Chapter 5
Taylor Alyson Chua
Hindi na kami nag-usap after nun. Panay tango at ngiti na lang ang sinasagot ko sa kanya tuwing may tinatanong siya.
Nasa biyahe na kami pero alam ko hindi pa kami uuwi dahil may iba pa daw kaming pupuntahan.
Gusto ko siyang kausapin kaso mukhang focus siya sa pagmamaneho. May ilan na ding missed calls sa kanya na hindi niya sinasagot, baka kasi importante e.
Nang mag-ring ulit yung phone niya, papatayin na sana niya nang pigilan ko siya. Baka kasi importante or may emergency siya.
"Sagutin mo na, I won't mind." Ngiting sabi ko sa kanya.
Kita ko naman ang pagtataka sa kanya. May mali ba akong sinabi?
"It's just dad, maybe about the business offer. Hayaan mo na yan." Casual niyang pagkakasabi at pinatay ang tawag.
"Kahit na, malay mo importante." Pangungulit ko sa kanya. Papatayin na sana niya phone niya nang tuluyan nang mag-ring ulit. "Sagutin mo na."
"Okay, wala akong laban sayo e." Natatawa niyang sabi bago sagutin yung tawag.
"Yes, dad?"
"I'm with Taylor, what's the problem?"
"Uh-huh."
"Well, just send me the info."
"Okay, bye."
Tumingin ako sa kanya pagkatapos niyang kausapin dad niya. Wala naman pinagbago ang ang ekspresyon ng mukha niya.
Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. Di ko mahulaan kung okay ba siya o hindi.
"It's not about the business offer, it's about my cousin." Pag-uumpisa niya. Siguro napansin niyang curious ako kaya naman sinabi na niya.
"Bakit daw? May nangyari ba sa cousin mo?"
"Wala naman, he's going home tomorrow. Dito na siya mag-aaral." Tumango naman ako sa kanya.
Ayoko na magtanong sa kanya baka mamaya isipin niya interesado ako sa pinsan niya.
Nakarating kami sa isang sikat na mall. Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito pero mukhang pupunta kami sa garden sa taas.
Nang makarating kami sa garden, wala masyadong tao. Una ko kaagad napansin ay yung colored fountain.
Gumaan pakiramdam ko nang makita ko yun, parang nawala ang stress ko.
"Did you like it? Alam ko naman na nakapunta ka na dito pero alam ko stress ka, kaya dinala kita dito."
Napangiti naman ako sa kanya ng sobra at niyakap ko siya mula sa likod. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko kaya mas hinigpitan ko yakap ko sa kanya.
Naramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa braso ko.
"I like it actually. Nawala ang stress ko, thank you for bringing me here."
"It's good to hear that you like it here." Kumawala siya sa pagkakayakap ko at ngumiti siya sa akin.
I really like his genuine smile.
Sandali lang kaming nagtagal doon at agad din naman niya akong hinatid sa bahay. Halos muntikan na din siya mahuli nila mommy at daddy, good thing to the rescue si kuya Andy.
Habang nanonood ako ng TV sa sala, narining kong tumunog ang landline namin na agad naman sinagot ni aleng Tina. Babalik na sana ako sa panonood nang lapitan ako ni aleng Tina.
"Phone call po, it's Ma'am Heaven po." Nagtaka naman ako bigla nang marinig ko ang pangalan niya.
Actually bihira lang siya tumawag at kadalasan puro greetings lang siya kapag special occassions.
"What's up, sis?" Pambungad ko sa kanya.
We are not actually close now, so I don't know if I have to be nice or cold to her.
"Sorry, I just miss everyone there, especially you."
"Oh really? I know may kailangan ka, spill it."
Di ko alam kung maiirita ba ako dahil halata naman na may kailangan lang siya sa akin.
Mahirap tumanggi dahil kapag tumanggi ka, malalaman nila mommy at daddy. Sila mismo ang kukumbinsi para mapaoo ako sa gusto niya. See how evil she is.
"Hahaha! Silly! Wala naman akong kailangan e."
"Wala pala e, bye na. I have to sleep." Paalam ko.
Nagpapaantok na lang ako at dahil tumawag siya, inantok na ako.
"Wait! I have some favor for you." Hinawakan kong mabuti ang phone dahil anytime soon, baka maibato ko 'to sa inis. Wala daw pero meron pala.
"Spill it but I won't do it." Iritadong sabi ko sa kanya.
Narinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya. Lakas niyang mang-inis talaga.
"Well, can you look out for my fiancé? He'll be there tomorrow, dyan na siya mag-aaral sa school niyo."
Fiancé? Like she is getting married now to a guy? But how come? She is just near my age.
"It's an arranged marriage but he is my boyfriend before we got arrange. I think it's destiny."
"I see. Well, I still don't care." Destiny pa siyang nalalaman.
"Oh really? As for you, do you have a boyfriend now?"
"Soon, sis. We're still on process." Wala namang kami ni Valentin so tama lang na sabihin ko yun. Ayoko ding mag-assume dahil lang sa actions namin.
"Good for you. Please, bantayan mo si Blake dyan for me."
Blake? Parang may naaalala akong ganung name hindi ko lang matandaan kung saan?
"Oh sure, aagawin ko siya sayo." Natatawa kong biro sa kanya.
Alam kong ma-threatened siya sa akim dahil simula bata pa lang, ako na ang gustuhin.
"We'll see about that. Actually she doesn't like playgirls like you." Natatawang sabi niya pero ramdam ko ang pagkairita niya sa bawat tawa niya.
"Okay, as you say so." Sabi ko bago ko ibaba ang tawag.
Ayoko nang mapunta kung saan ang usapan namin.
Actually nainis ako lalo nang sabihin niyang playgirl ako. As if ganun talaga akong tao? I don't really play boys in my hands.
I just don't like them, isa lang naman ginugusto ko sa ngayon e at gusto ko siya lang gugustuhin ko.
Kung darating na siya bukas, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko din alam kung saan hahanapin yung Blake na yun.
And as for Valentin, he won't like the idea.
Ayokong mag-isip siya ng kung ano about sa akin. It was just a favor from my cousin, that's all. Alam kong maiintindihan niya ako for that.
And hindi naman siguro buong araw ko makakasama si Blake sa school, I will still be busy on school with Marie and I also make time with Valentin kahit na pareho kaming busy.
---
Maaga akong sinundo ni Valentin. Ewan ko kung bakit maaga siya, buti na lang mas maagang umalis sila mommy at daddy.
It's really not the time to tell them about us, it's too soon.
Dumaan muna kami sa isang fast food para mag-almusal. Halatang hindi pa siya kumakain dahil sa dami ng order niya. Well, he doesn't look good.
"Okay ka lang? Parang iba ang kinikilos mo e." Ayoko sana magtanong sa kanya kaso nag-aalala ako sa kanya.
"I have an exam this afternoon, kinakabahan lang ako." Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o hindi sa sinabi niya?
Siya ang pinakamatalinong lalaking kilala ko sa university at impossible naman na hindi niya mapasa ang exam na yun.
"Hey, it's okay. I know kaya mo yan, ikaw pa ba?" Ngiting sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ng mahigpit yun. "Di bale nang bumagsak, basta nandito ka pa rin sa tabi ko."
Binitawan ko pagkakahawak niya at hinampas ko ng mahina kamay niya.
"Hoy Perez! Wag mo akong gawing dahilan para bumagsak ka. You need to pass this test."
"Sayo lang naman ako bumabagsak e, unti-unti at lalo lang akong nahuhulog sayo."
Hinampas ko ulit ang kamay niya bago ako mag-iwas ng tingin. Feeling ko namumula na naman ang pisngi ko. Nakakainis talaga siya.
"Pass the test or you won't see me. That's a deal." Panghahamon ko sa kanya.
Ayoko sanang gawin 'to kaso natatakot ako na baka ibagsak niya yung exam niya.
"What if I pass the exam? Will you be mine after that?" Ngiting sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"That's not part of the deal. Pass the exam, and that's the end of it."
"No good luck kiss or anything?" Hahampasin ko sana ulit kamay niyang nakahawak sa akin nang tumawa siya at pinigilan ako. "Chill, just date me after my exam."
Papayag sana ako sa gusto niya kaso naalala ko na darating pala yung fiancé ni Heaven.
I'll just give him a whole day tour and after that, iiwan ko na siya.
Sasabihin ko ba sa kanya? Baka kasi ibagsak niya exam niya kahit sigurado akong di niya gagawin yun. Paano kung oo?
Kung di ko man sasabihin baka umasa siya sa date namin kung may iba naman akong gagawin.
Naguguluhan ako. Paano ba 'to?
"Sorry, I'm the guy so I should be the one asking you on a date. Well, date me after I pass my exams."
"Uh, Valentin. May gagawin kasi ako mamaya." Nahihiyang sabi ko.
Isang araw lang naman kaming hindi magkakasama e, at least magkasama na kami ngayon.
And besides, yung lang naman ang agenda ko. After that, I'll be with him again. Sana maintindihan niya.
"I see. Okay lang sa akin, may bukas pa naman." Ngiting sabi niya kahit kita ko sa mga mata niya na nalungkot siya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya mabuti. I'm sure, I'm gonna miss him and of course, he will too.
"Just one day and after that, we'll have a date." Tumango naman siya sa akin at lalong lumaki ang ngiti niya sa akin. "What?"
"It's great to know that the one that I love is asking me on a date."
Hinampas ko siya sa balikat niya habang natawa naman siya sa ginawa ko. Nakuha niya pang bumanat ng ganun.
"Perez, quota ka na sa cheesy lines mo. Gutom lang yan, ikain mo na yan." Naiinis kong sabi sa kanya. Tumawa muna siya bago siya nagpatuloy sa pagkain niya.
"Alright, di ko na lang sasabihin na namumula ka sa kilig." Tininginan ko siya ng masama bago siya sumubo ng pagkain at inosenteng umiwas ng tingin sa akin.
Pinagmasdan ko siya. Suddenly, nawala ang inis ko sa kanya. Ang gaan ng loob ko sa kanya, parang ang hirap tiisin ang mga ngiti niya?
Ngumiti ako ng bahagya habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.
Good thing, I'm falling for this guy.
Hinatid ako ni Valentin sa class ko bago siya umalis. It was our usual set up before he go to his class.
Wala na yung mga taong tingin nang tingin sa amin. Hindi na sila nagsususpetya sa amin, dahil obvious na sa kanila.
"So, may label na ba kayo?" Di ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong ni Marie.
"Dating and friends. Okay na?" Mukhang hindi naman siya kumbinsido sa sagot nang may ipakita siya sa aking article sa isang website.
Di ko alam kung matatawa ako sa article o sa gumawa nito. Ang layo sa nangyayari sa amin ni Valentin.
"Well? Is this true?" Paninigurado niya. Bumuntong-hininga ako at tiningnan siya.
"Partly true, mostly lies." Ngiting sabi ko sa kanya.
Pumasok na ang professor namin pero mas nagtaka ako nang biglang pumasok ang president ng university. Bumati kami bago kami umupo.
"Ms. Chua, can I have a word for you?" Nagtinginan ang mga classmates ko sa akin. Nagtaka din ako sa biglang pagtawag niya sa akin.
Sumunod na lang ako sa kanya papuntang office. Mukhang about lang sa school ang pag-uusapan namin pero mukhang nagkamali ako nang may makita akong lalaking nakaupo sa opisina ng president.
Umupo ako sa tapat nung lalaking nakaupo at pinagmasdan ko siya. Ibang-iba ang aura niya.
Parang Xander na Valentin siya. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na hindi siya katiwa-tiwala.
Lumingon siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago umiwas ng tingin.
I saw him smirk too. Mayabang siya, yun ang first impression ko sa kanya.
"Mr. Tyson, this is Taylor Alyson Chua. She is the student council president."
"Nice to meet you." I tried to be friendly pero mukhang walang epekto sa kanya ang ginawa ko kaya binaba ko ang kamay ko.
"And this is Blake Archer Tyson, he is a new student from New Jersey." Nanlaki mata ko nang marinig ko ang pangalan niya.
Siya ang tinutukoy na fiancé ni Heaven. Mukhang bagay naman sila dahil pareho nang ugali pero di ko ine-expect na mas malala pa siya kay Heaven.
"Ms. Chua, I want you to tour Mr. Tyson today. Don't worry about your classes, they are taken care of."
Tumango na lang ako bilang sagot bago ako tumayo para umalis na. Napansin ko na tumayo na din siya para lumabas.
Sinubukan ko ang makakaya ko para malibot ko siya sa buong university, mukhang hinahayaan niya lang ako magsalita at siya naman nakikinig habang tumatango sa akin.
"So, ikaw pala ang boyfriend ni Heaven." Pag-iiba ko ng topic. Gusto ko lang pakasigurado para lang maiwasan ko na din siya.
"Yes, and you are her cousin right? She told me about you." Walang gana niyang sabi. Mukhang sinasagot niya lang tanong ko.
"Unfortunately, yes. So, bakit ka nag-aral dito?"
"That is a personal question, can we continue the tour so I can go home?" Iritado niyang sabi at naglakad palayo.
Hahabulin ko na sana siya nang biglang may humawak sa kamay ko.
"So eto pala ang gagawin mo ngayon?" Halos mabigla ako nang makita ko si Valentin at seryosong nakatingin sa akin.
"Yes, inutusan ako ng president na i-tour ang bagong student." Paliwanag ko.
Pero hindi pa rin kalmado ang mukha niya, nakatingin siya kay Blake na naglalakad palayo.
"And you didn't bother to tell me? Why?"
"Because you'll get mad and knowing he is a guy." Napatungo na lang ako sa kanya dahil nagi-guilty akong di ko pa sinabi sa kanya.
"I'm not mad, I'm jealous very jealous, my love." Rinig kong sabi niya pero pag-angat ko nakita ko siyang naglalakad din palayo.
Hindi ko alam kung sino susundan ko sa kanilang dalawa. Papalit-palit ako ng tingin sa kanila pero in the end, sumuko na ko.
At sinundan ko si Valentin na naglalakad palayo.
To be continued...
-Moon.