Bakit naman?"
"Baka i-advice mo lang po na makipag-F.O. na ako sa kanya,"
Tutal, lagi niyang pinapayo sa'kin na layuan ko na si Ezrel dahil hindi ko pa naman ito kilala.
He burst out laughing. "Hindi, ah. Wala ka bang tiwala sa'kin? Akala ko ba, friends na tayo?"
Friends ba kami?
Ah, oo. Sinabi ko nga 'yon sa kanya no'ng nakaraan. Ano bang naisip ko at nakipag-kaibigan ako sa kanya? He even had my number. Tuwing gabi, tine-text niya ako ng goodnight.
"Kaya ko naman po na i-solve 'to,"
"Okay, if you say so... pero kapag kailangan mo ng kausap, kausapin mo lang ako, okay?"
"Opo,"
Anong mayro'n at bigla siyang bumait?
"E 'di wala ka palang kausap ngayon sa school festival niyo?"
"Wala po,"
"I can accompany you,"
"Huh?" Lito ko siyang tiningnan.
"Anong huh? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman..."
Sakto nga at mayroon akong ticket dito na magagamit niya para makapasok siya sa loob.
"Ano, okay ba?"
Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya, 'di ba? Tutal, wala rin si Ezrel. Hindi na rin ako magbabantay ng booth namin kaya 'di na ako kakailanganin doon.
"Sige po,"
Ngumiti ito nang malaki. "Nice!"
Nakarating kami sa school at... nagsisisi ako na sinama ko siya. Dalawang oras pa lang kaming magkasama pero pagod na ako!
Lahat yata ng nadadanaan naming booth ay gusto niyang pasukan! Ang dami niya ngang pera, e. Siya lagi ang nagbabayad at nililibre pa ako ng kung ano-ano. Ang dami ko tuloy dala-dala. Mas nahahapo lang akong maglakad.
"Misaki, pagod ka na?" Nilingon niya ako at huminto siya sa paglalakad kaya nakahinto rin ako.
"Hindi po ba halata..." Hinihingal na wika ko at sinapo ang hininga ko.
"Pahinga muna tayo, gusto mo?" Tumango ako. "May alam ka bang lugar?"
"Uh, opo..."
Dadalhin ko na lang siya sa rooftop. Sana lang ay walang tao ngayon.
'Yon nga lang at bad move sa'kin 'yon. Pagod na kasi ang mga tuhod ko sa kalalakad pero umakyat pa ako ng ilang floor para makarating sa rooftop.
"Nag-eenjoy ka ba?" He asked.
"Oo naman po, hindi lang talaga sanay sa mga ganitong bagay."
Pero natutuwa ako na medyo natutupad na 'yong wish ko no'n na mag-enjoy sa festival. Though, mas mag-eenjoy sana ako kung kasama ko rin si Ezrel.
"Sino bang dahilan kung bakit kayo nag-away? Ikaw o siya?" Tanong niya nang makaupo.
"Ako..." Mahinang sagot ko.
"Bakit? Anong ginawa mo?"
"Hindi ko na-control 'yong words ko kaya ayon..."
"May nasabi kang nakaka-offend?" I nodded. "At nagalit na agad siya?"
Umiling ako. "Hindi naman siya galit."
Kahit na may nasabi akong hindi maganda, ramdam ko pa rin 'yong pagwo-worry niya sa'kin.
"E, ano lang?"
"Nagtampo siguro..."
"Sa gano'n lang?"
Binabawi ko na 'yong sinabi ko kaninang bumait siya. Hindi siya bumait. Against pa rin siya pagdating kay Ezrel.
"Toxic yata 'yang kaibigan mo, e. Dapat na layuan mo 'yong gan'yan,"
Na-expired na ba 'yong support na pinapakita niya kanina?
"Hindi po 'yon toxic. Sadyang..."
"Sadyang?"
Umiling ako. "Wala po." Hindi ko na masundan ang sasabihin ko sa kanya.
Iniba ko na ang usapan dahil baka mas maipit pa rito si Ezrel. Ayokong masabihan niya nang masama si Ezrel dahil pareho ko silang kaibigan. Kung pwede nga lang, gusto ko na magkasundo sila.
"Interested ka pa rin ba sa shinigami?" Tanong niya sa gitna ng usapan namin.
I nodded. "Oo naman po."
Naalala ko na naman 'yong nakita ko no'n sa katawan ni Nina. Nawala na siya sa isip ko pero bumalik na naman. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano 'yon.
Parang ang labo kasi na imagination ko lang 'yon. Mukhang totoo, e.
"Uh, Ria..."
"Ano 'yon?"
"Sabi mo, nakakakita ka ng shinigami, 'di ba?"
"Oo, bakit?"
"Ano bang itsura nila?" Curious na tanong ko.
"Uh..." Mukhang nag-aalangan siya na sabihin sa'kin. "'Yong itsu–"
"Misaki!"
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng rooftop nang marinig ang sigaw na 'yon. Si Ezrel...
Napatayo ako sa pagkakaupo. "Uy..."
"Misaki..." Dali-dali itong lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo kay Ria.
He looked furious.
"Misaki." He was calling my name like he was mad.
"A-Ano 'yon?"
Wait, bakit siya narito? Akala ko ba, hindi siya papasok ngayon?
"Bakit ka narito?" Hindi ako ang tinatanong niya ngayon, kundi si Ria.
Masama ang tingin niya rito at ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Ikaw, ba't mo kasama si Misaki?" Tanong din ni Ria sa kanya.
"Ako pa talaga 'yong tinatanong mo n'yan?" Pansin ko ang pagyukom ng kamay ni Ezrel. "Layuan mo si Misaki."
"U-Uy, ano bang mayro'n?" Kinakabahan na tanong ko. Hindi ko alam kung paano sila kakausapin.
"Misaki, 'wag ka ng lumapit ulit dito... hindi mo 'yan mapagkakatiwalaan," ani Ezrel at tumingin sa'kin.
"B-Bakit?"
Baki ko kailangang layuan si Ria?
Pero tama ako... magkakilala nga sila at may galit sila sa isa't-isa kaya gano'n na lang ang reaction nila noon.
Umiwas siya ng tingin. "Hindi siya mapagkakatiwalaan." Pag-ulit niya.
Paanong hindi? Mabait naman si Ria.
"Misaki, kung ako sa'yo, layuan mo na si Ezrel. Para na rin sa ikabubuti mo," ani Ria sa isang tabi kaya nabaling ang tingin ko rito. Naglakad ito palapit sa pintuan at ngumiti ng tipid. "Nag-enjoy ako ngayong araw, salamat." Saad niya bago siya lumabas at umalis.
Humangin nang malakas dahilan para hanginin ang buhok ko. Itinabi ko sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko bago lingunin si Ezrel.
"Ez–"
"Misaki..." I was stunned when he suddenly hugged me. "I'm so worried about you..."