Chapter 2
Taylor Alyson Chua
Di maalis sa mukha niya ang maging masaya sa sagot ko. Masaya din naman ako na masaya siya dahil hindi ko akalain na magiging ganito ang reaksyon niya.
Kung sabagay, hindi ko pa siya kilala ng lubos. Mahigit dalawang taon ko pa lang siyang kilala at gusto.
Gusto ko siya pero hindi to the point na maging kami, siguro sapat na sa akin na maging magkaibigan kami pero alam kong mali yun dahil baka kainin ko lang mga salita kung magkataon na magkagusto din siya sa akin.
Sasaktan ko lang sarili ko at siya kung hahayaan kong kontrolin ako ng damdamin ko.
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan habang nilalakad namin ang hallway papunta sa parking lot.
Di ko alam kung paano ko mauuwi ang sasakyan ko. Di ko naman matawagan si manong baka kasama niya sila mommy at daddy.
Maaga pa naman at siguro ay magpapahatid na lang ako pabalik ng school mamaya. Ayokong iwan yun dito lalo na kakabibigay lang sa akin nun.
"Are you okay? Kung ayaw mo ngayon, maybe some other time." Suggestion niya nang makarating kami sa sasakyan niya.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Maaga pa naman and I'm not that busy today." Tumango naman siya sa akin at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Nang masira niya yun, tumigil siya sandali sa harap ng sasakyan dahil napansin kong may tumawag sa kanya.
Okay lang naman siguro na sumama ako sa kanya tutal matagal ko nang iniisip 'to na kung paano ay yayain ako bigla ni Valentin na lumabas para kumain na kami lang dalawa?
Magkaibigan naman siguro kami but on second thought, I know he is just friendly to me dahil alam niyang gusto ko siya.
Pinaka ayoko sa lahat ay malaman ng taong gusto mo na gusto mo siya dahil tendency na mapilitan siya or maisipan niyang gustuhin ako dahil wala naman mawawala sa kanilang mga lalaki, kung di mag-workout ay madali lang nilang ititigil.
Dahil madaldal at mapang-asar si Marie sa akin tuwing dadaan sa harap ko si Valentin, for sure may hint na siya na gusto ko siya kahit hindi ko pinapahalata at minsa'y tinatanggi ko.
Siguro di ko muna iisipin na gusto ko siya. Di ko muna iisipin na binabalik niya lang lahat ng gustong binibigay ko sa kanya kahit di naman halata.
At siguro iisipin ko na lang na magkaibigan kami at treat niya sa akin 'to bilang kaibigan.
Bumuntong-hininga ako at sinilip siya sa labas. Patuloy pa rin ang pakikipag-usap niya sa phone. Di ko alam kung sino kausap niya pero base sa ekspresyon ng mukha niya, paiba-iba 'to. Mukha siyang natutulala, naiinis, nagagalit at pilit na natatawa.
Naramdaman ko ang phone ko kaya naman kinuha ko yun dahil baka si kuya na ang nag-text sa akin.
Kailangan ko pa rin magpaalam dahil baka hanapin niya ako o baka mauna siya sa bahay at tanungin siya nila mommy at daddy.
Kuya Andy
You're all I need my love, my Valentin. Hahaha! Just be home early. Take care, baby Aly.
Matawa ako sa sinabi ni kuya. Nakuha niya pa talagang kumanta uh. Sabagay, maganda ang boses niya kuya kaya marami siyang nabibiktima.
Nag-reply ako sa kanya bago ko ibaling ulit tingin ko sa labas. Wala na si Valentin doon.
"Who's that? Your suitor? Mukhang napasaya ka niya uh."
Di ako nabigla sa inasta niya sa akin pero di ko maiwasang di mapatitig sa ekspresyon niyang parang nagagalit na nagseselos. Di ako nag-aassume pero yun ang nakikita ko.
"Silly! It was just Kuya Andy." Nang banggitin ko ang pangalan ni kuya ay umaliwalas na ulit ang mukha niya at ngumiti sa akin habang tumango.
Walang nagsasalita sa amin buong biyahe. Wala rin akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Sa daan lang ako nakatingin at minsan sa kanya ako tumitingin.
Di ko mapigilang mapangiti kapag sabay kaming napapalingon sa isa't isa. Nahihiya ako sa kanya lalo.
Tumigil ang sasakyan niya sa isang familiar na lugar sa akin. Actually it is one of my favorite place.
Di ko matago ang ngiti ko habang iniisip na kung paano niya nalaman 'to.
"Did you like it? I know you like this place." Binaling ko ang tingin sa kanya at halos magtaka ako ng bahagya.
Paano niya nalamang gusto ko sa lugar na 'to?
"Well, I like in here. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito." Pag-amin ko. Dahil masyado akong busy sa school, ni hindi ko na mabisita 'to.
"Gladly it's your first again here and now, I'm with you." Halos maestatwa ako nang marinig ko yun sa kanya. Bumaba na siya para pagbuksan ako ng pinto.
Actually it's getting awkward between us. Di ako sanay sa mga salita niya, sa mga matatamis niyang salita. Para bang unti-unti niya akong nilulunod sa dagat niya.
Nang buksan niya ang pinto, kinuha niya ang kamay ko para alalayan akong bumaba. Kaya ko naman pero di ko na siya napigilan dahil mabilis niyang nahawakan kamay ko.
Di ko na alam kung kikiligin pa ba ako o matatakot na sa kinikilos niya sa akin. Pilit ko sanang bibitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero masyadong mahigpit yun at nakarating kami sa loob ng restaurant.
Binitawan niya ang kamay ko at agad na pinaghila ako ng silya para makaupo ako. Ngumiti ako sa kanya at naupo doon.
What I like about Valentin is, he is a true gentleman. I've never heard any rumor about him being bad, palaging sinasabing siya ang pinakamabait at matalino sa buong unibersidad.
Maraming nagkakagusto sa kanya at isa na ako dun. Masasabi kong isa siya sa mga prince charming sa mga fairytale pero alam kong hinadlangan na niya yun dati sa nagkakagusto sa kanya, na hindi daw siya perpekto para maging prince charming. He was just being nice.
Kung ako yung babaeng yun, hahadlangan ko din ang sinabi ni Valentin dahil para sa akin isa na siyang perpektong halimbawa ng lalaki na magugustuhan ng lahat.
He is nice, a gentleman, smart, and an athlete.
He has that nerdy look pero mas kapansin-pansin pa rin ang perpekto niyang panga, mahahabang pilik-mata, mapupulang labi, maputi at makinis na balat, singkit na mga mata na may dark hazel colored-eyes at matipunong pangangatawan.
"Are you done staring at me, Aly?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses niya.
Napaiwas agad ako ng tingin sa sobrang hiya. Matagal ba akong nakatitig sa kanya? "Hahaha! You're really adorable when you blush."
Feeling ko mas lalo akong namula sa sinabi niya. Di ko mapigilan ang mahiya ng sobra sa mga sinasabi niya ngayon.
Nakita ko siyang tumawa ng mahina. Miski tawa niya, napakasarap pakinggan. Umiling siya at nagtawag ng waiter.
Di niya ako tinanong kung anong gusto ko basta sinabi na niya lahat ng gusto kong pagkain. Ayoko nang magtanong kung bakit alam niya paborito ko pero nakakatuwang isipin na alam ng taong gusto ang mga bagay na gusto mo.
Halos walang imikan sa amin habang kumakain. Usually, makikita ko lang siyang nakatitig sa akin habang sumusubo ako ng pagkain at tsaka siya susubo ng pagkain.
Kung nakakatunaw lang ang mga titig niya sa akin, malamang kanina pa ako lusaw dito.
Maraming tumatakbo sa isipan ko kung bakit niya alam ang mga bagay na hindi naman niya dapat alam.
Kung ako ang tatanungin, oonti lang ang may alam ng mga bagay na gusto ko at ayaw ko. And to think, Valentin almost know everything about me.
Ayokong pakampante sa ginagawa niyang pakikitungo sa akin, it must be Marie's plan.
Everything about us having dinner with him is all part of her plan.
Napailing ako sa naging conclusion ko ng lahat. Ayokong mag-assume sa kanya dahil alam kong pinagbibigyan niya lang ako.
Masyado akong nadala ng pagkatuwa ko sa ginagawa niya sa akin.
"Okay ka lang? Di mo ba nagustuhan?" Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Napatingin ako dun at mukhang napansin niyang nakatitig ako kaya inalis niya. "Sorry."
"Okay lang ako, may iniisip lang ako. Sige, kain ka na ulit." Binaling ko ulit ang ice cream sa harap ko.
"Care to share your thoughts? Am I creeping you out? Masyado ba akong mabilis?" Dire-diretso niyang sabi. Di ko maintindihan ang huli niyang sinabi.
Naging mabilis siya saan?
"It's nothing, nahihiya lang ako sayo. Naistorbo ka pa ni Marie."
"Bakit ka nahihiya? Dahil ba kaharap mo yung gusto mo?" Halos mabigla ako sa tanong niya.
Kung ibang lalaki siya, malamang nasampal ko na siya pero hindi e, para bang may iba sa kanya na nagpapalambot sa akin, na nagpapahina sa akin.
"Di kita gusto. Nahihiya ako dahil dinadamay ka ni Marie sa kalokohan niya." Paliwanag ko.
Gusto kong itago ang nararamdaman ko sa kanya. It isn't the right time to talk about it. Masyadong mabilis ika niya nga kanina.
"Nonsense. Wala siyang kinalaman dito. Besides, she helped me to pursue you." Ngumiti siya sa akin at kinuha niya ang kamay ko na nasa mesa. "Am I too fast? I, we can slow it down if you want to."
"What do you mean? Hindi kita maintindihan."
Ayokong magtanga-tangahan sa harapan niya pero gusto ko sa mismong bibig niya mismo manggaling ang mga gusto niyang mangyari.
But whatever the reason is, I have to turn it down. If he has feelings for me because I have feelings for him, it will not workout but if he has feelings for me because he wanted me, well that's the problem.
I can't handle someone's feeling especially for me.
Feeling ko anytime soon, masisira ko ang lahat para lang mawala ang feelings niya sa akin.
I am not ready for anything, I want things slow but he being too fast and I don't like it.
"Gusto kita matagal na kaso hindi pwede dahil you're not ready yet." Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. "But I can wait hanggang sa maging ready ka na."
Hearing those words from him makes me wanna jump in happiness! Di ko akalain na may nararamdaman siya sa akin pero kailan pa? Gaano katagal na?
Alam kong stupido ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig pero I have more important things to do than love. Maybe kaya gusto ko siya dahil iba siya sa lahat ng lalaki sa university and I can consider him as my inspiration.
"Valentin, I don't know what to say." Nahihiya kong sabi.
Di ako makatingin sa kanya. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin na naghihintay na tumitingin sa kanya.
Natatakot ako na baka kapag tumingin ako sa kanya, baka mawala lahat ng pananaw ko at baka tuluyan lang akong mahulog sa patibong niya.
"You don't have to force yourself. If you're not ready, it's okay with me. I'll wait until you're ready."
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. Nakita ko kung paano mangusap ang mga mata niya na nalulungkot siya sa kabila na nakangiti siya sa akin.
"Hey, don't be sad. Sorry if I ruin your night. Sorry if I wasn't ready."
"Saying yes for me to go out with me is enough for this night, I guess I have to ask you again some other time." Ngiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya pero deep inside, nagi-guilty ako sa ginagawa ko.
Pananaw ko 'to at panghahawakan ko 'to dahil mas hindi magiging komplikado para sa akin pero bakit nahihirapan ako sa kanya?
Kung siguro ibang babae ako, hindi ko na siya tatanggihan at hayayaan ko siyang ipakita at iparamdam niya sa akin na worth it siya na makasama sa buhay ko.
Siya ang gusto kong lalaki, ideal man ko siya pero bakit nagawa ko pa rin tanggihan siya? Hindi pa ba siya sapat sa akin?
Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero iniisip ko pa lang magiging reaksyon niya, feeling ko iinisipin niya na napipilitan lang ako, na pinagbibigyan ko lang siya sa gusto niya.
If I hurt him big time, I'll be hurt too. Paano kung after nito, di na niya ako lapitan o kausapin ulit? Paano kung magbago na siya?
Paano kung makahanap na siya ng iba na siguradong di siya tatanggihan?
Iniisip ko pa lang na nasa piling siya ng iba, nasasaktan na ako.
Pumikit ako at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at ako ang humawak sa kamay niya halos ikabigla niya.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako ng bahagya. "I want to take things slow, Valentin."
Nakita kong ngumiti siya at mukhang sumigla ang aura niya. "Well then, we'll take it slow until you can't leave me anymore."
To be continued....
-Moon.