An ending is an indeed new beginning to pursue the detours of dreams
Morphie
NAIS kong takpan ng dalawa kong palad ang mga tainga ko upang hindi ko marinig ang bawat panangis na hatid ay dalamhati ng bawat Fairouh na namatayan ng mahal sa buhay. Ito ay mas matindi pa sa kung ano ang naranasan ko noong bata ako. Nakaligtas nga kaming tatlo no’n nina Kelly at Psycher. Pero ngayon, nauna na kaming iwan ni Kelly.
“Pumanaw man ang kanilang pisikal na anyo, ngunit ang kaluluwa nila ay habang buhay na mananatiling buhay at magbabantay sa ating lahat.”
Isang matandang taong paruparo ang umusal ng mensahe na kahit papaano ay makatutulong upang mapawi ang lungkot na nararamdaman ng bawat isa. Ugod-ugod na ang matanda. Tanda lang na marami na siyang karanasan sa mundo. Makikita sa mga pakpak niya ang ilang punit, hayag lang na malapit na rin sumapit ang kaniyang huling buhay. Gayunpaman, hindi niya pinapakita na mahina na siya at pinipilit na itayo na may tinding at laban ang kaniyang mga paa.
“Ang buhay natin sa mundo ng Insectia ay hindi permanente. Tayo ay naninirahan lamang dito sa maikling panahon. Darating ang araw ng ating pagsilang, at hindi rin natin mapipigilan ang pagsapit ng araw ng ating pagkamatay. Pansinin niyo ang mga dahon na nasa puno. Dumarating ang araw ng kanilang ay pagsibol, masaganang yayabong, pero malaon ay malalagas din mula sa sangang pinagkakapitan nila.”
Nakalatag ng tuwid at isang linya ang mga bangkay ng lahat ng pumanaw. Naririto kami ilog na may tubig na dilaw. Dito paaanurin ang bangkay ng mga yumao. Sila ay dadalhin ng mga agos sa kanilang huling hantungan. At sa oras na ito, si Kelly ay babalik sa nagbigay sa kaniya ng buhay, si panginoon Jesuah.
“Maharil ang pagkamatay nila ay hindi dulot ng panahon, bagkus ay kagagawan ng kasamaan; ito na ang kapalarang nakaukit sa tadhana nila. Hindi ibig sabihin nito ay hindi na tayo magsasawa ng mga hakbang para pagbayarin ang mga kalaban.”
“Humayo kayo, yakapin ng buong puso ang inyong walang hanggang pagsilang at patuloy niyong gabayan ang ating kaharian.”
May iwinisik ang matandang kumikinang na pinong butil sa mga bangkay sa harapan niya. Isa-isang umangat ang katawan ng mga bangkay at tumungo sa ibabaw ng tubig. Habang umaangat ang kay Kelly ay siya namang patindi ng pagkirot ng dibdib ko. Ngunit walang lumalabas na depiksyon ng sakit na nararamdaman ko, walang maninipis na hula sa aking pisngi, ang loob ko ang siyang nananangis ng lubos.
Hindi ko puwedeng ipakita ang kahinaan ko sa harap na maraming mapagmasid ng mga mata, at mapang-husgang isipan. Walang sinumang nilalang sa kaharian namin bukod kay Kelly ang nakaaalam ng tunay kong kasarian. Hindi ko nais o iniisip na ipatapon sa lugar ng kawalan kapag may nakapansin ng kakaibang galaw ko.
Nakita kong naglalakad palapit sa aking tabi ang musmos na si Meera. Tumatangis siya at humikhik. Napansin ko ang iilang galos sa kaniyang noo at sugat na nakamtan ng kaniyang kaliwang braso.
“Wala na po si nanay Cherry, kuya Morphie.” Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa binanggit ng batang musmos. Wala na ring ama itong si Meera. Matagal nang namatay ng atakin ng mga higanteng ibon nang umuwi ng gabi galing sa kakahuyan.
Dalawang araw na ang lumipas nang maganap ang pagpapasabog ng mga Mutuah. Simula nang nakita kong nadamay ang kaibigan ko ay nawalan ako ng ulirat sa paligid. Hindi ko na inalam kung sino pa ang ibang nabiktima. May takip na kumot ang mga bangkay, wala akong kaalam-alam na isa roon si aleng Cherry.
Niyakap ako ni Meera ng mahigpit. Hinayaan ko lang ang bata na umiyak nang umiyak ang bata sa tiyan ko. Sa mga bisig ko, maaari niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa kasalukuyan. Habang tinatanaw ko siya ay para akong nananalamin. Siya ang depiksyon ng pighating nasaranasan ng batang si Morphie, ang batang puno ng takot at balot ng pangarap.
“Tahan na... Meera.” Hinimas-himas ko ang likuran niya nang may pagkalinga. “Malulungkot ang nanay Cherry mo kapag nakita ka niyang iyak nang iyak. Gusto mo bang nalulungkot ang nanay mo?”
Humiwalay siya sa pagyapos sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko. Tinulungan ko naman ang bata na pahirin ang mga umagos na luha sa pisngi niya.
“Kuya Morphie, paano po ako makikita ni nanay na umiiyak eh wala na po siya dito? Hindi ko na po siya… hindi ko na siya makakasam. Mag-isa nalang po ako ngayon,” ang siyang sawing bigkas ng bata.
Kakaiba ang handog na kirot sa dibdib ko ng mga salita ni Meera. Buo ang kamalayan nang bata na nag-iisa nalang siya sa buhay. Wala nang ama at ina. Wala nang gagabay sa kaniya sa mundo ng Insectia.
“Syempre Meera, kahit wala na rito sa tabi natin ang nanay mo, nakikita pa rin niya ang lahat ng ginagawa mo. Ayaw ka niyang nakikita na malungkot o natatakot. Gusto ka niya na makita na parating masaya. Hindi masasabi sa iyo ng nanay mo na maging masaya ka kaya dapat ikaw na… parati ka nang maging masaya sa sarili mo.”
“Kuya Morphie, sana po pala ay nadamay na rin ako sa pagsabog para hindi ako nag-iisa nalang. Para po masabi sa akin ni nanay na ‘wag akong malungkot. Para po may magagalit sa akin kapag naglalaro ako maghapon at nakakalimutan ko nang kumain.” Tumigil sa pagsasalita ang bata. “Sino na po ang mag-aalaga sa akin ngayon na wala na si nanay?”
“Ako… ako ang mag-aalaga sa iyo.”
“Aling Indang?”
Sumulpot sa aming harapan ang isa sa matanda sa aming komunidad. Nakangiti siyang lumapit kay Meera at hinimas ang likuran ng bata.
“Talaga po? Matanda na po kayo… baka hindi na po kayanin ng katawan niyo,” ang wika pa ni Meera.
“Ah… Meera, malakas pa si aling Indang. Saka dalawa kaming mag-aalaga at magbabantay sa iyo. Tayong tatlo na ngayon ang magkakapamilya,” ang pagsingit ko naman.
“Hala! Talaga po?” Tumingin siya sa mga mata namin ni nay Indang. Hindi namin binigo ang bata at agad na tumango. “Salamat po. Akala ko, mag-isa nalang ako.” Mas lalo pa siyang naiyak. Ngyon, mararamdaman na niya na hindi siya nag-iisa. Na parati siyang mayroong makakasama kapag nalulungkot siya, kapag natatakot siya. Ang kalinga na isang matanda gaya ni aling Indang ay hindi matatawaran. Nabasa ko sa mga mata ni aling Indang ang saya sa kaniyang mukha.
Nang matapos ang ganap na ito ay bumalik kami sa aming tirahan. Napagdesisyunan namin na isang bulaklak nalang ang aming titirhan nang sa gayon ay sama-sama kaming tatlo sa hirap at ginhawa. Naiglip kami sandli ni Meera, nagising nalang kami ng takipin ni aling Indang ang kanang braso ko.
“Maghahapunan na tayo, Morphie at Meera. Nakaluto na ako,” ang wika ng matanda.
Pinagluto pa kami ni aling Indang. Matanda na siya kaya dapat sa mga kagaya niya ay namamahinga na lamang. Mabilis akong tumayo at nanghingi ng pasensya sa matanda dahil nag-abala pa siya para ipaghanda lang kami ng makakain ngunit sinabi niya na masaya raw siyang gawin ito.
“Nanay na ang itawag niyo sa aking dalawa simula ngayong gabi. Mga anak ko na kayo ngayon,” ang wika pa nito. Sobrang saya na marinig na bigkasin ito ni nay Indang. Tumingin ako sa kaniya at binigyan siya ng matamis na ngiti na dapat lang matanggap ng kagaya niya.
“Yehey! May nanay na ulit ako.” Walang paglagyan ang kasiyahan ni Meera ngayon. “Sabi ni kuya Morphie, parati raw akong ngumiti para maging masaya rin si nanay Cherry sa tuwing makikita niya ako.”
“Tama Meera, nandito lang parati ang nanay mo sa tabi natin. Hinding-hindi ka niya iniwan. Gusto ka lang niya na maging matatag at mas matapang. Ikaw ba, kapag nakita mong malungkot ang nanay mo, hindi ba malulungkot ka rin?” Tumango ang bata bilang pagsagot kay nay Indang. “Kaya dapat parating malapad ang mga ngiti mo!”
“Opo, nanay Indang! Tama po kayo!”
Tumungo na kami sa kusina upang pagsalu-saluhan ang hapunang hinanda ng bago naming tanglaw sa aming madilim na daan.
KINAUMAGAHAN, dumating sa aming komunidad ang tatlong mensahero mula sa Palasyo. Nanghihikayat ang mga ito ng mga bagong mandirigma na daragdag sa hanay ng kasalukuyang hukbo. Ayon sa kanila, kailangan pang mas pag-intingin ang lakas nito at parating maging handa sa lahat nang delubyong darating. Sa pahanon ngayon, hindi na tiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Nagsisimula na ulit na maghasik ng pasakit ang matagal nang nanahimik na mga kalaban.
“Ang bawat pamilya na may lalaking miyembro ay obligadong sumali sa hukbong sandatahan ng Palasyo. Mag-uumpisa ang pagpili at pagsasanay sa susunod na araw. Ang pamilyang magpapadala ng kanilang representante ay makatatanggap ng pabuya at pagkilala mula sa mahal na Reyna. Uulitin ko, sa susunod na araw na magaganap ang pagpili at pagsasanay. Ito na ang tamang oras upang ilabas niyo ang tatago niyong tapang, at maging handa na ipagtanggol ang ating kaharian.”
Hindi ko maintindihan sa sarili ko pero bigla nalang akong napatalon sa tuwa. Sa wakas, makakasali na rin ako sa Cavalleros. Ito ang pagkakataon upang matupad ko ang isa sa pangarap ko noong bata pa ako- ang mapabilang sa hukbong sandatahan. Sa pamamagitan nito, magagawa ko na ang misyon ko na bigyan ng hustisya ang pagkamay ng pamilya at mga kaibigan ko.
Sa kabilang banda, pumasok ang kaba ng pagdududa sa dibdib ko. Tunay na lalaki lang ang kwalipikadong sumali at magsanay.
Baka mahalata nila ang pagiging baluktot ko? Baka matanggal lang ako sa hukbo at makatanggap ng kahihiyang parusa? Kailangan ko itong pag-isipan ng mabuti. Kailangan na maging buo sa puso at isip ko kung ano man ang magiging desisyon ko.
Habang abala sa pag-iisip ay binaba ko ang tingting na hawak ko. Pumunta ako sa likuran kung saan mayroong magandang simoy ng hangin. Naupo ako sa makinis kahoy. Dito sa lugar na ito, mas makakapag-isip ako ng matiwasay.
“Hayst! Naguguluhan ako!”
Hindi ko namalayan na napasigaw pala ako.
“Huy, baklang Morphie! Ang ingay-ingay mo. Natutulog ako rito. Isa kang malaking abala!”
Ito na naman siya, ang puting Langgam. Pabigla-bigla nalang siyang sumusulpot at makikialam sa akin.
“May iniisip ako. Mamaya mo na ako asarin. Wala akong oras sa iyo, ngayon,” taray-tarayan kong wika.
Hindi ko alam sa langgam na ‘to kung paano niya nalaman na bakla ako. Hindi ko naman siya sinabihan. Baka malakas lang talaga ang pakiramdam niya. Itatama ko lang ang sinabi ko kanina, hindi lang pala si Kelly ang nakakaalam ng tunay kong kasarian kung hindi pati rin siya.
“Alam ko ang mga bagay na kanina pa naglalaro sa isip mo. Gusto mong mapabilang sa hukbong sandatahan pero natatakot ka kasi hindi ka tunay na lalaki? Baka malabag mo ang authentic virtue? Tama ba ako? At kapag nalaman ng heneral na baklalur ka, ipatatapon ka sa mundo ng kawalan, hanggang sa doon ka na mamatay,” mahaba nitong wika.
“Sandali lang! Paano mo ba nalaman ang mga bagay na iyan eh hindi ko naman sinasabi sa iyo? Stalker ka no? Crush mo siguro ako,” ang saad ko.
“Mandiri ka nga sa sarili mo Morphie! Hindi tayo talo kaya sana ay tumaas iyang nga balahibo mo sa katawan!” Natahimik ako sa sinabi niya. Parang below the belt naman ang salitang, mandiri sa sarili ko.
“Basta, you need to follow your heart whatever it takes. Later ko na sasabihin sa iyo ang dahilan when the right time comes kung paano ko nababasa ang mga iniisip mo.”
Umalis na siya at nag-iwan sa akin ng isang makahulugan at malalim na payo.
Sundin ang aking puso- kahit na ano pa man ang mangyari.
Nararapat lang na maging matapang akong ihakbang ang mga paa ko para maabot ko ang mga pangarap ko. Ito lang tanging paraan upang magawa ko ang misyon ko na bigyan ng hustisya ang pagkamatay nina Kelly, nanay, tatay, at pati na rin si aling Cherry.
Walang mangyayari sa akin kung hindi ako magsisimulang humakbang. Mukhang lalaki naman ang itsura ko – kaunti lang. Ang tanging kailangan ko lang gawin at mas bigyan ng atensyon, ay tikasan pa ang tindig ko at lakihan ang boses sa tuwing magsasalita. May takot man na bumabalot sa isip ko, pero kailan ko itong subukan, sasali ako. Isa pa, nandoon naman si Psycher. Alam ko na gagabayan niya ako.
Naniniwala ako na nasa maganda nang kalagayan si Kelly. Kung nasaan man siya naroroon sa kasalukuyan, gusto ko lang sabihin sa kaniya na magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay niya.
“Kung nais mong mapabilang sa Cavalleros, susuportahan ka naming dalawa ni Meera.” Naramdaman ko nalang na umupo sa magkabilang gilid ko sina nanay Indang at Meera.
“Oo nga, kuya Morphie! Kayang-kaya mo iyon! Isang suntok mo lang sa kalaban, tatalsik na agad sila at bogsh… patay na sila! Ipagtanggol mo si nanay at ang girlfriend mong si ate Kelly!” ang wika ng bata.
Sampal ang gagawin ko sa pagmumukha nilang lahat, Meera, sampal at hindi suntok!