~Lucy~
Heto kami ngayon ni mama sa loob ng jeep patungo sa Hospital kung saan dinala ang bangkay ni ate. Ayoko maniwala. Ayokong maniwala na wala na talaga siya. Pero iilang minuto na lamang ay makikita ko na ang katotohanang sasampal sa akin.
Tumigil ang sinasakyan naming ng makarating kami rito sa Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex. Ilang kilometro lamang ang layo namin sa eskwelahan ni ate at mamaya ay balak kong pumunta roon. Para saan? Hindi ko rin alam. Pero may nag-uudyok sa akin na pumunta roon.
“Tara na, anak,” sambit ni mama na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat.
“Opo,” tanging naitugon ko.
Bagsak ang mga balikat ko na sumunod kay mama sa loob. Bawat hakbang ay sobrang bigat at pawang pinapahirapan ako na makahinga nang maluwag. Ang mga pasyente at nurses na narito sa paligid namin ay pawang alam ang ipinunta namin dito at tila kinakaawaan kami. Habang tinatahak namin ang daan ay nakapako ang mga mata ko sa isang matandang lalaki na nakapormal ang suot kasama ng mga pulis. Papalapit ang mga ito sa amin at mukhang sa amin ang direksyon nila at hind inga ako nagkamali.
“Good morning, Mrs. Felicidad,” bati nang matandang lalaki kay mama at sa tingin ko siya ang Dean. Bumaling nang ilang segundo ang kanyang tingin sa akin bago ito muling ipinukol kay mama, “I’m sorry about what happened to Lucinda.”
“Maaari ko bang makita muna ang anak ko bago matuloy ang usapang ito?” sambit ni mama na mahihimigan ang pagpipigil nang luha.
“Of course, please, this way.” Pinangunahan nang Dean ang direksyon patungo kung nasaan ang bangkay ni ate.
Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko na tila nakapako ang mga paa ko sa putting tiles ng hospital. Gustuhin ko mang sumunod ay hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita si ate sa ganoong sitwasyon. Napalingon si mama sa gawi ko ng mapansing hindi ako nakasunod sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang may luhang namumuo sa mga mata niya.
“Lucy, tara na,” mahina na utos ni mama pero umiling ako, “Lucy,” bigkas niya sa pangalan ko na may diin.
“Ayoko, Ma!” sigaw ko at mabilis na tumakbo patungong exit ng hospital.
“Lucy!” tawag sa akin ni mama pero hindi ko na siya nilingon at iniwan siya sa loob.
Agad akong pumara ng jeep at sumakay. Nakadungaw ako sa hospital habang papalayo ang sinasakyan ko. Kung kaya ni mama na makita si ate roon ay ako hindi. Naaalala ko pa lang huling usap namin kagabi ay naiiyak na ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko na siya inaway kagabi at sinamahan na lamang siya kahit na alam akong hindi pwedi.
“Kuya para!” sigaw ko dahil nakaupo ako rito sa dulo, “Pakisuyo po ng bayad. Salamat!”
Pagkababa ko ng jeep ay bumungad sa akin ang malaking gate ng university kung saan nag-aaral si ate. Hindi pa man ako nakakapasok ay namataan ko ang isang pamilyar na sasakyan na kakarating lamang sa parking lot. Narito pa ako sa kabilang kalsada at hindi pa natawid. Hinintay ko muna na bumaba kung sino man ang nasa loob para malaman kung tama ang hinala ko. Ilang segundo pa ay bumaba na ang driver ng pulang sasakyan.
“Mason,” wala sa sarili kong naisambit nang maalala ang pangalan nito.
May kasama itong dalawang lalaki at wala akong ideya kung sino sila. Bago pa man makapasok ang tatlo sa loob ay nagmadali akong tumawid para lapitan sila. Mabilis akong tumakbo sa gawi nila at tinulak si Mason mula sa likuran niyo.
“Anong ginawa mo sa ate ko?!” galit na turan ko rito kahit na wala naman akong ebidensya. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang lalaking ito.
“What the f**k!” inis na sambit ni Mason at agad nila akong hinarap.
“Woah, chill, Babe,” sambit ng lalaking kulay pula ang buhok.
“Hindi mo sinabi sa amin, Mason, na may chikababe ka pa lang kasing ganda nito,” manyak na turan nang isa pa niyang kasama, “Miss, isa ka bas a pinaiyak nito, huh?”
“Manahimik nga kayong dalawa! Hindi ko siya babae!” bulyaw ni Mason sa dalawa at bigla na lang itong ngumisi sa akin, “Kapatid siya ni Lucinda.”
“What?!” Gulat na reaksyon nang lalaki ang pula ang buhok. “That is why she looks familiar. Ikaw pala ang kapatid ni Lucinda.”
“Tigilan niyo ako!” singhal ko bago pa kung saan mapunta ang usapan.
“Ano nga ulit ang sabi mo kanina ng itulak mo ako?” Nakataas ang kilay na tanong ni Mason.
“Anong ginawa mo sa ate ko? Alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay niy—”
“Hey! Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo, little Lucinda. You don’t have any evidence on what you are saying,” putol ni Mason sa akin, “Baka kasuhan kita sa pambibintang mo sa akin.”
“He is right, Babe. Better watch your words,” sambit nang lalaking pula ang buhok, “Mukhang hindi ka pa naman bagay sa kulungan.” dagdag nito.
Tumawa ako nang pagkasarkastiko. “Wala man akong ebidensya pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ka!”
Sa sinabi ko ay biglang tumawa ang tatlo na akala mo nagbibiro ako. Ang ibang kasama namin dito sa parking lot ay nasa amin ang atensyon.
“What makes you think na may kinalaman ako sa nangyari kay Lucinda?” mapanghamon na tanong ni Mason sa akin na ikinatigil ko, “Huwag mo sabihin ulit na kutob mo lang dahil baka sa korte ay pagtawanan ka lang din, little Lucinda. Ikaw lang mapapahiya.”
Naikuyom ko ang kanang kamay ko sa sinabi niya dahil tila iniinsulto niya ako. “Mapatunayan ko lang na may kinalaman ka sa nangyari ay sisiguraduhin kong mas higit pa sa sinapit ng kapatid ko ang mangyayari sa iyo.” Diin kong sambit at tinalikuran na silang tatlo. Masyado na namin nakukuha ang atensyon ng lahat at baka isipin nilang gumagawa ako ng eskandalo.
Bumalik ako ng hospital at nasa loob pa rin si mama. Narito ako ngayon sa labas at ayoko talagang makita ang tinitingnan ni mama sa mga oras ngayon. Hindi ko kaya. Hindi ko matanggap ang nangyayari ngayon. Masyadong mabilis at masakit.
“Lucy?”
Napakunot-noo ako nang may tumawag sa akin mula sa likuran. “Ron? Anong ginagawa mo rito?”
“Sabi ko na nga ba at ikaw iyan!” Mabilis itong naglakad palapit sa akin. “Likod mo pa lang ay kabisado ko na.” Natatawang sambit nito.
“Ano ngang ginagawa mo rito?” muli kong tanong sa kanya.
“Ahm…” Napakamot-ulo ito. “Dumaan kasi ako sa bahay niyo pero wala ka roon. Then iyong bakla na—”
“Si Bennie ang tinutukoy mo,” putol ko sa kanya.
“Sinabi ni Bennie sa akin ang nangyari sa ate mo and sinabi niyang nandito kayo ni tita kaya dumiretso na ako rito,” paliwanag niya, “I’m sorry about what happened to your ate, Lucy.”
Ngumiti ako nang tipid. “Nandito ka lang ba para sabihin iyan? Kasi kung oo pwedi ka ng umalis, Ron. Ayoko ng ibang tao ngayon sana maintindihan mo.” Malamig kong tugon.
“Naiintindihan ko and kung kailangan mo ng kausap pwedi mo akong i-text at pupuntahan kita agad, okay?”
“Okay.”
Bigla ay hinila niya ako palapit sa kanya niyakap nang mahigpit. “Magiging maayos din ang lahat.”
“Alam ko,” tugon ko at ako na mismo ang humiwalay bago pa ako umiyak sa harap niya, “Sige na umalis ka na. Okay na ako rito. Salamat sa pagpunta.”
Iniwan na nga ako ni Ron dito sa kinatatayuan ko at kakasakay lamang niya ng jeep. Napabuntong-hininga ako at inayos ang sarili ng makita si mama na lumabas na ng hospital kasama ng dean at ng dalawang pulis. Nagtama ang paningin namin ni mama pero umiwas ako at hinintay sila na makalapit sa gawi ko.
“I’m sorry again on what happened to your daughter, Mrs. Felicinda. Don’t worry hindi niyo na poproblemahin ang pagpapalimbing dahil nakausap ko na ang may-ari ng university—”
“Ano ang ibig niyong sabihin?” biglang putol ko sa sinasabi nang dean.
Tumingin ito sa gawi ko. “Sagot na nito ang pagpapalibing sa ate mo since she is a part of the university.”
Natawa naman ako sa narinig ko. “So, kapag may namatay rin bang ibang estudyante sa university niyo ay siya rin ba ang sasagot sa pampalimbing ng pamilya ng namatayan?”
“Lucy! Ano ba!” suway sa akin ni mama pero hindi ko siya pinansin.
“If the family can’t afford the funeral, Ms. Lucy, maybe the owner of the university will do the same thing on the others,” tugon nang dean sa tanong ko, “Besides, hindi siya ganoon kadamot para hindi tumulong.”
“Pasensya na, Dean, ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng anak ko,” sambit ni mama para mapunta ang atensyon sa kanya nitong matandang nakakairita.
“It’s not a big deal, Mrs. Felicidad. Mauuna na ako at may kailangan pa akong asikasuhin sa university. Tawagan niyo na lamang ako sa calling card na ibinigay ko sa inyo kanina kung kailan niyo balak ilibing ang anak niyo.”
“O-opo, Dean. Maraming salamat.”
“Walang anuman.” Bago kami talikuran nang dean ay nagtama ang paningin namin at hindi ko gusto ang talim nang tingin niya.
“Mauuna na rin po kami, Mrs. Felicidad,” paalam ng isang pulis na naiwan sa harap namin, “Pwedi kayong pumunta sa station namin para makibalita sa imbestigasyon sa kaso ng anak niyo.” dagdag pa nito.
“Okay po. Maraming salamat,” tanging naitugon na lamang ni mama at ng maiwan kaming dalawa ay agad niya akong hinarap nang may masamang tingin.
Umiwas ako sa mga mata ni mama. “Huwag mo ako tingnan nang ganyan, Ma, na parang ang sama kong anak.”
“Ganyan ba ang itinuro ko sa iyo, Lucy, huh? Hindi maganda ang asal na ipinakita mo kanina—”
“Ano bang asal ang ipinakita ko?” putol ko sa kanya, “Nagtanong lang naman ako, Mama.”
“Pero parang may ibig sabihin ang itinanong mo kanina. Alam kong hindi lang ako ang nakapansin at pati silang tatlo. Hindi ko gusto ang tatas ng dila mo, Lucy. Kung nandito lang ang ate—”
“Wala na si ate hindi ba? Nakita mo mismo sa loob kung ano na siya ngayon. Kaya huwag mo ng sabihin iyan, Ma, dahil hindi na babalik si ate!” singhal ko na ikinatahimik niya, “Umuwi na tayo, Ma.” pag-aaya ko at tinalikuran siya.
Umuwi kaming dalawa ni mama nang hindi nagkikibuan. Alam ko na sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil kahit ako ay ganoon din ang nararamdaman. Sa kwarto ako dumiretso at iniwan ko mag-isa si mama sa salas. Wala pang dalawang minuto na nakahiga ako sa kama ay narinig ko ang iyak ni mama sa labas. Sobrang sakit pakinggan nang iyak niya kaya pati ako na kanina pa nagpipigil ay hindi ko na rin napigilan ang gustong lumabas sa mga mata ko.
Isang linggo akong hindi pumasok at ipinasuyo ko na lamang sa kambal na sabihin sa adviser namin ang dahilan ng hindi ko pagpasok. Ilang araw kong tiniis na pakinggan ang mga iyak ni mama dahil halos oras-oras ay naiyak ito. Kung hindi naman ay nakatulala at hindi ko makausap. Nag-aalala ako dahil pati pagkain niya ay wala na rin sa tama. Kakain si mama pero ilang subo lamang at iiwan na akong mag-isa sa lamesa para magkulong sa kwarto at umiyak.
Ngayon ang araw ng libing ni ate at kagaya ng sinabi nang dean ay ang owner na ng university ang sumagot sa lahat ng maaari naming gastusin. Nakahanda na ako ngayon suot ang puting dress na lagpas tuhod ko. Si mama na lamang ang hinihintay ko na nasa loob pa ng kwarto niya. May isang oras pa naman kami bago pumunta ng sementeryo.
“Bakla, hindi pa ba lalabas si tita?” tanong ni Bennie na nakaupo sa lumang sofa namin, “Mukhang pinaghahandaan ang libing ng ate mo, ah?” dagdag pa nito.
“Baka nagmumuni-muni pa sa loob si mama,” sagot ko at naupo sa tabi niya.
Napabuntong-hininga si Bennie. “Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang ate mo.”
“Ako rin at parang ang sama ng mundo,” mahina kong sambit.
“Gaga! Hindi masama ang mundo. Ang sabihin mo ang taong may gawa sa ate mo nito ang masama! Sila ang nagpapasama sa mundo.”
Napabuntong-hininga ako nang malalim sa sinabi niya. “Sana lang ay karmahin ang kung sino mang gumawa nito kay ate.”
“Wala pa rin bang balita ang mga pulis?”
Umiling ako. “Sila ang nagsabi na pwedi kaming pumunta sa station nila para makibalita pero sa tuwing napunta kami roon ni mama ay wala silang sinasabi.” Paliwanag ko. “May sinasabi sila pero ang lagi lang nilang sinasabi ‘pasensya na’ pasensya na lang palagi at nakakaubos na ng pasensya. Parang wala naman silang ginagawa.”
“Lumapit ka na kaya kay President Duterte nang matulungan ka niya sa kaso ng ate mo,” pagbibiro ni Bennie at gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko magawa.
“Kung pwedi lang,” sambit ko na lamang at tumayo, “Teka, katukin ko lang si mama at kanina pa siya nasa loob. Baka nakatulala na naman iyon.”
Naglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto ni mama. Kumatok ako ng dalawang beses kasabay ng pagtawag sa kanya pero wala ako nakuhang sagot mula sa kanya. Muli akong kumatok pero hindi pa rin hindi pa rin siya sumagot kaya pinihit ko ang doorknob ng pinto. Hindi ito naka-lock at ewan ko ba kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Ma, papasok ako,” paalam ko bago ko binuksan ang pintuan pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay natigilan ako sa nakita ko, “Ma!” sigaw ko at mabilis na tumakbo palapit sa kanya.
Walang malay na nakahandusay si mama sa sahig at may sugat ang palapulsuhan niya. Nakita ko ang blade na ginamit niya na may bahid pa ng sariling dugo. Agad kong chineck kung nahinga pa siya at halos mabaliw ako ng hindi ko na maramdaman ang pulso niya.
“Ma! Gumising ka!” sigaw ko habang inaalog ang katawan niya.
“Hoy! Bakit ka ba sumisiga—hala! Ano nangyari kay tita?!” Agad na tumakbo si Bennie sa gawi namin ni mama.
“Bakla, hindi ko mahanap ang pulso ni mama,” umiiyak kong sambit habang hinahanap pa rin ang pulso ni mama.