"Base sa labtest mo, you are...NONE-REACTIVE. Which means, there's no presence of virus found in you're blood sample..."
Napa-yes naman ako sa aking narinig. Biglang nawala ang kabang aking naramdaman kanina lang.
"....Pero I'm encouraging you na bumalik after three months for retesting. Hindi naman kasi dito nagtatapos ang lahat. Pwede kasing nasa WINDOW PERIOD ka na tinatawag...."
"Ha? Ano yun?"
"We do really hope you're not. Pero nais lang nating makasiguro. Once kasi kapag nakapasok ang virus sa ating katawan, hindi pa kaagad iyan nadedetect. It will take three months para madetect ang virus na nasa katawan ng tao. Halimbawa, kung nakipagtalik ka 2 weeks ago at nahawaan ka, it will still appear nonereactive kasi nga wala pang sapat na antibodies na napro-produce ang katawan mo to fight that virus. Iyan ang tinatawag na WINDOW PERIOD. Sa ngayon, i-maintain lang natin ang nonreactive mong status. Still practice safe sex." Pahayag ni Jarred na aking tinangohan. Inabot niya sa akin ang result at inipinasok ko iyon sa dala kong sling bag.
"Gusto ko lang ulit sabihin na, hindi naman nakukuha ang sakit na iyan sa pamamagitan ng paghalik, yakap, at paggamit ng mga utensils o paliligo sa swimming pool. Hindi natin kailangan na iwasan ang taong may sakit no'n, hamakin at husgahan. Dapat natin silang damayan, palakasin ang kanilang loob at tulungan na makabangong muli. Dapat pa nga na sila iyong mag-ingat at umiwas sa atin dahil isa tayo na maaring magdala ng sakit na maaring makahawa sa kanila dahil sila iyong may mahinang resistensiya"
May diin at laman ang mga katagang binitawan ni Jarred at nakuha ko ang ibig niya. Naalala ko na naman si Magdalino. Nang dahil sa ginawang counselling ni Jarred sa akin, biglang bumukas ang aking kaisipan tungkol sa HIV. At narealised ko kung gaano kasama ang ginawa kong pagtalikod kay Magdalino sa panahong kailangan niya ako. Pinaninindirihan ko ang kanyang kalagayan na wala namang basehan. Kung kailan higit niya akong kailangan saka ko naman siya tinalikuran. Ano ba 'tong nagawa ko, Diyos ko?
"K-kumusta siya? A-ano ng balita sa kanya, Jarred?"
"Hindi ko alam pero nangangamba ako sa kanyang kalagayan..." Malungkot at puno ng pagkabahala ang boses niya. "...Sobra niyang dinaramdam ang pag-iwas mo sa kanya. Tanggap naman daw niya kung biglang nawala ang pagmamahal mo sa kanya pero sana lang daw itrinato mo parin siyang kaibigan at hindi mo siya tinalikuran. Kailangan na kailangan ka niya ng sandaling iyon dahil ikaw lamang ang taong pwede niyang makapitan, sa'yo siya humugot ng lakas para mabuhay. Subalit nang iniwasan mo na siya, biglang nawala ang pagpupursige niya. Hindi na niya iniinom ang kanyang mga gamot. At ang sabi niya no'ng huli kaming nagkita, uuwi na lang daw siya sa kanila at doon na niya hihintayin ang araw na babawian siya ng buhay"
Kinilabutan ako sa sinabing iyon ni Jarred. Hindi ko kakayanin na mawala ng tuluyan sa buhay ko si Magdalino. Gusto ko pang bumawi sa pagkakamali na aking ginawa. Gusto kong ipadamang muli sa kanya kung gaano ko siya kamahal at labis ang aking pagsisisi sa ginawa kong pagtalikod sa kanya. May mga gamot naman, kailangan ko lang makumbinse siyang inumin ulit iyon para kahit papaano madugtungan pa ang kanyang buhay at magsasama pa kami sa mahaba-habang panahon. Hindi ko dapat pandirihan ang tulad niya, bagkus, dapat ko siyang unawain at pakamamahalin dahil alam kong ako na lamang ang taong maari niyang makakapitan.
Mabilis ang mga paa ko na nilisan ang clinic at deri-deritso ako sa sakayanan ng bus. Naroon sa akin ang galak sa muli naming pagkikita ni Magdalino at naidalangin ko na sana hindi pa huli ang sa amin. Sana mapahintulotan ng Diyos na madugtungan pa ang kanyang buhay nang saganun makapagsimula kaming muli.
Hapon na ng makarating ako sa mismong tapat ng bahay nila. Sinalubong ako ni Ejay at tuwang-tuwa na nagpakarga sa akin. Nasipat ko si Aling Vilma na naghihimay ng mga dahon ng herbal sa silong ng kaimito. Itinigil nito ang ginagawa nang makita akong dumating at dali-daling lumapit sa akin.
"Si Magdalino po?" Ang kaagad na tanong ko.
"N-nasa loob. Halika, matutuwa iyon pag nalaman niyang dumating ka, Dong" Ang tugon naman niya sa pinasiglang boses. Halatang naiiyak ito ngunit nagpapigil lang. Kinutoban ako ng hindi ng maganda.
Habang papasok kami sa loob ng bahay, nadidinig ko ang pumailanlang na tugtog na nanggaling sa isang maliit na speaker. Pamilyar sa akin iyon.
Now I love you more
Than I loved you before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
You left me
Just when I needed you most
Oh, you left me
Just when I needed you most
"Nang bumalik iyan dito, walang araw na hindi niya pinapatugtog ang kantang iyan. Naririndi na nga kami e, pero wala naman kaming magawa dahil iyan ang gusto niya"
"Ganun po ba...?" Simpleng tugon ko ngunit sa loob ko sigurado akong ako ang pinaghahandugan ni Magdalino ng kantang iyon. Nagsimulang manikip ang aking dibdib nang maalaala ang sinabi niya noong, "Sana hindi ka na dumagdag sa listahan ko na magpapaalala kung gaano kalungkot ang kantang iyan"
Hinawi ni Aling Vilma ang kurtinang yari sa sako na nagsilbing pintuan ng silid. Nagulat ako sa aking nakita. Halos hindi ko na siya makilala sa sobrang pagpayat na kung wala lang ang nalalaspag at puno sa rashes niyan balat ay magpagkakamalan kong kalansay. Nakapikit ang malalim niyang mga mata. Ibang-iba sa dati na makisig, makinis at gwapo na tinitilian at kinakikiligan ng mga babae at tulad kong alanganin.
"A-anak may bisita ka" Pagbibigay alam ni Aling Vilma sa kanya.
Narinig kong umungol siya at, "S-sino po?" Pati boses niya ay nagbago narin. Tunog pa lang no'n ay talagang mahahalatang iginugupo na siya ng kanyang karamdaman. Parang sinaksak ang puso ko sa kalunos-lunos niyang kalagayan. Puno ng pagsisi at paghihinayang.
"Hulaan mo kung sino, Anak" Naeexcite na tugon ng Ginang.
"Nay naman o. Gagawin pa akong manghuhula" Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata subalit laking pagtataka ko na tumagos lang iyon sa amin.
"Si Daniel, anak. Nandito siya"
"Huwag nga kayong magbiro ng ganyan. Lalo nyo lamang akong pinapaasa e. Alam nyo namang malabo ng mangyari iyon"
Napalingon ako kay Aling Vilma sa tinurang iyon ni Magdalino. Sobrang pagtataka ko lang dahil nandoon naman ako sa harapan niya ay kung bakit parang hindi niya ako nakikita.
"Matinding kulam ang dumapo sa kanya, Dong na pati ang paningin niya tuluyan ng nawala"
Mukhang lingid sa kaalaman ng ina ni Magdalino ang talagang sakit niya. Kaya pala nakita ko ito kaninang naghihimay ng mga dahon ng herbal. Mabuti narin siguro ang ganoon at baka tulad ko noong una, nakaramdam rin sila ng pandidiri rito at baka hindi nila ito magawang alagaan dahil sa takot. Matindi talaga ang dalang stigma ng sakit na HIV.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Luhaan kong inabot ang kanyang palad at pinisil ko iyon. Sana paraang iyon maramdaman niya ang panunumbalik ng init ng aking pagmamahal sa kanya.
"Dong, ku-kumusta k-ka? S-so-rry..."Halos hindi ko na mabigkas ang mga katagang iyon dahil halos lamunin na ako ng paghikbi. Bagamat iginugupo ng matinding panghihina, pinilit niyang abutin ang aking mukha.
"I-kaw ba talaga 'yan, Dong? Hindi ba ako nanaginip lang?"
Dinampian ko ng halik ang kanyang labi.
"Para saan iyon..?"
"Para mapatunayan kong hindi ito isang panaginip. Ito'y totoo. Nandito na ulit ako mahal ko!"
"Hindi ka ba takot na baka mahawaan kita? Mahal mo pa rin ba ako kahit ganito na ang itsura ko?"
"Hindi ako takot sa sakit mo dahil alam kong hindi mo naman ako basta-basta mahahawaan. Ikaw pa nga ang dapat na matakot sa akin na baka may dala akong sakit na hindi ko nalalaman na maaring makadagdag sa iyong kumplikasyon. Binigyang linaw na sa akin ni Jarred ang tungkol sa sakit na iyan kaya hiyang-hiya ako sa'yo. Parang napakawalang kwenta kong tao. Paano ko nagawa ang talikuran ka gayung ako na lang sana iyong inaasahan mong makakaintindi at dadamay sa'yo. Patawad, Dong. Mula ngayon, hinding-hindi na kita iiwan. Sasamahan kita na labanan ang sakit na iyan. Nandito lang kami ng pamilya mo nakahandang umalalay sa'yo" Puno ng kumbiksyon ang aking boses. Ninais kong manumbalik ang lakas ng kanyang loob.
Tuluyan ng bumulwak ang luha sa kanyang mga mata. Batid kong gusto niyang yakapin ako subalit hindi niya magawa dahil sa wala na siyang lakas. Kaya naman ako na lang iyong yumakap sa kanya ng mahigpit. Wala na ang dati niyang katawan ngunit ramdam kong naroon parin ang init ng kanyang pagmamahal sa akin.
"Salamat, Dong at binalikan mo ako. Ngayon, may dahilan na ako para mamahinga. Tinupad na kasi ng Diyos ang isa sa mga dasal ko—na mayakap kang muli bago niya kunin ang buhay na pinahiram niya sa akin"
"H-huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Dong. Diba gagraduate pa tayo, magiging engineer at pagtulungan nating papag-aralin si Ejay? Diba magpapatayo pa tayo ng bahay na malapit sa dagat na tayo mismong dalawa ang magdedesinyo? Diba mamamasyal pa tayo sa Manila bay at pagmasdan ang pinakamagandang sunset sa buong mundo?...Di ba, Dong? Lalaban ka diba? Malakas ka naman diba?" Humagolhol ako na tila batang inagawan ng laruan.
Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at baka mahirapan siyang makahinga. Nakita kong pilit niyang inaaninag ang aking mukha.
"Ang mukhang ito ang gusto kong makita bago man lang ako malagutan ng hininga. Pero sisikapin kong lumaban alang-alang sa'yo. Pero kung sakali mang darating ang araw na kukunin na Niya ang buhay ko, hiling ko lang, huwag mo sanang pababayaan si Ejay. Sa'yo ko siya iiwan, Dong, dahil alam kong may maganda siyang kinabukasan sa'yo"
"Ang weird na ng topic, Dong. Wala namang mamatay diba? Tara sa labas at nang makalanghap ka ng sariwang hangin" Kuminto ko. Binuhat ko siya at isinakay sa kanyang wheelchair. Bago ko siya dinala sa silong ng kaimito ay nag-abot ako ng pera kay Aling Vilma pambili ng hapunan namin. Sinabi niyang hindi na raw halos kumakain ng kanin si Magdalino dahil isinusuka lang niya kaya naman nagpabili narin ako ng iba't ibang klase ng prutas.
Kinagabihan, matapos naming maghapunan ay tinawagan ko si Jarred. Sinabi kong nagkaayos na kami ni Magdalino at nahikayat ko siya na bumalik sa kanyang gamotan. Kinabukasan dumating siya kasama ng isang kaibigang duktor na lalaki at sinuri nila si Magdalino. Makaraan ang halos tatlumpong-minuto, pinasunod ako ni Jarred at ni Dr. Hermosa sa likod-bahay para kausapin. Kinabahan ako subalit pinilit kong magpakatatag at positibo.
"Lino is in horrible condition. Masyado ng maraming opportunistic infections na dumapo sa kanya patunay na napakababa na ng kanyang immune system. At kahit dalhin pa natin siya ng ospital, hindi ito granting na gagaling siya" Deritsahang wika sa akin ni Dr. Hermosa.
"W-wala na po bang ibang paraan Dok? Diba ang sabi, may gamot naman para sa HIV?" Ang natataranta kong tanong. Ngayon pa lang ay niiyak na ako sa posibleng mangyari kay Magdalino.
"Meron nga pero hindi naman nito talagang pinapatay ang virus, somehow, pinipigil lamang nito ang pagdami at ang paggalaw nito para magkaroon ng pagkakataon na dumami at tumaas ang natural na depensa ng ating katawan. In that way, magkaroon ng kakayahan ang immune system na labanan ang mga sakit na maaring dumapo sa katawan ng isang tao. Sa ngayon hindi pa ako makapagbigay ng exact details o Lino's situtaion, kailangan natin siyang madala sa siyudad para maipalabtest para malaman ang talagang kalagayan niya. We'll pray na kaya pang tanggapin ng kanyang katawan ang mga gamot na ipapaainom natin sa kanya"
Napabuntong-hininga ako sa narinig. Ramdam kong may di sinasabi sa akin ang duktor subalit kailangan kong magtiwala at magdasal. Hindi ako madasalin na tao at wala akong natatandaan na mayroon akong hiniling sa Poong Maykapal. Ngayon lang talaga, at sana ako ay Kanyang dinggin, sana ipahiram na muna Niya na muna sa akin si Magdalino kahit na ilang taon lang. Higit ko siyang kailangan sa mga panahong ito.
Sakay ng ambulansiya, dinala namin si Magdalino sa siyudad para masuri. Isinama narin namin si Aling Vilma para mag-undergo ng counseling para maintindihan ang talagang sakit ni Magdalino. Nag-iiyak naman ito ng malamang hindi naman kinulam si Lino at HIV ang talagang dinadala nito. Nasa pangangalaga siya ni Jarred na isang trained HIV counsellor.
Nang lumabas ang mga labtest na Lino ay pakiwari ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa. Si Aling Vilma nama'y halos himatayin na nakayakap sa akin. Tama ang initial findings ni Dr. Hermosa, dinapuan na si Lino ng iba't ibang uri ng sakit dahil sa sobrang baba na ng kanyang immune system"
"Ang normal count ng immune system ng isang tao ay nasa pagitan ng 500 to 1,500..." Isa sa pahayag ni Dok. "..But unfortunately, Lino has only 2. Iyan ang rason kung bakit tinamaan siya ng iba't ibang uri ng karamdaman"
"Maari po ba naming malaman, Dok kung anong sakit ang dumapo sa kanya?" Ang tanong ko naman. Sumulyap muna siya kay Aling Vilma bago nagsalita. Nagtatanong ang mga mata niya kung nakahanda ba ang Ginang sa maaring marinig nito. Naunawaan naman iyon ni Aling Vilma kaya tumango ito.
"May pneumonia si Lino at TB. Umakyat narin ang virus sa bandang ulo niya na naging dahilan ng paglabo ng kanyang paningin na kung tawagin ay CHOROIDAL NEOVASCULARIZATION. Magagamot naman ang mga iyan at may tsansa pang muling tumaas ang resistinsiya ni Lino kaso lang, may bone cancer na rin siya at hindi na iyon maagapan..."
"Hindi ba siya pwedeng i-chemo, Dok?" Humihikbi kong tanong sa Duktor.
"Hindi na kaya ng katawan ni Lino ang chemotherpy, Jarred. At kung pipilitin natin, lalo lamang niya iyong ikapamahak. Sa ngayon, sisikapin naming gamutin ang iba niyang mga complications but I am sorry it wont change anything"
Tigib ang luha ko na tila ba isang talon habang nilisan ang opisina ni Doctor Hermosa. Dinala ako ng aking mga paa sa loob ng chapel ng ospital. Lumuhod ako at taimtim na nanalangin na sana'y magkaroon ng milagro at mabubuhay pa ng matagal si Magdalino. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ngayon at lalong hindi na muna bukas. Gusto ko pa siyang makasama hanggang sa kami ay tumanda. Subalit akin ring napagtanto na ang buhay ay hiram lamang sa Diyos. Hindi natin ito pag-aari. Wala tayong kakayanan na ito ay pigilan Lahat naman ng tao ay doon din ang tungo. Depende na iyon sa kung sino ang mauuna. At sa sitwastoyon namin ay siya iyong mauuna. Wala akong ibang gawin kundi iyon ay tanggapin. Masakit at nakapanghihinayang dahil mahal ko siya ng sobra at marami pa akong pangarap para sa aming dalawa—sa aming kinabukasan subalit anong magagawa ko? Kahit pa lumuha ako ng dugo at iaalay ko ang aking buhay ay hindi parin nito mababago sa kung ano ang nakatakda. Kung totoo mang may pangalawang buhay, hinihiling kong magkasama parin kami ni Magdalino at maipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan dito sa lupa.
Inuwi namin si Magdalino sa probinsiya. Doon ay lagi na lamang siyang nakahiga dahil sa iginugupo na siya ng panghihina. Kapag wala akong pasok ay naroon ako parati sa tabi niya, pinapalitan ang kanyang damit ay diaper. Gusto ko sanang huminto na muna sa pag-aaral para lagi ko siyang makakasama bago man lang darating ang araw na babawian siya ng buhay subalit hindi siya pumayag. Katwiran niya, isang buwan na lang ay graduation ko na at sisikapin niyang makaabot sa araw na iyon. Pangarap namin noon na sabay na gumraduate. Ngunit dahil sa mga nangyari, masaya na siya na makitang makatuntong ako sa entablado na tanggapin ang diploma ng aking pagtatapos. Ang tagumpay ko ay tagumpay na rin niya at labis niya iyong ipagbubunyi.
Sumapit ang araw ng graduation at magna c*m laude ako sa aming batch. Pinilit niya paring dumalo kahit pa halos hindi na siya makatayo dahil sobrang proud niya na siya ang dahilan kung bakit ako tumino. Kung sana magawa pa niyang tumayo, siya sana ang magsasabit sa akin ng aking medalya at hindi ko ikakahiya sa harap ng marami ang kanyang kalagayan. Ipapakita ko sa lahat na hindi naman kailangan na iwasan at pandirihan ang mga taong may ganoong karamdaman. Bagamat may iilang nakaintindi sa kalagayan ni Magdalino hindi parin maiiwasan na may mga tao parin na tinataasan kami ni kilay. Halata parin sa mukha ng iba ang pandidiri at panghuhusga. Nang tumuntong ako sa entablado para magbigay ng speech, sinusuyod ako ng mga mapanuri at suspetsosong titig ng iilan. Alam kong hinuhusgahan nila ako sa loob ng kanilang mga isipan. Siyempre, partner ko si Lino na isang HIV positive kaya natural lang na ganoon din ako. At hindi ko naman sila masisisi.
Sa panimula ng aking speech ay ibinahagi ko ang dati kong buhay sa Maynila. Kung sino at ano ako sa nakaraan bago ko natagpuan ang lalaking aking minahal na siyang dahilan ng aking pagbabagong buhay. Marami naman ang kinilig ng ikuwento ko sa kung paano kami nagkakilala at nagsimula bilang magkasintahan ni Magdalino lalo na noong sinabi ko kung sino ang top at bottom sa aming dalawa. Sa kalagitnaan ng aking talumpati, binigyang linaw ko ang mga maling haka-haka sa kalagayan ni Magdalino. Sana man lang sa pamamagitan ng speech kung iyon, mabasawan ang stigma at descrimination sa mga taong may HIV.
"Maniwala kayo o sa hindi, negative ang aking status, and I have my result as proof. Subalit hindi ito naging dahilan para iwasan o talikuran ko ang taong naging dahilan kung bakit nakamit ko ang tagumpay na ito. Inaamin ko, minsan ko ring siyang iniwasan at pinandirihan. Bahagyang nawala ang init ng pagmamahal ko sa kanya dahil sa kanyang kalagayan ngunit nang maimulat ako sa katotohanan, doon ko narealised na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko. Ang nalalabing oras niya dito sa mundo ay singhalaga ng ginto na hindi ko dapat sayangin. Alam kong marami pa sa inyo ang hirap maunawaan ang tulad namin ngunit ito lang masasabi ko, tao rin kami tulad niyo. Naghahangad ng inyong pag-unawa at respito. Huwag po nating katakutan ang mga taong kagaya nila bagkus tulungan nating sila ay makabangon at makapagasimulang muli. Dong...." Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para kahit papaano mapigilan ko ang pag-iyak. "... Kung kaya ko lang ibahagi ang kalahati ng buhay ko sa'yo ay ginawa ko na. Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ko mapapayagan na mawala ka sa buhay ko. Salamat dahil sa ikli ng panahong makasama kita, naging makabulohan ang buhay ko sa mundo. Maraming salamat na may isang tulad mo na nagmahal at tumanggap sa akin bilang ako. Makakaasa kang ikaw lang ang lalaking tanging mamahalin ko hanggang sa ako ay tumanda. Mahal na mahal kita, Dong at hindi ko iyon ikakahiya...."
Doon nagtapos ang aking talumpati na nauwi sa malakas na palakpakan at standing ovation. Hindi rin napigilan ng iilan na mapaluha dahil sa madamdamin kong talumpati. May ilang mga professor at faculty staff ang lumapit sa akin at yumakap. Habang ang ilan nama'y kay Magdalino ang punta upang maipakita na hindi nila ito pinanindirihan sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap. Bakas sa mukha ni Magdalino ang labis na kasiyahan. Naging instant celebrity kami sa araw ng aking pagatatapos. Lahat ng tao ay lumapit sa amin para magpapicture.
Matapos ng aking graduation ay deritso kami sa probinsiya para magcelebrate. Ngunit ang simpleng salo-salo ay higit pa pala sa aking inaasahan dahil sa dami ng pagkain na nakahanda. May palobo pa at patarpaulin si Mayor at may videoke pa. Siyempre, plano iyong lahat ni Magdalino. Ang saya lang namin sa araw na iyon na para bang normal lang ang lahat. Walang sinuman ang nagpakita ng pagkahabag o ang magbanggit man lang sa kalagayan ni Magdalino dahil ayaw niyang mabahiran ng lungkot ang masayang selebrasyong iyon bagamat halata sa kanyang itsura na matindi na siyang pinapahirapan ng kanyang sakit. Alam kong malapit na siyang kukunin sa akin kaya naman walang segundo o minuto na lalayo ako sa kanyang tabi. Sakali mang bawian siya ng buhay, gusto kong naroon ako sa kanyang tabi.
"Dong, alam kong malapit na ang araw ko at walang sinuman ang makakapigil no'n. Gusto ko na walang iiyak sinuman sa inyo. Ayokong mabahiran ng lungkot ang aking paglisan tutal naman, expected na ang aking kamatayan. Hiling ko lang ulit, huwag mong pabayaan si Ejay. Alam mo namang siya lang ang kayamanan ko. Sa'yo ko siya ihahabilin. Mahal ka rin ni Ejay. Sinabi ko na sa kanya na kung sakali mang mawala ako, ikaw na ang bago niyang Daddy"
Pahayag niyang nakapikit ang mga mata. Isang simpleng, "Makakaasa ka, Dong" ang tanging tugon ko dahil baka mahahalata niya ang palihim kong pagtatangis. Basa sa luha ang buo kong mukha. Humiga ako sa kanyang tabi. Tumagilid akong paharap sa kanya at ang isa kong braso ay ipinaunan ko sa kanya. Ganoon ang ayos namin hanggang sa mag-umaga. Hindi ko iniinda ang nararamdamang pangangawit dahil baka iyon na ang huling beses na makatabi ko siya sa pagtulog.
Kinabukasan, bandang alas tres ng hapon ay nakisuyo siyang dalhin ko siya sa silong ng kaimito dahil gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin. Tumalima naman ako dahil iyon din talaga ang binalak kong gawin.
"Dong, andiyan pa ba ang videoke?" Ang tanong niya. Talagang tuluyan ng nawalan siya ng paningin dahil nasa harap lang naman namin ang videoke machine.
"Oo, Dong. Kakanta ka?"
"Hindi, sasayaw..." At nagawa pa niyang magbiro. "...Kahit naman hindi na ako makakita, memoryado ko na ang kantang iyan.
"Okey, sabihin mo ang numero...."
Matapos kong pindutin ang numero ay agad na pumailanlang ang isang klasikong awitin na hindi pamilyar sa akin. Ngunit excited parin ako dahil tiyak kong iyon na ang huling awit niya para sa akin.
Sana'y maaaring buksan mo ang aking dibdib
nang malantad ngalan mo
sa puso koy nakatitig
ang kanyang bawat tibok
ay isang dalangin
na sana'y hindi magbago ang yong pagtingin
sanay naging dalawa o tatlo ang buhay ko
nang hindi nag iisa
ang aking iaalay sayo
ang aking bawat hininga
ay isang dalangin
na sana ang pag ibig moy hndi magmamaliw
giliw ko ikaw lang, ang paglilingkuran
sanay ipanalangin mo lang
buhay koy magtagal
at sana ay ako ng unang pumanaw
ang mabuhay ng wala ka mahal
ay hindi sapat at wala ring saysay
Ewan, ngunit sobrang tumagos sa aking puso at kaluluwa ang awiting iyon dahilan para bumulwak ang masagana kong luha. Tumayo ako. Lumangitngit ang upuang kawayan. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta. At sinabi ko namang ikukuha ko lang siya ng kumot dahil napakalamig na ng simo'y ng hangin. Ngunit ang totoo, gusto ko lang pumasok sa aming silid upang doon iiyak ang lahat bigat ng aking dinadala. Naalala ko ang unang naming pagkikita. Naging kaibigan at kalauna'y naging magkasintahan. Pinunan niya ang malaking kakulangan ng aking pagkatao na hindi naibigay ng aking pamilya. Sa kanya ko natutunan kung paano i-appreciate ang kaliit-liitang bagay na aking nakikita at natatamo. Sa kanya ko natutunan kung paano magsumikap at magtagumpay na walang ibang inaasahan kundi ang sariling pagsusumikap at kakayanan. Higit sa lahat sa kanya ko naranasan kung paano magmahal at mahalin na walang hinihiling na kalapit. God, kayhirap tuparin ang ipinangako kong hindi iiyak sa kanyang pagpanaw gayung siya ang taong pinakamahalaga sa buong buhay ko. Noon ngang namatay ang alaga kong pusa noong bata pa ako ay labis ang aking pag-iyak, siya pa kaya na tao at sobrang mahal ko?
Nang marinig kong tinawag niya ang aking pangalan ay pinahid ko ng mabilisan ang aking mga luha gamit ang laylayan ng aking damit. Kinuha ko ang nakatuping kumot at pinayapa ko muna ang aking sarili bago ko siya binalikan.
"Dong, nasaan ka ba?" Bulalas niya.
"Nandito ako sa tabi mo, Dong. Sandali, kukumutan kita"
"Mahal na mahal kita, Dong. Sakali mang mawala ako, huwag mong isara ang puso mo sa iba. Bata ka pa, may itsura. Kaya natitiyak kong mahahanap mo rin ang taong nakalaan sa'yo"
"Ikaw ang taong nakalaan sa akin, Dong kaya sa tingin ko, wala ng dahilan pa para buksan ko ang aking mundo sa iba. Ibubuhos ko na lang ang aking pagmamahal kay Ejay. Kung sakali mang totoong may kabilang buhay, ikaw parin ang pipiliin ko na mahalin!"
"Huwag gano'n, Daniel..." Binaggit niya ako sa aking pangalan. Kapag ganoon ay ang gusto niya ang dapat na masunod. "...Ayaw kong tumanda kang mag-isa. Nariyan nga si Ejay ngunit hindi naman lahat ng iyong ikasisiya ay maibibigay niya. Ako nga ang nakalaan sa'yo, sigurado ako doon, ngunit sa ating dalawa ako iyong mauuna. Totoong may kabilang buhay at doon ako sa'yo maghihintay"
Hinagkan ko siya sa noo. Paraan ko iyon para ipabatid ang aking pagsang-ayon. Subalit sa loob ko, naroon ang malaking pagtutol. Bakit ba? Sobrang mahal ko siya
Nagpindot muna ako ng numero bago ako naupo sa kanyang tabi. Gusto kong ako na naman ang maghandog sa kanya ng isang awitin.
It's not how long we held each others hand
What matters is how well we loved each other
It's not how far we traveled on our way
Of what we found to say
It's not the spring you see, but all the shades of green
It's not how long I held you in my arms
What matters is how sweet the years together
It's not how many summer times we had to give to fall
The early morning smiles we tearfully recall
What matters most is that we loved at all.
It's not how many summer times we had to give to fall
The early morning smiles we tearfully recall
What matters most is that we loved at all.
What matters most is that we loved at all.
Matapos kong kantahin ang madamdaming awiting iyon ay naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay. At bumulong ng, "Mahal kita" At doon nagtapos ang buhay ng lalaking pinakamamahal ko na si MAGDALINO.
Matapos i-crimate ng kanyang katawan ay bumalik ako ng Manila para muling harapin ang aking mga magulang. Bukod sa larawang nakaframe ni Lino at diploma, dala ko si Ejay, ang buhay na ala-ala ko sa kanya. Taas noo akong haharap sa kanila. At ipakitang malaki na ang pinagbago ko at isa ng responsableng ama.
"Daniel, anak, bumalik ka narin sa wakas" Nagagalak na wika ni Mommy nang ako ang bumungad sa kanya sa gate. Humagolhol siya ng makita ako at labis ang paghingi niya ng tawad sa malaking pagkukulang nila ni Daddy sa akin. Naantig naman ako at ramdam ko ang kanyang senseridad kaya naman umiiyak din ako na gumanti ng yakap sa kanya.
"Mom, anak ko po, si Ejay" Pakilala ko sa bata ng kumalas ako sa kanya. Gusto ko kasing itrato nila bilang kadugo si Ejay at paliguan ng pagmamahal kaya inangkin ko siyang anak. Napag-usapan na namin iyon ng bata at masaya naman siya na ako na ang bago niyang Daddy.
Nakita kong napaawang ang bibig ni Mommy at kasabay no'n ang pamimilog ng kanyang mga mata habang nakatitig sa napakacute na si Ejay. "Hello po, Lola!" Bibong bati nito sabay pakawala ng napakatamis na ngiti. At sa isang iglap, biglang nagtatatakbo si Mommy pabalik sa loob ng bahay habang nagsisigaw ng...
"Danilo, nandito na ulit ang anak natin at dala niya ang napakagwapo nating apo. Halika dali!"
Lumipas ang maraming taon. Nasa highschool na si Ejay. Isa ng binatilyong hawig na hawig ang itsura at kakisigan ng yumao niyang ama na magpahanggang ngayon hirap akong hanapan ng kapalit gaya ng kanyang habilin sa akin noon. Nang una hindi ako sang-ayon doon ngunit sa paglipas ng panahon napagtanto kong tama naman ang kanyang sinabi. Mahirap ang mag-isa habang unti-unti kang nagkakaedad. Well, hindi naman ako ganoon katanda, 29 pa lang ako. Bata parin kung titingnan kaya naman maraming nagkakandarapa sa aking mga alanganin rin na tulad ko. Binubuksan ko na ang puso ko sa iba ngunit naghihintay lang ako ng tamang panahon kung kanino muling titibok ang akingp puso. Ini-enjoy ko na lang muna ang aking sarili sa trabaho bilang engineer at personel ng isang foundation na kumakalinga ng mga taong dinapuan ng HIV o iyong mga tinatawag na PEOPLE LIVING WITH HIV(PLHIV). Pakiramdam ko kasi nariyan lang si Magdalino sa tabi kapag ako'y nagkakawangga.
Nang matapos ang graduation ni Ejay sa highschool, bumalik kami ng Mindanao para bisitahin ang pinaglibingan ng mga abo ni Magdalino sa isang burol. Eksaktos alas-tress ng hapon ng dumating kami sa puntod. Nagtirik ako ng kandila at ipinatong ko sa ibabaw ng puntod ang dala kong mga bulaklak. At habang taimtim na nag-alay ng dasal, diko parin mapigil na lumuha. Bagamat maraming taon na ang nakalipas ng siya ay pumanaw subalit ganoon parin katindi ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Siya parin talaga at wala ng iba. At bago ko nilisan ang kanyang puntod, pinatugtog ko sa celphone ang kantang paborito niya noon na siyang laging nagpapaalala sa akin sa kanya. Bagamat iniwan niya ako kung kailan higit ko siyang kailangan, iniwan naman niya sa akin ang isang buhay na ala-ala na kamukhang-kamukha niya—si Ejay.
You packed in the morning
I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way
Now I miss you more
Than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
Yes, you left me
Just when I needed you most
Now most every morning
I stare out the window
I think about where you might be
I've written you letters that I'd like to send
If you would just send one to me
Cause I need you more
Than I needed before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
Yes, you left me
Just when I needed you most
You packed in the morning
I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way
Now I love you more
Than I loved you before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
You left me
Just when I needed you most
Oh, you left me
Just when I needed you most
*************************************************
Maraming salamat po sa inyong pagbabasa!
-John Yuan