Chapter 33 Sa mga sumunod na araw ay kasa-kasama ni Kara si Vlaire. Halos hindi siya nito iniiwan. Bantay sarado siya ng binata. Kahit sa pag-ihi ay sinasamahan siya nito. Sa labas naman ito ng comfort room naghihintay. “Hay, nabuburyo ako. Puwede ba akong lumabas?” naglalambing niyang tanong sa binata. Taas-kilay itong nakatingin sa kanya. Humalukipkip si Kara. “You can. Of course, I’ll go with you.” Ibinaba nito ang ginagawa. Kaagad na umiling si Kara. “Huwag na!” Sumimangot pa siya. “Matutulog na lang ako,” nagtatampo niyang usal. Tumayo siya at nagdadabog na pumasok sa kuwarto ng binata. Pabalya niyang isinara ang pinto. Isa lang ang nasa isip ni Kara. Ang makausap si Black. Ngunit hindi niya alam kung saan siya dadaan kung sakali man na tatakasan niya si Vlaire. Hindi naman it

