Morphie
NAKAAPAK ang aking mga paa sa lupaing nilimot na ng kahapon. Ang lupaing pinagmulan ng lahi ng mga taong lobo, ang lupang tibuuan ni Psycher, ito ay walang iba kung hindi ang Iraqui. Bumungad sa amin ang kinakalawang at naaagnas nang arko ng lugar. Bumigay na ito sa dalawang magkabilang poste na siyang kinakabitan nito. Nais lang patunayan ng sitwasyong bumungad sa amin na malapit na ngang mabura sa ala-ala ng karamihan ang lugar na dati ay kilala sa pagiging organisado, at lumilikha ng mga malalakas na taong lobo.
Upang matawib ang lugar, at makapasok sa loob ng bakuran, nagtulong-tulong ang mga beteranong hukbong sandatahan upang ayusin ang sumukong arko at muling bigyang buhay. Kung pagmamasdan ang buong paligid, agad na pupukaw ng paningin mo ang mga bulok na kabahayan. Kahit ang mga munting estrukturang ito ay saksi sa mapait nitong kahapon na halos tumapos na sa kanilang kasaysayan.
Hindi na kami naghintay pa, at nagnilay-nilay. Dahil sa lakas ng pinagsama-samang puwersa ng mga beteranong mandirigma, mabilis na naayos ang arko. Bumalik na muli ang sigla nito at ang kumpinsya na tumayo ng tuwid at sumalubong ng mga bisita. Tuluyan na nga kaming pumasok.
Hindi pa man kami nakalalayo ng hakbang, pumukaw agad sa atensyon namin ang mga nagsitakbuhang mailap na hayop. Sila na maharil ang mga bagong nahihiran sa lugar na ito. Kahit alam namin sa mga sarili namin na hindi namin sila sasaktan, there’s an automatic signal to them that tells themselves from us. Natakot sila sa presensya namin dahil nasanay na sila na walang ibang gumagala sa lugar na ito. At the same time, nakatutuwa lang isipin na kahit naging ganito ang lugar ng Iraqui, nagbigay naman siya ng bagong tahanan para sa mga iba’t-ibang hayop na kumportable sa ganitong klaseng mga lugar.
Nakita ko rin ang pinakamataas na tore na may mga dambuhalang mukha na naka-ukit rito. Ayon sa natatandaan kong kinuwento sa akin ni Psycher noong mga bata pa kami, ang dalawang mukha raw na ito ang mga magiting na namuno sa buong henerasyon ng mga taong lobo.
Kapag may pagkakataon kasi noon ay nadalaw kami rito. Madals kaming gumagawi rito. Minsan umaabot na sa pagsisinungaling na maglalaro ng kami sa loob ng kakahuyan, pero ang gawi talaga namin ay dito sa Iraqui. Hindi pa rin kasi noon ganito kasira ang lugar na ito. Maayos pa siya, masayang paglaruan ng gaya naming mga bata nanahihilig sa bahay-bahayan.
Nakarating na rin dito si Kelly. Malapit kasi ang babaeng iyon, pala tanong siya kung saan kami nagpunta ni Psycher kapag nawawala kami sa tabi niya. Tapos ang malala pa rito, magsusumbong pa siya kina nanay at nanay.
Kaya isang gabi, madilim na kaming umuwi no’n ni Psycher sa bahay. Tinanong kami nina nanay at tatay kung saan kami nanggaling dahil hinanap daw nila kami sa mga lugar na parati naming pinaglalaruan, pero hindi nila kami nakita. Kaya ayon, pinuntahan daw nila si Kelly sa tirahan nito, at ayon, sinabi ni Kelly na baka raw nandito kami sa Iraqui. Wala kaming nagawa at napilitang aminin ang katotohanan.
Simula noon ay pinagpabawalan na kami ni tatay na bumalik rito sa maraming dahilan, isa na nga rito ay marami raw mababangis na hayop na lumalabas tuwing kagagat ang dilim sa kalangitan. At isa pa ngang panakot niya sa amin no’n, baka makita kami ng mga Mutuah na gumagala-gala upang humanap ng mabibiktima.
Sa murang gulang namin, natatakot din ang aking mga magulang na may mangyari sa aming masama sa amin. Pinaunawa nila na para sa aming kaligtasan lang ang kanilang ginagawa. For us not to put so much stress on them, we just followed what they had instructed. Doon na nga natapos ang pagsibita namin sa lugar ng Iraqui. Ngayon nalang ako nakabalik rito, hindi ako sigurado kung si Psycher ay pinagpapatuloy niya ang pagbisita sa lupaing kaniyang tinubuan.
“Maligayang pagdating sa lupain ng Iraqui!” Nag-umpisa nang magsalita ang Heneral. “Alam ko na ang karamihan sa inyo ay hindi pamilyar sa kasaysayan ng lugar na ito. Halos maubos na ang lahi ng mga taong lobo ngunit may isang masuwerteng nakaligtas sa kanila. Masuwerte siya na nandito siya ngayon at kasapi sa ating hukbo…” nagbulong-bulungan ang mga tao at luminga-linga sa paligid. Hinahanap kung sino ang nilalang na tinutukoy ni heneral.
Lumapit kay Heneral ang kaibigan ko. Nasa linya niya rin ang tatlong kapitan ng bawat bangkat. “Siya si Psycher… ang huling natitirang lahi ng mga taong lobo. Siya ang kanang kamay ni Castro, ang kapitan ng Lethalia.” Taas noong ngumiti si Psycher sa buong Cavalleros. Taas noo man, ngunit hindi mo siya mababakasan ng kayabangan na wala sa lugar.
“Oh pre, siya pala iyong bulong-bulungan sa baryo nating nag-iisang taong lobo! Ayos at nakita na rin natin siya! Mukha siyang mortal kung pagmamasdan.”
“Hindi na nakapagtataka na may hatid siyang kakaiba presensya sa atin.
Hindi nila nagawang mahalata na si Psycher ang kakaiba sa amin dahil may kakayahan kaming itago ang mga pakpak namin sa likuran. Ibig sabihin, hindi malalaman na si Psycher ay walang pakpak kagaya namin.
Isa pa sa kabuuan, hindi rin malalaman kung saan kaming hanay nagmula hangga’t hindi nasisilayan ang kulay ng pakpak namin, puwera nalang ang uri ng kasuotan na mayroon sa aming katawan, at sa kumunidad kung sa amin kami naninirahan.
“Akala ko ba ay kapatid mo siya?” bulong sa akin ni Noah habang nakakunot ang noo at nagbibigay ng masamang tingin. Shuta! Naalala ko nga pala na sinabi ko sa kaniya na kapatid ko si Psycher. “Morphie, you have to explain me something, huh!” Kung walang ibang nakapaligid sa amin, sigurado ako. Sumigaw na siya.
“Sino naman ang nagsabi sa iyo?” ang maang-maangan kong tanong. “Wala akong natatandaang ganoon.”
“Sinungaling ka! Liar goes to hell! Sinabi mo iyan sa akin kahapon,” ang pagpupumilit niya.
“Talaga? Sinabi ko iyon? Bongga!”
“Ano bang sinasabi niyong dalawa? Medyo mahina lakasan niyo…” pagsingit sa amin ni Mura.
“Shhh… makinig kay Kapitan. Hindi ito ang oras para magdaldalan,” panunuway sa amin ng isa naming katabi. Binalot tuloy ako ng katiting nahiya.
“Maharil nagtataka kayo kung paano napabilang si Psycher sa hukbo. Bago tayo magsimula, nais ko muna itong ikuwento sa inyo. Bata pa lamang siya, nakitaan ko na siya ng kakaibang lakas. Sinabi ko sa sarili ko na malaki ang maitutulong ng batang ito sa hukbong sandatahan ng palasyo. Nagdesisyon ako na ipasok siya at hasain pa ang biyayang kakayahan. Hindi naman ako nagkamali dahil sa murang edad, nagawa niyang pumaslang ng maraming bilang ng Mutuah sa madaling paraan”
Ngayon ko lang napagtanto na malapit Psycher sa mga lider ng hukbong sandatahan. Hindi na ako magtataka na kung isang araw, siya na ang humalili kay kapitan Castro dahil kapansin-pansin na may edad na rin ito. Si Kapitan Chrollo, ang pinakabata sa tatlong kapitan ng hukbo. Ang layo ng edad niya sa mga ito. Si kapitan Mallick ng Nendertallia ay ka-edad na rin ni Heneral Herbes.
“Sinasabi ko sa inyo ito ngayon dahil nais kong gawin niyong inspirasyon si Psycher na kahit wala nang pamilya. Sinimot ng kalaban ang lahi niya noong bata pa lamang siya. Hindi siya nagpalugmok sa dagok ng kapalaran, bagkus tumayo siya ng tuwid at tumindig ng matapang.”
Tumatagos sa akin ang mga sinabi ni Heneral. Si Psycher nga ang buhay na testigo na may kakayahan tayong abutin ang mga ambisyon natin sa buhay, makukuha mo ito basta ipagpatuloy mo lang ang pangangarap at pananalig sa Kaniya.