Chapter 32 Hindi nakatulog si Kara pagkatapos nilang maghiwalay ni Vlaire. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mainit na halik na kanilang pinagsaluhan. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakipag-usap ang kanyang ama sa binata. Pakiramdam niya tuloy ay umaayon na ito sa kanilang relasyon. Kinaumagahan ay ngarag siyang bumangon. Naghanda na siya at sa kanyang paglabas ay tulog pa ang kanyang ama. Siya na ang nag-asikaso ng kanyang almusal. Aalis na sana siya nang bigla siyang sinalubong ni Dylan. Nagsusuntukan ang mga kilay nito at mukhang hindi ito natutuwa sa kanya. “Bakit ang aga mo namang nakasimangot diyan?” nagtataka niyang tanong sa binata. “Ano ba ang kailangan ni Vlaire sa iyo kagabi?” pagalit nitong tanong sa kanya imbis na sumagot ito sa kanyang tanong. Napangiwi si Kara.

