Morphie
“DO you have any guest diyan sa full of wisdom mong isip kung ano ang mangyayari sa huling pagsubok no?” ang tanong sa akin ni Noah.
Kasalukuyang nakadampi ang malusog naming pang-upo sa malambot at pinong damuhan na katabi ng dagat. Ang sarap sa pakiramdam ng masaganang simoy ng hangin na siyang tumatama rin sa asul na tubig. Sa mga taon na nabubuhay ako sa mundong ito, ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako sa gawing ito ng kaharian. Kaakit-akit ang taglay nitong pailigid.
Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kay Noah. Kagaya niya, wala rin akong ideya kung ano ang mangyayari sa huling pagsubok. Sa totoo lang ay kanina ko pa nga ito nasa isip ko, kailangan kong magkaroon ng ideya upang mapaghandaan ko ang mga hakbang na gagawin ko upang magtagumpay rito.
Hindi magiging produktibo ang paghihintay kung sasayangin ko lang ang oras ko sa pag-upo at pinapanood ang galaw ng kalikasan, kasama na ang mga kalalakihang Fairouah na ngayon sa nakasalang pa rin. Nakaprograma na ang katawan at isip ko na kailagan gawin kong produktibo ang bawat oras na biyaya ng Lumikha.
“Hindi pa nga sinasabi kung ano,” ang sagot ko habang ang aking tingin ay nakatuktok sa mga Fairouah na nakapila ng tuwid at maayos. “Nasa ay madali lang.”
DISPLINA, ito kasi ang unang sinabi ni heneral Herbes na dapat ay ugaling magkaroon kami. Nararapat lang na ito ay sundin, at itatak sa puso at isip dahil sa huli, para sa ikabubuti lang din naman namin ito.
Hindi pa natatapos ang ikalawang pagsubok. May iilan pang hanay ang nangangagarap na makapasa sa pagsubok na ito. Gusto ko man na maging produktibo ang oras ko ngunit wala naman akong naiisip na puwede kong gawin.
Mahigpit na pinagbabawal at nasa patakaran na hindi kami maaari na ihakbang ang sarili naming mga paa paalis ng kasalukuyan naming ginagawa hangga’t walang pinag-uutos si kapitan. Bawal maging makulit at ipagpilitan ang gusto sa sitwasyong ito. Naging buenas nga ako at hindi nakatanggap ng parusa galing kay Heneral Herbes, baka kay kapitan pa ako makatanggap ng isa.
“Kung pagbabasihan natin ang aking inner gut or intuition, sa tingin ko hindi ito magiging that easy compare to these naunang dalawa. Last challenge e, so better to expect the harsh, hard but sweet and authentic one!” ang wika ni Noah.
Teka lang, kanina pa ako may napapansin na ginagawa niya sa sarili niya. Kanina ko pa nakikita na parang may bagay na makati sa likod niya at kanina pa siya kamot nang kamot.
“Bakla, kadiri ka ha! Dumistansya ka nga muna sa akin kahit 13 meters baka inusurot na iyang likod mo. Makahawa ka pa. Sa kural ng mga surot ka ba namahinga kagabi?” ang pandiriri kong wika.
Ligtas ako sa magaan niyang pingkok dahil nandito kami sa hukbo, wala siyang kakayahan na pagbuhatan ako ng kamay.
“I thought the final challenge is the one that will be harsh pero iyang amoy septic tank mo pa lang hininga. Sorry ah, hindi ako nakapaghanda!” Nagtakip siya ng ilong at nilayo ang mukha sa akin. “Sa damuhan lang ako natulog. Grabe naman sa kural.” Tinaas niya ang telang suot niya sa gawing likuran. “Sightseeing mo nga kung may insektong pasaway na ginawang playground ang likuran ko. Masasakal ko talaga sila kung mayroon kang makikita. Lulunurin ko sila gamit ang sarili nilang dugo!”
Kay rami-rami na namang salita ang inuusal ng maluwang niyang bibig. Bumaling siya sa kaliwa niya nang sa gayon ay maiharap niya ang likod sa akin. Singawa ko na ang pinag-utos ng mahal na reynang mukhang tahanan ng surot ang likuran. Sinuri ko ito. Pinagmasdan ang bawat sulok.
“Anong mayroon diyan Morphie?”
“Wala ‘tol! Baka kinakabahan ka lang para sa huling pagsubok kaya kung ano-anong nararamdaman mo.” Tinawag ko siyang ‘tol dahil may dumaan sa gilid namin. Kung ang ginamit kong salita ay betla or sissy, baka nakalublob na kami ngayon sa pusod ng dagat.
Bumaling ang tingin sa akin ni Mura. “Galingan mo!” ang sigaw ko sa kaniya gamit ang malaking boses. Halata naman na mas lalong lumakas ang aura niya. Natural sa kaniya ang pagkakaroon ng lakas at tibay ng loob.
“Siya ba si Mura?” ang tanong ni Noah sa akin namang maayos ang posisyon at maibaba ang takip sa likuran niya.
“Oo, siya nga si Mura. Nakalimutan kong ipakilala kayo sa isa’t-isa. Huwag mo sabihin sa akin na gusto mo rin siya,” wika ko. Kung ako ang tatanungin, masasabi kong angat din ang itsura ni Mura kumpara sa ibang kalalakihan dito. Ako personally, hindi ko siya type. Mabait ang taong ito at makatangian na pagiging approachable. Sigurado ako, sasaya rin ang puso niya dahil marami siyang mapapaibig na babae. Sa pamamagitan no’n, makikita niya ang the one na ang tinatawag. Bakit ba ito napunta sa usaping pag-ibig, dapat ay usaping pagsubok lang.
“Shuta ka sisteret! Hindi no! Sight mo nga mas makinis pa ang balat niya sa akin. Bilat din ata iyan eh!” Natawa naman ako ng mahina. Totoo lang ang sinabi niya. Makinis nga si Mura at maputi. Hindi rin ganoon kalakihan ang boses. Kaunti nalang talaga at mapagkakalaman ko na siyang babae.
“Saanchie nga pala galengstra ang poweryaful mong singsing na pinang-etcohos sa mga nakalaban natin?” usisa ni Noah. Buong pag-aakala ko ay nakalimutan na niya ang nangyari kagabi. Sino ba naman ang makakalimot ng isang araw pa lang na nagaganap? Pero sana hindi na niya tinanong. I don’t have enough energy to explain where I got it.
“Wala.” Nagsinungaling ako. “Napulot ko lang sa tabi-tabi.” Walang ibang nakakaalam ng tungkol sa singsing na ito. Si Kelly, nawala siya sa mundo nang hindi niya nalalaman na mayroon akong sandatang pinakatatago. Hindi ko knows ko ung alam ni Psycher ito. Wala naman kasi siyang tinatanong. Hindi ugali ng taong iyon ang maging mapag-usisa. Not unless, ikaw mismo ang magsasabi nito sa kaniya.
“Weh!? Saanchieng lupalop naman kaya ako makakapulot ng ganiyan? Tara samahan mo ako para same-same tayo ng powers bakla ka!”
Naniwala kaya siya sa akin? Ang dali talagang lokohin nitong si Noah. Akala rin niya, magkapatid kami ni Psycher. Ano pa kayang makasinungalingang impormasyon ang sasabihin ko sa kaniya sa susunod?
“Diyan lang sa gilid-gilid. It will take 100 years for you find this one! Kaya magsimula ka nang maghanap mamaya kapag natapos na itong ikalawang pagsubok para makakita ka ng sa iyo kung ibig talaga ng puso’t isip mo.”
Ako ang natatawa sa sarili kong kagaguhan. Nagpapasalamat talaga ako na may bakla rin akong nakasama rito ngayon. Kung iisipin ang sitwasyon ko na wala siya, malamang sa malamang, nakatayo lang ako sa isang sulok. Tahimik na ino-obserbahan ang mga nagyayari sa paligid. Isa pa, hindi rin ako makakadaldal ng husto dahil mas madaling mahalata sa galaw ko at pananalita ko na hindi ako tuwid kagaya ng the rest, baluktot po ako.
“Shuta ka, talaga Morphie! Sarap mong tanggalan ng patay na libag!” ang sagot nito.
“Abe, hindi lang ikaw ang entitled at may privilege na magtago ng sikreto. Ako rin no!” As far as I can remember hindi rin kaya niya sinabi sa akin ang dahilan niya kung bakit siya sumali sa hukbo. Kung hindi pa siya handa na sabihin iyon sa akin, puwes ako man.
“Okay, fine! Latersung nalang-nelie natin i-say to each other no kapag wala nang mga marites at Marisol sa mga gedli-gedli!” ang sabi niya.
“Kuya Morphie!” Napukaw ang atensyon ko sa likuran ko nang may tumawag sa akin. Dali-dali akong lumingon dito dahil sa pamilyar na boses.
Si nay Indang at si Meera. Teka lang! Ang saya ko na makita silang muli. Anong ginagawa nila rito?
“Who are they? Paano nila nalaman ang lugar nito? They are outsiders.”
“Ang arte mong magsalita!” saad ko kay Noah. Tumayo ako at naglakad papalapit sa dalawang taong na-miss ko ng sobra. “Nay Indang at Meera! Anong ginagawa niyo rito?” ang salubong ko sa kanila.
Anong bagay kaya ang nagtulak sa kanila para magawi ang landas sa tabing dagat? Matapos kong yakapin si Meera. Nag-mano naman ako kay nay Indang.
“Pinapasyal lang ako ni nay Indang, kuya Morphie. Hindi naman po namin alam na dito pala kayo nagsasanay,” ang magiliw na sagot ni Meera. Mababakas sa ngiti niya ang kasiyahan sa ginagawang pamamasyal sa kaniya ni nay Indang.
Hindi kaya sila nagtatampo sa akin? Hindi ako mismo nagpaalam sa harap nila bago ako magdesisyon na sumali sa hukbo.
“Magandang araw po, nay. Ako po si Noah, kaibigan ni Morphie.” Inabot ni Noah ang kamay ni nay Indang nilagay iyon sa kaniyang noo, nagbigay ng paggalang. Sumunod pala siya sa akin.
“Hello po, kuya Noah! Alagaan niyo po si kuya Morphie dito, huh!? Sabihin niyo po sa kaniya lagi na kumain nang marami para may lakas siya sa pagsasanay. Kahit po nagtatampo ako sa kaniya kasi hindi siya nagpaalam sa amin bago umalis ay mahal ko pa rin si Kuya Morphie!” ang matamis na mensahe ni Meera kay Noah.
Aw. Gusto kong umiiyak. Grabe, wala akong ideya na ganito pala kung mag-alala sa akin si Meera. Yumuko ako at humingi ng tawad sa bata. “Patawad, Meera. Ngayon alam mo na na nandito ako. Mabibigyan na rin natin ng hustisya ang mga nasawi sa biglaang paglusob ng kalaban.” Ngumiti ako sa kaniya dahil ito naman talaga ang hiling niya sa akin. Ang pagbayarin din ang mga kalaban na kumuha ng buhay ng mga magulang niya.
Nakarinig kami ng malakas na pagpito, nanggagaling ito sa harapan kung saan nakatayo si Kapitan at Oliver.
“Halika na, Meera. Pinagbabawal ang bisita rito.” Gusto ko pa man silang makausap pero wala na akong magagawa. Ang pagpito ang nagbigay pahiwatig na kailangan na namin tapusin ang pag-uusap na ito.
“Sa susunod ulit, kuya Morphie. Galingan mo riyan!” Ngumiti lang ako sa kaniya.
Huminto si nay Indang at may tinanong sa akin. “Nabuklat mo ba ang mga laman ng bag mo? May nilagay ako roon para sa iyo.”
Sandali, ano kaya ang nilagay ni nay Indang sa bag ko? Hindi kaya iyon ang banggang maliit na nakita ko kagabi? Iyon lang naman ang kakaibang bagay na laman ng bag ko bukod sa mga personal na gamit ko na ako mismo ang nag-empake. Malamang at iyon nga iyon.
Lumakad na kami pabalik sa lugar na kinauupuan namin kanina. Nang makabalik kami, ang linya na ni Mura ang magkakarera. Ka-linya niya pala si Pedro.
“Napapansin ko na ang sama parati ng tingin sa iyo noong lalaking mukhang tingting na amoy putik na iyon.” Si Pedro nga ang tinutukoy niya ni Noah. “Kilala mo ba siya? Kung oo ang sagot mo, siguro ay mayroon kayong nakaraang dalawa na hindi mo sinasabi sa akin no!”
“Gaga! Oo kilala ko siya. Iisang komunidad lang ang tinitirhan namin. Mainit ata talaga ang dugo niyan sa mga bakla. Mag-iingat ka sa kaniya. Baka siya pa ang maging dahilan para mabuko ang sikreto natin. Huwag mo nalang siyang pansinin” bigay babala ko kay Noah.
Tabil minsan ang isip ni Pedro, baka gumawa siya ng paraan na hindi namin magugustuhan. Mahirap kapain ang ugali ng taong ito kaya mas maganda kung hindi nalang siya pagtutuunan ng pansin.
“Hoy, kayong dalawa!” Humiyaw si Oliver at sa amin siya nakatingin.
“Tayo ba ang tinatawag no’n?” kunot noong tanong ni Noah.
“Sa atin siya nakatingin e. So, baka malamang!” sagot ko naman.
“Oo kayo nga! Huwag na kayong magtanong pa sa isa’t-isa. Kanina ko kayo napapansin na apura ang daldal sa isa’t-isa,” ang wika nito.
“Malamang. Wala naman tayong ginagawa. Anong gusto niyang gawin natin? Magta-tumbling dito ng 100 rotations? Kaloka talaga ang lolo mong Oliver!” bulong sa akin ni Noah.
“Lumapit nga kayo rito at may-pinag-uutos si kapitan sa inyo,” dagdag pa ni Oliver. sWala na kaming magagawa kapag may salitang ‘kapitan’ kaya’t tumayo na kami ni Noah at mabilis na lumapit kay Oliver.
“Ikuha niyo ako ng masustansyang inumin sa kagubatan. Dali, at nauuhaw ako. Parte ito ng pagsubok niyo dahil kayo ang unang nakatapos. Dapat ay makabalik kayo rito sa loob lang ng sampung minuto,” agad na utos sa amin ni kapitan Chrollo.
“Sure kapitan, masusunod po!” Napahawak si Noah sa bibig niya dahil sa unang sinabi at nag-ehem.
“Anong sinabi mo?” pag-uulit ni Kapitan.
“Masusunod po!”
Isa sa mga ugaling kailangan naming bitbitin bukod sa disiplina ay ang pagiging masipag at parating sumunod sa pinag-uutos ng nakatataas.
“Alam ko kung saan makakukuha ng masustansyang inumin,” ang sabi k okay Noah. May oras kami na kailangang habulin kaya kailangan naming magmadali.
“Sure ba iyarns? Baka naman mali ang direction diyan sa utak mo ha. Well, it’s highly favored for me na tayo ang nautusan dahil puwede na tayistrang magbaklaan ulit! Tayong dalawa nalang ulit ang magkasama,” si Noah.
“Sa true sissy kong betla!” Hinampas ko siya ng marahan lang para hindi lumatay ito sa braso niya. “Kaya bilisan na natin!” Binuka na nga namin ang mga pakpak namin. Lumipad ng mabilis papasok sa loob ng kagubatan.
“Saan ba iyong tinutukoy mo sissybells? Tentakels na minutes lang ang time natin, remember that! Needyret natin na makabalik ulit doonchikels before the time fully consumes!” si Noah. Kalilipad pa lang namin, atat agad siya. Pati naman ako ay nagmamadali rin, kaso, malapit pa sa pusod ng kagubatan matatagpuan ang inuming kailangan naming makuha.
“Malayo pa. Bilisan mo kasi ang paglipad mo,” pagmamadali ko rito.
“Sagadstra ko na ito. Mabilis ka lang talagang lumipad kaya ang dating mabagal ang sa akin.”
Binilisan pa naman ang paglipad hanggang makarating kami roon. Nakita namin ang mga Nendertalla na sinasagawa rin ang kanilang ikalawang pagsubok. Wala na kaming oras na panoorin sila kaya lumapit na nga ako sa puno para pumitas.
“Hello, baklang Morphie!” Nawala ako sa balanse dahil may nagsalita sa harapan ko. Nagulat ko kaya nabuwal ako at tumama ang likod ko sa ugat ng higanteng puno. “Opsss, my bad! Nagulat pa kita, Morphie. Begging a pardon for that. Sige na, gusto lang kitang makita.”
Ang puting Langgam na naman pala iyon. Umalis kaagad siya nang masabi niya ito.
Tumayo ako, pinagpagan ang puwitan ko at tuluyan nang pinitas ang bunga.
“Knowing bubumpakpak ba ng langgam na iyon na betla ka?” ang tanong ni Noah.
“Ewan ko sa kaniya. Parang ikaw din iyon; bigla-bigla na lang kung sumulpot.”