Umungol lang si Ahtisa. Tinakpan niya ng palad ang bibig ni Apollo. “Shh! Ang ingay mo. Tara na. Tumayo ka riyan.” Tumalima naman ito, tapos ay bigla itong bumaluktot at napaigik. Sumapo ang kamay nito sa tiyan. Nataranta siya. “Ano ang nangyayari sa iyo?” tanong niya sa lalaki. “My stomach hurts,” sabi nito. “Dahil naglasing ka? Tama? Bakit ka kasi naglasing? Hindi ka man lang siguro kumain, ’no?” “Bingo!" He chuckled. "I didn’t have time to eat. There’s always so much work to do. I don’t want to be CEO anymore. I just want to be Ahtisa’s husband. Puwede ba iyon? Can I be your husband?” Bahagya pa itong tumawa. Lasing nga talaga. “Kanina pa iyang ‘wife’ at ‘husband’ mo na iyan. Hoy, hindi tayo mag-asawa. Hindi tayo kasal.” Saglit na natahimik si Apollo. Gumuhit ang lungkot sa mest

