****XIAN POV#*** Nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni Alona. Kahapon sige ang tanong niya sa nurse ni lola. Tungkol sa mga gamot na iniinom ni lola. Kanina naman gusto niya siya ang maluluto ng pagkain nila ni lola. "Ano ba talaga ang topak mo babae?" Bulong ko habang pinagmamasdan ko siya na lumalabas ng bahay. Maya maya nagulat ako ng lapitan nito si Leonard. Napakunot ang noo ko ng makitang kinukulit nito si Leonard. Bumaba ako at nilapitan ko sila. "Anong problema?" Tanong ko na ikinagulat nila parehas. Tiningnan ko sila parehas. Napalunok si Leonard. "Ahhm. Nagpapasama kasi ako sa kanila sa mall." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. " Mall? Ano naman ang gagawin mo dun? " Tanong ko sa kanya. " Naiinip kasi ako dito. Nung pumunta kami dun ni lola dati ang dami mong makikita. Ka

