Kabanata II

1762 Words
~Lucinda~ Napabuntong-hininga na lamang ako. Kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako about sa Friday Night ay pasasabugan na naman niya ako ng napakaraming sermon. Daig niya pa si mama! Napailing na lamang ako at nag-umpisang ayusan ang sarili ko. Lipstick lamang ang inilagay kong palamuti sa aking mukha dahil hindi naman ako marunong magmake up. Isinuot ko ang piniling damit ni Lucy para sa akin na halos makita na ang kurba ng katawan ko. Tinernuhan ko ito ng itim na high heels na hiniram ko sa kapit-bahay namin at ang mahabang itim na buhok ko ay nakalugay lamang sa aking likuran. Kinuha ko na ang bag ko dahil meron na lamang akong 30 minutes bago mag-umpisa ang Friday Night. “Sigurado ka na ba, Ate, na pupunta ka? Baka naman p’weding magdahilan ka na lang kung bakit hindi ka nakapunta sa Friday night na iyan,” sambit ni Lucy na nakatayo sa harap ng kwarto niya. “Pupunta ako, Lucy. Last year ko na ito sa college at ngayon pa lang ako makakapunta sa ganitong mga party. At least kahit isang beses ay makapag-enjoy man lang ako,” sambit ko at naglakad palapit sa kanya, “Huwag kang maag-alala, okay? Uuwi agad ako. Ikaw na ang magsabi kay mama kung nasaan ako, huh?” Napabuntong-hininga siya ng sobrang napakalalim. “Okay, malaki ka naman na, Ate. Bahala ka na sa buhay mo!” Singhal niya at tinalikuran ako. Padabog niyang isinara ang pinto ng kwarto niya. Sa gulat ko sa ginawa niya ay napakurap ako nang ilang beses. “Lucy! Buksan mo ito. Mag-usap nga tayo!” Tawag ko sa kanya habang kumakatok. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito kaya kumatok akong muli. “Lucy! Kausapin mo ako!” “Umalis ka na Ate baka malate ka pa. Okay lang ako. Bukas na lang tayo mag-usap. Matutulog na ako may pasok pa ako bukas,” sambit niya mula sa loob at alam kong naiinis siya sa akin. “Aalis na ako. Ikaw na bahala rito sa bahay at magsabi kay mama pag-uwi niya.” Bagsak ang mga balikat ko na lumabas nang bahay. Kung hindi lang ako ginugulo ng mga lalaking iyon ay hindi ako pupunta pero gusto ko ng tantanan nila ako. Nakakasawa na! “Oh, bakla, saan ang gala at bihis na bihis ka?” tanong ni Mars pagkalabas ko nang gate. “Friday Night kasi ngayon at kailangan kong umattend,” sagot ko sa tanong niya. Tumaas ang isang kilay niya. “Friday Night? Kailan ka pa naging interesado sa mga ganyan? Ang kilala kong Lucinda ay hindi mahilig sa ganyan.” “Last year na kasi namin sa college, Mars. Si Dean mismo ang nagsabi na kailangan umattend ang lahat ng mga gagraduate sa bawat events ng school,” paliwanag ko at pagsisinungaling na rin, “Ayoko rin mag-stay sa loob ng shell ko. Gusto ko ring ma-experience ang mga ganitong bagay.” Bigla ay natawa siya. “Okay, Mars. Nagtatanong lang naman ako ang dami mo ng paliwanag. Iisipin ko tuloy na nagdadahilan ka lamang pero alam ko namang nagsasabi ka ng totoo.” Ngumiti lamang ako ng tipid dahil nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko. Pwedi naman kasi na hindi ako umattend, talagang gipit lang ako sa mga lalaking iyon! “Nga pala saan ka pupunta?” “Saan pa nga ba? Dito sa little house niyo. Tinext ako ni Lucy na pumunta rito,” sagot niya at ipinakita sa akin ang text ni Lucy. “Ikaw na ang bahala sa kanya, Mars, huh? Aalis na ako.” Tinapik ko ang balikat niya bago ko siya lagpasan. Nang may makita akong tricycle ay agad itong pinara dahil ayoko maglakad palabas ng barangay ng nakasuot ng high heels. ~Lucy~ “Hoy, babae! Wala na ang ate mo. Pwedi ka na lumabas sa kwarto mo,” rinig kong sigaw ni Bennie kaya agad akong bumangon at lumabas nang kwarto, “Oh, nakabusangot ka riyan?” Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. “Eh, kasi si ate parang ewan. Pwedi naman siyang hindi pumunta ang dami niya pang sinasabi.” “Baliw! Eh, kailangan nga raw sa school nila. May magagawa ka ba, huh? Hindi naman ikaw ang mamroblema sa grades na matatanggap ng ate mo.” Napangiwi ako. “Eh, kasi naman—ahh! Badtrip naman kasi itong panaginip ko, eh!” Sinabunutan ko ang sarili at naglupasay na parang bata rito sa luma naming sofa. “Ano ba kasi iyang panaginip mo at para kang timang diyan?” Naupo ako nang tuwid habang nilalaro ang paa ko sa madumi naming sahig. “Eh, kasi…” “Eh, kasi?” “Ahm, ano…” “Ano nga kasi?!” singhal niya na tila inip na inip na. “Napanaginipan kong natagpuang patay si ate!” “Ay, tangina!” tanging naiusal niya. “Tangina talaga kaya ayokong paalisin si ate kani—aray!” Bigla ay binatukan niya ako. “Huwag ka ngang nega! Hindi totoo ang panaginip!” Napanguso na lamang ako kasabay ng pagbuntong-hininga ko. “Sana nga.” Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ang taba niya. Nakakagigil. “Kapag nangyari iyong panaginip ko, ikaw ang papatayin ko, Bennie.” Biro ko sa kanya. Agad niya akong itunulak palayo. “Tangina mo! Makaalis na nga rito at pinagbabantaan mo akong bwiset ka!” Napahalakhak ako. “Hahaha! Saan ka pupunta? Dito ka muna.” “Uuwi na ako. Bahala ka sa buhay mo!” singhal niya at naglakad na palabas ng bahay namin. “I love you!” sigaw ko. “f**k you!” sigaw niya pabalik mula sa labas at natawa na lamang ako. Nang maiwan na akong mag-isa rito sa bahay ay bumalik na naman ang nakabusangot kong mukha. Hindi talaga ako mapakali. Kung pwedi lang akong sumama kay ate ay sumama na ako kanina pa. Dito na lang muna ako sa labas matutulog para malaman ko rin ang pagdating ni mama. Sana ay pagalitan niya si ate, hmp! “Lucy.” Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko ng marinig ang mahinang tawag ni mama sa akin. Nang maidilat ko ang mga mata ko ay si mama nga na mukhang kakauwi pa lang. Bumangon ako ng nagkukusot nang mga mata at iniunat ko ang dalawang kamay sa hangin. “Hello, Ma,” sambit ko na panay ang hikab sa harap niya. “Bakit ka riyan natutulog? Tingnan mo nga at kinakagat ka na ng mga lamok dito,” tanong ni mama na isa-isang pinapatay ang nakikitang lamok. “Eh, para nga alam ko kung nakauwi ka na, Ma,” sagot ko sa tanong niya, “Nakauwi na rin ba si ate?” tanong ko at napadako ang tingin ko sa kwarto ni ate pero nanatili lamang nakaawang ang pinto simula ng umalis siya. “Nakauwi? Alas nuebe na wala pa rin ang ate mo?” tanong ni mama na tila nagulat pa. “Umuwi na si ate kanina, Ma, pero umalis ulit. Friday night ngayon sa school nila at pumunta siya dahil kailangan daw,” naiinis na sagot ko. “Ganun ba? Oh, siya matulog ka na sa kwarto mo at ako na ang maghihintay sa ate mo,” sambit niya at naglakad papuntang lamesa para uminom. “Ma! Hindi ka man lang ba magagalit kay ate? Hindi naman mahilig magpunta iyon sa mga party, eh!” “Ano ka ba naman, Lucy, malaki na ang ate mo. Alam na niya ang ginagawa niya. Hayaan mo na lang na magsaya ang ate mo.” Napangiwi na lamang ako at imbis na magsalita pa ay nagmartsa na ako pabalik sa kwarto ko. Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko dahilan para bumagsak ang picture frame na nakasabit dito. Napalunok ako nang mariin ng makitang picture pala namin ni ate ito. “Anak? Ayos ka lang ba riyan? Ano iyong narinig ko na nabasag?” tanong ni mama mula sa labas. “Ayos lang ako Ma! Nalaglag lang iyong picture frame na nakasabit dito,” sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa basag na picture frame namin ni ate. “Linisin mo na iyang nabasag bago pa iyan makapinsala sa’yo,” utos ni mama. “Oo Ma,” tanging sagot ko at imbis na gawin ang utos niya ay dumiretso ako sa kama. Binalot ko ang sarili ko ng makapal kong kumot at pinagmasdan ang nabasag na picture frame hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. “Hindi totoo ang sinasabi niyo! Hindi pa patay ang anak ko!” Nagising na lamang ako ng marinig ang sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko na tila may kaaway. Dahil sa kuryosidad ay bumangon na ako at naglakad papuntang pintuan. Bago pa ako makalabas ay napatingin ako sa nabasag na picture frame na hindi ko pa nililinis. “Sabihin niyong hindi totoo ang sinasabi niyo,” umiiyak na pakiusap ni mama sa kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya. “Ma,” kinakabahang tawag ko sa kanya, “Sino iyang kausap mo?” Natigilang lumingon si mama sa gawi ko at kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga luha niya. “Lucy, ang ate mo natagpuang patay sa isang abandonadong warehouse.” Tila binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa sinabi niya. “Ma, huwag mo ngang sabihin iyan!” “Pero iyon ang sabi ng Dean sa kabilang linya,” umiiyak na sambit ni mama at muling itinuon ang atensyon sa kausap, “Opo, pupunta kami.” Sambit niya at ibinaba na ang linya bago ako muling harapin, “Magbihis ka na anak. Pupunta tayo sa sinasabi nang Dean kung—” “Hindi totoo iyon, Ma! Wala tayong pupuntahan!” sigaw ko sa kanya at mabilis na nagtungo sa kwarto ni ate, “Nandito na si ate, Ma, umuwi na siya kagabi!” pumasok ako sa kwarto pero wala akong nakitang ate sa loob, “Nandito na si ate, Ma! Baka lumabas lang iyon. Huwag ka agad magpapaniwala. Uso fake news ngayon!” Bigla ay may mga braso ang yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko napigilan ang sarili na umiyak dahil mukhang hindi pa nga nakakauwi si ate. Pero pwedi namang lumabas lang siya, eh! Baka nasa labas nga lang siya! “Magbihis ka na, anak,” umiiyak na utos ni mama mula sa likuran ko bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Wala sa sarili akong napaluhod sa sahig at iniiyak ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ipinagdarasal na sana ay fake news lamang ang sinabi nang Dean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD