Chapter 11- OFFICIAL

2149 Words
Morphie            “ISANG karangalan sa akin bilang heneral na ibigay sa inyo ang aking lubos na pagbati dahil nagawa niyong maipasa ng matagumpay ang dalawang magkasunod na pagsubok. Nagpakita kayo ng natatanging lakas, bilis, tapang at tiwala sa sarili na siya namang nagbigay ng mensahe na may malaki kayong maiimbang sa hukbong sandatahan ng kaharian. Naghahayag lang din ang inyong tagumpay na kayo ay handa na para sa pormal na pagsasanay na isasagawa sa lupain ng Iraqui.”            Gabi na nang natapos ang ikalawang pagsubok dahil sa dami ng bilang na nagnanais na maging opisyal na miyembro ng hukbo. Ang lahat ay naririto ngayon sa lugar kung saan ginaganap ang pagbibigay ng mensahe. Nakalaan ang aming dalawang tainga upang pakinggan ang huling pagsubok na ibibigay ni heneral sa bawat isa, anu man ang linya, grupo, partido. Ito ang magdedetermina kung magpapatuloy ba kami, makakaapak sa lupain ng Iraqui, o ihahayag na namin ang aming mga paa pabalik sa aming pamayaman. “Para sa inyong huling pagsubok, hindi na ito nangangailangan ng pisikal na lakas. Hindi na kayo mahihirapan pang umisip ng mga estratehiya upang magtagumapy. Ito ang na nakalaan oras para kilalanin niyo ang isa’t-isa. Lahat ng tumanggap sa imbitasyon ng mga kawal sa kanilang pamayanan at piniling harapin ang dalawang pagsubok, nanalo man kayo o natalo, malugod kong hinahayag sa lahat na opisyal na kayong parte ng hukbong sandatahan ng Lepidoria!” Napuno ng malakas na hiyawan at matunog na palakpakan ang buong lugar na kinatatayuan namin ngayon. Hindi ako mapaniwala sa naririnig ko. Totoo bang nangyayari ang kasalukuyang nagaganap? Pinakinggan ng Panginoong Jesuah ang dasal ko, lahat kami ay nakapasok sa hukbo, at opisyal nang tatawagin bilang isang Cavalleros sa hanay ng mga acrusa. “Omg, sisteret kong Morphie ang name! Did you hear ba what General Herbes has said? Parte na tayo ng hukbo!” Nakatayo sa kanang gilid ko si Noah. Hindi na niya mapigilan na maiangat ang mga paa sa lupa nang dahil sa sayang nararamdaman. “Woah! Ang saya! Dream come true itey!” Inalog niya pa ang katawan ko. Sinasamantala na ni Noah ang malakas na hiyawan nang sa gayon ay walang makarinig sa malambot niyang kasiyahan. Naging dahilan din ang pag-uga ni Noah sa katawan ko upang ipaalala sa akin na totoo ang lahat ng nangyayari, pasok na kami sa hukbo.  Pinigilan ko ang sarili ko na maging emosyonal pero may sariling buhay ang mga maninipis kong luha at nagsimula na itong humiwalay sa talukap ng aking mga mata at nilakbay ang aking magkabilang pisngi. Sa wakas, ito na iyon… hawak kamay ko na ang pagsisimula ng misyon ko. Isang mas malaking hakbang nalang ang kailangan bigyan ng sobra-sobrang atensyon at oras upang maging malakas na mandirigmang magbibigay ng maliwanag na bukas sa kaharian. Ito nga ay walang iba kung hindi ang pormal na pagsasanay.            “Oo, betlang ang name ay si Noah! I heard everything! We are official solider na of Lepidoria!” ang sagot ko. Hindi maikakaila ang nagnining-ning na kislap sa mga mata ni Noah. Busilak din ang kagalakan na nararamdaman ng kaniyang puso kagaya ko. Kung iisipin ang lahat-lahat ng hirap na pinagdaanan namin. Mayari ang hindi magkamayaw na pagkabog ng dibdib na naramdaman ko. Hindi masukat na butil ng pawis na binuhos ko. Higit sa lahat, ang dedikasyon na ibinigay ko sa nakaraang dalawang pagsubok. Ngayon, binalot ako ng kasabihan na kapag may tinanim, mayroong tiyak na aanihin. “Kinabahan ako talaga ako kanina bago siya magsimulang magsalita. Akala ko, kung ano na ang sasabihin ni Heneral. Syempre, hindi ba, sinabi ko kanina na expect the worse sa last, so baka ka ko sobrang challenging nitong huling pagsubok pero… shocks lang talaga! Super hook ako at its highest glory dahil wala na…look! Giving me more happiness pa is the fact na pasok na tayong lahat! Ang bongga no’n, hindi ba!?” ang bigkas ni Noah at pumalakpak pa. Kasabay nito ay ang pagkayari rin ng palakpakan ng mga kasamahan namin.            “May hinandang malaking pagsasalo-salo sa hardin. Lahat ay imbitadong makisaya dahil para sa inyo mismo inilaan ito. Hiling ko na sulitin niyo na ang gabing ito dahil baka ito na ang huling gabi na mararanasan niyo ang ganitong klaseng kasiyahan. Hindi naman sa sinasabi ko na komplikado ang gagawin niyong pormal na pagsasanay pero parang ganoon na nga.”            Palabiro rin si Heneral. Lalo lang gumaan ang loob ko sa kaniya. Ito ang huling sinabi ni Heneral. Iniwanan na niya kami dahil may mga bagay pa siya na kinakailangan na isagawa.            “Finally our little time to be enjoyed has finally arrived!” sabi ni Noah. Ayon kay Heneral, ito na ang aming magiging huling pagsubok kung saan ang kinakailangan lang naming gawin ay kilalanin ang bawat Cavalleros. May hinanda ngang magarbong handaan sa hardin kung saan ang lahat ay magtitipon-tipon at magkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap-usap.            Nagsimula nang umaklas ang karamihan upang ayusin ang kanilang mga sarili bago tuluyang tumungo sa hardin. Naiwan kami ni Noah dahil hindi namin ibig na masiksik sa karamihan.            “Binabati kita Morphie!” Sumulpot sa harapan namin si Mura. Nakangiti rin ng malapad ang lalaki. Lahat naman ng naririto ay gan’yan ang ekspresyon ng mukha, sa sobrang kasiyahan sa balitang napakinggan. Hinain niya ang kamay niya sa akin. “Ganoon din ako, Mura.” Inabot ko ang kamay niya at binigay namin ang nararapat na pagbati sa isa’t-isa. Napatingin si Mura kay Noah. “Sino ka nga pala, pre? Noong nakaraan pa kita nakikita na kasama ni Morphie,” ang sabi nito.  Ito na ang panahon para ipakilala ko sila sa isa’t-isa. Kapag kasi nakakasama ko si Noah, wala naman si Mura. Kapag naman kausap ko si Mura, si Noah naman ang hindi ko malaman kung saan nagpunta. Ngayon lang sila pinagtagpo ng panahon. Dapat na silang magkakilanlan. “Ah, Mura, siya si Noah.” Tumingin naman ako kay Noah. “Noah, siya naman si Mura.” Nagpalitan si ng ngiti sa isa’t-isa at nagkamayan. “Oh magaling! Magkakilala na kayong dalawa.” Napangiti ako. Parang bagay kasi ni Mura at Noah! Ows. Malay ko, baka sila ang naka-destined para sa isat-isa. “Oy siya nga pala, pare. Hindi na bago sa pandinig ko ang pangalan mo. Nabanggit ka na rin sa akin ni Morphie,” sabi ni Noah kay Mura. “Oh Astig naman no’n Pre! Kilala mo na pala ako” Napangiti naman si Mura. “Kaibigan na talaga ang turing sa akin ni Morphie.” Tinaasan pa ako nito ng kilay at siniko ako. “Oo naman. Kayong dalawa lang ni Noah ang nakakausap ko rito,” sagot ko naman. Hindi naman malakas ang pagkakasiko niya sa akin kaya hindi na ako gumanti. “Oh, tara na! Makisaya na rin tayo sa hardin. Doon nalang natin ipagpatuloy ang pag-uusap.” Hinila na kami ni Mura. Wala na kaming nagawa kung ang hindi sumama sa kaniya. Nais din naming magsaya ngayong gabi at makakilala ng iba.            BUMUNGAD ang aking mga mata ang engrande at mahabang tatlong lamesa. Naglalaman ang mga ito ng iba’t-ibang uri ng pagkain at makukulay na inumin. May mga disenyo sa bawat gilid nito na mas nagpapaganda pa rito.  Sa paligid, may mga lamesa rin na nakaayos at nakapaikot dito ang mga metal na silya. Napili naming lumagay nina Noah at Mura sa lamesa malapit sa ilalim ng higanteng puno. Tamang-tama lang ito dahil sakto lang ang upuang nakahanda para sa aming tatlo.            “Wow! Sa atin ata talaga nakalaan ang lamesa na ‘to!” wika ni Noah nang makaupo kami. Sandali, naupo agad kami, wala pa naman kaming bitbit na pagkain.            “Magsitayo muna kaya tayo at kumuha ng pagkain?” si Mura.            “Tama si pareng Mura, Morphie. Kumuha muna tayo ng pagkain, kanina pa rin kumakalam ang sikmura ko.” Naninibago ako sa pagsasalita ni Noah. Bawala kasi siyang magbaklaan kasi maririnig niya ni Mura.            Tumango ako sa kanila at tumayo. Wala naman sigurong mauupong iba sa puwesto namin. Pero kung may ibang mauuna sa amin at wala nang bakanteng silya at lamesa, ayos lang na doon sila pumuwesto. Nakahanda ito para sa lahat, hindi lamang para sa amin.            Otomatikong nagwala ang mga alaga kong gentle halimaw sa tiyan nang makalapit kami sa unang lamesa. Ngayon ko pa lang nakita ang mga ganitong uri ng pagkain. Sa itsura pa lang nila, talaga namang nakapanglalaway na. Mapapasungab ka nalang at pipiliin na dito na lang kumain para matikman mo lahat.            Kumuha kami ng pilak na lalagyanan ng pagkain, at kutsurang gawa sa ginto  na nakahanay sa salansanan. Pumasok lang sa isip ko sina Meera at nay Indang. Sigurado ako, magugustuhan din nila ng sobra ang mga pagkaing ito kung nandirito lang sila.            “Maaari niyo hong sandukin ang lahat ng pagkaing kaya niyong kainin,” salita ng isang Kampensina na isa sa katuwang na namamahala ng pagkain.            “Salamat, ate.” Nginitian niya ako. Napansin ko na namula ang pisngi niya. Akala siguro ni ate ay lalaki ako. It’s my apologies ate dahil hindi po tayo talo. Ngiti nalang muna for now, and for the last time! Tinuro sa akin ng mga magulang ko na parating maging mapagpasalamat. Nakatataba ito ng puso sa taong sasabihin mo nito.            Napansin ko ang platong hawak ng dalawang kasama ko. Marami na itong laman. Isinabuhay talaga nila ang sinabi ni heneral Herbes na sulitin namin ang gabing ito. Kung pagkukumparahin, mas marami pa rin ang laman ng kay Noah. Sa laki ng sikmura niya, dapat lang na punan niya ito ng sandamakmak na pagkain. Sigurado kapag busog siya. Tatahimik na rin siya.            Bumalik na kami sa puwesto namin nang makuha ang pagkain na gusto naming kainin at inumin. Walang ibang tao na nakapuwesto sa lamesa namin kanina. Bilang siguro ang silya’t lamesa. Will cater everyone.            Wala na kaming hinintay pa at nagsimula nang kumain. Tama nga ako! Masarap nga ang lasa ng pagkain kahit isang putahe pa lang ang natitikman ko.            “Ipakikila mo naman ako sa mga bago mong kaibigan, Morphie.” Humarap ako sa nagsalita. Nandito na naman si Pedro. Ano na naman kaya ang balak niya? Sana lang ay huwag siyang manggulo ngayon. Nakita ko ang tingin sa akin ni Mura. Nabasa ko roon na hindi magaan ang loob niya sa presensya ni Pedro.            “Noah nga pala Pre.” Si Noah na ang unang nagpakilala. Sumunod naman agad si Mura.            Nakipagkamay sa kanila si Pedro na akala mo kung sinong napaka-importanteng taong paruparo na dapat ay makilala ng lahat. “Pedro nga pala mga, pre. Gusto ko sanang umupo, kaso wala nang bakanteng upuan para sa akin. Gusto ko lang kayong batiin dahil kung hindi pinabilis ni Heneral ang pagsubok, sigurado akong hindi kayo magiging opisyal na miyembro ng hukbo.” Sobrang yabang niya talaga! Wala pa man kami sa opsiyal na pagsasanay, akala mo kung sino siya kung makapagsalita. “Galingan niyo sa pagsasanay… baka matanggal kayo.” Tumawa niya nang punong-puno ng panlalait at pangmamata sa amin.            Nakita ko ang pagyukom ng dalawang kamay ni Mura. Mahina ko siyang sinipa sa paa sa ilalim ng lamesa upang sabihin sa kaniya na pigilan niya ang galit niya. Ayaw ko na magkaroon pa ng gulo ngayong gabi na dapat kasiyahan lang ang pinagsasaluhan.            “Oh, Pipi ba ang mga kaibigan mo Morphie? Hindi niyo kayang magsalita kaya hindi kayo makasagot? Tinamaan ba kayo sa sinabi ko!? Patawad ha! Totoo naman kasi. Para kayong mga kutong lupa na hindi nababagay rito!”            Gusto ko na siyang sapakin ngayon pero ayaw kong na gumawa ng eskandalo. Kaya ko pang pagpasensyahan ang nilalangaw niyang ugali. Sana lang, magawa rin ito ng mga kasama ko dahil hindi ko hawak ang isip nila.            “Umalis ka na rito, Pedro. Hindi ka namin kailangan ngayong gabi,” ang wika ko sa kaniya.            May lumapit sa kaniyang tatlong lalaki na may dalang tig-iisang bote ng inuming nakalalasing. “Boss Pedro, tara na’t mag-inom na!” ang wika ng isa.            “Magkita-kita nalang tayo sa Irauqi.” Sabi pa ni Pedro bago kami iwan.                 “Luno na siguro sa alak ang taong iyon. Ang yabang! Mas mayabang pa kay Heneral kung magsalita,” si Noah.            “Sasapakin ko na sana siya sa mukha nang matauhan. Pinigilan lang ako ni Morphie,” ang sabi naman ni Mura.            “May sapak sa utak ang lalaking iyon. Kapag pumatol kayo, kayo lang ang magiging mukhang siraulo.”            Sakto nang mabusog ang mga sikmura namin ay nagliwanag ang pinakatuktok ng aming palasyo, ang mismong lugar kung saan naroroon ang mahal na reyna.            “Pinahahayag din ng mahal na reyna ang pagbati niya sa inyo, mga bagong miyembro ng hukbong sandatahan ng Palasyo. Sa ngalan niya, hinihiling ko na mahasa sa inyong pagkatao ang tatlong virtue sa pamamagitan ng pormal na pagsasanay, ang virtue of valor- katapangan, virtue of Authenticity- pagiging totoo, at ang virtue of justice- ang pag-aasam para sa hustisya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD