Ang halik na iginawad ni Apollo sa kanya ay hindi pahapyaw, hindi simple, at hindi mabilis. Malalim iyon, mapusok, at mainit. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay na-estatwa na si Nina. Parang hindi na nito matukoy kung nananaginip lang ba ito o reyalidad ang nasaksihang pakikipaghalikan niya kay Apollo. “B-bakit ka hinalikan ni Sir Apollo? Tulog pa ba ako? O baka naman habang tulog ako ay nahulog ako sa kama at nauntog ang likod ng ulo ko sa sahig, tapos ang katawang lupa ko ay isinugod na sa ospital. Ang mga nakikita ko ngayon ay produkto na lang ng utak ko. Pero bakit kayo ang produkto ng utak ko? Utak ko naman ’to, kaya dapat ako ang bida, ’di ba?” Tuluyan nang natawa si Ahtisa. Hindi na niya nasupil ang tawang kanina pang kumakatok sa lalamunan niya, at nagpipilit na lumabas. “Ang

