Chapter 34 “Ano ba ang ginagawa mo roon?” nagtatakang tanong sa kanya ni Dylan pagkatapos niyang bumaba sa motor nito. Tulala siyang tumingin sa binata. Umiling si Kara. “M-May kinausap lang ako,” sagot niya. “Huh? Sino?” usisa ulit ng binata. Inaya siya nitong pumasok sa loob ng bahay. “Akala ko ba ay nasa bakasyon ka? Iyon ang sabi sa akin ni Mang Antonio,” kuwento sa kanya ng binata. Umiling ulit si Kara. “Hindi 'yan totoo.” Nanginginig siyang naupo sa maliiit nitong sofa. “Pinasama ako ni Tatay kay Vlaire. Hindi ba niya sinabi sa 'yo kung bakit?” umaasa niyang tanong sa binata. Kunot-noo itong umiling. “Nagsinungaling nga siya, eh. Hindi na kita hinanap kasi ang sabi niya ay nagbakasyon ka,” naguguluhan din nitong sagot. “Dylan, n-nakapaslang daw si Tatay. Mga magulang ni Blac

