Chapter 3

1087 Words
Chapter 3: “Good morning,” nakangiting bati ni Kara sa kaibigang si Camilla. Naghihintay ito sa kanya sa labas ng gate ng kanilang paaralan. Binati niya ito ngunit kaagad napalis ang kanyang ngiti nang mataman itong nakatitig sa kanya. “Ano ang nangyari sa pisngi mo?” nagtatakang tanong nito. Hinawakan ng kaibigan niya at tiningnan nang mabuti. “Huwag mo sabihing may nakaaway ka?” nanghuhusgang tanong nito. Mariin siyang umiling. “Na-hold up ako kahapon,” panimula niya. Kaagad na nanlaki ang mga mata ng kaibigan. Alam niyang ang tainga nito ay naging kagaya ng rabbit dahil sa sinabi niya. “Ano?” nagugulat pa nitong tanong sa kanya. Kinurot siya nito at napaaray naman siya. “M-Masakit,” nagrereklamong usal niya habang hinawakan ang kinurot ng kaibigan. “Ang tanga mo talaga!” singhal nito. “Sinabi ko na sa iyong magpahatid ka kay Jake!” sermon nito. Ngumuso lang siya. “Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ‘yon,” sagot niya. “Kahit na! Tingnan mo ang nangyari sa ‘yo!” singhal ng kaibigan. “Alam mo bang may nakita silang taong naka-itim kahapon,” usal nito sa mahinang boses. “May gumagala raw na bampira kaya mag-ingat ka, Kara,” paalala pa nito. Natigilan siya sa narinig. Naka-itim rin kasi ang lumapit sa kanya kahapon ngunit hindi naman niya nakita ang mukha nito. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit umalis sa hapag ang kanyang ama? Umiling siya upang kontrahin ang sariling naisip. “H-Hindi ko alam,” nauutal na sagot niya. “Oo kasi wala kang pakialam!” pambabara nitong singhal sa kanya. “Kahit nga ilang beses kang pagsabihan ay hindi ka nakikinig,” inis nitong usal bago naglakad papasok dahil malapit na ang oras ng kanilang klase. Hindi na niya sinabi sa kaibigan ang iba pang detalye nang nangyari kahapon. Baka mas lalo lang itong dumikit sa kanya. “Grabe! Ang galing mo talagang mag-bake, Kara!” namamanghang papuri ng kanyang kaibigan. “Samantalang ‘yong sa ‘kin ay hindi perpekto,” nalulungkot nitong usal habang pinagmamasdan ang sariling gawa. Tumawa si Kara upang pagaanin ang loob ng kaibigan. “Magagawa mo rin iyang nang tama, Camilla. Pagbutihin mo lang ang pagsagap ng chismis,” pang-iinis niya rito kaya naman ay binatukan siya nito. Malakas siyang tumawa dahil tapos na siya. Mahilig lang talaga siyang mang-inis sa kaibigan. “Letse ka talagang kaibigan!” singhal nito sa kanya habang tumatawa. Tinapos na nila ang ginagawa at sabay silang kumain nang iniluto nilang brownies. Masarap ang gawa niya habang sa kaibigan ay medyo mapait kasi nasunog. Pinagtatawanan niya lang ito kaya naman hindi siya nito tinigilan. Papauwi na sila at nagbabangayan pa sila nang biglang may pumaharurot na motor. Halos manlaki ang kanyang mga mata nang papunta iyon sa kanya. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan dahil sa sobrang takot. Malakas na sigawan nang mga nakakita ngunit napako sa kanyang kinatatayuan ang kanyang katawan. Sigaw nang sigaw ang kaibigan niya at dahil wala na siyang magawa ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at handa nang masagasaan. Naramdaman na lamang niya ang magagaang kamay na bumuhat sa kanya at pakiramdam niya idinuyan siya. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakatingala siya sa lalaking nakasuot ng itim na jacket. Hindi siya makagalaw nang marahan siya nitong ibinaba at bago pa man ito mawala sa kanyang paningin ay napansin niya pa ang mga mata nito. Pula. Hindi siya nakapagsalita nang lapitan siya ng kaibigan. “Ayos ka lang? Bakit hindi ka man lang tumakbo?” nahihintakutang tanong nito sa kanya habang nagkakagulo ang lahat dahil sa nabanggang motor. Hindi na niya tiningnan kung ano ang nangyari. Mabilis siyang tumayo at naglakad. “Hoy!” tawag sa kanya ng kaibigan ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig. She was stunned for a moment. Pula ang mga mata ng lalaking tumulong sa kanya. Ibang-iba ang suot nito sa lalaking tumulong sa kanya kahapon ngunit ramdam niyang isang tao lang iyon. Tao nga ba iyon Naguluhan siya. “Kara!” malakas na tawag sa kanya ni Camilla kaya nan kaagad siyang napabalik sa huwisyo. “H-Huh?” utal niyang tanong rito. “A-Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala,” aniya habang kinakalma ang sarili. Nanginginig siya dahil ngayon lang niya naintindihan ang nangyari. Muntikan na siyang mabangga ng motor. “Grabe! Kahapon na hold-up ka ngayon naman muntik ka nang mabangga! Diyos ko!” namamanghang singhal ng kaibigan. “May nunal ka ba sa puwit at palagi ka na lang namemeligro?” naiinis nitong tanong sa kanya. “Ayos lang ako, Camilla. Salamat,” wala sa sariling usal niya. “Talaga? Hoy! Grabe ‘yong kaba ko! Ano ba naman ‘to!” hindi makapaniwalang singhal nito. “Ayos lang talaga ako, Cam,” pagpipilit niya rito. Kinakabahan din naman siya kaya naman kinalma niya ang sarili. Sino ba naman ang hindi matatakot sa nangyari. Baka nga ikasawi niya pa ang aksidente kanina. “Uuwi na ako,” aniya sa kaibigan. “Ihahatid kita,” anito. Umiling siya. “Huwag na. Hihintayin ako si Dylan sa eskinita,” paliwanag niya rito. “Sigurado ‘yan?” hindi naniniwalang tanong nito. Tumango siya. “Hmmm. Sinabi ko na kahapon na sunduin ako,” aniya upang mapanatag ang loob ng kasama. Nakahinga ito nang maluwag. “Sige. Text mo ako kapag nakauwi ka na,” anito bago tumalikod. Pinanood niya itong maglakad habang siya naman ay hinarap na ang daang tatahakin niyang mag-isa. Hindi pa rin nawawala sa kangang isip ang mga mata bumihag sa kanya. Hindi siya nakaramdam nabg takot bagkus ay kapayapaan ang nakita niya sa mga matang iyon. Umiling-iling siya dahil mukhang hahanap-hanapin niya ang taong iyon. Malakas siyang bumuntonghininga. Ilang metro lang at tanaw na niya ang kanilang maliit na tahanan. Malayo pa lang ay nararamdaman na niya ang presensyang sumusunod sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at magpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makauwi. Pagbukas niya ng pinto ay si Dylan ang bumungad sa kanya. “Nasaan si Tatay?” tanong niya rito habang hinuhubad ang kanyang sapatos. “Umalis,” tipid nitong sagot. “Nagluto na ako ng hapunan at ang sabi niya ay gagabihin siya,” dagdag ng binata. Tumango lang siya dahil napagod siya. Kaagad siyang umupo at hinilot ang kanyang mga paa. Sumasakit iyon. Sumilip siya sa labas ng binata. She caught a glimpse of a black cloak before it disappeared in the woods. Napangiti siya. Alam niyang iyon ang kanyang tagapagligtas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD