~Lucinda~
Nandito na ako ngayon sa Xavier University at katulad ng inaasahan ko palagi, panay ang bati ng mga lalaki sa akin. Pero kahit isa sa kanila ay hindi ko pinagtuunan ng pansin. Naglalakad ako ngayon papuntang locker area para ilagay na muna itong baon at libro ko. Mabigat kasi sa bag ang baong dala ko at mamayang hapon pa naman namin gagamitin itong libro na dala-dala ko.
“Good morning, Lucinda,” bati sa akin ng lalaking nakasalubong ko.
Katulad ng iba ay ngiti lamang ang itinugon ko. Nang makarating ako sa locker ko ay napakunot-noo ako ng makita si Creed na nakasandal sa mismong locker ko. Hindi naman dito ang building niya bakit nandito ang isang ito? I'm sure mangungulit na naman ito katulad ng ginawa ni Mason kanina.
“Good morning, Lucinda,” bati niya sa akin at umalis sa pagkakasandal sa locker ko.
Ngiti lamang ang itinugon ko at binuksan na ang locker ko para ipasok ang baon at libro ko.
“I’m not one of your fans para ngitian mo lang ako,” sambit nito na nakasimangot.
Isinara ko na ang locker ko at hinarap siya. Huminga ako nang malalim. “P’wedi ba Creed, tantanan mo na ako? Pati si Noah lalo na si Mason pagsabihan mo rin na tantanan na ako.”
“Paano ka namin tatantanan kung wala kang sinasagot sa amin? Eh, ayaw mo rin naman makipagbalikan kay–"
“Wala akong oras ngayon sa pakikipagrelasyon lalo na't graduating ako. Kailangan kong tuparin muna ang mga pangarap ko at unahin ang mahahalagang bagay, Creed, kaya please lang tigilan niyo na ako. Huwag na rin kayong lumapit sa akin."
“Graduating din naman kami, ah? We can help you reaching your dreams if sasagutin mo lang ang isa sa amin. I can give you money if that is what you want.”
Napairap na lamang ako. "Tigilan niyo na ako please lang."
Napabuntong hininga naman siya. “Okay, okay, let’s do this in this way. Tatantanan ka na namin if pupunta ka mamayang Friday Night.”
“Friday Night?”
“Puro ka kasi aral kaya hindi mo alam.” Umiling ito at lumapit sa akin.
Ginawa pa akong bobo ng lalaking ito. "Oh, anong meron?"
“Later night at seven o'clock, the party will start here and we want you to be here wearing your beautiful dress. Kung gusto mong tantanan ka na namin ay pumunta ka mamaya rito.” Malapad ang pagkakangiti nito sa akin.
"At kapag hindi ako pumunta?"
"Hmmm." Umasta pa ito na nag-iisp ng isasagot. "Maybe we are going after the little Lucinda. Mukhang single pa naman ang kapatid mo, eh." Sambit nito na tila nang-aasar dahil sa tono niya. "Bye, Lucinda! See you around." Nag-flying kiss pa ito na na inirapan ko lang.
Napangiwi na lamang ako ng hindi ko na makita ang anino ni Creed. Kasabay rin nito ang pagbaksak ng balikat ko. Kahit naman hindi niya sabihing pumunta ako ay pupunta talaga ako in some reason na kailangan kong pumunta. Mahirap ipaliwanag at ang bigat sa loob.
~Lucy~
Break time na namin at ngayon ay nandito ako sa canteen kasama ang mga schoolmates ko. Hinihintay ko sila Von at Ron na bumalik dala ang order namin. Kambal silang dalawa at si Von ay babae at si Ron naman ay lalaki. Si Ron ay nanliligaw sa akin pero ang sabi ko sa kanya ay wala pa ako balak makipagrelasyon dahil baka ito ang maging sagabal sa pangarap ko. Ang sabi niya ay naiintindihan naman niya kaya maghihintay siya at liligawan pa rin niya ako.
“Oh, Madam, heto na ang order niyo,” sambit ni Von at inilapag ang spaghetti at chuckie na pinasuyo ko.
“Thank you, Von,” paglalambing ko sa kanya habang nakangiti nang malapad.
“Kung hindi ka lang nililigawan ng kapatid ko at hindi kita best friend ay hinampas na kita ng tray sa katamaran mo.” Umiiling na sambit niya rito sa tabi ko.
“Gusto mo ikaw ang hampasin ko ng tray?” Nakataas ang kilay na tanong ni Ron. Katulad ng order ko ay ganoon din ang order niya.
“Hay naku! Porket may Lucy ka na siya na ang pinagtatanggol mo, huh!” masungit na sambit ni Von at natatawa na lamang ako sa kanilang magkapatid.
“Tumigil na nga kayong dalawa at baka mawalan pa ako ng ganang kumain nang dahil sa inyo,” suway ko sa kanilang dalawa.
“Ayan ginalit mo si Lucy ko,” parang bata na sambit ni Ron.
Napairap na lamang si Von. “Bahala nga kayo sa buhay niyo! Change topic tayo…” Bigla siyang tumingin nang diretso sa akin.
“Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?”
“Nothing, I’m just wondering kung ano ang iniisip mo kaninang first and second period ng subject natin. Tulala ka loka! May nangyari ba?” tanong ni Von na halatang nag-aalala sa tono pa lamang niya.
“Anong problema? May problema ba, Lucy?” tanong ni Ron.
Huminga ako nang malalim at umupo nang tuwid. “Nag-aalala lang kasi ako kay ate. Alam niyo namang habulin nang lalaki ang isang iyon, hindi ba? Hindi natin alam kung sino ang may maganda at masamang pakay sa mga naghahabol sa ate ko. In short, may lalaki kaming nakaharap kanina at hindi maganda ang kutob ko sa kanya. Parang something na may mangyayari na hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.” Mahaba kong sambit at nakanganga sila na tila walang naintindihan sa sinabi ko.
“Baka naman paranoid ka lang Lucy? Walang mangyayaring masama sa ate mo. Huwag kang nega!” sambit ni Von na ikinumpas pa ang daliri sa hangin.
“Tama si Von, Lucy. Malaki na ang ate mo at matalino. Sigurado akong aware siya sa mga nasa paligid niya at hindi niya hahayaang may manakit sa kanya,” sambit naman ni Ron.
“Sana nga ay tama iyang mga pinagsasabi niyo,” mahina kong sambit.
“Huwag ka kasing nega, Lucy!” singhal ni Von.
“Oo na. Hindi na.” Ngumuso ako at nag-umpisa nang lantakan ang pagkain ko.
Nang matapos ang buong araw ko sa eskwelahan ay agad akong sumakay nang taxi pa-uwi. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko na si Ate at nakakapagtaka dahil nauna siyang umuwi ngayon kesa sa akin. Mukhang wala pa si mama at sigurado akong nasa karinderya ito ngayon at rumaraket para makahanap ng pera.
“Ate, ang aga mo yatang umuwi ngayon?” tanong ko at ibinaba ang bag ko sa sahig.
“Friday night kasi ngayon at kailangan kong pumunta,” sagot niya habang nagkakalkal sa cabinet niya.
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. “Kailan ka pa nahilig sa ganyan, Ate? Hindi ka umattend sa mga ganyan, ah?”
Bigla siyang napatigil at hinarap ako. “Kailangan kasi lahat ay naroon. Since last year na rin daw namin ngayon, kailangan ang fully attendance namin. Si Dean na ang nagsabi kanina sa amin niyan.” Paliwanag niya at muling nagkalkal sa cabinet niya.
“Kailangan mo ba talagang magpunta? Gabi na, Ate.”
“Kailangan, Lucy. Hindi lang para sa akin ito,” sambit niya ng hindi ako nililingon.
“Okay. Basta huwag kang iinom doon, ah?”
Muli niya akong hinarap. “Oo naman. So, ano sa tingin mo rito ang dapat kong suotin?” Tanong niya, hawak ang dalawang maikli na dress.
“Wala.” Ngumiwi ako at inirapan siya. “Magpantalon ka na lang, Ate!”
“Party iyon, Lucy, at ako lang ang maiiba kung magpapantalon ako. Ayoko mapahiya.”
“Okay lang iyon. Maganda ka pa rin naman, eh.”
“Lucy!”
“Hay naku! Ewan ko sayo, Ate! Iyang kulay puti ang suotin mo!” singhal ko sa kanya at nagtungo na sa kwarto ko.