“Oh, ang lalim ng iniisip mo ah?” puna ni Lira habang naglalakad papalapit. “Iniisip mo ba ang alok ni Doc Drake? Maging assistant muna niya habang may medical mission sila?” dagdag pa niya habang umupo sa tabi ni Sidney. Napatigil si Sidney sa pag-inom ng kape. Dahan-dahan niyang inalis ang tasa mula sa kanyang labi at napalingon sa kaibigan. Hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ito sa may bintana, hawak ang maliit na unan at gulo pa ang buhok na tila bagong gising. Nakasuot lamang ito ng maluwag na t-shirt at pajama, bakas sa mukha ang pagkabahala sa kanya. “Lira,” mahinang bati ni Sidney. “Akala ko tulog ka pa.” “Eh ang aga mo kasing mag-emote sa bintana. Ang lakas maka-MMK ng aura mo, kahit sino mapapabangon,” biro ni Lira sabay tawa, sinadyang gawing magaan ang usapan kahi

