Chapter 2

1120 Words
Chapter 2: “Huwag ninyo po akong saktan,” nanginginig na pagmamakaawa ni Kara habang inilalahad ang nakuha niyang suweldo kanina sa trabaho. Halos magkandahulog ang mga pera niya. Mas marami kasi ang barya kaysa sa papel. “Ibigay mo lahat!” galit na singhal ng lalaki kaya naman napapatango siya. Ayaw niyang masaktan. Kailangan niya pang mabuhay. Mas importante ang buhay niya kaysa sa pera. Mababalik iyon sa kanya kung magpupursige siya. Hinablot ng lalaki ang kanyang bag. Naroon ang kanyang lumang cellphone na binili pa ng kanyang ina baho ito pumanaw. Regalo iyon sa kanyang kaarawan kay importante iyon sa kanya. “H-Huwag ninyong kunin ‘yan! Regalo ‘yan sa akin ni Mama!” nagmamakaawa niyang sambit. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi. Halos matumba siya dahil sa sobrang lakas niyon. Nabingi siya. Mukhang naalog ang kanyang utak. Hinawakan niya ang kanyang ulo dahil bigla siyang nakaramdam nang pag!kahilo. Kalat na sa lupa ang kanyang mga gamit. Ang lumang litrato ng kanyang ina ay inapak-apakan ng lalaki bago ito umalis. Gusto lang naman niyang mabuhay ngunit ito ang ganti sa kanyang ng tadhana. Napaiyak na lang siya dahil sa sakit na naramdaman. Tumingala siya sa langit nang maramdaman ang marahang pagpatak ng ulan. “Hindi ko inaasahan ito ang mangyayari,” bulong niya sa sarili. Mas lalo lang siyang napaiyak. Ilang beses na ba siyang nasasabihan ng mga kasamahan na ang clumsy niya, takaw-gulo. Ang sabi pa ng kaibigan niyang si Camilla, isang siyang accident-prone person. “Tsk! Oo na! Tanggap ko naman, eh!” nakangusong singhal niya. Basang-basa na siya at ang kanyang gamit ay wala na, sira na ang lahat. Napaiyak na naman suya sahil sa hapding naramdaman sa kanyang pisngi. Sigurado siyang namumula iyon at magtataka na naman ang kanyang ama pagkauwi niya. Sumimangot siya habang pinupulot ang nga gamit. Inayos niya ang nabasang litrato ng kanyang ina at mabilis na naglakad pauwi ngunit halos malunok niya ang kanyang dila nang sa hindi kalayuan ay may naaninag siyang naglalakad. Sa sobrang lakas ng ulan ay nahihirapan siyang ibuka ang mga mata. Pumikit siya at pagdilat niya ay nasa harap na niya ito. Nakatayo at nakapamulsa. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot na mainit na cloak. Hooded iyon kaya hindi niya makita ang hitsura nito. Hindi siya nakapagsalita. Nakanganga lang siya ngunit pinilit niya ang sariling maibuka ang nanginginig na labi. “W-Wala na po akong pera,” umiiyak na aniya. “Wala po akong maibibigay sa inyo,” kumikibot-kibot ang labing usal ni Kara. Hindi ito nagsalita bagkus ay may inilahad ito sa kanya. Ang kanyang cellphone at wallet. Napanganga siya. Kaagad niya itong kinuha at tiningnan nang mabuti. Ibinalik niya ang paningin sa nakatayong pigura sa harap niya ngunit wala na ito roon. Nagtataka siyang nagpalinga-linga. Wala siyang kasama. Dumaan ang kilabot sa kanyang katawan. Kaagad siyang naglakad pauwi. Mas mabilis at kahit nahirapan dahil sa lakas ng ulan ay nakauwi naman siya kaagad. Nagtatakang mukha ng kanyang ama ang bumuhgad sa kanya. “Kara!” nagugulat nitong tawag sa kanya. “Ano ang nangyari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Nabasa po,” nakangusong sagot niya sa ama. Kaagad siya nitong inabutan ng tuwalya at kaagad naman siyang pumunta sa kanilang banyo at nagbanlaw. Nanginginig siya dahil ginaw. Ang kanyang mga daliri ay kulubot na rin. Naalala niya ang taong tumulong sa kanya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat. “Thank you,” aniya sa kawalan. Nagbabakasaling nasa paligid lang ito. Napangiti siya. Hindi niya maintindihang sa kabila ng nangyari sa kanya ay nakuha niya pang ngumiti. Pakiramdam niya kasi ay safe siya sa piling taong iyon at hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang ganoong pakiramdam. Kaagad siyang nagbihis pagkatapos. “’Tay,” tawag niya sa sesenta anyos niyang ama. Sa edad nito ay malakas pa rin itong tingnan. Nakasuot ito ng leather jacket na kulay-kape. “Ito po ang suweldo ko,” aniya habang inaabot ang kanyang pinaghirapan. Hindi niya alam kung ano ang ginawa noong taong tumulong sa kanya at bakut nabalik sa kanya ang kajyang pera. Ang importante ay may pang-gastos sila ngayon. Umiling lamang ang kanyang ama. “Sa ‘yo na ‘yan,” anito. “Pang-bayad mo ng matrikula,” dagdag pa nito. Ngumuso na lang si Kara. Kahit kailan ay hindi pa rin nahiging masaya ang kanyang ama kahit ano ang gawin niya upang mapasaya ito. Pinipilit naman niya kaso ito talaga ang may ayaw. Mabigat ang loob niya nang pumasok sa kanyang kuwarto at ibinalik ang pera niya. Inilagay niya iyon sa isang maliit na kahon. Naroon ang kanyang ipon. Doon siya kumukuha sa pang-araw araw niyang kailangan lalo na sa eskuwelahan. Nang makapagluto siya ng hapunan ay kaagad silang kumain. Tahimik lamang sila ng kanyang ama nang may tumunog sa maliit nitong two-way radio. Kaagad na tumayo ang kanyang ama at nagsuot ng working boots nito. Kapag ganoon kasi ay may nag-gagala na namang nilalang kaya nagagalit ang kanyang ama kapag mag-isa siyang uuwi. Mapait siyang ngumiti nang walang sali-salita itong lumabas ng kanilang bahay. Ilang sandali lang ay narinig siyang mahihinang katok. Alam na niya kung sino ito. Ang kanilang kapitbahay. Si Dylan, their family friend. Kaagad niya itonf pinagbuksan. “Kumakain ka?” tanong nito na ng paningin ay nasa mesa. Tumango siya at pinatuloy ang binata. “Ano ang sabi ang Tatay?” tanong ni Kara sa binata. “Wala naman. Alam ko naman kapag aalis siya kasi kakatok lang naman iyon sa bahay,” sahot nito. Wala ng magulang ang binata at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanila. Hindi naman kasi nito ugaling magkuwento kaya hindi siya nagtatanong. “Kumain ka,” alok niya rito at sumunod naman ito sa kanya. Sanay na siya sa binata. Kapag aalis ang kanyang ama ay ito ang kanyang kasama palagi. Nagsilbing guwardiya niya ang binata. Ilang beses na nga silang tinutukso ng kanilang mga kakilala ngunti sadyang pakipot ang binata at hindi rin niya ito gusto. Magkaibigan lang silang dalawa. Nang matapos silang kumain ay naghugas siya nang pinagkainan nila. Ito naman ay nakatambay sa may bintana ay nagmamasid sa paligid. “Tumila na ang ulan,” wika nito. “Hmm. Nabasa nga ako kanina,” pag-amin niya. “Sinabi ko naman sa ‘yon gamitin mo ang bisikleta ko,” pangangaral nito sa kanya habang nakataas ang kilay. Kaya hindi niya ito nagugustuhan ay dahil ang sungit nito sa kanya. “Sa susunod po, Kamahalan,” nakayukong aniya kaya nakatanggap siya nang malakas na batok mula rito. Inis niya itong binalingan. “Magka-edad lang tayo,” kunot-noong aniya. Ngumiwi lang ito at hindi na siya nito pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD