Ng makapag bihis ako lumabas na ako ng silid ko. Pumunta ako sa kusina. "Magandang umaga manang." Bati ko kay manang. "O, buti gising kana eto na ang pagkain ni Senior." Sabi niya sa akin. Habang sinasandok ang almusal ni lola. "Naku alam mo ba na ayaw kumain ng matanda kahapon hanggat hindi ikaw ang magpapakain sa kanya. Kahit anong pilit ni Anna ayaw kumain. Buti na lang dumating si Seniorito. Siya ang nagpakain sa matanda."Sabi nito. Napatampal ako sa noo ko. "Naku pasensiya na. Nakalimutan ko na si lola. Napagod kasi ako sa gala namin kahapon." Sabi ko na totoo naman. Napagod ako sa laban namin ni Kian. Kaya nakatulog na ako sa sasakyan. "Ano po ang pinakain Kian na pagkain kay lola?" Tanong ko dito. "Ay pinainit ni seniorito ang pagkain na narito sa kusina. Yun ang pinakain

