Chapter 8: HIDDEN WEAPON

2863 Words
The general is our savior Morphie  DAHIL sa tulong ng kapangyarihan ng Faireeta, muling naibalik ang ordinaryong ganda ng palasyo. Kitang-kita na maayos na ang mga estruktura nito. Bumalik na ang kinang at dalisay ng palasyo. Higit sa lahat, ligtas na ang mahal na reyna sa pangangalaga ng Faireeta. Indikasyon lang ito, kahit ano mang pagsubok ang siyang dumating, lilipas at lilipas din. Nananatiling sa ituktok ng palasyo ang tirahan ng mahal na reyna. Upang masiguro ang kaligtasan nito. Lumikha nang mas matibay na pananggalang si Faireeta Vanessa. Kasing talas ng reylo at init ng apoy ang tatamang kapangyarihan ng pananggalang sa mga kalaban na magtatakang saktan si Reyna Wineah. Hindi man ito nakikita ng mga mata, ngunit ang kapal ng harang ay maaaring ihalintulad sa tatlong pinagsama-samang matatabang puno kaya nakasisigurado ang lahat na hinding-hindi ito mawawasak ng basta-basta. Inagaw na ng dilim ang liwanag. Napagpasyahan ni Heneral na pagpahingahin muna kami na sasabak sa ikalawang pagsubok. Bukas na ipagpapatuloy ang ikalawang pagsubok. Pabor para sa amin ang desisyong ito, lalong-lalo na sa akin dahil kailangan ko na maagang magpahinga para makabawi ng lakas. Nang sa gayon, maipasa ko ang dalawa pang natitirang pagsubok bago ako maging opisyal na miyembro ng hukbo. Kinuha ko ang dala kong bag para tignan kung naroroon ang sapin na gagamitin kong panlatag sa sahig. Hindi ko ibig na pasukin ang katawan ko ng mga kung ano-anong insekto habang ang katawang lupa ko ay mahimbing na namamahinga. Nang tuluyan kong matanggal ang taling nagdidikit sa b****a ng bag, nakita ko roon ang hindi pamilyar na kagamitan. Alam ko na hindi ko ito nilagay sa bag ko. Ako ang nag-ayos ng mga gamit ko kaya alam na alam ko kung ano ang bawat kagamitan na nakapaloob dito. Isang maliit na banga? Tama, isa itong maliit na banga. Teka lang, ano naman kaya ang laman nito? At paanong napunta ang bagay na ito sa loob ng bag ko? Akmang ilalapit ko na ang kamay ko upang buksan ito ngunit may gumulat sa akin… “Hey, betla!” “Ay shuta ka!?” Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Napalakas ang pagsigaw ko. Buti nalang at nasa sulok ako na walang katabi. Walang makakarinig ng malambot na paghiyaw ko. “Anong ginagawa mo rito?” Hindi ko pa kilala ng pangalan ni Betla. Siya ang ka-uri kong nakita ko nakahanay ko sa pila. “Thank you sa pag-lift up ng spirit ko kanina sa number 1 challenge or test kineme. You are my hero, and my motivator.” Kahit hindi hinihingi ang permisyon ko kung gusto ko siyang makatabi ay welcome siya naupo siya sa tabi ko. “Gusto ko lang magpakilala sa iyo before this day ends. You know, tomorrow will be another day and I don’t want this day to pass without introducing my name to you!” “Wala iyon, mami,” ang nakangiti kong sagot. Mas napansin ko ang pagiging kalog niyang magsalita sa mga oras na ito. Kumbaga malaya siyang ihayag kung sino siya dahil kami lang namang dalawa ang naririto. “Alam ko naman noong una pa lang kung ano ang tunay mong kasarian,” ang dagdag ko pa. Nagulat ako nang hampasin nito ang braso ko. “Ang bongga mo talaga! Feeling ko, ikaw ang magiging isa sa powerful warrior ng Acrusa league! Ihh! Ngayon pa lang, I am rooting for you na! Cheer kita, always and forever!” Hindi pa siya sa paghampas sa braso ko. Dahil kinurot niya pa ang maputi kong hita. “Aray! Mapanakit ka rin no?” ang sigaw ko sa kaniya. Upang maramdaman niya ang kirot ng kurot niya ay ginawa ko rin sa kaniya ang ginawa niya sa akin. Sabi nga, huwag mong gawin sa kapwa mo ang bagay na hindi mo gustong gawin sa iyo. “Ayan ha! Ayaw magpatalo. Gumanti!” ang wika niya. Inabot nito sa akin ang malambot din niyang kamay kaso ay mukhang maselan at nagpakilala sa akin. “By the way motocross highway magenta homes, I’m Noah- that’s my name. Ikaw, anong namesung mes?” Tinabi ko muna ang maliit na banga sa bag ko dahil baka masanggi niya pa ito, mabagasak at hindi ko pa malaman kung anong laman dahil sa kalikutan niya (nakaupo na nga lang ang kislot pang gumalaw) bago sumagot. “Ako si Morphie ‘teh. Oh masaya ka nang nalaman mo ang name ng idol mo?” “Truelajet bang Morphie ang name mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako nang hindi na siya malito pa. “Bakit parang pambabae!? Na-insecure kaagad ako ng a little bit! Pero, in all fairness ha! Ang ganda mo! Feminine ka sis!” May katabaan itong si Noah. Bagsak ang buhok. Malaki ang mga pakpak niya sa likuran. Tama lang ang sukat para mabuhat siya ng mga ito sa tuwing lilipad siya. Dapat ay proportion ang laki ng pakpak sa katawan ng kinakabitan nito. Ang pangit namang tignan kung tagilid ang paglipad. “Paano mong nalaman na nandito ako?” ang tanong ko sa kaniya. Lumagay na nga ako sa tagong sulok na ito nang walang makakakita sa akin pero natagpuan pa rin niya ako. Baka naman may dala siyang compass, slide rule or pen? Biro lang. “Betla naman! Para kang others diyan! Syempre, I can smell na your aura. Bakla tayong parehas, hindi ba? Kaya kahit saan ka magtago, kahit saang lupalop ng mundo ka pumunta. Huwag kang mag-alala dahil maaamoy at maamoy kita! Huwag ako,” ang saad niya habang umiikot-ikot ang mga mata. Akala among may ka-away siya. Kami lang naman dalawa ang nag-uusap. “May ganoon pala? Paano mo naman nalaman iyan? Hindi ko alam, mamu!” ito nalang ang nasagot ko. Eh nawawalan na ako ng sasabihin e. “Sa true iyan! Anong akala mo sa akin? Isang sinungaling na Fairouah! Hindi ako ganoon, Morphei! Tigilan mo ako. Kakapag-usap pa lang natin ay baka magkagalit na tayo. Handa akong ihulog ka sa ere. Ikasisiya ko kung magkakalasagsag ang bawat parte ng katawan mo!” “Takte ka, bakla!” Hinampas ko siya. “Hinaan mo lang ang boses mo. Baka may makarinig sa atin. Wala pa tayo sa digmaan girl. Ano nang nangyayari sa iyo?” “Quite naman ako,” ang sagot niya at mukhang may napakaimportante bagay na naalala. “Patay! Ang heavy and loud ng boses ko. I just remembered, bawal nga pala ang bakla sa hukbo! I felt nervous a bit, baka mabuking agad tayis.” “Ayon nga. Mabuti naman at naalala mo na. Bakla ka!” ang hayag ko. Eh ano nga palang purpose mo kung bakit sumali rito?” ang tanong ko sa kaniya para malaman kung ano ang dahilan niya. Hindi naman kasi lahat ay obligado na sumali sa hukbo. May mga ibang bagay pa naman na maaaring gawin para pagsilbihan ang palasyo. Galing rin siya sa Kampensina, asul ang pakpak niya pero hindi siya gaanong pamilyar sa akin. Ngayon ko nga lang siya. “Long story, Morphie. Saka ko na sasabihin kapag official members na tayong dalawa ng Army. Bet mo iyorns?” May pa-suspense pa ang isang ito! Pero let me have a guest, nandito lang sa mga ito ang dahilan niya; namatayan siya at nais na maghiganti, o gusto niyang magbigay ng karangalan sa pamilya o pulutong na kinabibilangan niya. O maaari rin naman na gusto niya lang maranasan kung ano ang pakiramdam na maging isang mandirigma. “It’s your choice ka kung kailan mo gustong sabihin. Mag-listen lang ako whenever you are comfortable na to share it,” ngumiti ako sa kaniya matapos itong sabihin. Malamig ang simoy ng hangin. Ang lokasyon kasi ng puwesto namin ay nasa gitna ng mga halaman at ilalim ng puno. Siya nga pala, naalala ko na mansanas na asul lang ang kinain ko kanina. Maganda kasi ang katas ng mansanas sa katawan naming mga paruparo. Kahit isang bunga lang ang kainin namin, asahan mo na lalakas ka na. “Friend na tayo ha!?” ang tanong ni Noah. I find this question as cute and sweet. “True! Hindi mo na need na itanong pa iyan. The moment I saw and talked to you, magkaibigan na tayo no’n. Sino pa ba kasi ang magiging magkasangga rito kung hindi tayong dalawa lang na may itinatagong lihim na hindi natin hahayaan na mabunyag, at malaman ninuman!” “Pa-akap nga! Kilig ako roon as a friend!” Hindi naman ako tumanggi na yakapin niya ako. “Medyo may-smell,” ang pambibiro ko. “Grabe ka na sa akin!!” Humiwalay siya ng pagyapos sa akin. Tumingin siya sa kawalan at naging seryoso. “Knows mo ba Morphie?” “Hindi pa, Noah! Ano ba iyon?” Handa lang akong makinig sa kaniya. “Akala ko noong dati, ako lang mag-isa ang betla sa kaharian natin. Matagal ko na itong tinatago kasi natatakot ako na ipapatay o kaya naman ay ipatapon sa mundo ng kawalan. Hindi ko nga malaman kung bakit ayaw ang reyna sa bakla. Mabait siya sa iba pero ang nagpapagulo lang talaga sa mindsung kes e kung bakit witchikels nila betsung sa mga kagaya natin. Kaya ang ending, natatakot tayong ipakita ang tunay nating kulay kaya nagtatago nalang. “So ayon, super nag-level-up ng bongga ang happiness factor sa heartsung kes nang malaman kong nag-exist ka pala, it tries to say, may karamaynelie-bumbum akis, at hindi ako nag-iisa. Therefore, I conclude, lalaban talaga ako! Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga fafa ng Lepidoria. Daming guwapo no!?” “Hilat ka!” Kinurot ko siya sa binti niya. Seryoso na ang mga sinasabi niya kanina tapos biglang sisingitan niya ng kalandian? Sino ba naman ang hindi mabubuwisit sa kaniya? Ibibitin ko pa siya ng patiwarik e. Later on. “Tatawagin na talaga kita bilang kuween of piskalang p*******t! Grabe sa kurot no? Daig mo pa ang higanteng talangka sa sakit ng kurot mo!” ang reklamo siya sa akin. Hinimas-himas niya ang parte ng katawan niya na ginawaran ko ng kurot. Namula kasi ata ito. Tama lang sa kaniya iyon. Layunin ko na mapagtanto niya na hindi landi ang pinunta namin rito, kung hindi isang mahalaga at kapaki-pakinabang na misyon. “Pero, kagaya nga ng sinabi mo, Noah. Matagal na rin akong nagtataka kung bakit ayaw nila sa bakla no? Hindi naman tayo sakit na nakahahawa na dapat iwasan o pandirihan. Hindi naman natin sila papatayin. Hindi naman tayo magdudulot ng gulo sa Lepidoria or kahit ano pa man na hindi magandang bagay! Hay. Sumasakit ang ulo ko nang dahil diyan!” ang mahaba kong saad. “That’s my point nga rin. Kaya minsan, iniisip ko, paano kung sumanib nalang kaya tayo sa Lepitoturnian? Siguro, doon may purpose tayo. We will feel that we are treasured and loved by so many!” “Gasti! Bawal iyon.” Umakma na naman akong pagbubuhatan siya ng kamay. “Oh, iyang kamay mo! Nakadadalawa ka na. Tama na iyan ngayong gabi! Sagad ka na sa quota at huwag mong hayaan na masagad na rin ang pasenya ko sa iyo.” Masyado ko na ata talaga siyang nasasaktan sa ginawa ko. “Ang punto ko lang, isang pagsubok lang din sa atin ito upang mas lalo pa nating paghusayan sa dalawa pang pagsubok. Pagkatapos no’n, magiging opisyal na miyembro na nga tayo ng hukbo. Mapapalaban sa digmaan. Doon natin mapapatunayan na tayong mga bakla, may kaya tayong iambag na kanaki-pakinabang sa kaharian. Kapag nangyari iyon, mapapagtanto ng mahal na Reyna na walang sapat na dahilan para ipagbawal ng mga kagaya natin sa kaharian, at lumahok sa kahit anong uri ng grupo.” “Ang talas talaga ng isip mo, Morphie. Tayo ang magpapatunay na hindi basehan ang pagiging bakla para maging kapaki-pakinabang tayo sa ating kaharian. Lalaban tayo, hindi lang para sa mga fafa, kung hindi para sa buong kaharian.” “Sumigaw!” ang sagot ko. “Tama!” “Pero ngayon, maaari mo na akong iwanan,” ang saad ko. “Ay frienship over na ba agad, ganern?” malungkot nitong tanong. “Hindi naman. Matutulog lang ako. Kailangan ko ring magpahinga. Remember, may pagsubok pa tayo bukas, baka nakakalimutan mo,” ang sagot ko. “Patay, oo nga pala! Sige, matulog ka na riyan at ako ay magsasanay muna para mapabilis ang paglipad nang sa gayon ay maging handa ako bukas.” Bigla kong naalala na pabilisan nga pala ng paglipad ang magiging pagsubok bukas. “Sama ako sa iyo! Kailangan ko rin magsanay!” ang wika ko. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Lumipad kami ng sabay paangat sa himpapawid. Ngayon, nasa malaking espasyo na kami. Kailangan lang na maging matikas ulit ang tindig, ibig sabihin, lalaking-lalaki dapat ang kilos, para iwas bukayo kung sakali man na mayroong makapapansin. Nagpadala ako sa agos ng hangin. Ngayon ko nalang ulit hahasain ang galing ko pagdating sa paglipad. Naalala ko lang, parating nagtatampo sa akin si Psycher kapag naghahabulan kami kasi maduga ako, ginagamit ko ang pakpak ko, kaya ayon, natatalo ko siya. Parang timang tuloy ako rito. Habang lumilipad ay napapangiti. Napansin ko na medyo nahihirapan si Noah na pabilisin ang lipad niya. Siguro dahil may kalakihan ang pangangatawan niya. Kailangan na niyang mag-diet. Baka hindi na maging proportion ang katawan niya! “Kaya mo iyan ‘tol!” sigaw ko sa kaniya. Tumango siya sa akin at pinagpatuloy ang paglipad. Bago magsimula ang ikalawang pagsubok bukas, dapat ay handang-handa na ako at buo na rin ang tiwala sa sarili na matatalo ko kung sino man ang kakalaban ko. Sa pagkalibang namin sa paglipad, nawala sa isip namin na napalayo na kami sa palasyo. Bumulaga sa amin ang isang halimaw. Isang malaking uwak na may ulo ng buwaya. “Tamang-tama ang paghahanap ko ng pagkain ngayong gabi. Mukhang buwenas ako ah! Nakasalubong ko ang dalawang musmos na Fairouah-ng ito!” ang wika nito gamit ang makapal na boses na may tunog na parang nagtagumpay siya. “Tumakas na tayo, Morphie! Galing siya sa Ashokia!” Binalot ako ng takot nang marinig ko ang salitang Ashokia. Iyon ang emperyo ng mga halimaw na kasangga ng mga Mutuah. “Hindi na kayo makatatakas pa. Maling-mali ang desisyon niyo na magawi rito ng hating gabi. Magpaalam na kayo sa inyong sintang kaharian dahil ngayon... mawawalan na kayo ng buhay!” Nakakikilabot ang boses niya. Pero hindi namin kainakailangan ipakita na natatakot kami sa kaniya. Magiging mandirigma kami kaya kailangan namin siyang labanan sa abot ng aming makakaya. “Tara na, Morphie!” Hinitak ako ni Noah pero huli na dahil hinampas niya kami gamit ang kaniyang mga pakpak. Humampas kaming dalawa ni Noah sa malaking puno sa likuran namin. Ang bilis niyang kumilos! Nakita kong sasaksakin niya kami gamit ang matulis niyang sungay pero mabilis kaming nakaiwas sa pag-atake niya. Wala kaming hawak na armas para labanan siya! Pero sandali, bigla kong naalala ang singsing na binigay sa akin ni nanay. Isa nga pala itong mahiwagang sandata na naglalabas ng dambuhalang latigo na gawa sa matinik at makapal na baging. Kailangan ko nang magmadali at gamitin ito! Hinalikan ko ang singsing…. “Anong ginagawa mo, Morphie?” tanong sa akin ni Noah. Hindi ko siya nagawang sagutin dahil binalot ang kamay ko ng liwanag. Nasilaw ako rito kaya napatakip ako ng mga mata. Nang mawala ang liwanag ay lumitaw ang santadang gagamitin ko para matalo ang halimaw. Isang pagsasanay na rin ito para sa akin. “Saan galing ang sandatang hawak mo?” tanong muli ni Noah. “Iligtas mo na ang sarili mo Noah. Ako na ang bahala sa kaniya!” ang sigaw ko sa kaniya. Tumakas na siya hangga’t hindi pa kami muling sinusugod ng halimaw. “Hindi kita iiwanan rito Morphie na nag-iisa, baka kung anong mangyari sa iyo,” ang agam-agam niya. “Kapag hindi ka umalis, dalawa tayong mamamatay!” ang hirap niyang paki-usapan. Huwag naman sana niyang ipilit ang sa kaniya dahil nasa delikadong sitwasyon kami ngayon. “Sige! Magtatago nalang ako, pero hihiintayin kita,” mabuti naman at pumayag na siya. Lumipad siya palayo sa amin. Humarap ako sa kalaban. Hindi ko ito mabakasan ng takot sa mga mata niya. Dahil ba buwaya siya at likas na pangit ang kaniyang angking itsura? Or hindi naman kaya dahil malakas siya at malaki ang tiwala niya sa kakayahan niya? “Tapos na ba talaga kayong mag-usap? Tagal niyong magdesisyon!” Tumawa siya. “Kahit naman anong sandata ang gamitin mo. Hinding-hindi mo ako matatalo!” ang mayabang nitong salita. “Tignan nalang natin!” Sumugod ako sa kaniya. Mabilis ang mga galaw nito kaya hindi ko siya matamaan ng latigo ko. “Bilisan mo naman ang paghampas, bata! Para akong nakikipaglaro tuloy nito sa langgam!” Naramdaman ko ang pagsipa niya sa likuran ko dahil dito ay nawalan ako ng balensa sa paglipad. Mabuti nalang at agad ko itong nakontrol. Humarap ako muli sa kaniya. Kailangan ko nang magseryoso at tapusin siya! Nag-ipon ako ng malakas na puwersa. Hahampasin ko na siya ng latigo ngunit nagulat ako sa biglaang pagbulwak ng dugo sa ulo niya. Mabilis siyang bumagsak, sa likod niya ay nakita ko si Heneral Herbes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD