Tatiana TITIG na titig ako sa lalaking nakahiga sa lupa. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata sa gulat. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ngayon ang isang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ngayon. “s**t! Hindi dapat ako nagpakita, Ma’am, kaya lang ayoko rin na mapahamak ka. Hindi ko na nakayanan ang pagtatago. Mapapatay nila ako rito.” Inalis ko ang pagkakaapak ko sa dibdib niya at mabilis namang tumayo si Abel. Pinagpagan niya ang sarili at nang may narinig na ingay ay hinila niya ako para magtago sa likod ng malaking puno. “Kailangan nating umalis dito, Ma’am. Baka makita ako ng mga tauhan ng dumukot sa inyo.” Tumingin sa akin si Abel. “Sumama po kayo sa akin.” Hindi ako nagdalawang-isip at sumama ako kay Abel. Hindi naman sobrang layo ang nilakad namin para makita ang isan

