Chapter 6: YES!

1736 Words
Making decisions even the roads ahead are blurred is the bravest way to achieve change Morphie “NAKA-suporta lang kami ni Meera sa iyo kung ano man ang magiging decision mo, anak.” Ngumiti sa akin si nay Indang. Binigyan niya ako ng banayad na hagod sa aking likuran. Ang hagod na ito ang siyang tumutulong upang tumahan ang daluyong ng pag-aagam-agam sa aking isipan. Hindi matapos-tapos ang aking pag-iisip simula pa kanina nang marinig ko ang balita. Sabi ng puting Langgam sa akin, follow your heart. Pero ibang kalaban ang sariling isip natin. Napakahirap. Kinukulong ako nito sa isang makipot na kulungang abot kamay ko lamang ang susi upang ako'y makatakas pero hindi ko ito mahawakan. “Yup. Sang-ayon ako kay nay Indang. Basta mag-iingat ka roon kuya, Morphie! Palagi mo lang ilagay riyan sa puso’t-isip mo na mahal ka namin. Pagdarasal kita parati kay papa Jesuah para araw-araw ka niyang gabayan,” mahaba namang saad ng batang kaharap kong kumakain sa mesang gawa sa sanga nang kahoy na kayumanggi. Akala mo namang naiintindihan niya kung ano ang pinag-uusapan namin ni nay Indang, at kung ano ang papasukin ko. Bata pa lang si Meera, malaman na ang mga binibigkas niyang mga salita. Patunay lang, mas mahahasa pa ito hanggang sa siya ay magka-edad. Kahit hindi iisang dugo ang nanalaytay sa mga ugat namin, buong puso silang handa na palakasin ang loob ko. Iisa lang naman ang mithiin ang lahat, ito ay walang iba kung hindi magkaroon ng walang hanggang kapayapaan sa aming kaharian. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Nakatingin lang ako sa isang tabi at tulala ang isip habang ninunguya ang hindi malamang pagkaing niluto ni nay Indang. Nabanggit niya kanina ang tawag rito, pero ngayon, nakalimutan ko na. “Ang sarap ng ulam na niluto ni Nay Indang! May bitamina ata itong kasama! Malinamnam sa sarap!” Nagugustuahn ko ang saya sa mukha ni Meera, kahit paano, hindi na madalas sumagi sa isipan niya ang pagkamatay ni aling Cherry. “Kumain ka lang nang kain, Meera. Bukas ay tuturuan kitang maghabi ng mga kasuotan para may bago ka namang bagay na matutuhan,” ang sabi naman ni nay Indang na mas lalo pang naglapad sa ngiti ng bata. “Sige po. Gusto ko rin pong matutong maghabi ng mga damit! Naikuwento po kasi sa akin ni nanay no'n na magaling daw po kayo sa paghahabi ng mga kasuotan.” Lumungkot ang mukha niya nang maisip ang ina. “Sana po nandito pa rin si nanay para dalawa kaming tuturuan niyo, nay Indang.” “Kapag sumali ako sa hukbong sandatahan ng kaharian natin. Sa pagbalik ko, dapat ikaw na ang pinakamagaling na manghahabi sa buong Lepidoria ha?” wika kay Meera. “Kayang-kaya ni Meera iyan, Morphie! Madali lang iyon. Siya pa ba?” pagpapalakas ni nay Indang sa tiwala ng bata sa sarili. “Susubukan ko po.” Nangmayari ang hapunan. Ako na ang nagboluntaryo na magsasabit ng pinagkainan naming dahon sa labas upang patuyuin ito bago tuluyang itapon nang maging pataba sa mga pananim sa paligid. Ito na ang isa sa tradisyon naming mga Kampensina, isa sa obligasyon namin ay napanatiling malinis ang kapaligiran. Kami rin ang nahihirahan dito, kung sakali gaganti man ang kalikasan sa darating na panahon dahil sa maling bagay na ginagawa namin, kami lang din ang kauna-unahang hahagupitin ng galit nito. Hindi ko maiwasan na mapakanta habang nagsasabit ng mga dahon. Maganda ang panahon ngayon kung susumahin. Hindi gano'n kalamig, at hindi rin naman sobrang init. Tamang-tama lang upang ako'y makapag-isip-isip ng mga bagay-bagay. Natanaw ko sa itaas ang mga kumikinang na naggagandahang mga bituin sa kalangitan. Naghahayag sila ng mga kislap at kakaibang liwanag na biglaan nalang akong napapangiti sa hindi ko malaman na dahilan. Isa-isa kong sinabit ang tatlong malapad na dahon. Mayari rito, sinunod ko namang hugasan sa maliit na batis sa gilid ng aming tahanan-ito ang mga pinaglagyan ng sabaw kanina. Sa tubig, nakita ko ang repleksyon ng mukha ko. Malaki na ang pinagbago ng ngiti sa aking mga labi. Ilang araw pa lang ang lumipas nang mangyari ang trahedya sa palasyo, ngunit ang saya sa ang mga mata ko ay mabilis akong nilisan. 'Hindi ko ipipikit ang mga mata ko ngayong gabi nang hindi ako nakagagawa ng pinal na desisyon. Bukas na bukas, pagmulat ko ng mga mata ko, nasa palasyo na ako.' BITBIT ang dalawang katamtamang sukat ng kahon. Madilim pa lang ay lumipad na ako patungo sa palasyo, sa mismong lugar kung saan ang tanggapan ng mga bagong miyembro ng hukbong sandatahan. Laman ng mga kahon ang personal na gamit ko. Kabilang dito, ang isang bagay na pinaka-iingatan ko, ang singsing na binigay sa akin ni nanay noong huling kaarawan ko na kasama silang dalawa ni tatay. Iniwan ko si nanay Indang at Meerang natutulog. Nag-iwan ako sa kanila ng sulat na maaaring sumagot kung sila man ay may katanungan sa akin na hindi ko nasagot nitong mga nakaraang araw. Buo ang tiwala ko na hindi maliligaw nang landas ang batang si Meera dahil gagabayan siya ni nanay Indang. Marami nang karanasan sa buhay ni nay Indang, at lahat ng mga ito ay magagamit niya upang mapalaki ng maayos si Meera hangga't nabubuhay pa siya. Laman ng puso’t isip ko ang prinsipyo na pinaniniwalaan ko. Kasalukuyang nakaapak ang mga paa ko malapit sa sirang tarangkahan ng Palasyo. Kapansin-pansin ang ibang kalalakihan na may bibit ding mga gamit. Kagaya ko, alam kong papasok din sila. Bahagya akong nakaramdam ng panliliit. Sila pa lang ang nakikita ko, unting-unti na namang nanghihina ang loob ko. Ang lalaki ng mga pangangatawan nila. Halatang mga batak. Sanay sa pakikipagpunong braso, at halatang laki sa pangangaso at pagbubukid. Tumigil muna ako sandali para huminga ng malalim. Binaba ko ang hawak kong kahon sa kaliwang kamay at pinatong ang kamay ko sa dibdib ko. Pinakiramdam ang t***k ng puso, may kabog ito, patunay lang na humihinga pa ako -- may buhay pa at kayang-kaya na umabot ng pangarap. Muli kong dinampot ang dala kong bag. Tumindig ng tuwid, at taas noo. Mataas ang balikat ko na nagpapahiwatig lang ng kumpiyansa ko sa sarili ko. 'Keribels mo ito, Morphie. Hindi mo dapat ipahalata na kabado ka at may tinatago kang lambot. Tandaan mo, matikas ka, at lalaking-lalaki! Pak! Lakard na!' Nag-umpisa na akong ihakbang ang mga paa ko ako papasok ng palasyo. “Sa gawing kaliwa ang daan patungo sa hukbo,” Narinig kong bigay direksyon ni kuyang tagapamahala ng siwang labas masok. May taas siyang pitong talampakan, kaunting sukat nalang ay maaari na siyang tawagin biglang isang higante. “Maraming salamat po!” Hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa direksyong sinabi niya. Hindi na bago sa akin ang bawat pasikot sa labas ng palaso dahil sa gawing ito kami huling nagtrabaho ni Kelly. Noong araw na inayos namin ang mga halaman. Hindi pa man ako nakalalayo ay agad kong nakita ang pulutong ng mga kalalakihan. May nasuri agad ako. Parang hindi organisado ang pagtitipon. Mas magiging maayos at maganda sana ito kung kada linya ang ginawang hanay. Rinig ang mga pag-uusap ngunit hindi malakas at mga bulungan lamang. Hindi batong estatwa ang mga naririto kaya naman kahit papaano, napapakislot sila “Para sa mga nais na mapabilang sa hanay ng Acrusa ay pumarini!” Nagsalita ang isang armadong lalaki. Pilak ang papak niya at mayroon siyang kakaibang pana sa kaniyang likuran. Kilala ko siya, siya ang kapitan ng hukbo. Pumila ang mga kalalakihan na napili ang itong hukbong sandatahan, tinatawag ito bilang Acrusa. Ang hanay na ito ang may armas na Pana. Pinangarap kong mapabilang sa hukbong ito kaya naman dali-dali akong sumunod sa pila. Ang mga natira, sumunod naman sila sa hanay ng Lethalia- sila ang may armas na Espada, at ang huli ay Nendertalia, ang hukbo na may armas na Sibat. Nakita ko si Psycher, matikas siyang nakatayo sa tabi ng Kapitan ng Lethalia. Napatingin rin siya sa Direksyon ko kaya nakita kong nginitian niya rin ako. Bakit kaya siya naroroon sa tabi ng kapitan ng hukbo niya? Hindi kaya mataas na ang posisyon niya sa hukbo? Hindi manlang niya nabanggit sa akin. Hmmm… “Kalurks! Ang fafa naman no'nchie! Dapatsung pala sa anes, Nendertallia nalang akis ju-moining!” Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Alam ko ang salitang ginamit niya. Pang-baklang salita ito. Ang guwapo raw ni Psycher, ang ibig nitong sabihin. Mabilis ko siyang sinulyapan. Napatakip siya sa bibig niya. Kumpirmado nga! Isa siyang kapederasyon. Kagaya ko, marami rin siyang bitbit na kung ano-anong abusto! Mga pampaganda niya siguro iyon sa mukha. ‘Hindi ako nag-iisa rito! May kasama ako.' Mas lumakas ang loob ko nang napansin ko ang pagpilantik ng mga daliri niya. Pero halatang-halata ko na pinipilit niya itong patigasin para kagaya ko makapagtakpan niya ang pinakakatago niyang lambot. “Sa harapan ang tingin ng lahat!” Mabilis kong binaling ang atensyon ko sa harapan. Kumabog ang dibdib ko nang makita kong nakatingin sa akin ang kapitan ng Acrusa. Ang hukbong mapapabilangan ko kung makapapasa man ako sa unang pagsubok. Matikas siyang lalaki. Kakaiba ang kaguwapuhan niya kumpara sa lahat ng kalalakihang naririto. Makisig, matangkad, maganda ang tindig, at isa pa, nakatatakot ang mga tingin siya, halata ang pagiging istrikto, at matapang. Umiwas siya ng tingin at maya-maya lang ay nagsalita ang heneral. “Disiplina!” Nakatayo siya sa tuktok ng bakal na tore. “Iyan ang kauna-unahang bagay na dapat niyong matutuhan!” Sa isang kisap mata, tumahimik ang buong paligid. Kung susumahin, tila ang bawat isa ay nawalan ng dila at hindi makausal nang kahit ano mang salita. “Nandito kayong lahat. Nakatapak ang mga paa sa lupain ng Lepidoria. Ang kahariang sinugod ng mga kalaban. Ngayon, una at huling tanong, handa ba kayong ibuwis ang buhay niyo, alang-alang sa Reyna at sa Palasyo?!” “Opo Heneral!” ang siyang buong loob na sagot nila. Pumikit ako, pinakinggan ang kabog ng dibdib ko. Handa nga ba ako? Handa ba akong isakripisyo ang sarili ko para sa palasyo at sa mahal na reyna? “Mahina! Isa pa! Handa ba kayong isakripisyo ang buhay niyo para sa mahal na Reyna at sa Palasyo!?” “Opo!” Handa na nga ako. “Kung gano'n, ilagay sa isang sulok ang mga bibit niyong abasto, mag-uumpisa na ang unang pagsubok upang mabatid at mapatunayan kung kayo’y karapat-dapat sa hukbong nais niyong mapabilang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD