Tila may kuryenteng dumadaloy sa hangin nang umagang iyon habang ang mga estudyante ay isa-isang nagpupuntahan sa loob ng grand auditorium. Kahapon palang ay ipinaalam na sa lahat ni Ms. Josefa Manlapig na magkakaroon ng mahalagang anunsyo sa araw na iyon. Kaya kahapon pa excited at hindi mapakali ang mga estudyante. Nagtatanung-tanong, pero walang masagap na direktang sagot sa mga inuusyuso ng mga ito. Maaliwalas ang grand auditorium. Mataas ang kisame at may naglalakihang mga bintana sa pinakataas ng pader kaya malayang nakakapasok ang natural na liwanag mula sa nagtutumingkad na sinag ng araw. Maayos ang pagkakahanay at hilera ng mga upuan na unti-unti nang napupuno, sapagkat halos nandodoon na ang lahat—hindi lang ang mga estudyante, kundi kasama na pati ang mga guro at iba pang emp

