Nang Kumagat sa Pain

950 Words
10:30 AM. Sakto Nakangiting pumasok pumasok sa campus si Car. Isang oras pa bago ang unang klase niya ngayong kaya may extra time pa. Sinadya niya yon, may kailangan siyang asikasusihin ngayon. Pinuntahan ang gymnasium. Alam niyang patapos na ang practice game ng basketball team laban sa isa pang university. Nadidinig pa niya ang mga hiyawan na sobrang lakas. Mukhang matindi ang laban. Wala naman talaga siyang hilig sa sports. Si Charize lang naman ang humihila sa kanya para manood doon. Lalo na nung naging jowa nito si Warren.  Napangiwi siya. Naalala na naman niya. Noon pa man may naamoy na siyang hindi tama. Masyado kasing pa-perfect boyfie noon si Warren. Gift dito, gift doon. Date-date with flowers. Sobrang pa sweet. Nagpapakitang gilas na di na normal pa sa kanya. Dapat talaga wi-narningan niya kahit papaano si Charize sa hinala. Kaso wala na. Huli na. Muntik na ngang mapahamak ang kaibigan niya. Napansin niyang humina na ang hiyawan. Tapos na siguro yung laro. Mabuti naman, naisip niya. Hindi na siya maiinip pang maghintay. Nakaabang na siya sa isang hall. Sa likod ng isa sa mga poste. Alam niyang doon dadadaan ang inaabangan niya dahil pinakamalapit yon sa lockers ng mga athletes. At di nga siya nagkamali. "Nice game," dinig niyang bati ni Leo sa ilan sa mga kasama nito. Ang saya ng loko. Mukhang panalo sa laro. "I'll go first, may hahanapin lang." "The mystery girl?" Dinig niyang sambit ni Warren. "Oo. Yung Rose na naman malamang." Si Angelo naman. "The girl with no face." Ngumiti siya at umiling. Rosaria Maria Hermosa ang pangalang ginamit niya. Pangalan ng pinsan niyang nag-migrate na sa Hawaii. Pinalitan lang niya ng apelyido.  Ilang araw na rin nang ma-add niya si Leo gamit ang account na yon. Ito na mismo ang unang nag-message, mukhang nadala ng alindog ng katawan kahit walang mukha. Hi and hello lang nung una pero nitong huli ay naging iba na ang datingan ng usapan. Ang flirt ampucha. Basketball player nga, magaling sa bola talaga. Hindi na siya nagtaka kung bakit maraming babaeng nadidikit sa gago dahil sa taglay na kalandian. "Iba din yung tama sayo no, Bro? Paano pag hipon pala yon?" "I don't give a f**k. I just wanted to meet her." Sinilip niya ang phone at nakita ang message na pumasok. Leo: Where are you? Nanood ka? Ngumiti siya pero hindi na nagreply. Ok na yon. Kinumpirma niya lang kung gaano kahulog si Leo sa kanya. Pero hindi pa ito ang panahon. Kailangan pa niyang paikutin ng husto. Tatalikod na sana siya nang may isang kamay na humila sa braso. Agad siyang napaharap sa kung sino mang yon. "L-Leo.." Mahinang sambit niya kasabay ng paglunok. Hindi naman niya inaasahang makikita siya. Hindi siya naging maingat.  "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Leo  "Bawal ba? Pag-aari mo tong gym?" Singhal niya. Pusanggala. Hindi siya pwedeng pumalpak. "Seriously?" Nagulat nalang siya nang bigla siya nitong hinila papunta kung saan. Hindi naman siya gaanong kalaliitang babae pero kumpara dito na lampas six feet ang tangkad, wala siyang laban. Ang dali niyang nabitbit, ni hindi nga siya nakapiglas. "Ano ba?!" Aniya nang bitawan siya nito. Walang tao sa hall na pinagdalhan sa kanya. Umecho pa nga ang boses niya doon. "You're Charity's friend right?" "Oh, oo. Ako din yung nabuhusan ng cornstrach." Paalala niya. "What the--?" Kunot noong tanong nito. "Anong ginagawa mo dito? That's our locker. Are you a p*****t or something?" "Ha?" Anong p*****t? "Ah..Alam ko na.."  Bigla lang ngumisi si Leo. Nanlaki naman ang mga mata niya. Leche, ba't ganong yung ngisi. Nakakalaglag panty. Di pwede. Focus Carmelita. Focus. "Naninilip ka ba?" "H-Ha?" Tanong niya sa tanong ni Leo. Ba't niya gagawin yon? Di siya interesadong makita ang pawisang yagbols ng mga yon.  "Nevermind. I know what you wanted." Sambit nito. Inglesero. Nasa Pilipinas naman sila. Nagulat nalang siya nang bigla itong humakbang. Napaatras tuloy siya. Kaso poste na ang nasa likod kaya napasandal na siya doon. Tinukod naman ni Leo yung braso sa may ulunan. "Ay…" Mahinang sambit niya. Hindi naman niya sinasadyang pa-virgin ang boses niya. Pero parang ganoon lumabas. "What? Is this your first?" Sambit ni Leo na may kasamang tawa. Napangiwi siya. Pawis-pawis kasi ang gago. Pero bakit ba sa lahat nang pawisan ito na yata ang pinakamabango? A shet Carmelita. Focus. "Interesing.." Doon niya napagtanto na may balak ang tukmol sa kanya. Agad na dumapo ang kamay niya sa pisngi nito. Malakas ang pagkakasampal, nag-echo pa nga iyon sa kinaroroonan nila. "What the f--" "Siraulo ka din no?!" Hawak na ni Leo ang pisngi pulang-pula yon at may bakat ng mga daliri. "f**k. Ano ba?! My face!" Napangiwi lalo siya. Ang vain tangina. Talagang "my face" ang sinigaw. Daig pa babae. "Buti nga sayo! Manyak ka!" Sabi niya dito sabay layo. Tumalikod na siya at tumakbo. "Hey, Carmelita. Sandali!" Napatigil siya sa pagtawag ni Leo. Buong pangalan talaga. "Ano?!" Tanong niya pagharap. "What are you doing here?" May idea na biglang pumasok sa isip niya. Hindi kasama sa orihinal na plano pero hindi na masama. Humalukipkip siya at ngumiti. "May hinahanap ka, diba?" Sambit niya. "What?"  "Kilala ko si Rose." "How..How did you know?" Halata niya ang gulat sa mukha ni Leo. Halata din ang pagtataka. "Nadinig ko usapan niyo. Marami akong kilala dito." Sagot niya. Biglang lumapit si Leo at kinapitan ang magkabilang balikat niya. "Where is she? Tell me where is she?!" Napangiwi siya. Parang adik. Giyang na giyang makilala yung Rose. Walang kaalam-alam na nasa harap na nito ang hinahanap. "Ba't ko sasabihin sayo, eh gago ka!" Sabi niya sabay piglas dito. "Please, Car. I'll do anything." Ngumiti siya. Ibang klase talaga ang alindog niya. "Anything?" "Yes, anything."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD