Chapter 13: MEN

2355 Words
Morphie NAKITA ko si kapitan na nakatayo malapit sa akin. Ibig sabihin? Siya ang bumaswit sa akin? Oh baka naman ang ahas ulit iyon. Nakahihiya naman, makikita niya pa akong umiihi. Pero ano bang masama sa pag-ihi? Wala naman. “Kapitan, magandang gabi po, nandito po pala kayo,” ang bati ko sa kaniya. Hindi ko ibig na ipahalata na nagulat ako sa biglaan niyang pagsagot. I should act as normal lang, and nothing shockness has happened. Hindi niya nagawang tumungon sa akin dahil napayuko siya, at doon, pinakawalan niya sa bibig niya ang mga pagkaing nailagay niya sa tiyan nya. Walang dahilan para magpaka-alerto ako. Dala lang naman ito ng kalasingan niya. “Naparami ata ang nainom niyo, Kapitan.” Lumapit ako sa kaniya para tulungan siya. Narinig ko no’n dati, kapag nagsusuka raw ang isang lasing, marami raw siyang nakain na pulutan. Ganoon kaya ang nangyari kay kapitan o sadyang mahina lang ang kontrolasyon niya pagdating sa alak? Baka naman hindi talaga siya nainom. Napilit lang. Hindi niya inabot ang tulong ko at pinakita niya iyon sa pamamagitan ng paghawi niya sa kamay ko. Naglakad siya ng medyo pasurasay-suray sa upuan. Malayo ng kaunti ang distansya sa pinagsukahan niya, sa pag-iihian ko. No need ng help ni Kapitan. Okay. Hmmm… sino ba naman kasi ang tatanggap sa alok kong tulong gayong isa lamang akong hamak at hindi kalakihang lalaki. Well, to correct myself, hindi pala ako lalaki because I am a gay. Samantalang siya, matangkad at malaki ang katawan, malakas in-short. Nothing to argue about. Mabilis naman akong kausap. Kahit ayaw niya ng tulong ko. Hindi niya maaalis sa akin ang pagiging makulit ko. Sumunod ako sa kaniya sa pinag-upuan niya at tumabi. Gusto kong kausapin si kapitan ngayon. Sana lang huwag niya akong itulak at pagtabuyan palayo mula sa feeling niya. Huh? “Kapitan, naparami na po ata ang nainom niyo baka sinasabi lang po ng pagsuka niyo na kailangan niyo nang magpahinga?” pangatlong salita ko na ito. Sana naman ay mapansin na niya ako at sumagot na siya sa akin. Para akong kumakausap sa hangin. Kahit malang, uh... ahm.. no comment siya. “Sa-sandali, parang namumukhaan kita. Ikaw iyong tumalo sa akin sa karera sa himpapawid?” Marunong naman palang magsalita si Kapitan. Akala ko pati ang dila niya ay nasuka na rin niya. Ayan at nagsalita na siya. Halata lang sa boses niya ang pagkalasing niya. Hindi na maayos, at mukha ng bali-balikong daan. “A-ako nga po kapitan,” nakangiti kong sagot. Hindi naman ako proud, alam ko naman na pinagbigyan niya lang ako. “Matulin ka pa lang lumipad. Nays one iyon!” Sinuntok niya ang braso ko gamit ang kamao niya. Erey nemen pe, Kepeten! Operada po ako ng silicone. Charot. “Muntik ko nang ibigay ang buong bilis ko, kaso hindi ata sasapat kung gagawin ko man,” dagdag pa niya. Itchusera rin si Kapitan. Alam ko namang hindi siya nagsasabi ng totoo. Siya kaya ang kapitan, it means, siya may pinakanangingibabaw na kapangyarihan sa buong Acrusa. Hindi ko pa man siya personally nakikita mismo na makipaglaban, I know deep in my heart, may malakas na kapangyarihan na namamayani sa kaniyang intrinsic desire. Huh? From within. “Palabiro ka po pala kapitan no!” Akmang hahampansin ko na siya sa braso niya kaso naalala ko na hindi nga pala siya si Noah. “‘Wag mo na akong pino-po, magka-edad lang naman tayo. Lakas makatanda no’n. Mukha bang nasa kuwarenta na ang edad ko?” ngumiti siya at nagkunot noo. Hala ka, kapitan! Ang pagngiti mo ang rason kung bakit pinagtibay na ng panahon ang pagiging baluktot ko! “Hindi naman, kapitan. Tanda lang iyon ng paggalang, mas mataas ang posisyon niyo sa amin,” depensa ko. Hindi niyo naman kami masisisi si Kapitan, sana hindi nalang kayo nagkapitan, kung ayaw niyo naman pa lang makarinig ng po sa mga under mo. “Oh eh, bakit ikaw pa ang nagdidikta na kailangan ko nang tumigil sa pag-inom? Malinaw naman pala sa iyo na ako ang kapitan,” wika niya. Ah sige. Hahayaan nalang kitang malunod sa pag-inom. Kidding. Normal na Fairouah lang din si Kapitan. Marunong magpakalasing, syempre- sumuka at mapag-isa. Sana lang, mas makilala ko pa siya ngayong gabi. Simula bukas, gaganapin na ang pormal na pagsasanay sa lugar ng Iraqui. Maganda na ngayon pa lang, kapado ko na ang ugali niya. Sobrang seryoso at estrikto kasi ni kapitan kapag sinasabuhay na ang tungkulin. “Chrollo nalang ang itawag niyo sa akin kapag wala tayo sa pagsasanay. Pangit na masyadong pormal kapag parating kapitan. Normal na Fairouah lang din naman ako katulad niyo.” Hindi arogante si Kapitan. Ganito dapat ang tunay na leader, mapagkumbaba kahit galing sa mataas na antas ng lipunan. Nagtataglay na siya ng kakaibang lakas kaya buo ang pananalig ko, malaki ang igagaling ko sa pagsasanay na darating. “Paano iyon? Makulit ako Kapitan? Kapitan pa rin ang itatawag ko sa iyo kahit saan!” “Chrollo na nga lang,” bahagya nang nagsimula ang pagka-asar niya. “Ang kulit ng batang ito.” Hindi ko alam kung biglaan bang nangati ang ulo niya dahil napakamot siya roon. “Eh, kapitan pa rin po basta!” Pagmamatigas ko. Ang siyang tinuran ko dapat ang parating masusunod. Ako ang batas dahil ako ang reyna! Kidding aside. “Bahala ka kung anong trip mo. Baka masapak pa kita.” Tumawa siya ng mahina. Kaya ba talaga niyang manuntok ng mas mababa sa kaniya? Ano kaya kung asarin ko pa kaya si kapitan para matikman ko ang suntok niya? “Bakit po kayo uminom ng sobra?” ang usisa ko. Baka ngayon na kahit papaano ay nakapaglagayan na kami ng loob, sagutin na niya ako sa tanong ko sa kaniya kanina pa. Eh iyon ay kung gusto niya. “Wala. Nagsasaya lang din! Eh ngayon lang nangyari ulit ang ganitong kasiyahan. Mga shetfuck kasi ang mga Mutuah! Malaki silang sakit sa ulo!” ang sagot ni Kapitan. I highly agree, Kapitan! Sila ang source ng major portion of stress natin! “Ikaw, parang hindi ka naman lasing? Hindi ka ba umiinom?” “Ah- hindi po kapitan,” ang tanging naging sagot ko nalang. Hindi ibig sabihin na hindi ako umiinom, mahina at talunan na agad ako. This drink does not determine my strength, but societal standards might tell you, to be more masculine, you need to be great at drinking! “Wala ka pala e! Mahina. Pero sayang, mauulit nalang ito kapag napabagsak na natin ang mga Mutuah. Kapag nakumbinsi natin sila na hayaan tayo na mamuhay nang mapayapa at walang gulo rito sa Insectia! Kaso… matagal pa iyon, man! Drink ka na!” wika niya. Narinig ko na naman ang mga Mutuah. Kailan kaya darating ang araw na kapag narinig ko ang pangalan nila, wala nang galit ang otomatikong namamayani sa puso ko? Nakalulungkot lang, hindi siguro sasapit ang panahong ito. “Hindi naman po kasiyahan ang pinunta ko rito, kapitan. Iba po ang misyon ko. Ang kasiyahan ay makapaghihintay ng tamang panahon,” wika ko habang nakatingin sa madilim na paligid. Pinipigilan ko ang sarili ko na lubusang mag-saya ngayong gabi gayong alam ko sa puso’t-isp ko na hindi kami habangbuhay na ligtas. Nasa ilalim kami ng banta ng mga Mutuah. Digmaan ang nais nila. Ito ang pinaghahandaan naming ibigay sa kanila. “Walang tamang panahon para magsaya, Morphie. Ang bawat oras ay panibagong pagkakataon para gumawa ng ikasasaya mo.” Napabaling ang atensyon ko sa sinabi ni Kapitan. Nakita ko na nakatingin siya sa kawalan. Ang tangos ng ilong niya, mapula ang labi, at hindi maikakaila ang makapal niyang kilay. Napaisip ako sa sinabi nito, walang tamang panahon para magsaya. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kaniya nang mapabaling siya sa akin. “Kumusta? Masaya ka ba ngayon?” ang tanong niya at ngumiti sa akin. Masaya ba talaga ako? Paano kung sabihin kong, oo, masaya ako dahil makisig na lalaki ang kaharap ko sa mga oras na ito. Ano kayang gagawin niya sa akin. Sasapakin niya kaya ako o hahampasin ng upuan? Ngumiti lang din ako sa kaniya. Ito ang huli naming pag-uusap dahil tinawag na siya ni Oliver. “Anong pinag-usapan niyo ni Kapitan, huh? Nagtapat na ba siya nang nararamdaman niya sa iyo, Morphie? Inamin na niya ba namahal na mahal ka niya at hindi niya kakayanin kapag nawala ka sa feeling niya? He can’t afford to lose you, you are his life! Ganito ba ang mga linyahan niya, huh?” bungad sa akin ni Noah. Mapapansin na may sapak na ng alak ang katauhan niya. “Ano na namang pinagsasabi mo? Matulog ka na nga! Lasing ka na rin,” sagot ko rito at hinatak niya sa higaan. Napagdesisyonan naming tatlo na magkakatabing matulog ngayon. Si Mura, naghihilik na, mukhang kanina pa tulog na tulog. Nang umihi siguro ako, natulog na siya. Samantalang ito namang si Betla, gising na gising pa ang diwa. Akala mong may biyayang hinihintay. “Good night, atehan kong cute na si Morphie!” saad nito. Akmang ilalapit pa niya ang mukha niya sa akin para bigyan ako ng good night kiss pero tinampal ko siya. Mabilis namang nilamon ng antok ang kamalayan ni Noah. Nang makita kong nakatulog na siya. Naisip ko ang bahagharing ahas na nasa maliit na banga sa bag ko. Kinuha ko ito. Lumayo ako sa dalawa kong kaibigan at humanap ng tagong lugar kung saan maaari ko itong masolo ng walang aabala sa akin. “Hello, Morphie! It is my finest pleasure to witness your androgynous face again! It’s me, Hela! The rainbow snake you have witnessed earlier. What comes to your mind at naisipan mong balikan ako, huh?” masiglang bunga sa akin ng makulay na ahas. Totoo nga siya! Akala ko ay namamalikmata lang ako kanina. Mayroon ngang rainbow snake sa banga. Siya lang ang kauna-unahang ahas na nakita ko na ganiyan ang kulay. Kakaiba at may kakayahan pa na magsalita. “Totoo ka pala talaga? Baka ka ko na naginip lang ako kanina,” ang sabi ko. “Ano ka ba? My existence is real. If you can’t believe in me, then stay having consciousness in your dreams!” ang sagot nito. Oo nga. Naniniwala nga ako na totoo nga siya. “May paparating. Magtatago na ulit ako. Hanggang sa muli! Paalam kaibigan.” Bigla nalang siyang naglaho at muling pumasok sa banga. “Sinong kausap mo riyan Morphie?” si Psycher ang sumulpot. “Ah-ah… wala naman, na-miss ko lang ang itay at inay. Pati si Kelly,” ang sagot ko. “Ikaw, anong ginagawa mo rito? Dapat ay nagpapahinga ka na rin.” “Ako rin, nami-miss ko rin naman sila pero hindi naman ako nagsasalita nang walang kasama.” Natawa kaming dalawa sa biro niya. “Bakit ka nga nandito? Baka ako lang siguro ang na-miss mo at hindi sila? Hmmm….” “Oo.” “Na-miss mo akong asarin!” Hinampas ko siya sa braso niya. Kahit hindi ko sabihin kay Psycher ang tunay kong pagkatao. Nararamdaman kong buong-buo niyang tatanggapin kung sino ako, at hindi ako huhusgahan. Bata pa lang kaming dalawa, magkasama na kami kaya wala akong dapat ikatakot na ipakita sa kaniya ang totoong ako--- ang totoong Morphie. Lumipad kami sa itaas ng puno upang doon ipagpatuloy ang pag-uusap. “Gusto lang kitang baitin. Natupad mo na ang isa sa pangarap mo na maging opisyal na miyembro ng hukbo.” Nasanggi niya ang tagiliran ko kaya’t muntik na akong mawalan ng balanse at matulog. “May galit ka ba sa akin Psycher? Hindi ka ata masaya na nakapasok ako. Parang may balak ka pang ihulog ako? Sabihin mo sa akin kung may balak ka nang mawala ako sa mundo!” pambibiro sa kaniya. “Ang cute-cute mo talaga, Morphie!” Halata na kanina pa siya nanggigil sa pisngi ko. Hindi na niya ito napigilan at kinurot ng banayad. “Kung nandito si Kelly, magseselos na naman sa atin iyon.” “Hoy… masakit na!” Pinakinggan naman niya ang daing ko. Inalis ang kamay sa pisngi ko. “Makakasama kita sa Iraqui pero baka hindi rin tayo madalas na makapag-usap gawa ng makaiba tayo ng grupo.” “Ayos lang iyon! Siya nga pala, sino ang inspirasyon mo kung bakit pinag-iigihan mo na tumaas ang ranggo sa Lethatalia?” ang tanong ko. Hard-working kasi ni Chrollo, habang lumilipas ang mga araw, pataas ata nang pataas ang posisyon niya sa grupong kinabibilangan niya. “Ikaw?” sagot niya. “Huh? Anong ako? Ako ang inspirasyon mo?” paglilinaw ko. Baka mali lang ang pagkakadinig ko. “Hindi ah. Tinanong ko ikaw, kung sino ang inspirasyon mo?” Ngumisi siya. Namula tuloy ang pisngi ko. Medyo napahiya ako roon ah! “Ah, sabi ko nga.” “Ano nga pala ang laman niyan?” Nakita niya ang bangang hawak-hawak ko. “Ah, ito ba?” Inangat ko ito nang mas lalo niyang makita. “Wala. Pabaon lang sa akin ito ni nay Indang.” “Ayaw pang sabihin sa akin kung ano ang laman. Hindi ko naman aangkinin.” Parang bata siyang nagtampo. Hayst. Ganitong-ganito ang aksyon niya noong mga bata pa kami sa tuwing nalalamangan ko siya at may bagay akong sinisikreto. “Wala nga.” Ayaw ko pang sabihin sa kaniya ang tungkol sa habangharing ahas. Isa itong sirektong malupit na ako lang ang dapat na may alam! Nagpaalam na ako sa kaniya na mamamahinga na rin. “Maligo ka muna bago matulog… amoy kang aso.” “Ang arte naman nito! Parang hindi lalaki.” Eh hindi naman talaga. Pasensya ka. “Maliligo pa, wala namang babae sa kuta namin… kanino ako po-porma… sa iyo?” “Ewan ko! Bahala ka sa buhay mo, Psycher! Ingat ka ha!” Hinatid niya ako pabalik ng higaan namin. Ngayon, matutulog ako na may ngiti sa aking mga labi. Hindi ako sigurado kung makakatulog ako ng mahimbing gawa ng pag-iisip kung ano ang mangyayari bukas. Binalik ko sa bag ang banga at humiga na katabi ni baklitang Noah. Hindi naman sobrang dikit sa kaniya, amoy alak. Kahilo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD