Chapter 7: TESTS

2112 Words
I have found my company Morphie            MATULIN kong binaba ang dala kong dalawang bag sa gilid na tinuro ni Heneral Herbes na pag-iiwanan namin ng mga kagamitan namin. Siya ang may pinakamataas na rangko sa Cavalleros dito sa kaharian. Inayos ko ang mga gamit ko. Tiyak ako na walang gagalaw nito. Maselan pa naman ako pagdating sa mga personal kong kagamitan. Ayaw ko na maging pahalang-halang lang at may ibang gumagalaw nang walang paalam. Pinagtabi ko nalang ang mga ito sa isang sulok upang hindi malayo sa isa’t-isa.            Akmang pabalik na ako ng puwesto ko nang may bumangga sa akin. Hinarap ko ito at nakita ko si Pedro.  Nakangisi siya sa akin. Hindi maganda ang kutob ko sa mga ngisi niya. Aasarin na naman ako ng loko. Sandali, anong ginagawa ng tao na ito rito? Ang luwag-luwag ng daan, bakit kailangan niya pa akong bungguin?            “Nandito ka rin pala, Morphie,” ang matipid nitong saad. Gusto ko siyang barahin. Kaya nga nakikita niya ako sa harapan niya kasi nandito ako? Hindi niya ako makikita kung wala ako sa harapan niya. Baliw talagaa siya kung makatanong. Ayaw ayusin. “Oh, bakit natulala ka? ‘Wag mong sabihin na nagu-gwapuahn ka na naman sa akin?” ang wika pa niya dahil hindi ko nagawang sumagot sa kung ano ang sinabi niya.            Tarantado siya! Taas ng tingin sa sarili! Kahit paikutin ng sampung beses ang mundo ay hinding-hindi mangyayari iyon. Walang bagay na papasok sa isip ko na magtutulak upang magustuhan ko siya! Never in my dead body! Pero kinabahan ako sa biglaan niyang pagsulpot. Baka rito niya ako asarin na bakla. Wala siya tamang lugar upang gawin iyon. Natatandaan ko pa ang huling alitan naming dalawa ay tungkol sa kasarian ko. Pinipilit niya akong umamin. Hindi naman niya alam kung nagsasabi ako ng totoo kahit naamin ko na bakla ako. “Maghilamos ka nga muna sa batis Pedro nang makita mo ang repleksyon ng mukha mo!” ang nakabusalsal kong sagot. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako natutuwa sa kaniya. “Sus! Ayaw pa nitong umamin eh naglalaway ka nga sa akin!” Gusto kong masuka sa binanggit niya, pero wala namang laman ang tiyan ko kaya napaka-imposible no’n. “Bakit ka nandito? Huh?!” Tinaasan niya pa ako ng kilay niyang upod.  “Bakit mo tinatanong? Ikaw lang ba ang may karapatan na sumali?” Matapang kong sagot. Hindi ako dapat magbigay ng kahit katiting na senyales na may pangamba ako sa maaari niyang gawin. Ito pa lang ang unang araw namin dito at ayaw ko ito na magkanda letche-letche! “Hindi naman sa gano’n, Morphie. Pero alam mo… hindi ka rin tuluyang mapapabilang sa hukbo dahil sigurado ako na hindi ka makakapasa sa pagsubok! Pangangarap nalang ng gising! Ayan ang pinaka-mainam mong dapat gawin!” Tumawa siya at mabuti naman ay tuluyan na niya akong tinalikuran.            Ibig ko siyang paulanan ng mga suntok. Nakakagigil si Pedro. Ang taas ng kumpiyansa niya sa sarili niya na makakapasok siya. Hindi ko siya dapat pagtuuan ng lakas. Tignan nalang natin mamaya. Lulunukin niya ang mga sarili niyang salita.            “Tol, parang may galit sa iyo ang lalaking iyon, huh?” ang tanong sa akin ng isang lalaki. Sumulpot nalang siya sa tabi ko. Kasing laki ko lang siya. Maputi ang balat at bagsak ang buhok.            “Wala iyon, ‘tol,” ang pagsasawalang bahala ko. Hindi ko na ibig pa iyong pag-usapan pa at baka magtuloy-tuloy nang masira ang magandang araw ko. “Tara na, baka mahuli pa tayo! Mahirap na,” ang yaya ko rito. Hindi ko pa alam ang pangalan niya. Matagal pa naman ako rito kaya malalaman ko rin iyon soon.            “Mura nga pala ‘tol,” pakilala niya habang naglalakad kami. Oh, hindi na pala soon, dahil ngayon na. Magandang pangalan- Mura. Hindi naman siguro ito kinuha galing sa masamang salita. Sana, kabaligtaran ito ng kaniyang pagkatao.            “Morphie, pare.” Ang bastos naman kung hindi ako magpapakilala kaya’t sinabi ko na rin ang akin.            Hayst! Ito na. Aamin na ako na nandidiri ako kapag binabanggit niya sa akin ang salitang ‘tol’. Lalaking-lalaki ang datingan. Wala akong magagawa. Ginusto ko ito kaya dapat lang na masanay na ako na mga ganitong salita ang maririnig ko buong panahon na nandirito ako.            Pinaghiwa-hiwalay ang hanay ng bawat pangkat para sa gagawing pagsasanay. May kaniya-kaniyang lugar sa palasyo ang pagdarausan nito. Kaming mga Acrusa, nadestino sa likod ng palasyo. May bakanteng lugar doon kung saan gaganapin ang unang pagsubok na magtatala kung nararapat ba kami na mapabilang sa hukbong sandatahan o hindi.            “May kamalayan siguro kayo kung anong hanay ang pinasok niyo,” nagsimula nang magsalita ang kapitan ng hukbo namin nang maayos na ang lahat.            “Opo, Kapitan!” sabay-sabay na sagot naming lahat.            “Dapat lang! Bago natin umpisahan ang unang pagsubok nais ko lang ipakilala ang sarili ko sa inyo, ako nga pala si Chrollo, ang kapitan sa hanay ng Acrusa. Ako lang ang nag-iisang anak ni Heneral Herbes kaya makakaasa kayo na nasa tamang hanay kayo.”            Chrollo. Bagay na bagay kay Kapitan ang pangalan niya. Lalaking-lalaki. May mando kagaya niya. Nakita ko siya sa hanay ng mga Rei noong lumabas ang reyna sa palasyo. Hindi ko alam kung naatasan lang siyang magbantay o tunay na nabibilang siya sa pangalawang pinakamataas na antas sa kaharian. Hindi lang siya basta-basta. Sa murang edad niya, alam ko na marami na siyang nadaluhang labanan, at pagsasanay na pinagdaanan. May lumapit sa kaniya. May hawak itong papel. Siguro, isa siya sa mga tauhan ni Kapitan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Malayo sila sa kinalalagyan ko. Bumulong si Kapitan Chrollo rito. Nagsalita ang taong may hawak ng papel. “Makinig kayong lahat. Hawak ko sa papel na ito ang proseso na gagawin niyong pagsasanay.” Binuklat niya ang papel, at may binasa roon. “Ang pagsubok ay may tatlong bahagi, una ay kinakailangan niyong itama ang sampung palaso sa bilog na tusukan nang tuloy-tuloy at walang sumasablay ni isa. Para sa mga makakapasa sa unang pagsubok, magaling dahil naghihintay sa inyo ang ikalawang pagsubok kung saan kailangan niyong talunin sa pabilisan ng paglipad ang mga beteranong miyembro ng hukbo o kaya naman ay sabayan ang kanilang tulin na hindi na huhuli na mayroong malaking agwat. Ang huling pagsubok na naghihintay sa mga magtatagumpay sa una at pangalawang pagsubok… ay abangan niyo.” May pabitan pa siya. Napaliwanag niya nang maayos ang bawat pagsubok, pero may nakalimutan siya. Hindi siya nakapagpakilala.            Mataas ang paniniwala ko sa sarili ko na maipapasa ko ang mga pagsubok. Gagamitin ko rito ang lahat ng estratehiya na itinuro sa akin ni itay noong nagsasanay pa kami. Lahat ay baon ko at nakatanim sa puso ko. “Ang lahat na magtatagumpay sa tatlong nakahaing pagsubok ay opisyal nang kasapi ng hukbo at dadalhin sa Iraqui upang doon magsanay. Naintindihan niyo ba?” ang wika ni Kapitan. Alam ko ang lugar na  Iraqui. Iyon ang abandonadong tahanan ng mga taong lobo. Ang lupang tinubuan ni Psycher. Natuwa ako at na-enganyo na pagbutihan nang marinig ko na roon kami magsasanay. Hindi pa ako sigurado na magiging opisyal na miyembro ng hukbo, kailangan ko munang mapagtagumpayan ang tatlong pagsubok. Magagawa ko iyon! “Mukhang malinaw na sa inyong lahat ang mga patakaran! Handa na ba kayo para sa una niyong pagsubok?” ang tanong ni Kapitan. Magsisimula na nga ngayon ang realidad. “Opo, Kapitan!” Nahati kami sa limang linya. Lima kasi ang bilog sa harapan namin. Doon namin kailangang ipatama ang sampung palaso nang tuloy-tuloy at walang ni-isa ang sasablay. Sa pagsubok na ito, makikita ang talas ng paningin namin, ang husay sa pagsipat. Nagsimula na ang unang hilera. Nakatuon ang atensyon ko sa bawat isa dahil naniniwala ako na makakakuha ako sa kanila ng estratehiya. Kailangan ko na ring maghanda.           “Emeghed, panginoon kong Jesuah! Helpsung niyo po akekak na ma-donesung itis-struth ng very satisfying. Lend hands po na mag-come out ng panalya ability kekak kes. All my faith on in you! Namaste!” Narinig ko na naman ang boses na ito. Sa likuran ko ito nang gagaling kaya lumingon ako. Tama ang hinala ko. Nasa likuran ko na naman si betla-ey nae-nae-nae! “Hoy, pre kalma ka lang! Kaya natin iyan!” Kailangan kong palakasin ang loob niya kasi parang pinaghihinaan siya. Alam ko na may misyon din siya na kailangang maisakatuparan kung bakit siya naririto ngayon. Ngumiti siya sa akin. “Salamat pre.” Nilakasan niya ang salitang pre para hindi mahalata ng iba na baluktot siya. Hindi naman ang pisikal niyang anyo ang baluktot kung hindi ang kasarian niya. Malakas ang kutob ko, nararamdaman niya rin na parehas kami ng kasarian. May puwersa na agad nag-konekta sa amin nang una kong marinig ang boses niya. Ngumiti ako sa kaniya at tinuon muli ang pansin sa kasalukuyang nagaganap. Si Mura, ang lalaking nakausap ko kanina ay sana ikatlong hanay. Malayo-layo pa siya. Mapapansin ang pagkaseryoso niya at mahahalata na naghahanda siya. Sa unang hilera, dalawa sa lima ang natanggal. Tatlo ang nakapasok.  Nabakas ko ang pagkabigo sa mga mata nila. Teka lang, wala na bang pangalawang pagkakataon para sa mga nabigo sa unang pagsubok? “Ang mga natanggal ay humilera sa isang sulok. May naghihintay pang pag-asa sa inyo para mapabilang kayo sa hukbo,” wika ng lalaki kanina. Itinuro niya ang puwesto na paghihintayan ng mga natalo.            Sa ikalawang hanay, nakita ko si Pedro. Sunod na siyang sasalang. Hindi ko pinagdarasal na hindi siya makapasok. Hiling ko na makapasok din siya. Malakas siyang tao at naniniwala ako na malaki ang maitutulong niya sa hukbo. May karma na tinatawag, kung anong iniisip mo na mangyari sa ibang tao, gano’n din ang mangyayari sa realidad mo.            Hiling ko na makapasok ang lahat. Uulitin ko, isang prinsipyo lang ang pinaglalaban at bitbit namin kung bakit kami dumalo ritong lahat. Walang dahilan kung ipanalangin ko na hindi sila makapasa sa pagsusulit.            Hindi nga ako nagkamali sa akala ko dahil natapos ni Pedro ang unang pagsubok na matagumpay. Malaya na siyang makaaabante sa ikawalang pagsubok.            Dumating ang pagkakataon ni Mura. Buong atensyon ko siyang pinanod habang umuusal nang dasal na sana ay walang sumamblay na palaso sa pagtira niya. Gawa sa tubig ang palaso na ginagamit ngayon kaya naman, oras na tumusok ito sa bilog ay kusa na itong mawawala na parang bula. Hindi na kailangan pang alisin upang makapag-umpisa ang susunod.            Isa nalang ang palaso na kinakailangan niyang itama sa bilog, nakita kong huminga siya malalim at tinuon ang buong atensyon sa target niya. Natigil ang paghinga ko nang ilang segundo nang makita ko ang pagbitiw niya sa palaso. Tumalon siya dahil sa tuwa nang tumama ang palaso sa loob ng bilog. “Magaling, Mura!” ang bati ko rito sa isip ko. Aabante na siya sa susunod na pagsubok.            Tumingin siya sa akin. Ngumiti kami sa isa’t-isa.  Magaan agad ang loob ko kay Mura, kahit kanina ko lang nalaman ang pangalan niya. At ilang minuto lang kaming nakapag-usap. Para ba kasing nakikita ko sa kaniya si Kelly. Hindi nga lang siya babae pero ang ibang galaw niya ay kahawig ng sa yumao kong kaibigan.            “Sunod!”            Dumating ang oras na ako naman ang sasalang. Inayos ko ang sarili ko at naglakad sa harapan. Inabot sa akin ng beteranong Acrusa ang pana at sampung palaso. Sinukbit ko ang palaso sa likuran ko. Handa na ako. Sinanay ako ni tatay noong bata pa ako tungkol sa tamang paggamit ng palaso. Tinuruan niya ang mga tamang estretihiya.            “Magsimula na!” utos niya. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Tinuon ko ang pansin ko sa kinakailangan kong magawa ngayon. Kumuha ako ng isang palaso sa likuran ko. Nilagay ko iyon sa pana at sinipat ang bilog. Pinakawalan ko ito…ayonm, sakto, at tumama! Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa maka-lima ako.            Kalahati nalang. Kayang-kaya ko itong bunuin. Kailangan ko lang ay konsentrasyon. Tumama ang pang-anim, ang tatlong sumunod… hanggang sa huling palaso- ang pang-sampu!             Napatalon ako sa saya. “Pasado ako!”            “Magaling, pre!” ang bati sa akin ni betla sa likuran ko.            “Salamat pre, kayang-kaya mo rin iyan.” Lumapit muna ako sa kaniya. Tinapik siya sa balikat bago tumungo sa hanay na nakapasa sa unang pagsubok.            Nakipag-apir sa akin si Mura nang makalapit ako sa kaniya. “Ang galing mo pala!” ang saad ko.            “Wala iyon. Eh mas magaling ka nga! Astig ng posisyon mo habang pumapana,” siya naman nitong wika. Natawa nalang kami dahil sa saya. Napansin ko si Pedro, ang sama ng tingin niya sa akin. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD