Chapter 8
Napahikab si Kara ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Kinusot ni Kara ang kanyang mga mata. Dumilat siya at tirik na ang araw. Napabalikwas siya ng bangon. “Hala! Late na ba ako?” malakas na tanong niya. Dali-dali siyang timayo ngunit nalukot ang kanyang mukha dahil sa naramdaman na sakit sa tagiliran. Impit siyang napadaing. Bigla siyang hiningal.
Hinawakan niya ang nasaktan na tagiliran at sinilip iyon. Pansin ni Kara na nagsisimula na itong mahing gulay byoleta. Napangiwi siya at hindi na ito pinansin. Mabilis siyang naligo at nagbihis at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Nadatnan niya ang kanyang ama na nagbabasa ng diyaryo.
Lumingon ito sa kanya. “Kumain ka na. Ang tagal mong bumangon. Hindi na kita ginising dahil pansin ko na pagod ka,” nag-aalala nitong sabi. “Kamusta naman ang pag-aarala mo?” tanong nito sa kanya pagkatapos niyang maupo sa kaharap nitong upuan.
Pilit na ngumiti si Kara. “Ayos lang po, ‘Tay. Saka, nasabi ko na po ba sa inyo na may gagawin kaming field trip?” tanong ni Kara sa ama.
Napaisip ito at umiling. “Hindi ko maalala,” kaswal nitong sagot. “Kailan ba?” tanong nito sa kanya.
Umiling si Kara. “Magbibigay pa po ng iskedyul si Ma'am. Sabihan ko na lang po kayo,” nakangiti niyang sagot.
“O sige, kumain ka. Handa na rin ang baon mo. Ginabi ka ba kagabi?” seryoso nitong tanong sa kanya. Ramdam ni Kara na biglang nanlamig ang paligid dahil sa tanong ng kanyang ama. Hindi naman ito nakatingin sa kanya pero kinabahan pa rin siya.
Ngumiti si Kara at umayos ng upo. Tumikhim siya upang mawala ang nakabara sa kanyang lalamuna dahil sa kaba. “Ayos lang po, Tatay. Ginabi ako kasi nasobrahan ako sa trabaho. Muntik ko ng makalimutan at saka nag-usap pa kami ni Camilla habang naglalakad,” mahabang kuwento ni Kara.
“Oo. Kamusta na pala yung kaibigan mo?” tanong nito sa kanya at binalik ang paningin sa binabasa. “Matagal na noong bumisita siya rito,” komento nito. Humigop ng kape ang ama ni Kara habang siya ay nagsimula ng kumain.
“Ayos lang naman po siya. Masyado na po kasi kaming abala sa school. Wala na kaming mag-liwaliw. Sa pag-uwi na lang po talaga kami nakakapag-usap, nakakapagtawanan.” Ibinaba niya ang hawak na kubyertos. “Hayaan ninyo, ‘Tay at aalokin ko siyang pumunta rito.”
Umiling ang kanyang ama. “Huwag na. Alam ko namang abala talaga kayo lalo na at pareho na kayong mga dalaga. Magpokus na lang kayo sa pag-aaral ninyo,” pagtanggi nitong usal.
Mabilis na tinapos ni Kara ang kanyang pagkain at pagkatapos niyang magsipilyo ng ngipin ay umalis na siya. Hiniram niya ulit ang bisikleta ni Dylan dahil ayaw na niyang maabutan ng gabi sa daan pauwi.
“Dylan!” tawag niya sa pangalan ng lalaki. Kumatok si Kara at binuksan ang pinto ng bahay ng lalaki. Tahimik at walang tao. Pumasok siya sa loob. Malinis ang bahay nito at parang babae ang may-ari sa sobrang linis. Dumiretso si Kara sa kusina at napansin niya ang nakapatong na baso sa lababo. Nilapitan niya ito at hinawakan. Mainit pa.
“Hmm. Mukhang kaaalis lang niya,” aniya. Aalis na sana siya nang makarinig ng isang bumagsak na bagay kasunod ang pagdaing ng isang lalaki.
“f**k!” malakas nitong singhal. Dali-daling tumakbo si Kara papunta sa banyo. Mabilis niya itong binuksan dahilan upang lumantad sa kanyang harapan ang puwitan ni Dylan. Wala itong saplot at hawak ng binata ang harapan nito.
Nagugulat itong lumingon nang maramdaman ang pagbukas ng pinto at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng binata. Sabay silang napasigaw dahil sa gulat sa isa't isa.
Mabilis na natakpan ni Kara ang kanyang mga mata at tumalikod. Halos mahilo siya sa biglaang pagkilos. Muntik pa siyang matumba. Kaagad siyang humawak sa pader upang suportahan ang sarili. Dahan-dahan siyang naglakad palayo. Narinig niya pa ang inis na singhal ng binata.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” galit nitong tanong. Hinablot siya ni Dylan at pilit na pinaharap sa binata.
Impit na tumili si Kara. Tinakpan niya ang kanyang mga mata ngunit dahan-dahan niya ring sinilip kung may suot na ba ang lalaki. “Ka-Kasi, manghihiram sana ako ng bike mo,” nakanguso niyang sagot habang namumula ang pisngi. Nag-init sa sobrang hiya ang kanyang mukha. “Wala akong nakita,” dagdag niya pang sabi.
“Oo, alam kong nakita mo ang puwit ko,” wika nito. “Nagsisinungaling ka pa,” dagdag na usal ng binata.
Napailing si Kara. “Pahihiramin mo ba ako?” kinakabahan niyang tanong habang nakayuko. Nanatili ang kanyang paningin sa baba at dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin. Hindi niya sinasadya na mapatitig sa maumbok na bandang harapan ng binata. Napalunok siya at pilit na sinaway ang kanyang sarili.
Narinig niya itong bumuntong hininga. “Gamitin mo na,” sumusuko nitong sabi. Nag-angat ng paningin si Kara at pansin niyang namumula ang mukha ng binata. Maging ang tungki ng ilong nito ay naging kulay rosas. Mabilis itong nag-iwas ng tingin bago naglakad palayo sa kanya.
Saka pa lang naramdaman ni Kara ang panginginig ng kanyang katawan. Dali-dali siyang naglakad palabas ng bahay. Tinungo niya ang nakaparadang bike at sumakay. Sinimulan niyang magpadyak hanggang sa marating niya ang kanilang eskuwelahan.
Bumaba si Kara sa bisikleta at naglakad papasok. Ipinarada niya ito sa paradahannng mga bisikleta bago naglakad papunta sa kanilang silid aralan. Pagkapasok niya sa loob ay naroon ang dalagang si Camilla. Pansin niya na malungkot ang mga mata nito at nang makita siya ng kaibigan ay biglang lumiwanag ang mukha ng dalaga.
Kaagad nigang itong nginitian. “Kamusta? Nakatulog ka ba nang maayos?” tanong niya rito.
Umiling ito. “Kaloka ka! Sobra akong nag-alala sa 'yo,” paismid nitong sabi. “Bumili ka nga ng cellphone,” utos pa nito.
Tumawa lang si Kara. “Hindi ko naman kasi kailangan ng cellphone,” sagot niya. Ipinakita niya ang bagong biling flashlight. “Tingnan mo, oh. May bili ako. Ito ang importante para makakita ako nang maayos,” usal pa ni Kara.
“Hay, naku! Ewan ko sa 'yo, uy! Bahala ka nga riyan,” nagtatampo nitong usal.
Umupo si Kara sa tabi ng kaibigan. Wala naman kasi silang seat arrangements kaya ayos lang kung saan nila gustong umupo. “Cam, naman. Ayos lang talaga ako,” paglalambing ni Kara sa kaibigan.
“Tse! Umayos ka na at nariyan na si Ma’am,” pabulong nitong singhal sa kanya.
Kaagad naman na umayos ng upo si Camilla. “Oo na. Ito naman, nagtatampo kaagad. Salamat sa pag-aalala mo sa akin. Mahal na mahal kita kahit buwisit kang kaibigan minsan,” nakangiti niya sabi.
Kaagad siyang nakatanggap nang malakas na pitik na noo niya. Impit na napadaing si Kara at mabilis niyang hinimas ang kanyang nasaktang noo. “Aray ko naman!” daing niyang bulong.
“Buwisit ka! Ang ganda-ganda na sana, may panlalait pang kasama,” nakangiwi nitong sabi.
Natawa si Kara. “O siya, tumahimik ka na at magsisimula na ang klase.”
Sabay silang tumahimik ay humarap na sa kanilang guro na nagsisimula nang magturo. Panay ang paghikab ni Kara at ang palihim na pagngiwi dahil sumasakit ang kanyang katawan. Marahil ay nabugbog talaga siya sa malakas na pagtilapon niya kagabi.
Tapos na ang kanilang klase. Siniko siya ng kaibigan dahilan upang mapasigaw siya dahil sa sakit. Nagugulat itong tumitig sa kanya habang siya ay nalukot na ang mukha dahil sa sobrang sakit.
Nagtaka ito sa kanyang reaksyon. Tinitigan siya nang mabuti ng kaibigan. “Hoy! Napapaano ka ba? Ano ba ang nangyari sa 'yo?” nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Mabilis na umiling si Kara. “Ayos lang ako,” taranta niyang sabi. “Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako,” pilit niyang wika.
Namaywang ang dalagang si Camilla at halata sa mukha nito na hindi ito naniniwala sa kanya. “Seryoso ka ba, Kara? Pinagloloko mo yata ako, eh,” nakangiwi nitong sabi sa kanya.
“O-Oo! Oo!” Mabilis na tumayo si Kara at naglakad palabas ng kanilang silid aralan. Aligaga naman na sumunod sa kanya ang kaibigan.
“Hoy! Kara, naman!” malakas pa nitong sigaw dahilan upang makuha nila ang atensyon ng ibang estudyante.
Nagmadali si Kara dahil nauuhaw na siya. Tuyong-tuyo na ang kanyang lalamunan kaya hindi niya ininda ang sakit sa kanyang katawan.
Naabutan siya ng kaibigan habang bumibili siya ng tubig. Nilingon niya ito. Sinenyasan niya na huwag muna itong magsalita at hayaan siyang uminom.
“Ano na? Magsasabi ka ba ng totoo o huhubaran kita rito?” pananakot nitong tanong sa kanya.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Kara. Mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at hinatak paalis sa canteen. “Pinagsasabi mo, hoy! Ayusin mo nga iyang bunganga mo. Kung ano-ano na lang ang lumalabas diyan,” saway niya sa kaibigan.
Mabilis na nag-angat ng kamay ang dalaga at hindi niya inaasahan na susundutin nito ang kanyang tagiliran. Mabilis siyang napaiwas at napapikit.
“Oh, hindi ka ba magsasabi ng totoo? Magsisinungaling ka pa rin ba?” nandidilat nitong tanong sa kanya. Bigla ay nandilim ang paningin ng dalaga.
“Ka-Kasi—”
“Ayan ka na naman sa pautal-utal mong sagot. Deritsuhin mo na ako,” ismid pa nitong sabi.
Tumikhim si Kara at umayos ng tayo. “Nahulog ako sa kama,” seryoso at mabilis niyang sabi.
“Ha? Bakit naman? Totoo ba 'yan?” hindi naniniwala nitong tanong sa kanya. Pinandilatan siya ni Camilla. Dinuro-duro siya nito. “Umayos ka, Kara. May nangyari ba? Alam ko na nagsisinungaling ka.”
“Hay, nagsasabi ako ng totoo,” pangungumbinsi ni Kara sa kaibigan.
Hindi naman na ito nagpumilit sa kanya. “Seryoso 'yan, ha? Oh, siya. Kumain muna tayo. Nagugutom na ako,” seryoso nitong sabi bago nagpaumuna na naglakad papasok ng canteen.
Wala sa sarili siyang sumunod. Kapag naman umiwas siya ay baka lalo lang itong hindi maniwala sa kanya. Naupo siya sa nakasanayan na nilang tambayan kapag kumakain sila. Bigla ay may lumapit sa kanyang dalaga.
“Luna, kamusta ka? Ngayon lang ulit kita nakita,” nakangiti niyang bati sa dalaga.
Tumango ito. “Ayos naman ako. Ikaw ba? Is that your friend?” tanong nito patungkol kay Camilla.
Tumango si Kara. “Oo, hehe.” Ngumiti ito sa kanya at sumenyas na aalis na dahil tinawag ito ng isang lalaking sikat sa school nila. It was Cameron Revil. Kilala lang ni Kara ang pangalan ng binata dahil matunog ito. Sa sobrang yaman at guwapo ng lalaki ay maraming mga babae ang nagkakandarapa na mapaibig ito, kasama na ang kaibigan niyang si Camilla. Mabuti na lang at natauhan ang kanyang kaibigan.
Kalaunan ay tanaw na niya ang kaibigan na may dalang pagkain. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang nakataas ang kilay.
“Si Luna ba 'yon?” tanong kaagad nito pagkaupo.
Tumango siya. “Kamusta pala kayong dalawa?” usisa ni Kara tungkol sa pagsabay ng dalawa pauwi.
“Hmm, ayos naman siyang kausap. Masyadong seryoso,” komento nito. “Alam mo ba na binubuyo siya nina Amy at ng mga alipores niya?” tanong ni Camilla sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Kara dahil sa gulat. “Seryoso?” hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumango ang dalaga. “Mabuti na lang at palaban siya.” Nagsimula itong kumain. Dahil hindi na siya bumili ay hinintay lang niya na matapos kumain ang dalaga. Tahimik lang siyang nanood. Inalok siya nito ngunit kaagad din siyang tumanggi at hindi naman siya gutom.
Sabay silang natigilan nang may biglang naglapag ng pagkain sa kanyang harapan. Nagugulat na sinundan ni Kara ng kanyang paningin ang isang pares ng mga kamay. Sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ni Doctor Vlaire de’Brava. Isang sandwich at apple juice ang nilapag nito sa kanyang harapan.
“For you,” kaswal pa nitong sabi na animo ay normal lang ang ginawa nito. Halos napunta sa kanila ang lahat ng atensyon ng mga estudyante at mga guro.
Nagningning ang mga mata ni Kara ngunit naroon pa rin ang pagkagulat. Hindi siya makapaniwala. “D-Doc, bakit po ninyo ako binigyan nito?” nagtataka niyang tanong gamit ang mababang boses. Ayaw niyang may makarinig sa kanilang usapan.
“You knew the reason,” seryoso at determinado nitong sagot sa kanya na lalong nagpagulo sa kanyang isipan.
Kumunot ang noo ni Kara. “Hindi ko po kayo maintindihan. Bakit?” naguguluhan pa rin niyang tanong.
Umiling ito. “I'm going.” Bigla ay tumalikod na ito at naglakad palayo.
“Eh?” gulat na binalingan ng tingin ni Kara ang pagkain sa kanyang harapan. Biglang nag-init ang kanyang mukha at hindi niya maiwasan ang mapaisip.
Narinig niya ang pagsinghap ng kasamang si Camilla. Nakatakip pa sa mga bibig ng dalaga ang sarili nitong mga palad na animo ay gulat na gulat ito at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Impit pa itong tumili habang malayang humahampas sa kanyang balikat ang mga kamay nito.
“s**t! Ano yung nasaksihan ko?” nanunukso nitong tanong sa kanya.
Maging siya ay hindi maintindihan ang mga nangyari. Lalong nagulo ang kanyang isipan. Tama ba ang sinabi ni Lyneth? Ito na ba 'yon?
Umiling si Kara. “Ewan ko. Nagulat nga rin ako, eh,” tipid niyang sagot habang nag-iisip pa rin.
Ngumisi ito ng nakakaloko sa kanya. “Weh? Lokohin mo ang lolo mo,” kantiyaw nito sa kanya.
Bumuntong hininga si Kara habang napapakagat labi pa. Nag-init ang kanyang mga pisngi at parang hinaplos nang mainit na palad ang kanyang puso. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti dahilan upang mas lalong mang-asar sa kanya ang kaibigan.
“Hala! Nakangiti ka! s**t! Mukhang tinamaan ka, ah!” pang-aasar sa kanya ni Camilla.
Pinandilatan niya ito. “Tumigil ka nga!” saway niya sa kaibigan. “Nagkamali lang 'yon ng binigyan. Alam kong hindi ako ang dapat na bigyan niya,” katwiran ni Kara.
“Hmp!” nandidilat nitong singhal. “Sino ang niloloko mo? Ikaw talaga ang pinuntahan niya rito. Girl, alam mo ba na mayaman 'yon si Doc de’Brava? Ang suwerte mo naman,” nakangisi pa nitong sabi. “Sana makatagpo rin ako ng lalaking kagaya niya,” nananaginip na usal ni Camilla.
“Paanong suwerte? Hoy! Pinag-iisip mo riyan. Binigyan lang ako ng sandwich, kung ano-ano na kaagad ang pumasok sa isip mo. Tigilan mo ako, Camilla,” saway niya sa dalaga.
Pinanlakihan lamang siya nito ng mga mata. “Weh? Sus, pero ang totoo ay kinilig ka naman,” nanghuhula nitong pang-aasar sa kanya.
Napangiwi siya at nag-iwas ng tingin sa kaibigan. Sumalubong sa kanya ang mga nagtatakang tingin ng kanyang mga kaklase at kakilala. Ang ilan ay hindi rin makapaniwala sa nasaksihan, ang iba ay kakikitaan ng pagkainis sa mukha at ang ilan naman ay kinikilig at sinasabi na bagay sila ng doktor.
Napabuntong hininga siya. Hinawakan niya ang kanyang sandwich at sinimulang kainin. Nawala sa kanyang isipan na may kasama siya kaya naman lagpas kalahating oras na ay wala pa rin siya sa kanyang sarili. Napabalik siya sa huwisyo ng kalabitin siya ni Camilla.
“Taray! Binigyan lang ng sandwich, nawala na sa sarili. Sabihin mo, gaano ba kasarap iyan, ha, Kara?” nang-aasar nitong tanong sa kanya.
Napailing si Kara. “Sorry naman. May iniisip lang ako,” sensiro niyang sagot.
“Alam ko,” paismid nitong sagot. “Kaya nga nakalimutan mo na ako rito. Kanina pa ako naghihintay na mapansin mo,” nagtatampo pa nitong sabi.
Lihim na napangiti si Kara. “Ito naman, may iniisip lang ako. Si Lynett.”
Nangunot ang noo ng dalaga. “Bakit? Ano na naman?” inis nitong tanong sa kanya.
“Bumalik kasi sa aking isipan ang mga sinabi niya kagabi. Naalala mo na?”
“Alin doon?”
“Ay, walang kuwentang kaibigan. Ang dami kong sinabi kahapon, wala ka man lang naalala?” nagtatampo na tanong ni Kara.
“Hay, naku! Nagtatanong nga ako. Kasi naman, ang dami nating pinag-usapan. Alin ba kasi sa mga sinabi mo para naman malinawan ako. Huwag ka ng magalit diyan,” pakiusap pa nito sa kanya.
“Ang sabi niya, pupunta sa school natin ang lalaking mapapangasawa mo. Naintindihan mo na? Naalala mo na?” pagalit na tanong ni Kara sa kasama.
Kaagad naman itong natigilan at napasinghap. “Hala! Ibig mong sabihin, totoo ang sinabi ni Lyneth?” Nanlaki ang mga mata nito nang tumango siya bilang pagsang-ayon.
“Hindi ako makapaniwala!” sambit pa ni Camilla. “Paano? As in? Siya na kaya?” nagugulat pa nitong tanong.
“Hindi pa naman ako sigurado pero malaya natin,” seryoso at kinakabahan na sagot ni Kara. Gusto niyang sabihin sa kaibigan ang mga katagang binitawan ng doktor noong nasa klinika siya ngunit wala siyang sapat na lakas ng loob upang umamin. Mas pinangungunahan kasi siya ng kaba at hiya.
“Hala! Paano kung siya nga? Hehehe!” kinikilig na sambit nito. Impit na naman itong tumili at parang isang pinirito na nangingisay dahil sa kilig at tuwa.
“Ano ka ba! Para kang bulate na nilagyan ng asin. Umayos ka at nakakahiya,” saway niya sa kaibigan.
“Sus! Kung ganoon naman kaguwapo ang manliligaw ko, hinding-hindi ako tutubuan ng hiya sa katawan. Bahala silang lahat na mainggit sa akin,” malandi nitong sabi.
Napangiwi si Kara. “Iyon nga lang, hindi siya nanliligaw sa ’yo. Hindi ka nga niya tinapunan ng isang sulyap man lang,” pang-iinis niya pa sa kaibigan.
Bigla itong sumimangot sa kanya. “Edi, ikaw na ang maganda. Matapilok ka sana mamaya.”
Kaagad na kumatok si Kara sa mesa upang hindi magkatotoo ang sinabi ng kaibigan. “Buwisit ka talagang kaibigan!” tumatawa nitang sambit. Tumayo na siya. Tapos na niyang kainin ang bigay ng doktor at ubos na rin ang juice. Hindi niya napigilan ang mapangiti ngunit mabilis niyang naitago ang reaksyon mula sa mapang-asar na kaibigan.
Pabalik na sila sa kanilang silid aralan ay nakangisi pa rin sa kanya ang dalaga. “Camilla, tigilan mo iyang kakangiti mo sa akin. Bibigwasan talaga kita,” banta niyang wika sa dalaga.
Tumango lang ito ngunit naroon pa rin ang nanunukso nitong mga tingin. “Sana lahat ay may doktor ano,” pang-iinis nito.
Inambaan niya ito ng suntok. “Tumigil ka.”
“Hahaha! Pasensya ka na. Hindi ko mapigilang kiligin. Naiinis nga ako, eh. Dapat ay mainggit ako sa ’yo kaso, kinikilig ako.”
“Ewan ko sa ’yo,” ani Kara.
Sabay silang pumasok sa silid aralan at maging ang kanilang mga kaklase ay nanunukso ang tingin sa kanya. Pilit na ngumiti si Kara kahit na ang totoo ay gusto na niyang lamunin siya ng lupa dahil sa sobrang hiya. Pakiramdam niya ay hindi siya tatantanan ng kaibigang si Camilla. Kaagad siya naupo at hinintay ang kanilang sunod na klase hanggang sa matapos. Kaagad niyang binitbit ang kanyang mga gamit. Dahil may bisikleta siya ay hinintay na muna niya ang kasamang si Camilla.
Sabay silang naglakad pauwi at nang maghiwalay ay saka pa lang sumakay sa bike si Kara. Naabutan niyang nagsisibak ng kahoy ang binatang si Dylan. Nang makita siya nito ay huminto ito sa ginagawa at pinanood siya nitong bumaba sa bisikleta.
“Salamat,” tipid niyang usal habang nakayuko. Bigla kasing bumalik sa kanyang isipan ang mga larawan na nakita kaninang umaga. Hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha. Maging ang binata ay balisa rin at hindi mapakali.
“Walang anuman, ” seryoso nitong sagot.