Chapter 9

3134 Words
Chapter 9 Bumungad kaagad sa mukha ni Kara ang nakakalokong ngisi ng kaibigang si Camilla. “Kamusta naman ang tulog ng natatanging babae na binigyan ng pansin ni Doc Vlaire?” nanunukso nitong tanong sa kanya. Napailing na lamang ang dalagang si Kara. “Tigilan mo na ako sa katutukso mo sa akin, Camilla. Wala lang siyang ibang mapagbigyan kaya sa akin niya iyon binigay,” katwiran niya ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay umasa siya na sana sa kanya nga iyon at hindi siya ginawang panakip-butas ng doktor. “Hmp! Ayan ka na naman!” angil nitong singhal. “Pero, sabihin mo sa akin ang totoo. Kinilig ka, no?” nakangisi nitong tanong. Nakangiwi siyang umiling. “Hi-Hindi naman,” utal niyang sagot. “Hmp!” pigil niya sa kamay ng dalaga. “Tigilan mo ako sa kasusundot mo, masakit 'yan,” angil niya pa. “Wushoo! Kadramahan mo, Kara. Baka mamaya pasekreto na kayong nagkikita ni Doc Vlaire mo,” nakangiti nitong tukso. Pinandilatan niya ang kaibigan. “Anong mo? Huwag mo akong ginaganyan. Nagkamali ka lang ng akala at hula,” angil na usal ni Kara. Tinaasan siya nito ng kilay. Hindi pa rin nawawala sa mukha ng kaibigan ang nakakainis nitong ngiti. Gusto niyang tusukin ang mga mata nito at alisin ang nakakainis nitong ngiti sa labi. “Weh? Paano kung tama nga si Lyneth? Edi, may lovelife ka na niyan. Sana lahat!” nagdadrama na naman nitong sambit. “Umayos ka nga! May papikit-pikit ka pang nalalaman diyan. Tusukin ko 'yang mata mo,” naiirita niyang sabi. Gusto lang niyang tumigil na ito at baka tuluyan na siyang umasanna gusto nga siya ng doktor. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nito nasabi na gusto siya nito. Paano? Unang kita pa lang nila, na-starstruck na ito kaagad sa kanya? Imposible! “Oh, humahaba ang nguso mo,” komento nito sa kanya. Kaagad naman siyang napaayos ng kanyang mukha. Bumuntong hininga siya. Binabagabag siya ng mga isipin na hindi niya masabi sa kaibigan. “May iniisip lang ako. Bka mamaya kung ano-ano na naman ang sasabihin mo sa akin,” nakangiwi niyang komento. Natawa ito sa kanya. “Malay ko naman sa iniisip mo. Baka mamaya si Doc Vlaire na 'yan, ha? Hindi mo lang sinasabi,” pakindat pa nitong sabi. Napailing na lamang si Kara dahil sa kakulitan ng kanyang kaibigan. Natahimik lamang ito nang dumating ang kanilang guro. Binati nila ito ay sabay-sabay na nakinig. “Magandang umaga sa inyong lahat. Ibibigay ko lang detalye ng gagawin nating field trip. Mangyayari ito sa sabado. Dahil wala naman kayong mga pasok sa araw na iyan, ang iba naman ay puro community service lang ang gagawin. Napag-usapan namin ng ibang mga guro na i-excuse kayo sa klase.” Umugong ang bulungan sa klase ngunit tahimik lang si Kara. Wala sa field trip ang kanyang isip kundi sa doktor na nagpagulo ng kanyang isipan. Habang nagsisimula ang klase ay panay ang paghikab ni Kara. Hindi rin siya mapakali. May kung ano sa kanyang tiyan na hindi niya mapangalanan. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili at kung bakit siya bigla na lang kinakabahan. “Hay, naku! Kung ano-ano na naman kasi ang pumapasok sa isip ko,” bulong niya sa sarili. Umayos siya ng upo at bumuntong hininga. “Ayos ka lang ba?” nag-aalala na tanong sa kanya ng kaibigang si Camilla. Wala na ang panunukso sa mukha ng dalaga. Umiling si Kara. “Kinakabahan ako,” seryoso at sensiro na sagot ni Kara. “Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ganito. Hindi kaya ay nangyari kay Tatay?” balisa niyang tanong. Hindi na rin siya mapakali. “Hoy! Huwag ka namang mag-isip ng ganiyan. Sigurado ako na nasa maayos na kalagayan ang Tatay mo, Kara. Huwag mo ng isipin ’yon,” pang-aalo nito sa kanya. Umiling si Kara. “Hindi naman. Sadyang hindi ko lang mapigilang mag-isip ng hindi kaaya-aya. Alam mo na, delikado ang trabahong ginagawa ni Tatay,” pabulong niyang sagot dahil ayaw niyang may makaalam sa trabaho ng kanyang ama. Sekreto lamang ang organisasyon at piling tao lamang ang may ideya kung ano ang Union. “Oh, siya. Tapos na ang klase. Magmeryenda muna tayo para naman mahimasmasan ang isip at kaluluwa mo,” alok ng kaibigan sa kanya. Kaagad siyang napangiwi. “Kaluluwa talaga? Hindi ko kailangan ng cleansing, ano ka ba! Kalokohan mo, uy,” angil ni Kara. Natawa naman ang dalaga at saka tumayo. Hinatak siya nito patayo dahilan upang mapasubsob siya sa mesa. “Aray ko naman!” pasinghal niyang reklamo. Hindi kasi niya inaasahan ang gagawin nito. Mabilis naman itong humingi ng tawad sa kanya. Inalalayan siya nito. “Sorry naman. Hindi ko sinasadya. Palibhasa, ang lampa mo masyado. Hahay!” reklamo pa nito. Sumunod siya ritong maglakad palabas ng kanilang silid aralan. Napanguso si Kara. “Alam mo na nga na mahina ang mga tuhod ko, hinahatak mo pa ako,” nakangiwi niyang sabi. Lalo lang humaba ang nguso ni Kara. Napasubsob siya sa likuran ng kaibigan nang bigla itong huminto sa paglakad. Nagugulat niya itong tiningnan. “Camilla naman! Basta have ka na lang humihinto. Mabuti na lang at dahan-dahan lang ang paglakad ko,” nakanguso niya pang sabi. Hindi pa rin ito natinag kaya siniko na ito ni Kara. “Hoy! Ayos ka lang ba?” nagtataka niyang tanong dito. Bigla siya nitong pinisil sa mukha dahilan upang mapairit siya dahil sa sakit. “Kyaah!” impit pa nitong tili habang mahigpit ang pagkakapisil sa kanyang pisngi. Ramdam ni Kara na namumula na ito kaya naman tinampal niya kaagad ang kamay ng kaibigan. “Ano ba!” inis niyang singhal sa kasama. Hindi siya nito pinansin at nakapokus lamang ang buong atensyon nito sa unahan. Nagtataka na binalingan ni Kara ang tinitingnan ng kaibigan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. Nalaglag sa sahig ang kanyang panga dahil sa gulat at pagtataka. Nilingon siya ni Camilla. Hinawakan siya nito sa mga balikat at niyugyog siya ng dalaga. “Diyos ko po! Mahabaging langit! Hinihintay ka niya, Kara!” impit na tili ng kanyang kaibigan. Halos mangisay ito sa sobrang kilig na naramdaman samantalang hindi naman ito sigurado sa sinasabi. Bumuntong hininga si Kara at sinaway ang dalaga. “Tumigil ka, Camilla. Umayos ka ata nakakahiya sa mga nakakakita sa iyo. Hinaan mo rin ang boses mo. Assuming ka masyado,” paangil niyang wika. Sinimangutan siya nito. Nagsimula siyang naglakad at iniwan niyang nakanganga ang kaibigan. Tinitigan niya nang mabuti ang lalaking nakatayo sa harap ng canteen. Nakapamulsa ito at ang isang kamay ng lalaki ay may hawak na bungkos ng bulaklak. Guwapong-guwapo ito sa suot na puting v-neck shirt at maong na pantalon. May nakapatong sa mga bikat nito na itim na bomber jacket. Biglang nakaramdam ng kaunting inggit sa puso si Kara. Naisip niya na ang suwerte ng babaeng hinihintay nito. Hindi siya nagpatinag at diretso lang siyang naglakad. Napalunok siya nang bumaling ito sa gawi niya at sinalubong ng lalaki ang kanyang mga tingin. Nang makita siya nito ay biglang nagliwanag ang mukha ng lalaki. Napahinto sa paglalakad si Kara nang magsimula itong humakbang palapit sa kanya. Bigla siyang napako sa kanyang kinatatayuan at pakiramdam niya ay biglang huminto sa pag-inog ang mundo. Pakiwari ni Kara ay bumagal ang pag-takbo ng oras, ang paggalaw ng mga nakapaligid sa kanya, at ang pag-ikot ng mundo. Lalo siyang hindi makagalaw ng ngumiti ito sa kanya. “Doc Vlaire,” banggit niya sa pangalan nito nang tuluyan itong makalapit sa kanya. “Hi,” kaswal nitong bati na lara bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kanyang kaibigan ngunit hindi niya binigyan ng pansin ang dalaga. Nakapokus lamang ang kanyang atensyon sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Nag-angat ito ng kamya at inilahad nito ang bulaklak sa kanyang harapan. “These are for you,” pagbibigay-alam nito sa kanya. May hawak pa itong maliit na plastic bag na may laman na mga chocolate. Halos hindi makahinga sa sobrang kaba si Kara. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nanatiling nakatayo si Kara at hindi niya alam kung paano magre-react. Wala sa sarili niyang tinanggap ang bigay ni Doc Vlaire. “Bakit?” tulala niyang tanong. Sinulyapan ni Kara ang maganda at mabango na bulaklak. Nagkibit balikat ito sa bago sumagot. “Because I like you,” kaswal nitong sagot. Halos lahat ng nakarinig ay nagtitilian at lihim na nagtatalon dahil sa kilig. Maging ang kaibigan ni Kara ay nangingisay na habang nakatingin sa kanilang dalawa ng lalaki. “Pe-Pero,” utal niyang sabi. Wala siyang ideya kung ano ang isasagot. “Don’t. I don't need your answer. I just want to let you know that I like you,” usal nito. Tumango si Kara. “Salamat dito,” wala sa sarili niyang wika. “I’ll come back tomorrow,” anunsyo nito. Nangunot ang noo ni Kara. “Huh? Bakit?” gulantang niyang tanong. “To give you gifts,” kaswal nitong sagot. Mas lalo siyang hindi nakapagsalita. Yumuko ito at binigyan siya ng mabilis na halik sa noo dahilan upang mas lalo siyang hindi makagalaw. Nanginig ang kanyang katawan at nanghina ang kanyang mga tuhod. Ngumiti ang binatang si Vlaire kay Kara bago ito naglakad palayo. Kung hindi pa siya sinunggaban ng kaibigang si Camilla ay hindi mapapansin ni Kara na ilang minuto na pala niyang pinigilan ang kanyang paghinga. Humahangos siyang naghabol ng kanyang hininga at binalingan ang kaibigan na parang bulate sa sobrang likot. “Grabe! Kara! Ang tigas ng mukha mo, s**t!” parang tang nitong singhal sa mukha niya. Kaagad siyang lumayo sa dalaga. “Laway mo, tumatalsik sa mukha ko,” reklamo niya sa kaibigan ngunit wala itong pakialam. “s**t! Ang galing mo, Kara.” Hinatak siya ng kaibigan papasok sa canteen at padarag na pinaupo sa upuan sa dati nilang puwesto. Halos mahulog pa siya dahil nawalan siya ng lakas. Hindi masyadong na proseso ng kanyang isipan ang mga nangyari. “Pakshit! Paano mo nagawang magustuhan ng isang de’Brava? Huh? Paano? Ginayuma mo ba siya?” hindi mapakali nitong tanong. Sinimangutan ni Kara ang kaibigan. “Hoy, hindi no? Ano ba ang tingin mo sa akin, mangkukulam? Kainis ’to,” nagtatampo niyang saad. “Palibhasa, walang boypren,” pang-iinis niya sa kaibigan. “Uy, foul ’yon!” mabilis nitong angil. “Hmp!” Inambaan niya ng suntok ang kaibigan ngunit kaagad naman itong nakailag. “Ito naman. Sus! Ang suwerte mo. Sabi ko na nga ba, may gusto siya sa ’yo. Kapag wala ka ay nagpupunta siya sa Ella's Diner at kausap niya si Madam. Palagi kang bukambibig ng doktor na ’yon,” kuwento pa ng dalaga. Hindi makapaniwala si Kara sa kanyang narinig. “Paano mo naman nasabi ang mga 'yan? Nandoon ka ba?” hindi naniniwala na tanong ni Kara. Pinandilatan siya nito. “Aba, siyempre! Palihim akong nakikinig, hehe!” “Ayan! Diyan ka kasi magaling. Sa pagma-marites,” kantiyaw ni Kara sa kaibigan. Hindi pa man sila nakakabili ng pagkain ay may tumawag na kay Kara. May naghahanap daw sa kanya na lalaki at naghihintay ito sa labas ng gate kasama ang mga guwardiya. Nagtaka naman siya dahil wala naman siyang inaasahan na bibisita sa kanya. “Samahan na kita,” rinig niyang presinta ng kaibigan. Aligaga siyang tumango. Binitbit niya ang bulaklak habang naglalakad siya palabas ng canteen. Nasa guardhouse raw ang lalaki. “Sino kaya? Wala ka naman sigurong ibang manliligaw ano?” tanong sa kanya ni Camilla. Tumango si Kara. “Wala nga, eh. Kaya nagtataka ako. Sino naman kaya ang nagpatawag sa akin? Wala akong maisip kundi si Tatay,” usal ni Kara. “Hmm. Baka, si Doc Vlaire ulit?” umaasa nitong tanong. Napailing si Kara. “Hindi. Hindi siya,” sigurado niyang sagot. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang guardhouse ngunit wala siyang napansin. Papalapit na sila nang maaninag niya ang likod ng lalaki. Nakikipagkuwentuhan ito sa mga guwardiya. Narinig ni Kara ang matamis nitong tawa dahilan upang pamulahan siya ng mukha. Pumasok sa kanyang isipan ang walang saplot na si Dylan nang bumaba ang kanyang paningin sa puwitan ng binata. “Dylan,” tawag niya sa pangalan ng binata. Kaagad itong lumingon sa kanya. Nasa likuran niya lang ang kaibigan si Camilla at mukhang wala itong balak na lumapit. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito nang makita ang kanyang hawak. “Ano ’yan?” bigla ay iritable nitong tanong sa kanya. Nagulat si Kara. Kanina lang ay nakikipagtawanan ito tapos ngayon na nakita siya nito ay bigla itong nagalit sa hindi niya malamang dahilan. Aligaga na iniangat ni Kara ang bulaklak. “Bulaklak. Bakit?” kaswal niyang sagot ngunit nagtataka pa rin siya sa reaksyon ng binata. Lalong nandilim ang paningin nito. “Kanino galing?” usisa pa ng binata. Nagkibit balikat si Kara. “Ah, hindi ito pa-para sa akin. Ako lang ang humawak. Kay Camilla ’to,” pagsisinungaling niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa binata at nilingon niya ang kaibigan na nandidilat sa kanya. Parang tinatanong ng mga mata nito kung ano ang kanyang ginagawa. Tumango ang binata ngunit naroon pa rin ang inis sa mga mata nito. Narinig niya itong bumuntonghininga. Kaagad itong naglabas ng isang paper bag. Iniabot nito iyon sa kanya. Nagtataka naman itong tinanggap ni Kara. “Ano ’to?” tanong niya. “Baon mo,” inis pa rin na sagot sa kanya ng binata. “Pinabibigay ng tatay mo,” dagdag pa nitong wika. Tumango-tango si Kara. “Ah, galing pala ito kay Tatay Antonio. Pakisabi salamat,” kaswal niyang utos sa binata bago niya ito binigyan ng matamis na ngiti. Sumimangot lang ito sa kanya. “Aalis na ako,” paalam nito sa kanya. “Sige. Ingat ka.” Nagmartsa ito paalis. Kitang-kita sa mukha ng binata na hindi ito natuwa sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Kara ay may ginawa siyang hindi maganda. Nagtataka niyang tinanong ang kanyang sarili. “Ano na naman ang nagawa ko? Bakit bigla siyang nagalit sa akin?” hindi makapaniwala niyang tanong sa kanyang sarili. Maging ang dalaga na si Camilla ay nagtaka rin sa inasta ng binata. Nakanganga itong lumapit sa kanya. “Bakit parang galit siya? May nangyari na? Nag-away ba kayo?” nagtataka nitong tanong sa kanya. Mabilis na umiling si Kara. “Hindi nga, eh. Nagtaka nga ako. Hindi naman ganoon si Dylan. Ngayon lang yata siya naging iritable ang pakikitungo sa akin. Hindi ko siya maintindihan,” mahabang paliwanag ni Kara. “Hmm. Isa lang ang pumasok sa isip ko,” nanghuhula nitong sabi. Nilingon ni Kara ang kaibigan. “Hahay! Ayan ka na naman sa pahula-hula mo,” ismid niyang sabi. “Oh, share mo na,” hamon niya pa sa dalaga. Nagsimula silang naglakad pabalik sa kanilang silid aralan. Tahimik ang dalagang si Camilla at mukhang abala ito sa pag-iisip. Kalaunan au kinalabit siya ng kaibigan. “Ano na naman?” “Hay, naku! Alam ko na. May naisip akong magandang rason kung bakit nagkaganoon si Dylan,” mayabang nitong sabi. “Huh? Ano naman ’yan?” hindi makapaghintay na tanong ni Kara. “Selos. Nagseselos siya,” matapang na sagot ng dalaga sa kanya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. “Paano naman nasabi?” hindi makapaniwala niyang tanong sa kaibigan. “Imposible iyang sinasabi mo. Bakit naman siya magseselos?” naguguluhan niyang tanong. Pinitik nito ang kanyang noo. “Alam mo, Kara. Sobrang ganda mo sana. Kaso, masyado kang slow at clumsy pa,” nakangiwi na komento ng kaibigan. “Kaya nagseselos ang isang tao ay dahil may nararamdaman sila. Malay natin may gusto pala sa iyo si Dylan.” “Huh? Pinagsasabi mo, uy! Pagod lang ’yon," ani Kara. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng kaibigan dahil hindi naman talaga ito totoo. Imposible na may nararamdaman sa kanya si Dylan dahil magkaibigan lamang silang dalawa. “No way!” dagdag pa niyang singhal dahil hindi maatim ng kanyang isipan na may gusto sa kanya ang binata. Hindi niya ito matatanggap kung sakali man na totoo ang pinagpuputak ni Camilla. “Hmm. Bahala ka. Kung ayaw mong maniwala sa akin, edi, huwag. Hindi naman ako kawalan. Sino ba naman ako para paniwalaan mo,” pangongonsensya pa nitong sabi. Napahagalpak ng tawa si Kara. “Ayan ka na naman sa patampo-tampo mo. Para kang bata,” natatawa na usal ni Kara. “Tse! Naiinis ako sa iyo. Napakamanhid mo kasing kaibigan,” angil pa ng dalaga. Pagkabalik nila sa kanilang silid ay nagpahinga si Kara. Binuksan niya ang paperbag na bigay sa kanya ni Dylan at luro pagkain ang laman nito. Alam niyang hindi nagluluto ang kanyang ama kaya naman hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ng kaibigan na sk Camilla. “Bakit naman magkakagusto sa akin si Dylan?” pabulong niyang tanong sa kanyang isipan. “Ano naman ang nagustuhan niya sa akin?” nakangiwi pa noyang tanong sa kanyang sarili. Napabuntong hininga na lamang si Kara. Bumili muna ng pagkain ang dalagang si Camilla at hindi na sumama si Kara. Alam niya rin na kumakalat na ngayon ang balita na may nagbigay sa kanya ng bulaklak. Kaagad siyang napangiwi. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginugulo siya ng doktor na iyon. Hindi naman sa ayaw niya sa lalaki, masyado itong mayaman para sa kanya. Magkalayo ang agwat ng kanilang pamilya. Mayaman ang lalaki samantalang siya ay namumuhay lang nang marangal at tahimik. Wala sa sarili niyang tinitigan ang bulaklak. Napakaganda nitong tingnan. Hindi niya namalayan na kanina pa pala may nakatitig sa kanya. “Wushoo! Na-inlove ka na kaagad?” nanunukso na tanong sa kanya ni Camilla. Kaagad na napabalik sa huwisyo si Kara. Aligaga niyang binalingan ang kaibigan. “Hindi, no! Tumigil ka nga,” reklamo niya. “Kumain na muna tayo at nagugutom na ako,” anunsyo niya. Kaagad naman na sumunod ang dalaga. Tahimik silang kumain ng tanghalian. Hindi muna sila papasok sa kanilang trabaho dahil buong araw silang may klase. Pagkatapos nilang kumain ay sabay silang nag-retouch ng kani-kanilang makeup. “Hays! Naiinggit na tuloy ako sa iyo, Kara,” bigla ay usal ni Camilla. “May Doc Vlaire kana, may Dylan ka pa. Sana all pinag-aagawan,” nakangiti pa nitong komento. Binatukan ito ni Kara. “Pinagsasabi mo. Baka mamaya ay may makarinig pa sa iyo at masabihan pa akong masama ang budhi, pukpok, at kung ano-ano pa. Alam mo naman na maraming inggitera,” mahabang paliwanag ni Kara. Kaagad naman na tumigil sa katutukso si Camilla. Tumahimik ang dalaga kaya naman ay nagseryoso na ulit si Kara. Kahit nagsimula na ang kanilang pang-hapon na klase ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD