Chapter 18: ANGER’S BLOOD

1985 Words
Morphie  “PROTEKTAHAN ninyo ang inyong mga sarili!” sigaw na nagbigay sa amin ng hudyat at apoy para lumaban gayundin ay iligtas ang aming mga sarili sa kasalukuyang kapahamakan. Isa na naman itong biglaan pagsugod ng mga Mutuah. Wala sa prinsipyo nila ang lumaban nang patas nang sa gayon doon nila mapagtanto kung talaga bang may kalakasan silang tinataglay. Naiipit kami sa kasalukuyang sitwasyon, wala na kaming magagawa kung hindi ang lumaban, at gisingin ang natatago naming kakayahan. “Kapitan, baka hindi namin sila kayanin. Wala pa tayong pormal na paghahanda!” agam-agam ng isa amin. Hindi man mababakas ang takot sa ekspresyon niya ngunit ang mga salita niya ang naghahayag, pinagdurudahan niya ang sarili niyang abilidad. “Magtiwala kayo sa mga sarili niyong kakayahan. Walang lugar ang agam-agam sa oras na ito. Hindi ko kayo pababayaan,” pagpapalakas ni kapitan ng loob namin. Sang-ayon ako kay Kapitan. Handa siyang ialay ang mga braso niya sa nasasakupan niya upang magkaroon kami ng sapat na pundasyong makidigma. Nabakas ko sa mukha ng dalawang kaibigan ko ang dedikasyon nila makatunggali ang mga kalaban. Maaari ngang hindi pa kami dumaraan sa isang pomal na pagsasanay pero mayroon kaming puso na handang lumaban na hinding-hindi mananakaw sa amin nang kahit sino man. Tumango at ngumiti sila sa akin na siyang lalo pang nagpalakas ng loob ko na lumaban. Nagsimula nang umatake ang mga Mutuah mula sa himpapawid. Kahalintulad ng huli nilang ginawang pag-atake, naghulog sila ng mga bomba sa kinatatayuan namin na hindi namin mabilang sa dami. Mabilis kaming lumiwas at hindi hinayaan ang mga sarili namin na magalusan sa nangyaring pagsabog. Sabay-sabay naming inilabas ang mga pakpak namin at nagsimula nang lumaban. “Reliable ang balitang nakarating sa amin na rito raw sa Iraqui magaganap ang pagsasanay para sa mga bagong recuit na miyembro ng inyong hukbo. Tamang-tama lang ang dating namin. Kapansin-pansin na mukhang magsisimula pa lang kayo. Sulitin niyo na ang buhay niyo dahil mabilis pa sa isang minuto namin kayong papaslangin!” ang wika sa amin ng isa sa mga Mutah na may kakaibang dulot na madilim na presensya. Base sa kung anong nararamdaman ko, maaari na mataas ang katungkulan niya. Magkakamukha lang ang pisikal nilang itsura. Mukha silang bulok na basurang pinagpipiyestahan ng mga langaw. In short, mukha silang bulok at napaglipasan na ng masalimuot na kahapon. May kasama silang iba’t-ibang uri halimaw kayaga ng nakalaban ko noong isang gabi. “Talagang hindi niyo kami tatantanan!” galit na hasik ni kapitan Psycher. Tumumpok na rin sa himpapawid ang lahat ng grupo. Kung susukatin, tama lang ang bilang namin sa kanila. Ibig sabihin nito, patas lang ang magiging laban. Lumipad ako patungo sa isang Mutuah. Malakas kong hinila ang braso niya at may buong panggigigil na tinusok ng palaso ang singit niya. “Aray! Pakshet ka, bente!” Sinuntok niya ang ulo dahil sa dinulot na gulat nang ginawa ko sa kaniya. Nahilo ako ng bahagya pero hindi ako lubos na nagpa-apekto. Mawawala ako sa konsentrasyon kapag nangyari iyon. Mabilis kong hinugot ang palaso ko sa singit niya. “Ang hapdi gago!” ang sigaw niya. Wala akong naririnig, naka pokus lang ako kung paano siya papaslangin. Gamit ang matulis niyang kuko. Nakalmot niya ang kamay ko. Mas lalo akong na-imbiyerna sa kaniya kaya naman hindi nana ako nakapaghintay pa. Tinarak ko muli ang palaso sa ulo niya… binabon ko ito ng todo kahit matigas ang bunggo niya hanggang sa tuluyan siyang balutin ng madilim na liwanag, at tuluyan nang naglaho. Ang itim na dugong naiwan sa sandata ko ang manipestasyon nang nag-uumapaw na galit ko sa kanila. Hindi lang sa himpapawid mayroong nagagap na sagupaan kung hindi pati na rin sa mismo kalupaan. Nakita ko si Kapitan. Siya ang nakikipaglaban sa kaninang nagsalitang Mutuah. Mahusay siyang makipaglaban, pero malakas din ang kaniyang katunggali. I love his techniques. Gusto ko pa siyang panoorin pero wala akong sapat na oras para gawin iyon. Tinuon ko muli ang atensyon ko sa pakikipaglaban. May isa na akong napaslang. Hindi pa ito sapat, kailan ko pang pumaslang ng mas maraming buhay. May nakita akong papasugod sa likuran ng isa naming kasamahan. Sinipat ko siya gamit ang sandata ko, nais ko siyang makaranas ng hinagpis kaya ang mismong pundasyon ng pakpak niya ang pinuntirya ko. Tumurok sa mismong eksaktong kinalalagyan nito ang palaso. Hindi na niya natuloy ang pagsalakay sa kasama ko dahil nakuha ko ang atensyon niya. Napatigil siya, at bumaling sa akin na punong-puno ng galit. Nilapas niya ang pangil niya upang takutin ako pero wala the feeling is neutral. Hindi siya nakakatakot. Baka nga gusto niya pang bungiin ko siya nang makita niya ang hinahanap niya. ‘Wala akong paki-alam sa iyo, gago! Magbabayad kayong lahat!’ Hiyaw ko sa kanilang sa isipan ko. Wala siyang kaide-idea na na katakot-takot na namura ang inaalay ko sa kanila. Lumipad siya palapit sa akin. Gano’n din naman ako, sinalubong ko siya dahil ayaw ko na siyang makaramdam pa ng pagod. Nagtama ang mga braso namin. Nakipaglaban ako sa kaniya gamit ang pisikal na lakas. Walang takot na bumabalot sa akin ngayon. Nag-aalab ang tapang sa akin. Mas malaki ang katawan niya kaysa sa akin at mabilis siyang kumilos. Halata na sanay na sanay na sa pakikipaglaban. Mali na minaliit ko ang kakayahan niya. Dahil sa bilis niya, nasapak niya ako sa pisngi ko ng lumalagakpak. Hindi ako papayag na hindi ko siya magagantihan kaya kung ano ang malapit sa akin ay iyon ang inabot ko. Hinablot ko ang tainga niya at kinurot ko ito ng matindi-tindi. Syempre, I made it sure na magbibigay ito sa kaniya ng matinding hapdi. Naramdaman ko ang pagtalsik ng dugo mula sa labi ko na hindi ko namalayan na nakagat ko pala dahil sa pag-atake niya sa akin. Sinipa niya ako sa tiyan ko gamit ang kalawa niyang paa na binabalot ng putik na umaalingasaw. Naging dahilan ito upang mawalan ako ng balanse sa paglipad. Hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa dahil may sumalo sa akin. Nakita kong si Mura ito. “Ayos ka lang? Double ingat, Morphie.” Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nakita ko na walang awa niyang binaon ang palaso niya sa mata ng kalaban. Tinulungan ko siya, lumapit ako sa kanila at sinira ang pakpak ng halimaw. Wala na siyang maipagmamalaki ngayon. Tuluyan nang binigay ni Mura ang kamatayang hinahanap nito. Pinaulanan niya ito ng pana. Naghiwalay kaming dalawa. Kumirot ang dibdib ko nang makita ko ang mga sugatan naming kasamahan. Kailangan nang matapos ang labanang ito, pero hindi ko alam kung paano. Habang tumatagal, marami pa ang masasaktan. Marami ang kalaban, sa tingin ko, may ilan na ring nasawi sa hukbo namin, sa mga baguhan. Dumistansya ako sa kanila. Mas lalakas ng taktika namin kung puro pana nalang ang gagamitin ko. Kaya naman walang sali-salita. Nagtago ako sa isang higanteng halaman na may malapad na dahon. Dito ko sisipatin at pupuntiryahin ang mga Mutuah. Ginawa ko ang plano ko. Isa… sapul! May isa na akong natamaan, hindi man siya namatay agad pero alam kong nasugatan ko siya sa braso niya. Kailangan din maging maingat sa pag-pana. Hindi lang basta-basta ang gagawing pag-atake dahil baka mamaya, kasamahan ko na ang mapana ko at hindi ang kalaban. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko no’n habang buhay. Hindi rin nagtagal ay may nakapansin sa ginagawa ko. Tumitig siya sa direksyon ko. Sa talas ng paningin niya, nagtama ang mga paningin namin. Napagtanto niyang nagtatago ako kaya naman lumipad siya palapit sa kinalalagyan ko. Ginawa ko ang suot kong singsing bilang isang latigo. Ginulat ko siya gamit ang pagtusok ng patalim nito sa mismong dibdib ng kalaban. Binigyan ko siya ng walang humpay na pagtaligo. Nang makita kong wala na siyang buhay ay saka doon na ako nagdesisyon na lumabas. “Mahusay ka pa lang makipaglaban, Morphie.” Halos tumalon ang dibdib ko sa gulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Pedro. “Sa likod mo, Pedro!” ang sigaw ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko. Mabilis siyang bumaling sa likuran niya habang alertong-alerto. Tumawa ako ng malakas. Iyong mabibingi siya dahil sa ginawa niya. Asar niya akong tinignan. “Ginagago mo ba ako Morpie?” Binibiro ko lang siya. Ang sarap din naman niyang pagtripan no. For at least, even at this smallest thing, nakaganti ako sa kaniya. Hindi ko na siya sinagot. Bahala siya kung ano ang gusto niyang isipin. My time is gold. Lumipad na ako. Nakita ko naman si Noah na nakikipagsuntukan sa kalaban niya. Wala na siyang palaso sa likuran niya. Lumapit ako sa kaniya at nakita ko na tadtad na siya ng mga pasa sa katawan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa na makita ang kasalukuyan niyang sitwasyon dahil mukhang masaya pa siya. O kaawaan siya dahil sa mga pasa niya sa katawan. “Anong tinitingin-tingin mo riyan?” Bumaling si Noah sa akin kaya nasapak ulit siya ng kalaban niya. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang paglabas ng dugo sa kaniyang labi. Hindi ko ito nagustuhan. Kailangan kong tulungan ang frenny ko. Sinakal ko ang kalaban at hinampas siya ng dalawang pakpak ko. Hindi pa ito sapat. Binaon ko mismo sa bumbunan niya ang palaso ng pana kong mas lalong tumingkad ang kulay dahil sa kadiliman ng puso niya. Nahulog siya sa lapag at tuluyan nang nawalan ng buhay. Kung kilala ko lang kung sino ang pumatay kina nanay, tatay at Kelly. Sobrang pahirap ang ibibigay ko sa kanila. Makikipag-sagupaan nalang din ako, lalakasan ko na ang loob ko. Kung matalo man ako, alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang buong makakaya ko at nagtiwala ako sa sarili ko. Bumaba naman ako. Nandoon si Psycher at karamihan ng mga Lethalia. Ginagawa nila ang kanilang makakaya para lang pigilan ang puwersa ng kadiliman. Ito ang unang beses na nakita ko si Psycher na nakikipaglaban. Mabilis ang pagkilos niya at kaya niyang tumapos ng kalaban ng sabay-sabay sa isang pagtira lamang. Maya-maya lang, nakita ko muli ang pagpapalit niya ng anyo. Naging isa siyang lobo. Hindi orginaryong lobo kung hindi isang mabangis na lobo na handang manglapa ng kalaban. Nagulat ang mga baguhan na nakakita sa kaniya. Hindi dapat sila mabahala. Kakampi si Psycher. Hindi sila sasaktan nito. Sumugod siya sa mga kalaban at isa-isa niya itong nilapa. Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya. Hindi siya nawawala sa katinuan niya kahit pa nagpalit siya ng anyo. Gusto ko siyang lapitan, at sumakay sa kaniya pero baka maging pabigat lang ako. “Wahhh!!!” Sumugod ako. Hanggang ngayon ay nagliliyab pa rin sa puso ko ang paghihiganti. Ngunit walang kasiguraduhan kung magtatagumpay. Pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, magtitiwala nalang ako at ipapanalangin ko sana ay may dumating na tulong mula sa palasyo. Karamihan ng mga beteranong mandirigma ay naroroon. May malakas na apoy ang siyang biglang lumitaw sa himpapawid. Tumigil kami at pinagmasdan kung ano ito. Nang matapos ang liwanag, niluwa ang isang nilalang na balot ng itim na kasuotan ang katawan. Hindi ko maaninag ng maayos ang kabuuan niyang itsura dahil nga sa may kalayuan ako sa kaniya. Sandali siyang luminga-linga sa paligid bago nagsalita. “Hinding-hindi matatapos ang kaguluhang nararanasan niyo hangga’t hindi niyo pinipiling paglingkuran ang aming Diyos. Ako si Sare ang isa sa pitong deadly specialist, hawak ko sa kamay ko ang matinding galit at poot!” “Sino naman ang eksaheradang womanelya-paelya na iyan?” ang tanong sa akin ni Noah. “Sare nga raw,” ang sagot ko naman. “Hindi mo ba narinig?” Matinding takot ang hatid ng aura niya. Tila kaya niya kaming paslangin sa pamamagitan isang atake lamang. Lumapit sa kaniya ang mga kasamahan niyang Mutuah. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Tumayo ang mahaba niyang tuwid na buhok. “Magsilayo kayong lah----” Hindi pa man natatapos nang kung sinuman ang sasabihin niya ay nilamon na kami ng matinding usok at dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD