Morphie
NAPAWI ang madilim na usok na siyang bumabalot sa buong paligid. Dahan-dahan akong tumayo habang lumilinga-linga sa mga kasamahan ko. Nangangatog ang tuhod ko at umuubo dahil sa nakasusulasok na amoy na pumapasok sa ilong ko. Parang may dumagan sa aking katawan na isang higante. Nangangalay ang pakiramdam ko.
‘Ano ba ‘to? Hindi niyo nalang kami sinalang sa ihawan mga shunyeta kayo!’ Gusto niyo pala kaming pakainin ng usok!’ Feeling ko tuloy ay napakaitim na ng butas ng ilong ko. Sabi kasi ni nanay, iyong mga buhok daw sa ilong, sila daw iyong nagsasala sa mga bad chemicals na naaamoy ng ilong natin. Ewan ko kung totoo ang sinabi ni nanay, pero baka lang naman.
It seems that past events are only repeating themselves. This just reminds me of what happened in the Palace. Maybe, I am just sleeping!? Baka nasa panaginip lang ako?
Huminga ako ng malalim. Kinurot ko ang sarili kong balat upang gisingin ang kamalayan ko sa realidad. Nakaramdam ako ng sakit. Hindi ito isang pananginip. Sabi nila, para malaman ang realidad ay gamitin ang iyong limang pandama, ang pang-amoy, panlasa, panginin, pandinig at pansalat. Gayon nga ang ginawa ko. Hindi ito isang pananginip, at nasa realidad ako.
“Ahhh!”
“Shet... mahapdi!”
“Tulungan niyo kami!”
Muling umalingaw-ngaw ang mga pagpanangis sa aking pandinig. Gusto kong takpan ang tainga ko upang hindi ito marinig pero takot na takot ako sa hindi ko malaman na dahilan. Dulot ba ito ng hindi magandang karanasan na paulit-ulit nang dumarating sa aking buhay? Was this event just reinforced my past traumatic ones?
Nakakapagod. Bakit parating ganito nalang ang nangyayari sa amin? Sa mga Fairouah? Tunay kayang pinabayaan na kami ng Panginoong Jesuah? Nasaan na ang kaniyang paggabay? Bakit hindi niya kami kayang ilayo sa lahat ng kapahamakang ito?
Kusang lumalabas ang mga tanong na ito sa aking isip. Gulong-gulo na ang isip ko at hindi ko na maintindihan kung tama ba nasisihin ko ang aming panginoon o mali na gawin ito. Nilalamon na ako ng emosyon ko, paulit-ulit nalang nangyayari ito, at sa mga nagdaan, ni hindi manlang namin naramdaman ang presensya niya!
Kung patuloy lang niya kaming pababayaan, mas maganda nga siguro kung pipiliin nalang naming sumamba sa Diyos ng kalaban. Baka kung sa gano’n, matigil na ang lahat ng sigalot na nangyayari.
“These are pure just struggles; they are not permanent ones. Stay firm to your principles, Morphie.”
Nag-ulap-ulap ang paningin ko kasabay nito ang pagbulong sa isip ko nang makita ko ang singsing na nakasuot sa diliri ko, sa kanang kamay. Kilala ko ang boses na ito. Simula nang imulat ko ang aking mga mata ay itong boses na ito ang naririnig ko- ang boses ng aking ina.
Kinakausap niya ako ngayon. Nilalayon niyang pauwin ang madalim na bagay na nagbabadyang sumakop sa isip ko. Na-miss kong muli ang kalinga ng aking ina. Hindi lang ngayon, dahil bawat segundo, hiling ko na sana ay nandito pa siya sa tabi ko.
Pinikit ko ang mga mata ko, at inisip na nandirito lang siya sa tabi ko. Pinakiramdaman ko na yayapusin niya nang mahigpit ang natatakot kong katauhan. Sa pamamagitan ng mahigpit niyang yakap na puno ng seguridad at pagmamahal, manunumbalik ang tapang na nagbabadyang lisanin ang ulirat ko.
Ngayon ko lang napagtanto, kaya wala akong makita na mga kasamahan ko ay nandito ako sa ginta ng kakahuyan. Kung gayon, ang ibig sabihin nito ay dito ako tumalsik dahil sa nangyaring pagsabog?
Pero bakit nag-iisa lang ako? Ako lang ba ang katangi-tanging nilalang na napadpad dito? Hindi ko man makita ang mga kasama ko dahil sa malayo sila sa akin, rinig na rinig pa rin ng dalawa kong tainga ang pagsusumamo at panghihingi nila ng tulong.
Nasaan si Psycher?Ayon sa pagkakatanda ko, magkatabi lang kami kanina? Malapit lang ang kinalalagyan namin? Eh so, bakit ako lang ang nalayo sa kanila?Nakakatampo naman iyon. I feel so lonely tuloy!
Babalik na nga ako sa kanila. I need companionship. Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko ngunit saglit akong nakaramdam ng pagkahilo. Dinampi ko palad ko sa noo ko, mayroong likidong tumutulo mula rito. Hindi siya tubig na nanggaling sa puno, mas malapot rito, tinignan ko ‘to, dugo.
“Magpahinga ka muna, Morphie. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Sa kagalayan mo ngayon, hindi ka makatutulong sa kanila kung ang sarili mo ay hindi maayos.” Lumingon ako sa nagsalita.
Kilala ko na naman ang tinig niya. Guest the voice ba ang eksena ko ngayon?
Tama ako sa aking akala. Ito nga ang puting Langgam. Nandito na naman siya.
Nagtataka na talaga ako kung bakit parati siyang nakasunod sa akin. Wala ba siyang ibang ginagawa sa buhay niya, at ang atensyon niya ay nakatuon lang sa akin? Baka wala akong kaalam-alam na kakambal na pala siya ng aking anino!?
“Ikaw na naman?” ang tanong ko sa kaniya.
“Eh, sino pa nga ba? Ako ito ang puting Langgam.”
“Alam ko kung sino ka. Pero teka lang ha, bakit parati kang sumusulpot sa tabi-tabi? Oras-oras ba ay nakasunod ka sa akin?” ang tanong ko sa kaniya.
May tinatago rin kaya siya sa akin o balak niya lang akong asarin? Pinanganak siguro siya sa mundo para guluhin ang buhay ko? Biro lang. Baka hiyawan na naman niya ako ng bakla. Medyo na-trauma na ako. Hindi niya kailangan biruin ko ng gano’n, baka sa susunod may makarinig na sa amin.
“Before you throw me those questions, magpasalamat ka muna sa akin, dahil kung hindi sa tulong ko ay malamang, tustado na kayong lahat ngayon,” masigla nitong wika. Tila wala siyang kahit na anong problema na kinahaharap sa buhay. Ang fresh ng mukha! Maaliwalas. Tamang gapang-gapang lang gano’n!
Teka lang, anong sinasabi niya? Natawa nalang ako nang mahina. Sige nga, ano naman kaya ang magagawa ng puting maliit langgam para tulungan kami na isalba sa lasong itim na usok? Paano niya ito ipapaliwanag? Nagpapatawa na naman siya. Akala niya, sa lahat ng oras, ayos lang magbiro!
“Wala akong oras sa iyo ngayon, Langgam. Kailangan kong tulungan ang mga kasama ko.” Tumalikod na ako sa kaniya. Kaya ko na ang sarili ko at nawala na rin ang pagkahilo ko.
Napahinto ako nang lamunin ng liwanag ang kinalalagyan niya. Upang alamin kung ano ang nangyayari sa kaniya, lumingon ako. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Wala na ang puting Langgam, bagkus ang nasa harapan ko nagyon ay isa nang dambuhalang tutubi na bughaw ang kulay.
“Akala ko ba ay wala kang oras para sa akin?” nagsalita siya. “Bakit ngayon ay parang ayaw mo nang alisin ang mga tingin mo sa bagong kong anyo?” dagdag pa niya.