Chapter 9: I WON!

2188 Words
I won't totally use it so it'll be equal Morphie            “MAY nakarating sa aking balita na nagsisimula na namang maghasik ng lagim ang mga taga-Ashokia. Para sa mga hindi nakaka-alam kung ano ito, ang Ashokia ay imperyong na nakahanay sa liblib na sulok ng Insectia. Pinaninirahan ito ng mga mandirigmang halimaw. Malalakas sila at lubhang may dalang matinding panganib. Kaanib sila ng mga kalaban nating Mutuah. Nais lang ipahiwatig ng pagsugod nila hindi lang nag-iisa ang kalaban na kailangan nating paghandaan. Lumalakas sila, at patuloy na dumarami. Kaya sa lalong madaling panahon, mas mabuti kung mauumpisahan na ang pagsasanay.”            Tinipon kami sandali ni Heneral Herbes upang ibalita sa amin ang tungkol sa nangyari kagabi. Hindi niya sinabi na kasama siya roon sa naganap na labanan. Kami ang nakalaban ng halimaw na galing sa Ashokia. Akala ko ay pagagalitan niya ako, at bibigyan ng parusa sa pagagala ng gabi, pero, hindi, ang bait niya sa akin. Sana lang talaga ay parang hangin lang ito na hahayaan niya nalang na lumisan.              “Lumabas ka na sa likod ng puno. Kahit saan ka magtago, mararamdaman ko ang presensya mo,” ang seryosong wika ni Heneral Herbes habang nakatingin sa higanting puno kung saan nagkukubli ang betla ng taon. Si Noah ang sinabihan niya nito. Puno ng kaba ang dibdib ko. Nakita kami ng pinakaheneral ng hukbo at baka sa ginawa namin ay bigyan niya kami ng parusa. Siya ang pumatay sa halimaw na kinakalaban ko. Namangha ako sa lakas ni Heneral. Wala pang isang kisap mata ay nagawa niyang tapusin ang kalaban ko. Nahagip ng paningin niya ang latigo ko bago ito bumalik sa pagiging singsing.            Lumabas si Noah sa puno at lumapit sa akin nang nakayuko. “Patawad, heneral Herbes,” ang siyang wika nito.            “Anong ginagawa niyo sa lugar na ‘to nang ganitong oras? Tama ba ako na kabilang kayo sa mga nakapasa sa unang pagsubok?”Tumango kami sa kaniya. “Hindi dapat kayo lumalayo sa palasyo nang ganitong oras. Wala pa kayong sapat na lakas upang tapusin ang uri ng nilalang kagaya ng nakalaban niyo,” ang wika pa nito.            Hindi mawaglit sa pakiramdam ko ang malakas at makapangyarihan niyang aura. May estriktong pananalita at komandong presensya ngunit gayon pa man, hindi maikakaila na ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. Normal lang na makaramdam ng kaba dahil sa pagkagulat pero, unting-unti itong nawawala nang magpatuloy siya sa pagsasalita.              “Hinihingi po namin ang kapatawaran niyo, heneral. Nais lang po naming magsanay ngayong gabi upang paghandaan ang pagsubok kinabukasan, ngunit hindi na po namin namalayan na malayo-layo na rin ang aming nalipad. Pangarap po naming mapabilang sa hukbong sandatahan. Kaya sagad-sagaran po ang ginagawa naming pagsasanay para makapasa sa tatlong pagsubok na ibibigay niyo.”            “Naiintindihan ko ang dahilan niyo. Sa susunod ay maging mapagmatyag kayo sa paligid. Mabuti nalang at dumating ako. Sige na. Bumalik na kayo sa kampo niyo.”            “Malinaw ba sa ating lahat ang sinabi ni Heneral?”            “Opo!” sagot naming lahat ng sabay-sabay.            “Kung hindi niyo kayang ipasa ang mga susunod pang pagsubok, ngayon pa lang ay maaari na kayong umatras. Isa lang itong indikasyon na hindi sapat ang kakayahan niyo para ipagtaggol ang ating kaharian sa kahit anong kalaban!” Nalaman kong Oliver ang pangalan ng tagapagsalita. Kung papansinin, mas masungit at estrikto pa siya kaysa kay Heneral.               “Grabe talaga iyang si Oliver, no? Akala mong may regla araw-araw. Daig pa ang mahal na reyna kung manermon,” ang mahinang bulong sa akin ni Mura. May malakas bang bulong? Hehe.            “Shhh! Huwag kang maingay,” panunuway ko sa kaniya.  Baka marinig siya ni kuya Oliver. Madi-disqualify pa siya.            “Magsibalik na kayo sa pangkat na kinabibilangan niyo. Mag-uumpisa na ang ikalawang pagsubok. Ito ang mga lokasyon na pagdarausan ng ikalawang pagsubok. Ang mga Acrusa ay naka-destino sa tabing dagat. Ang mga Lethalia naman, doon sa ituktok ng bundok. Samantala, ang mga Nendertalla ay sa pusod ng kagubatan. Naiintindihan niyo ba?”            “Ayos lang sa dagat para kapag nahulog tayo, hindi masakit sa katawan no, Morphie?” salita ulit ni Mura. Ang daldal talaga ng lalaking ito ngayong umaga!            Naghiwalay-walay ang bawat isa para pumunta sa kani-kanilang lokasyon, kabilang na kami.            “Morphie?” Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kung kaya’t napatigil ako sa paglalakad.            “Psycher!? Hindi mo nabanggit sa akin na mataas na pala ang posisyon mo sa Lethalia!” Maganda ang ngiti ni Psycher ngayon. Kitang-kita lang na nasisiyahan siya sa pagsasanay sa mga kagaya kong baguhan.  Hindi ako under sa kaniya dahil ibang hukbo ang napili ko.            “Hindi ah!” pagkumbaba nito. Ngayon ko nalang ulit siya nakausap. “Galingan mo Morphie. Gusto kitang makasama sa Iraqui.”            Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap namin dahil nagpaalam na siya sa akin. May tumawag kasi sa kaniya. Halata lang na sobrang busy niya dahil sa napakaraming obligasyon. Masaya na ako na kahit sa maikling oras ay nagkausap kami ng kapatid ko.            “Close kayo ‘te?” Sigurado akong si Noah ang nagsalita sa gilid ko. Nakarehistro na ang boses niya sa buong pagkatao ko. Biro lang.            “Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap. Tara na sa tabing dagat. Doon gaganapin ang ikawalang pagsubok natin,” ang sagot ko at nagsimula nang maglakad.            “Sandali lang! Don’t you dare move your feet! Hindi tayo tutungo roon hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang connections na mayroon sa inyo ng papa. Bakit kayo nag-usap ngayon? Tapos noong unang araw, na-sightchie ko rin kayis na naglitan ng ngiti kineme doon sa pilanelie kurimbum! Kaya, tell me Morphie! Ano mo siya?”            “Huwag mong sirain ang magandag araw ko, Noah! Tara na. Nahuhuli na tayo.” Hinablot ko siya sa braso niya gamit ang mapangpuwersa kong kamay. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang lumipad at sumunod sa akin.            “Sandali! Don’t force me to fly and follow you! My wings are not made to follow your command! Tell me, Morphie! Ano mo nga siya?” pangungulit nito. Mukhang hindi niya talaga ako tatantanan.            “Hindi talaga matatahimik ang kaluluwa mo hangga’t hindi mo nalalaman no?” ang wika ko.            “Yeah! You know me since the beginning of time!” “Magkapatid kami,” mabilis kong sagot.  Halatang nagulat siya.            “Oh my gosh! Are you saying a truthful event, Morphie? Now, I understand kaya pala close kayo. My heart will be broken if you say that jowable mo siya. So, may chance pa kami ni fafa--- ano nga palang pangalan niya?”            Nag-uumapaw talaga ang kalandian ni Noah sa katawan. Wala ako na masabi sa kaniya! Hinakot na niya talaga ang lahat ng bagay na puwedeng ipintas sa kaniya. Naniwala naman siya sa sinabi ko.            “Psycher- psycher ang pangalan niya.”            “Shutakels! Bagay na bagay ang pangalan namin sa isa’t-isa! Psycher and Noah! Can you feel the beat of my heart? Sa aming dalawa, tunay ang salitang walang hanggan!” nangangarap nitong wika. Hahayaan ko nalang siyang mangarap ng gising at nakatulala sa hangin.            “Oo na. I’ll pray nalang that your dreams will come true!” pagsuko ko. Napatigil ako sa paglipad nang may maalala. “Sandali, nasaan nga pala si Mura? Nakita mo ba?”            “Huh? Sinong mura?” kunot noo nitong tanong. Ay patay! Hindi pa nga pala sila magkakilalang dalawa. “Wala. Bilisan na natin!” Magkakaroon pa naman kami ng mahabang usapan kapag pinaliwanag ko pa sa kaniya.            “KAP, nahuli po ang dalawang ito. Wala silang kapareha.” Nang makarating kami sa tabing dagat, ang halos lahat ay mayroon na kapareha. Kami nalang dalawa ang natitirang wala pa. Patay. Baka matanggal na agad kami! Ito kasing si Noah e, ang dami niyang tanong kanina. Pangalawang araw pa lang, pangit na agad ang impresyon sa amin ni kapitan.            Nabakas ko ang inis sa mukha ni kapitan Chrollo. “Wala na bang bakanteng beterano?” ang tanong nito kay Oliver.            “Patay tayo riyan! Wala na kap. May kaniya-kaniya na silang pares. Pahuli-huli pa kasi ang dalawang iyan,” may pagka-inis na sagot ni Oliver. Kumamot pa siya sa batok niya.            “Dahil nahuli kayo… ganito nalang, ikaw,” Tumibok ang didib ko nang ituro ako ni Kapitan.            “Lumapit ka na, Morphie.” Siniko ako ni Noah. Ako nga ang tinatawag  ni Kapitan. Bahagyang lumutang ang isip ko. Naglakad naman ako palapit kay Kapitan. Ano kayang ipapagawa niya sa akin?            “A-ano ho iyon kapitan?” nauutal kong tanong.                   “Kinakabahan ka ba?” ngumisi siya. Samantalang ako, kinakahaban. “Kalma lang. Ngayon ko pa lang sasabihin sa iyo… ako ang makakalaban mo,” sagot niya.            Shuta! Ayaw ko namang tumuli. Baka sapakin ako ni Kapitan. Sobrang halata na baluktot ako!            “Ikaw Oliver ang kumalaban sa isang iyan.” Tinuro niya si Noah.            “Masusunod, kapitan.”            Nalintikan na kaming dalawang kaibigan. Bakit ba kasi nagpahuli-huli pa kami? Hmmm… nangangati ang kamay ko. Mamaya ay masasabunutan ko si Noah.            “Ang pagsubok na ito ang magdidikta kung aabante kayo sa huling pagsubok o babalik na kayo sa pamayanan niyo. Kaya nararapat lang na ibigay niyo ang lahat ng makakaya niyo para ipanalo ito,” ang saad ni Oliver. Gumawa ng hanay, sa unang linya kami napabilang ni Noah. Nandito na rin si Mura. Dahil sa maaga siyang nakarating sa lokasyon. Doon siya sa gawing dulo na-assign. Ang huli sa pila ay magiging una at ang una naman ay siyang magiging huli.  Ayan ang patakaran ngayon na kailangang sundin kung sino ang dapat na maunang sumalang.            Gusto kong hilingin kay kapitan na bagalan niya lang sa paglipad. Ngayon pa lang, parang malinaw na sa akin na matatalo ako. Pero kahit na ganito ang sitwasyon, ayaw ko pa rin na lamunin ako ng negatibong pag-iisip.            “‘Wag kang mag-alala, hindi ko gagamitin ang buong porsiyento ng bilis ko dahil hindi magiging patas ang magiging pagsubok.” Nakahinga na ako ng maluwag.  Naramdaman niya siguro na kinakahaban ako. Mabait naman pala si Kapitan. Kahapon lang tila tagilid ang ugali niya.            “Salamat, kapitan.” Hindi ko alam kung ano ang dapat na emosyong manguna sa akin. Kung kikiligin ba ako o kakabahan? Sa palagay ko, madali kong matatanggap ang pagkatalo ko dahil nakita ko na si Kapitan nang malapitan at nakausap pa ito.            Kailangan mong magpokus, Morphie. Huwag mong hahayaan na mahawa ka ng pagiging maharot ni Noah.            Bumaba ang bandera sa unahan. Tanda ito na simula na nangkarera. Binuka ko ang pakpak ko. Lumipad ako ng mabilis. Wala akong pakialam sa paligid. Bahala sila kung mabilis ang paglipad nila o kung ano pa man. Kailangan ay sa harapan lang ang tingin at focus lang sa sarili kong paglipad.            Mabilis si Kapitan. Malaki na ang agwat niya sa akin. Kailangan ay una akong makarating sa tuktok ng pinakamataas na puno. Pumukit ako at inalala ang taktikang itinuro sa akin ni nanay. Hayaan ko lang daw ang hangin na tangayin ako, at ipagpatuloy ko ang pagkumpas ng aking mga pakpak.            Ganoon nga ang ginawa ko. Nagpatangay ako sa hangin na tila isang bulalakaw na sumulpot ng mabilis. Naabutan ko na si Kapitan. Ngumisi lang siya sa akin na parang minamaliit ako o tila ba nakikipaglaro lang siya sa akin.            Hindi pa sapat ang kasalukuyang bilis ko upang matalo ko siya. Ginawa ko na ang buong makakaya ko. Nagtiwala ako sa sarili ko nakakayanin ako. Nag-pokus lamang ako sa sarili ko hanggang sa magtagumpay ako at naunahan ko na si Kapitan. Narating ko ang ituktok ng puno nang mas mabilis sa kaniya.            “Binabati kita. Magaling ang pinakita mo. Aabante ka na sa huling pagsubok.” Kinamayan niya ako ngunit wala siyang ekspreyon. Hindi niya siguro alam ang salitang masaya o ngiti. Ang lambot ng kamay ni Kapitan. Maungat ito, malaki at makinis.            “Salamat kapitan dahil hindi niyo ginamit ang tunay na bilis niyo,” ang wika ko.            Kami ang kauna-unahang pares na nakarating sa ituktok. Maya-maya lang ay may sumunod pang dalawa. Wala pa si Noah. Ang tagal ng baklang iyon. Sana lang ay huwag siyang matalo. Sa tingin ko, mabilis din si Oliver.            “Ayan na ang kaibigan mo,” saad sa akin ni Kapitan. Lumingon ako sa ligid ko at nakita ko nga roon si Noah. Ilang segundo lang ang agwat ni Oliver sa kaniya.            “Morphie!? Nanalo ka ba?” ang masigla niyang tanong ngunit hindi pa rin nawawala ang pagiging maskuladong tono.            “Oo!”             Akala ko ay wala talaga kaming kapag-apag-asang manalo sa katunggali namin. Pinakinggan ni Panginoong Jesuah ang aming dalangin. Nakikita niya ang dedikasyon at pagsisikap namin ni Noah na mapabilang sa hukbo. Naniniwala akong ipagkakaloob niya ito sa amin.            “Salamat po, Kapitan,” ang wika ni Noah.  Buti nalang hindi napansin ng ibang Fairouah na naririto ang ginawang pagkurot ni Noah sa tagiliran ko. Napogi-an din siya kay Kapitan, sigurado ako.            Si Mura nalang. Makakapasa rin siya, alam ko. Gusto ko silang makasamang dalawa sa pormal na pagsasanay na mangyayari sa lugar ng Iraqui.            Bumaba na kami para panoorin ang iba pang magkakarera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD