Kesong Puti

925 Words
"Class get one fourth sheet." Napalugmok nalang ang ulo ni Car sa desk. Sa lahat ng salita, ito ang pinakaayaw niyang marinig sa mga prof. Ano ba naman kasi itong professor nila, late na nga kanina may gana magpa-quiz. Badtrip talaga tong subject na to, naisip niya. "Classmate, penge one fourth." Mabilis siyang umupo nang tuwid at inabutan ng papel ang lalaki sa likod. "Badtrip naman eh." Papasok walang papel. Sabagay karamihan naman sa kanila di handa talaga. "Thank you classmate, ang bait mo talaga..." Ay pta me ganun? "Ang ganda pa." Pahabol nito. Nilingon niya ito at at tinaasan ng kilay. Nakita naman niyang nakangisi ito sa kanya. "Huy, umayos ka." Saway naman niya. Anthony Regado 19 years old AB Multimedia Arts Mahilig sa banda. Rakista. Umpisa palang ng sem ganto na trip ng lokong yon sa kanya. Ilang beses na nasupalpal, ganun parin. May hitsura naman, hindi niya alam kung bakit siya ang pinagtyatyagaan. Weird na nga ng get up niya, di parin siya nilalayuan. "Me practice kami ng tugtog mamaya, sama ka." Bulong nito sa kanya. "Wala, busy ako. Matutulog ako. Mamasyal ako sa Megamall. Makinig ka na nga." Singhal niya.  Maiinit ulo niya ngayon, malas lang ni Regado. Saka sa gitna ba naman kasi ng bwisit na quiz makipagdaldalan. Nakakainis lang. Pasang-awa niyang natapos ang quiz na yon. Kaysa naman zero tulad ng ibang kakaklase. Ang goal lang naman niya talaga ay maipasa tong kursong yon. Wala siyang paki sa grades na makukuha niya. After niyang grumadweyt, kukunin na siya ng kuya niya sa Hawaii. Tapos pagdating doon, bahala na si Batman. Wala pa naman talaga siyang maisip na plano sa buhay. "Car, mamaya ha." Si Regado uli pagkalabas ng professor nila. Nagtayuan na din ang mga kaklase niya at sila nalang ang naiwan. "Busy nga ako," tanggi nya dito sabay suot ng backpack. Makulit talaga. Nakaka-asar na. "Matagal na kitang niyayaya, ah." "Next time nalang. Wrong timing ka din eh." "Sige na ple--" Natigil ito nang marinig nilang nagtilian na ang mga tao na nasa labas. "Ano yun?" May sunog ba? Lindol? Anong meron? Nagmadali siyang lumabas. Iniwan na nya si Regado na kakamot-kamot.  Naaawa siya pero wala talaga. Mabait naman ito at mabait naman siya kahit papaano para di niya paasahin. "Woohooo Car! Haba ng hair!" Sigaw nung isa niyang babaeng kakaklase bago pa man siya makalabas ng pintuan. Shet! Si Leo.  Nakatayo ito sa gitna ng hallway at inaabangan siya. With flowers and chocolates pa. Parang yung mga nasa pang teenager na libro na binabasa niya. Tinotoo talaga nito. Hindi niya akalain dahil out of the blue niya lang sinabi.       "Anything?" "Yes. Anything. Please Car." May halong pagsusumamo yon. Natawa siya. "Where is she?" "Ligawan mo muna ako."        Muntik na siyang tumawa sa sobrang cheesy nang kinalabasan ng "panliligaw" nito. Sa sobrang keso, nakakakilabot na. Pero naman, ten points parin para sa effort. Pormang malinis si Leo ngayon. Nakapolo. Mabango. Gwapo. Mukhang pinaghandaan. "Here." sabi ni Leo nang iabot sa kanya ang isang dosenang white roses at mamahaling chocolates. Namumula ang buong pagmumukha nito. Kitang-kita kasi tisoy. Nagtilian naman uli ang taong nakakakita. Naglabas pa ng cellphone ang iba para makuhaan ang eksena. "Kiss na yan! Kiss!" Sigaw pa nung isa. "Oist!" Saway niya sa mga ito. Lumapit bigla si Leo sa kanya at mariing bumulong. "Will you stop your s**t after this?" Sa sobrang lapit ng mukha sa kanya, mukha tuloy hinalikan siya nito sa pisngi. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga nasa paligid. Ngumiti lang siya. "No." Napakunot si Leo sa sagot niya.  "Sorry, hindi kita type." Malakas yon. Sinadya niyang lakasan ang boses para madinig ng lahat. Nanahimik naman ang mga nanonood dahil doon. Tapos ilang saglit lang nagbulungan na. "Na basted si Leo?" "Luh, si Leo?" "Taas ng standard ni girl." Ngumiti siya kay Leo. Yung ngiting nakaisa. Hindi naman niya kasi akalaing na gagawin talaga. Giyang na giyang sa alter-ego niya. "Dammit."  "Hoy!" Sobrang gulat niya nang bigla siyang hilahin at halos kaladkarin ni Leo palayo sa mga tao. Sumunod nalang siya para di masaktan. Ang dinhigpit ng kapit. May lahi yatang tuko. "Hoy!" Awat niya. Nasa tahimik na hallway na sila. Walang katao-tao doon. Malayong-malayo na dun sa naghihiyawang estudyante kanina. "s**t! Ano ba kasing gusto mo!" Sigaw ni Leo nang bitiwan siya. "Ginawa ko naman yung sinabi mo." "Yun na yon." Sagot niya. Bulaklak lang at chocolate ligaw na? Palibasa ito lagi ang hinahabol ng babae. "f**k. Kung may gusto ka sakin, pwede naman!" Lumapit ito sa kanya at hinawakan sa balikat.   "Pakyu!" Nahampas niya ito ng bulaklak na dala. Muntik na. One inch nalang ang bibig nito sa kanya.  "G*go ka ha!"  "Then what the f**k do you want?!" Frustrated na. Wawa naman. "Wala lang," aniya sabay ngiti. "Ang gullible mo kasi. Ang sarap mong paglaruan." Natigilan ito na parang may binabasa sa mukha niya. "You fooled me for what, Carmelita?" Tanong nito. "Hindi mo talaga kilala si Rose." Muntik na siyang matawa. Buti at napigilan niya. My god...akala niya matatauhan na ito na yung babaeng ilang linggo nang ka-chat ay siya. Mahina rin pala ang kokote. Tumango nalang siya nang marahan bilang sagot. "Masarap ba? Ngayon alam mo nang feeling ng niloloko, no?" Sambit niya sabay ngisi. Nakita niyang napalunok ni Leo. Nagkaroon ng ilang butil ng pawis sa noo. Guilty ka na ba? "Ano na, Mr. Punongbayan?" Sabi niya. Humakbang na siya papalapit dito. Pabalya niyang isinoli ang mga binigay nito sa kanya. Lumapit pa siya at bumulong. "Hindi pa ako tapos sayo." Sambit niya bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD