Morphie
“HUMANAY sa kaniya-kaniyang grupo. Tumayo ng tuwid!” Mistulang may mahika ang mga salita ni heneral dahil otomatikong kumilos ang aming mga katawan. Kusang humanay sa pangkat kung saan ito nabibilang. Seems that it has been programmed into our consciousness that once the general speaks, formality and uniformity must address.
Pumunta ang mga kapitan sa unahan ng bawat hanay. Bilang tanda ng komando, at pagiging organisado. Hindi lang sila nanatili sa unahan, nagsimula na silang usisain kung ang lahat ba ay sumunod sa kung ano ang inutos ng heneral. Naglakad-lakad sila at tinanaw ang kanilang hanay.
Bakit kaya may ganito? Ano kaya ang sunod na magaganap? Nakakaintriga. Tatahimik na nga lang ako at maghihintay kung ano ang sasabihin ng heneral.
“Nararamdaman ko ang kasiyahan at kagalakan sa bawat isa dahil ngayon, lahat tayong naririto ay opisyal nang miyembro ng Cavalleros. May karapatan na kayang tawagin ang mga sarili niyo bilang isang mandirigma. Nakahanga-hanga ang pinakita niyong dedikasyon kaya ipang mas lalo niyong maramdaman ang pagiging isang mandirigma, hayaan niyo na ipagkaloob sa inyo ang sandatang naka-akma sa hanay na inyong kinabibilangan.”
Sumilay ang abot taingang ngiti sa aking mga labi. Walang paglagyan ang sayang namamayani ngayon sa pagkatao ko. Sa wakas, ito na nga, mahahawakan ko na ang sandatang pinaka-pangarap ko.
Ngayon ko lang napagtanto, kaya pala may bitbit na malalaking kahon ang mga beterano. Ito pala ang naglalaman ng mga sandata. Akala ko, mga kagamitan ito para sa pagbuo ng mga tutuluyan namin.
Gamit ang kapangyarihan ni heneral, kusang naglaho ang kahon at niluwa nito ang sandamakmak na armas na akma sa aming bilang.
“Simulan niyo na itong ipamahagi sa kanila,” utos ni heneral sa mga beterano. Sumunod ang mga ito. Ang beterano ng Acrusa ang siyang magdi-distribute sa amin ng Pana. Ganoon din naman sa iba.
Tatlo ang uri ng sandata; ang pana, espada, at sibat. Mabilis ang naging distribusyon. Nang makita ko na malapit na sa kin ang beterano ay kumibot-kibot na ang puwit ko. Sobrang excited ako na hindi ko malaman.
Para akong inosente at timang, humahaba ang leeg mapagmasdan lamang ang itsura ng Panang sandata. Parang bata si Morphie, parang hindi mabibigyan e.
Tila bumagal ang oras nang makita ko naiaabot na ng beterano ang para sa akin. Shet! Ito na nga… Morphie, mag-relax ka. Huwag kang mukhang timang. Dumampi na nga sa palad ko ang pana na magpapatunay na ako ay kabilang na sa hanay ng Acrusa. Sinuri ko na tila ako gagawa ng isang proyekto at kailangan na ibahagi sa unahan ang lahat ng masusuri ko rito.
Sinakop ako ng eherniya ng pagkasabik. Gusto ko nang subukan agad na gamitin ito kahit alam kong hindi pa maaari.
‘Napasakamay ko na rin ang sandatang pinapangarap ko.’ Kamangha-manga ang itsura nito. Light wait lang siya kaya’t magaan lang siyang buhatin at hindi hassle. Kumikinang din ang hawakan. May kalakihan ngunit hindi naman ito magiging hadlang. Maaari rin itong gawing armas, pang-hampas kapag gigil ka na sa iyong kalaban.
“Ang bawat armas hawak niyo ay likha sa matibay na pilak na kinuha pa sa liblib na lupain ng Insectia. Tanging ang mga magigiting lamang ang may kakayahan na marating roon. Pinanday ang bawat isa ng mga bihasa at kilalang manggagawa sa mundo natin. Pinaglaanan ng sandamakmak na pawis at matagal na panahon upang magkaroon lang kayo ng matibay na sandatang titindig sa matagal na panahon, at hindi basta-basta mawawasak ng mga kalaban. Nararapat lang na patunayan niyong karapat-dapat kayo na maging tagapangalaga ng mga sandatang iyan,” ang paliwanag ni Heneral.
The weapons are special and seem to be powerful.
“Nais ko lang ipaalala sa inyo, hindi porque mayroon na kayo niyan, wala nang dahilan upang matanggal kayo sa hukbo. Maaari pa rin kayong mapatalsik sa hukbo kung lalabagin niyo ang mga polisiyang ipapaliwang ko mismo upang maging mas malinaw sa inyo at iwasan niyong labagin ang polisiya ng ating sandatahan at maging sa palasyo.”
Nakikinig kami kay Heneral kasabay ng patuloy naming pag-usisa sa mga armas na hawak namin.
“Simula mga bata pa lamang kayo, pamilyar na kayo sa tatlong virtue na kailangan ay tinataglay ng bawat mamamayan ng Lepidoria lalo na tayong mga Cavelleros. Kung mapapasin niyo, nakaukit sa mga sandata niyo ang tatlong virtue na ito, ang unang-una diyan ay ang Valor- ito ay tumutukoy sa katapangan na likas na sa inyo. Katulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, simula pa na magdesisyon kayong mapabilang sa hukbo, ipinakita niyo agad ang katapangan na tinataglay niyo,”
Hindi nga maikakaila ang tatlong virtue na nakaukit sa bawat armas namin.
“Pangalawa d’yan, ang virtue of Authenticity, ito ang pagiging totoo sa anumang oras, sitwasyon at bagay. Magiging totoo hindi lang sa kung ano ang ginagawa niyo kung hindi pati na rin sa pag-iisip. Tanggalin na ang bulok na sistema ng pag-iisip. Wala sana sa inyo ang nag-iisip ng madilim na plano sa kaniyang kapwa.
Pinagbabawal din ang pagkakaroon ng kakaibang kasarian sa hukbo, o maging sa buong kaharian. Kaya kung mayroon sa inyo na hindi sigurado kung siya ay totoong lalaki, ngayon pa lang ay umamin na kayo. Kapag ako mismo ang nakaalam na may sikreto kayong pilit na tinatago, dalawa lang ang maaring sapitin ng inyong kapalaran. Tatanggalin kayo permanente sa hukbo at wala nang paraan upang mabilang muli kayo rito, o ang mas malala pa, ipatatapon kayo mundo ng kawalan.”
Kumabog ng malakas ang dibdib ko ngunit hindi ako nagpahalata na parang bilasa. Hindi ko hahayaan ang sinuman na diktahan ang kakayahan at limitahan ito sa kasariang napili ko kahit pa si Heneral.
Hanggang sa ginagawa ko ng maayos at tama ang gampanin ko, nagtatama ang sinasabi ng puso’t isip ko na kadarapat-dapat ako sa hukbong kinabibilangan ko. Kung darating man ang tamang panahon na mabubunyag ito, buong puso kong yayakapin ang parusang ipapataw ng kinauukulan sa kasalanan ko.
Taas noo akong ngumiti kay Noah. Kami lang ang nagkakaintindihang dalawa. Magkasama kaming dalawa sa labang ito.
“Ang panghuli, ang virtue of Justice, ito ang hindi natutupok na apoy na bumabalot sa atin at nagbibigay sa atin ng tapang na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga mahal natin sa buhay. Sa tulong nito, maisasakatuparan natin na bigyan ng walang hanggang kapayapaan ang mundo ng Insectia.”
Valor
Authenticity
Justice
May isang virtue ang hindi ko tinataglay, ang Authenticity.
“Parati kayong maging matapang, maging tunay at handang magbigay ng hustisya ano man ang dinidikta ng sitwasyon. Malinaw ba sa ating lahat?”
“Opo!”
“Kung gano’n, pagmasdan niyong lahat ang pagbabagong magaganap sa kanang braso, may burdang lalabas diyan. Ang burda ay naaayon sa sandatang mayroon kayo.”
Ang lahat ay tumingin sa kani-kanilang kanang braso. Nakaramdam ako ng kaunting kiliti at hapdi. Tumagal ito ng ilang minuto hanggang sa lumabas ang burdang kamukha ng panang hawak ko.
Kung noon, kay Psycher ko lang nakikita ang burdang ito. Ngayon, mayroon na rin ako. Puno ng surpresa ang umagang ito.
“Hindi pa iyan ang huli… ngayon ay pumukit naman kayo at bigkasin ang salitang sasabihin ko.” Ginawa muli namin ang sinabi ni Heneral. Pumikit nga kami at hinintay kung ano ang sasabihin niya.
“Mutayo.”
Inulit namin ang salitang binigkas niya. ‘Mutayo.’ Maya-maya ay bumuka ang mga pakpak ko. Naramdaman kong lumipad ako ng kusa sa himpapawid. Nang idilat ko ang mga mata ko, isa lang ang napansin ko, nagbago ang kulay ng mga pakpak namin.
Mula sa pagiging asul… naging pilak na rin ito.
Hindi na ako Kampensina, isa na akong Cavalleros!
“Magsibaba na kayo rito. Wala na kayo sa murang gulang upang mamangha sa pagbabago ng kulay ng mga pakpak niyo. Kailangan nating ayusin ang lugar na ‘to. Magtatayo tayo ng mga kubo na magiging tutuluyan natin hanggang sa matapos ang pagsasanay.”