Morphie
SIMULA pa lang kaninang umaga ay hindi na ako mapakali. Pumupuno sa aking isip kung ano ang laman ng maliit na bangang nilagay ni nay Indang sa bag ko. Kaya naman upang alamin, nang magtapos ang pagkain ay bumaling ako pabalik upang puntahan ang kinalalagyan ng mga gamit ko. Tinahak ang medyo tagong damuhan- ang lugar na pinagpapahingahan ko sa tuwing gabi.
Humanap ako ng puwesto na tamang-tama lang upang doon ko usisain ang plano ko ngayon. Umupo ako ng pasalampak, hinila ko ang bag ko at binuksan ito. Agad na bumungad sa akin ang banga. Nilabas ko na ito dahil hindi na ako mapaghintay pa. Nangangati na ang kamay ko na tanggalin ang takip nito kaya naman iyon nga ang ginawa ko.
“Shet!” Kusa kong naihagis ang banga nang dahil sa pagkagulat sa laman nito.
‘Si nay Indang naman, bakit sa lahat ng ipapabaon niya sa akin? Isang ahas pa?’
Isang ahas na kulay bahaghari ang laman ng banga. Bumulaga agad ito sa akin kaya hindi ko maiwsan na makaramdam ng takot.
“Aray naman! That’s too heavy ha!”
Huh? Sandali, sino iyon? Sino ang nagsalita? Wala namang ibang nilalang sa paligid bukod sa akin at sa ahas. Teka lang, nagsasalita ba ang ahas? Lumapit ako roon at laking gulat ko nang nakatayo siya. Nakatingin ang umiilaw na mga mata sa akin.
“What comes to your mind? Bakit mo naman ako binalibag? Don’t you aware na ang sakit sa buntot ng ginawa mo! Napalipit ito, and you have to say sorry for that!” ang salita nito habang gumigiling giling ang katawan. Okay. Muntik ko nang isipin na isa siyang bulate na pinisikan ng natuyong tubig alat.
“Huwag kang lalapit sa akin! Alam kong makamandag ka!” Pinulot ko ang sanga na nakita ko sa lapag at inakmang ihahampas sa kaniya iyon kung sakali man na gagawa siya ng pag-atake laban sa akin.
“That’s what you’re thinking about me? Grabe ka naman sa akin, Morphie. Huwag ka namang gan’yan. Alaga ako ni Indang. Actually, kumare ko siya. Matanda na akong ahas. Mabuti ako at hindi kita sasaktan no? I am allergy to gay. Baka nga ako pa ang ma-poison sa iyom,” saad nito.
“Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo?” paninigurado ko. Maraming mapanlinlang ngayon. Lumalaganap na ang kapangyarihan ng kasamaan, baka isa siya roon. Kaya mahirap magbigay ng tiwala sa kung kani-kanino lang.
“Sige, bibigyan kita ng isang malinaw at madaling intindihing paliwanag, kung may madilim akong balak sa iyo, kinagat na kita habang natutulog ka kagabi. Sobrang dali lang para sa akin na ipakalat ang kamandag ko sa buong katawan mo. Pero dahil nga sa mabait ako, hindi ko gagawin iyon sa iyo.
Hindi ako sumagot. May punto naman siya sa sinabi niya. Pero paano kung pinapasakay niya lang ako? Kinukuha niya lang ang loob ko sa umpisa at kapag magaan na ang loob ko sa kaniya, doon na siya gagawa ng mga pag-atake laban sa akin?
“Mukha ba akong masama? Hindi mo ba alam na ang kahulugan sa likod ng kulay bahaghari ang siyang naghahayag ng katapangan at dedikasyon ng mga Fairouah na kakaibang uri ng kasarian katulad niyo nina Noah at Mura? Pinagtagpo-tagpo kayo ng tadhana at hinayaan na magkakilanlan dahil tanging kayo lang ang naiiba sa hukbo,” ang dagdag pa nito.
“Huh? Anong sinasabi mo?” Ayaw kong umamin agad na hindi ako tunay na lalaki pero paano niya nagawang malaman ito? May kakaiba rin kaya siyang kapangyarihan?
Sandali, sinabi niya bang pati si Mura ay kagaya namin? Eh lalaki iyon. Ibig sabihin ba no’n ay bakla rin si Mura? Impossible dahil ko naamoy! Hindi ako naniniwala sa kaniya.
“Ang ginagawa mong pagmamaang-maangan sa akin Morphie ay hindi tatalab. Nakuha mo? Nananatili pa rin sa matalas kong pang-amoy ang mga taong nakasalamuha mo simula nang maipak mo ang mga paa mo sa palasyo. Ipinagkaloob ako iyo ni Indang dahil nais niyang bantayan, at gabayan kita na hindi na niya magagawa pa dahil nagdesisyon ka na pumarini.”
Wala na akong takas pa para gumawa ng panibagong sulot. May kakaiba nga siyang kakayahan. Katotohanan lang ang sinasabi niya. Wala naman akong nabanggit sa kaniya tungkol kina Mura at Noah pero alam niya ito. Mas may alam pa ata siya kaysa akin e! Naalala ko rin ang sinabi sa akin ni nay Indang. Siya mismo ang naglagay ng banga sa bag ko kaya nag-uugnay ito sa kuwento ng ahas.
“Anong mayroon kay Mura? Kagaya rin ba namin siya ni Noah? Bakla rin ba ito?” ang sunod-sunod kong tanong. Gusto kong malaman kung paano niya nasabi na katulad din namin si Mura.
“Hindi. Hindi siya bakla. Iba ang sitwasyon niya. Iiwan ko na sa iyo ang tanong na iyan. Ikaw na ang bahalang tumuklas sa sarili mo dahil wala ako sa sitwasyon upang sabihin sa iyo ito,” ang sagot nito.
“Morphie! Nand’yan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap?” Ano bang ginagawa mo sa damuhan? May nawawala ka bang gamit?”
“Magtago ka—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil wala na ang ahas sa tabi ko. Nakatayo na rin ang banga na kanina ay nakabuwal dahil sa pagkakahagis ko.
Si Mura ang tumatawag sa akin. “Ah oo… inaayos ko lang ang mga gamit ko.” Lumapit na ako sa kaniya. Uusisain pa nito kung bakit dito ako naglalagay ng mga gamit ko.
“Oh, ito ang alak mo.” Inabot niya sa akin ang alak na hawak niya sa kanan niyang kamay. May takip pa ito, kaya halatang bago. Tinungga niya ang iniinom niya at nagsalita. “Inuman na!”
Sa totoo lang, hindi pa ako nakakasubok na uminom ng alak kaya naman hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dapat ko na bang subukan ngayon? Ano kaya ang lasa?
“Huy, ano, tititigan mo lang ba iyan?” tanong ni Mura nang mapansin na nakatingin lang ako sa alak.
Ang nasa isip ko kasi, baka malasing ako tapos magsasayaw pa ako sa ginta. Hindi ko alam kung ano ang mga sangkap ng inuming ito. Baka ma-trigger pa nito ang pagkabakla ko at umariba pa mamaya.
“Hindi iyan mauubos kung hindi mo iinumin.”
Hindi nalang ako sumagot. Bahala siya. Kahit anong pagpilit niya ay hindi ako iinom. Ang bisyo naman ng taong ito. Lasing na kaya si Mura? Umakbay pa siya sa akin e. Magaling talaga. Kaya pala ako tinawag upang gawin akong patungan ng braso niya!
“Hoy tol! Kumusta?” Pala-bati si Mura. Binabati niya ang ang mga nakasasalubong namin sa paglalakad. “Tol! Galing niyo kanina ah! May amats na ba?”
“Hindi pa pre, kasisimula pa lang. Matibay ata ito sa inuman! Hindi ako kayang lasingin ngayong gabi,” sagot ng lalaking maskulado. Halata nga sa katawan niya. Kahit siguro isang drum na alak ang inumin niya. Hindi nga tatalab sa kaniya e.
“Ayos ‘yan, pre! Dapat lang sulitin no?” si Mura. Puwede namang sulitin ang saya ng gabing ito kahit walang alak. Well, para sa akin lang naman iyon.
“Ikaw ba si Morphie?” ang tanong sa akin ng payat na lalaki ngunit sobrang haba ng mga bihas.
“Uy tol, ako nga!” ang nakangiting sagot ko. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Ganoon na ba ako kasikat? Hmmm… sinusundan siguro ng lalaking ito ang bawat galaw ko. Paano niya kaya ako nakilala? Kanino at bakit? Na-curious tuloy si Morphie.
“Ah, narinig ko lang sa tabi-tabi! Ang bilis mo kasi lumipad. Usap-usapan ka kaya kanina. Akalain mo iyon, natalo mo si Kapitan. Mahusay ka Morphie!” ang wika ni Payatitot. Hindi ko alam ang pangalan niya e, kaya payatitot nalang ang itatawag ko.
“Sikat ka nga kanina Morphie. Nakalimutan kong sabihin sa iyo,” ang sabi ni Mura.
“Sige na, pre. Kukuha pa kami ng inumin. Enjoy, Morphie.”
‘Babur.’
“Sige mga ‘tol.” Sumaludo pa si Mura. Akala mong sundalong-sundalo na. May kailangan akong itanong sa kaniya mamaya.
“Ikaw siguro ang nagsabi sa kanila ng pangalan ko, no?”
“Oo naman. Sino pa ba?” Confident pa ha siya ha! “Kailangan nilang malaman ang pangalan mo kasi nakikita ko na ikaw ang mamumuno sa amin sa hinaharap!” Tumunga siya ng alak at tumawa pa.
“Sira!” Siniko ko siya sa tigiliran niya. Nilakasan ko talaga. Aba’t ako ata ang trip ng lalaking ito ngayong gabi? Sarap pingutin ng magkabila niyang tainga! Kung siya lang si Noah. Baka lumapat na ang palad ko sa pisngi niya!
Teka lang, ano kaya ang sikreto niya? Kung hindi siya bakla, eh ano siya? Uod? Joke.
“Nakita mo ba si Noah?” ang tanong ko kay Mura. Luminga-linga ako sa paligid. Kanina ko pa hindi nakikita ang betlang iyon pagkatapos naming kumain.
“Doon ko lang siya iniwanan kanina.” Tinuro niya sa akin ang maliit na kubo. Lumapit kami roon pero wala, hindi namin nakita ni anino ni betla.
“Saan kaya nagpunta ang isang iyon?”
“Baka nagsasaya lang din. Malaki na si Noah. ‘Wag mo nang isipin ‘yon. Magsaya ka nalang din.” Nakita na naman niya ang alak na hawak ko. “Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin na nabubuksan iyan? Iba ka talaga! Kung sa ibang lalaki, ubos na iyan kanina pa. Isang tungga lang ang gagawin ng mga gagong iyon!”
“Lasing ka na, Mura. Mabuti pa mamahinga ka na rin.” Umupo ako sa silyang bato. Maingay ang paligid at may mga pailaw pa.
“Hindi ah. Hindi ako marunong malasing!” Naupo siya sa tabi ko. Muntik pang mamali ng upo at mahulog. “Ay gago… malayo pa pala ako sa upuan! Hindi ka pa hilo, Mura. Hina mo naman!”
“Ayan ba ang sasabihin mong hindi marunong malasing? Hindi mo na nga matansya ang upuan!” Tawang-tawa ako.
“Hindi pa nga ako lasing…” Humina ang boses niya kaya napalingon ako rito. Nakatingin lang siya kawalan. “Hindi pa ako lasing dahil nandito pa rin ang kirot pa sa dibdib ko.”
Ay sandali. Naramdaman ko na may gustong i-share si Mura ngayong gabi. Kailangan kong maglaan ng dalawang tainga sa kaniya at pakinggan kung ano ang kaya niyang ibahagi.
“Tol, anong nangyari? Magkuwento ka. Makikinig ako.”
Baka ito na ang pagkakataon na sasabihin na niya ang sikreto niya. Pero iba e, may bigat akong nararamdaman sa pagbigkas niya. Huminga siya ng malalim bago magsalita.
“Wala naman akong problema. Naalala ko lang nung sinugod tayo ng mga Mutuah. Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin ang mga panangis ng mga Faireeta na nawalan ng buhay.”
Ano ba ito! Pinaaalala niya lang sa akin si Kelly. Ayaw kong maging malungkot ngayong gabi. Kailangan ko nang kalimutan ang nangyari pero hindi ang kaibigan ko at ang ginawa ng Mutuah.
“Sa akin din pero pinipilit ko na itong kalimutan,” ang tugon ko. “Hanapin nalang natin si Noah. Maglakad-lakad tayo. Bawal ang malungkot ngayon!” Pumayag naman siya. Malamig ang panahon. May tugtugan kaya ang masarap maglalalakad.
Kanina ko pa iniisip, hindi lang kami ang dahilan kung bakit sinagawa ang pagdiriwang na ito. Pakawari ko ay nais ipakita ng mahal ng reyna sa mga Mutuah na kahit anong gawin nila sa Lepidori, babangon at babangon kami. Kailaman ay hindi hahayaan na malugmok sa bangungot ng nakaraan.
Sa paglalakad, nakasalubong namin si Kapitan Chrollo, nag-iisa lamang siya. Kaya naman binati namin siya ni Mura. “Magandang gabi, Kapitan.”
Deadma kami. Hindi niya kami pinansin.
“Baka hindi tayo narinig ni kapitan,” sabi sa akin ni Mura.
‘Sayang ang kaguwapuhan kung hindi kami bibigyan ng matamis na ngiti.’
“Pakawalan niyo ako! Kung matapang kayo, makikipagsapakan kayo sa akin ng patas.”
Sandali, kilala kung kanino nanggagaling ang boses na iyon!
“Boses iyon ni Noah ah!” Napatingin sa akin si Mura. Ayon sa narinig namin, para may kaaway ngayon si Noah.Nanggagaling ang boses sa loob ng halaman kaya hindi namin sila makita. Hinahap namin ni Mura ang daan at pumasok kami roon.
“Noah?” ang tawag ko rito.
Nakita namin si Pedro. May kasama na naman siya. Baka mga alipores niya ang mga insektong ito. Hawak ng dalawa niyang sunud-sunuran si Noah sa magkabilang braso.
“Tamang-tama, nandito na rin ang tatlong lampa. Hindi na ako mahihirapan pang bugbugin kayo nang sabay-sabay,” sabi ni Pedro. Tumawa naman ang mga alipores niya.
“Kaya ka lang naman malakas ang loob mong siraulo ka e marami kang kasama! Bakit hindi mo ako labanan ng suntukan? Ikaw at ako lang. Walang ibang makikisali!” sabat ni Noah.
“Aba boss Pedro… gusto talaga atang maging punching bag ng isang ito,” ang saad naman ng lalaking may hawak sa kaliwang braso ni Noah.
“Ayaw namin ng gulo, Pedro. Bitiwan mo na si Noah kung hindi ay isusumbong namin kayo kay Heneral. Kapag nagkataon, permante kayong matatanggal sa hukbo. Hindi nababagay ang tulad niyo para magsilbi sa kaharian!” pananakot ko sa kanila.
“Chrollo, ‘wag kang masyadong magkapalasing.” Tamang-tama! Narinig namin ang boses ni Heneral Herbes. Siguro naman sapat na ang narinig nila para kahit paano ay lamunin sila nang kaunting takot.
Tinignan ko sila sa mga mukha nila. Napangisi ako dahil baka roon ang pinaghalong pagkabigo at pagka-inis. Hindi natuloy ang plano nila! Mabuti lang sa kanila iyon!
“Bitiwan niyo na siya. May susunod pang pagkakataon para pasabugin ang mukha nila!” Sinunod ng mga alipores ni Pedro ang pinag-utos niy at umalis na.
Hindi na namin kailangan ang mga-pes nila. Nakakasora! Sarap tusukin nang nagliliyab na stick!
“Mga duwag!” si Noah.
“Halang pala talaga ang ugali ng Pedrong iyon. Inimpluwensyahan pa niya sa masamang gawi ang mga kasama niya!” si Mura.
Ganoon din naman siguro ang ugali ng mga lalaking iyon katulad kay Pedro kaya madali lang na na-impluwensyahan sila.
“Anong nangyari at makikipagbuno ka sa mga iyon?” tanong ko kay Noah.
Sinabi niya na wala naman daw siyang ginagawa. Nakaupo lang daw siya sa pinag-iwanan kanina ni Mura tapos noong wala nang tao, aba, hinatak daw siya ni Pedro at hinamon ng suntukan. Mga lunod kasi sa alak e!
‘Oh ito… ikaw nalang ang uminom niyan.” Binigay ko sa kaniya ang alak na hawak ko. Hindi talaga ako sanay mag-inom.
Bumalik kami sa gilid ng kubo kanina. Hindi pa man nagtatagal, naramdaman ko ang biglaang pagpuno ng pantog ko. Nagpaalam ako sa kanila na ilalabas muna ito sandali.
Pumunta ako sa madilim na parte, sa walang makakakita sa akin.
Magsisimula na sana ako, kaso muntik na akong mapasigaw nang may magsalita sa gilid ko.
“Bawal umihi riyan.”