Habang naglalakad si Sidney papunta kay Lira, hindi niya maiwasang lumingon paminsan-minsan sa likuran. Kahit pilit niyang sinasabi sa sariling huwag nang pansinin, kusa pa rin siyang nadadala ng mga mata niya sa direksyon nina Drake at Ysabel. At bawat sulyap niya, tila ba lalo lang siyang nasasaktan. Si Drake—na dati’y laging nakatutok ang atensyon kay Sidney tuwing magkakasama sila—ngayon ay abalang-abala kay Ysabel. Si Ysabel naman, parang wala nang ibang mundo kundi si Drake. Wala pang limang minuto ang nakalilipas simula nang dumating sila pero parang ang bilis ng pagdikit ng dalawa, na para bang matagal nang hindi nagkita at sabik na sabik sa isa’t isa. Kitang-kita niya kung paano magaan na kinukuha ni Drake ang mga gamit mula sa kamay ni Ysabel, paano siya nito tinulungan sa pag

