Chapter 17: THEY’RE HERE

1175 Words
Morphie  BUMUNGAD sa amin ang mga kubo na nakatayo na. Sana all. Bongga! Sino kaya ang may-ari ng mga ito? Ang bilis-bilis naman nilang nakagawa. Sana lang, kahit na mabilis ang pagkakagawa sa mga ito, dapat sinigurado rin ang pagkapulido, nararapat lang na matibay. Mas ginanahan tuloy ako na simulan nang itayo ang sa aming magkakaibigan. “Lost ka, ate Morphie! Fully established na ang sa mga kasama natin! Havey na havey ma, oh!” bulong sa akin ni Noah. “Gusto mo ba mas talbugan natin, sila?” ang tanong ko sa kaniya. “If we could, then, I’d go… if not, then quit!” Nagsimula na kaming humanap ng magandang puwesto ng mga kaibigan ko. Ang desired na lugar na dapat ay pagtayuan namin ng aming kubo iyong malayo sa kinalalagyan ng kina Pedro at mga littile phonie alipins niya. We could not have a peace of mind kapag malapit lang kami sa kaniya. Mainam at maluwang ang Lupain ng Iraqui. Tiyak na makahahanap kami ng lugar na gusto namin. Hinati na rin pala ito sa tatlo. Nilagyan ng division upang magkaroon ng lugar ang bawat hukbo.            Bumalik na si heneral Herbes sa Palasyo kasama ang kaniyang mga guwardya. Kinakailangan ng lubos na proteksyon ng mahal na reyna kahit nandoon pa sa tabi niya si Vanessa na isa sa Faireeta. Naiwan sa palasyo ang mga beteranong hukbo na humarap na sa maraming digmaan sa matagal na panahon.            Hindi dapat malingat ang atensyon nila sa reyna. Hindi natutulog ang kasamaan ng mga kalaban. Mayroon pa rin namang gagabay sa amin dito kahit wala ang heneral, kaya nga may tinatawag na Kapitan. Si Kapitan Chrollo ang batas sa pangkat namin ngayon. Nakita ko siyang nakaupo sa bato at nakatingin sa kawalan. Naalala ko tuloy kung ano ang nangyari kagabi, nalasing siya ng sobra at nagkanda suka. Pero sa tingin ko, hindi na niya ito naaalala pa. Pero sana, alam niya na nagkausap kaming dalawa.            Nakahanap na kami ng lugar na pagtatayuan ng kubo namin. Tamang-tama lang ito dahil mukhang malamig sa parteng ito. Upang hindi kami abutan ng dilim, nag-simula na kaming maghukay ng apat na butas upang gawing pundasyon.            “Bilisan niyo ang pagkilos, dapat lang bago lumubog ang araw ay naitayo niyo na ang mga kubo niyo,” hayag ng mabutihan naming kapitan.            “Bilisan? Akala niya siguro madaling maghukay!” sabi ni Noah. Nagsisimula na naman siyang magreklamo.            “Ayan ka na naman! Pagbutihan mo nalang ang trabaho mo. Ikaw ang ibabaon ko rito sa hukay!” ang sagot ko sa kaniya.            “Are you threatening me?” tanong niya habang patuloy na naghuhukay. Wala dito si Mura, naghanap siya ng pala.            “Is that what you feel?” Ngumiti ako sa kaniya at malakas na tinusok ang pangkuhay sa ilalim ng lupa.            “Sort, of.”            Tumigil na kami sa pag-uusap ng dumating si Mura.            “Nanghiram lang ako sa kabila niyan. Nakalimutan nating maghanap kanina sa kakahuyan.” Pinakita niya sa amin ang pangkuha ng lupa na bitbit niya.            Mas mapapadali kami kung mayroon nga kami na ganitong kagamitan. Nag-pokus lang kami sa aming ginagawa hanggang sa matapos kami sa paghuhukay. Tuluyan ko nang binaon ang unang pundasyon. Ako na rin ang nagbaon sa pangalawang pundasyon, samntalang sila naman ang sa dalawang natitira. Tagaktak na ang pawis sa noo ng dalawa kong kaibigan, I feel that they are tired but trying really hard.            Kinuha ko boteng pinunuan ko ng tubig kanina at inabutan sila. Nagpasalamat sila sa akin. Nasasa-amin kung pipiliin namin na magpahinga kahit sandali pero hindi na namin ginawa, bagkus ay pinagpatuloy lang namin ang pagbuo ng kubo upang matapos kami nga ng mas-maaga.            May kaunti akong kalaman pagdating sa pagbuo ng kubo dahil madalas kong nakikita si itay sa tuwing gagawa siya ng panibago naming tirahan. Matindi kung maghinagpis ang kalangitan noon, kaya naman madalas din na masira ang tahanan naming madalas ay bulaklak, paminsan ay ordinaryong kubo.            Dumalo na naman sa ala-ala ko ang isang pangyayari sa amin no’n.            “Lumalakas na naman ang bagyo itay!” sigaw ko kina nanay at tatay habang nakaupo ako sa labas namin. Pinapanood ko lang naman kung paano magsayaw ang mga puno dahil sa malakas na hangin.            May pagkakataon na nakakaaliw itong panoorin, pero kapag tumindi ang hagupit ng hangin. Panganib at takot na ang kaniyang hatid.            Lumabas sina nanay at tatay. Nagulat sila nang tagayin ng hangin ang bubong namin na gawa sa pawid. Tumama ang buhos ng ulan sa aming mga balat. Nakita kong nagising si Psycher mula sa pagkakatulog niya. Maaga kasi siyang namahinga ngayon. Weak!            “Lumikas na tayo. Delikado na ang bagyo.”            Iyak ako nang iyak. Wala na naman kaming tahanan. Kahit hindi ko gusto na iwan namin ang bahay namin habang nasa gitna kami ng matinding galit ng kalangitan ay wala akong nagawa dahil pinilit na ako nina nanay at tatay. Hindi lang naman kami ang nasiraan ng bahay kung hindi pati na rin ang iba naming kapitbahay.            “Babalik din tayo sa bahay anak.”            Tinupad naman nina nanay at tatay ang pangako nila sa akin na kapag sumikat daw ang haring araw ay muli kaming babalik sa aming tirahan. Bumalik nga kami, pero ngek, nalungkot ako kasi wala na kaming bahay. Pero may mga gamit pa kami… ahmm… iyong mga mahahalaga na binalot ni nanay sa plastik para hindi ito masira.            “Huy, Morhie, natulala ka na naman! Kumain ka na naman ng panis na lamok?” Tinampal ako ni Noah sa braso ko.            “Ah… hindi ah,” ang sagot ko. “Kailagan lang natin tibayan ang p*******i para kapag bumagyo, hindi ito masira,” dagdag ko pa.            Natawa si Mura sa sinabi ko. “Hindi naman natin ito gagawin na permanenteng tirahan. Si Morphie talaga, gusto lahat ay pulido.”            Hindi ko na siya nasagot dahil sumulpot sa tabi namin si Kapitan.            “Oh, kumusta ‘yang ginagawa niyo?” tanong nito.            “Malapit na pong matapos, Kapitan. Bubong nalang at ayos na!” sagot ni Mura. Natutuwa talaga ako sa angas niyang magsalita kapag kausap niya ang mga beterano.            Bigla ako nakaramdam ng kaba at otomatikong tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Parang may bumulong sa akin. May kalaban. Kinakabahan akong tumingin ako sa himpapawid. Gumuhit ng malaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga nilalang sa pasugod sa aming kinalalagyan.            “Ang mga Mutuah, kapitan!!!”            Naging alerto si Kapitan!  Tumingin rin siya sa himpapawid. Hindi lang ang atensyon niya ang nakuha ko kung hindi pati na rin ang lahat ng naririto. Palapit nang palapit ang mga kalaban. Ang mga Mutuah nga ito, hindi ako maaaring magkamali dahil walang pagkakaiba ang pakiramdam ko sa huli na sumugod sila.            “Magsipaghanda kayo!” sigaw ni Kapitan. “Oliver, sabihin sa ibang pangkat na paparating ang mga kalaban,” baling nito sa kaniyang mensahero.            “Masusunod po, kapitan!” Mabilis itong kumilos upang ipahayag ang balita.            Kinuha ko ang pana ko sa likuran ko. Hinanda ang aking sarili. Dumating na ang unang pagkakataon para lumaban! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD