Halos mapatalon sa gulat si Mel habang nakaupo sa mahabang sofa sa loob ng marangyang mansion ni Drake. Nakaawang pa ang bibig niya, tila hindi makapaniwala sa biglaang pagdating ng kaibigan. "Ano ba 'yan, bro!" reklamo ni Mel habang hawak-hawak ang dibdib. "Nakakagulat ka naman! Kawawa na 'yang tasa ng kape mo, muntik nang madurog sa lakas ng bagsak mo!" Hindi sumagot si Drake. Bagkus, isang matalim na titig lang ang ibinigay niya kay Mel—isang tingin na parang kayang pumatay. Para bang may pinagdadaanan itong mabigat, at hindi lang basta pagod ang dahilan ng tensyon sa paligid. Napatahimik si Mel. Napalunok siya ng walang dahilan, saka dahan-dahang umayos ng upo sa sofa na parang batang nahuli sa kalokohan. “Uy, bro... may problema ba?” maingat na tanong ni Mel habang dahan-dahang um

