The Party
"The contour, mamshie! Muntik na!"
Tarantang kinuha ni Eljhay ang contour sa bag niya saka nilagyan ako.
Tinawagan ko kasi si Eljhay kasi sabi ni Dane magmake-up daw ako. Wala naman akong make up kita saka kakilala dito kung hindi si LJ lang. Mabuti na lang sobrang bait nito at pinuntahan ako dito.
"Ayan, tapos na! Mamshie sobrang ganda mo ngayon!" Nakangiti nitong sabi.
Napataas kilay ko, "Weh?"
Napairap ito at umalis sa harapan ko. Nagulat ako nang makita ang mukha ko.
Hala siya! Sobrang ganda nga!
Ako ba 'to?
"Oh, diba dyosa!"
Nakalugay buhok ko at may silver hair-dress ako na kumikinang sa buhok ko. Naiwan din ang mga konti kong bangs sa gilid ng mukha at hanggang dibdib ko ang kulot ng buhok ko.
"Suotin mo na 'yong gown dali!"
Lumabas si LJ saka ko kinuha ang gown na nakahanger lang malapit sa kama ko. Nang nasukat ko na ay tinawag ko muli si LJ para humingi ng tulong sa likod. Nang natapos na ay pinaulanan na naman ako ng mga magagandang salita ni LJ. Kesyo ang gaga ko raw, ang ganda ganda ng damit sa akin. Nagaga pa ako.
"Picture dali!" Saka inangat niya ang phone at ngumiti kami.
Pina-pwesto niya pa ako na parang model, ako naman 'tong tuwang-tuwa sa ginawa niya. Makakapagpalit na ako ng profile nito! Magugulat mga chismosa sa bario, baka pagchismisan ako do'n na nakapag-asawa ako ng foreigner!
"What's you IG mamsh?"
Napatingin ako sa kaniya habang inaayos ang silver 3inch heels ko.
"IG?" Kunot noo kong wika.
"Wala akong IG bruha!" Sabi ko sabay tumayo.
"Ay ano ba 'yan! Gawan nga kita! Sayang mga pictures mo dito oh!" Nakabusangot nitong wika.
Hinayaan ko na lang siya at tinignan ang phone ko nang biglang umilaw.
From Boss Dane.
I'm now at the lobby.
Sobrang tipid! Patayin ko na sana nang biglang nag-vibrate ulit.
From Boss Dane.
I hate waiting. We are already 30 minutes late.
Oo na! Tapos na rin naman ako. Saka hindi ko kasalanan na late ka 'no! Sakin mo pa isisi, tsk.
"Mamshie, tara na. Nandiyan na raw si Dane," kalabit ko sa kay LJ.
Ngumingiti pa ito habang nagta-type.
"Bongga ka! 2 minutes 300+ reacts! Hindi ako famous gaga ka pero mukha mo pinost ko naging ganito kadami!"
Hindi ko rin naman maiintidihan sinasabi niya habang palabas kami kaya hindi ko na siya pinansin. Ni-locked ko na ang condo ko at tumungo na kami sa elevator.
"By the way mamsh, bayarin kita 'pag naka-sweldo na ako kay D--"
"Shh! Libre 'yon, gaga ka! Saka sobrang excited na ako, ahhh! Huwag ibigay ang bataan ngayon gabi mamshie!" Kinurot pa ako sa gilid sa kadahilang napatawa ako.
"Gaga ka rin, anong bataan, wala pa akong bata!"
Napasapok na lang ito sa mukha, "Punyeta, sobrang ganda mo tapos ambobo mo!" Tumawa ako kaya natawa na rin siya.
Isuko ang bataan, sus! Wala nga akong experience sa halik halik na 'yan, makipag make out pa? Jusme! Iniisip ko pa lang baka hindi ko kayanin. Tapos si Dane pa? Ahh, kadiri!
Tumunog na ang elevator at lumabas kami. Hinampas pa ako ni LJ nang makita na si Dane sa lobby na nakatalikod at nakaupo. Nagpaalam na si LJ sa akin dahil ayaw na niya raw umepal.
Tinignan ko si Dane na nakatalikod pa rin habang nakayuko.
He's wearing black suit ang pants, ofcourse, the black shoes. Likod pa lang ay ramdam mo na na sobrang gwapo nito.
Napatingin ako sa gilid kung saan may malaking salamin sa lobby. Kumikinang talaga damit ko, at hindi rin nagpatalo cleavage ko at likod ko. Kitang kita talaga.
Bumuntong hininga ako at nagsimula na lumakad papunta sa kaniya.
Nang nasa likod ko na siya ay kinalabit ko ito. Agad naman itong tumingin sa akin at biglang natulala.
Kumunot noo ko at ngumiti sa kaniya.
"Tara?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tapos balik sa mukha ko at napahinto sa cleavage ko saka napalunok. Bumalik naman ulit tingin nito sa mukha ko, pero hindi pa rin nakapagsalita.
Bigla tuloy akong na conscious.
Sa pagkakaalam ko, maganda naman ako ah?
"Dane?" Nahihiya ko pang tanong at pumalakpak ng isang beses.
Napakurap ito at nagsalita.
"A-ahm," he cleared his throat.
"You are so slow." Sabay iwas ng tingin at tumayo. Nagsimula na ito maglakad kaya dali-dali ko naman siyang hinabol.
"Anong slow? 'Pagkasabi mo na nandito ka bumaba na ako kaagad ah?" Habol ko pa rin hanggang sa nasa parking lot na kami ng condo.
"Still, slow."
Binuksan niya ang frontseat kaya napabukas na rin ako sa kaliwa at napaupo.
"Hindi kaya! Hmp."
Suplado talaga. Bulong ko.
"What did you say?"
Napailing ako at kinuha ang seatbelt saka inilagay sa akin.
"Gwapo mo," sabi ko na lang at tinignan phone ko na nagvibrate.
From LJ:
Mamshieeee!
Igsta account mo heto, dali buksan mo excited ako!
username: @keishaM.
password: malakisusuko123
Palitan mo na lang kung 'di mo bet pass! Buksan mo na dali, dami mong followers kaagad!
Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang password. Tanginang LJ 'to!
To LJ:
Gaga ka! Pero salamat :>>>
Since medyo malayo raw ang hotel ay nag-install na ako ng IG at nag-log in.
Nagulat ako nang makitang may 1,673 followers na ako kaagad.
Iniscroll ko at nakita ko na may nakapost ma apat na picture na kuha ko.
@hailen_ ate ang ganda mo!
@johncris LJ brought me here from f*******:. who's with me?
@lovelynjs_ oh, she's the viral girl right?
Agad akong nagtungo sa f*******: at nanlaki mga mata ko nang nakitang andaming nag-add sa akin.
Hala! Puro jeje mga post ko dito!
Agad kong dineactivate f*******: ko dahil sobrang jeje talaga. Hindi na ako nagfe-f*******:, jusko! Baka maungkat lahat ng kadugyotan ko.
Agad akong nagtipa para sumbatan si LJ.
To LJ:.
Pusanggala ka! Anong ginawa mo?!
From LJ:
Gaga! Nagulat lang nga ako andaming nagshare e. Para ka kasing americana, sobrang ganda mo sissy lalo na sa gown mo ngayon huhu. Hayaan mo na sila, sobrang nagandahan lang 'yan for sure!
"Busy? We are already here."
Napatingin ako kay Dane na nakakunot noo. Ngumiti ako sa kaniya at napailing.
"Tara na!" Maligaya kong wika.
Lumabas si Dane sa sasakyan at ganoon din ako. Hinintay niya ako sa entrance ng hotel saka kami pumasok. May pinermahan pa siya kaya nilibot ko tingin ko sa buong lugar.
First time ko pumasok sa hotel at ganito pala 'yon. Puro mga crystal at ang tataas ng mga ceiling. Kumikinang pa at mukhang mamahalin. Maraming salamin kung saan makikita mo ang kabuuan. Kinuha ko ang cellphone ko saka nag-mirror shot.
Napangiti ako dahil sobrang ganda ng kuha ko. Para akong rich kid na nagpaparty! Pinost ko lang ito nang walang caption at in-off na ang data. Tuwang-tuwa pa rin ako habang tinitignan ang lugar. Ganito pala ang mayayaman?!
Para akong bata dahil hindi mawala ang ngiti ko sa mukha.
Tinignan ko si Dane na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"You done?" Iritado nitong sagot.
"Napakabusangot mo talaga!" Reklamo ko saka naglakad papunta sa kaniya.
"Grabe, ang ganda dito Boss!" Nakangiti kong sabi pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin na walang emosyon.
"Para talagang mansyon! Sobrang mahal siguro dito. First time ko nakapunta sa ganitong lugar!"
"First time?"
Tumango ako sa kaniya. "Kakasabi ko lang diba?" Pilosopo kong sagot at napailing naman ito.
Nagsimula naman siya lumakad hanggang sa nakarating na kami sa totoong venue. Nakangiti lang ako sa lahat dahil simula nang pumasok kami ni Dane ay nasa amin na ang tingin.
Naconscious naman ulit ako!
Iniwan ako ni Dane sa upoan at kumain na lang ng pagkain na nasa table na inihanda ng waitress. Ewan ko kung saan nagpunta 'yon.
Talagang nagsimula na nga ang party at late talaga kami kasi pagkain na lang ang inatupag ko. Madaming mga mayayaman na bisita, nahiya akong makipag-alubiho.
"Hey, nandito ka rin?"
Napatingin ako sa likoran ko at napatayo ako bigla nang makita ko si Drake. Ang gwapong chef! He's wearing the same outfit like Dane, ang pinagkaiba lang siya mayroon necktie while Dane doesn't have. Naka unbotton polo kasi si Dane.
Pero anong ginagawa niya dito?
"Hello!" Nakangiti kong bati.
"Nandito ka rin naman e." Dagdag ko pa.
Natawa siya sa sinabi ko. "I mean, wow. I didn't expect to see you here.. and," he eyed me from head to toe, "You look gorgeous tonight," he added.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya. Nahiya si maninay bigla!
"You are blushing," he chuckled.
"Hoy hindi ah! Enebe," hirit ko saka natawa kaming dalawa.
"Nasaan boyfriend mo?" Biglang tanong nito saka nilibot ang tingin.
Boyfriend? "Wala akong boyfriend ah!"
Kumunot noo nito. "Oh, I thought—"
"No, hindi ko siya boyfriend. Boss ko siya and I am his secretary, kaya nandito ako kasi baka kailangan niya ako." I cleared out. "Ikaw?"
Lumapad ang ngiti nito sa akin. Lumabas tuloy ang napakaputing ngipin nito. Nakaka-turn on! Kung hindi lang nagtatagalog 'to, mapagkakamalan mong foreigner dahil sa gwapong aura nito. Mestizo pa. I wonder, may girlfriend kaya 'to?
Kinuha ko ang wine na dumaan sa amin pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
"You are drinking that?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
I flipped my hair and answered him confidently, "Yeah, bakit? Hindi ka umiinom ng wine? Weakshit ka naman pala 'e!" Mayabang ko pa ring sagot kahit first time ko rin naman uminom. Ayoko mapahiya kaya sa kaniya baka sabihing wala talaga ako alam sa ganito.
Tumango lang ito saka ko na ininom.
"Actually this is my sister's wedding."
Nabuga ko ang ininom ko hindi dahil sa nagulat ako sa sinabi niya kundi dahil sa sobrang sama ng lasa ng wine! Napakapait!
Tumawa ito sa akin at pinahiran mukha ko gamit ang panyo niya. "What happened? I told you." Natatawa pa rin ito saka inabot sa akin ang tubig.
Siya 'yong kaibigan mo na tatawanan ka muna bago ka tulungan.
Nang nakainom na ako ng tubig, tinignan ko siya at sumagot. "Ang pait ng lasa."
Lumakas ang tawa nito, sa sobrang lakas hindi na makita ang mga mata. Hay, huwag kang ganyan! I'm soft kaya!
"That wine is not for us, crazy woman. That's for senior citizens who still want to drink but want to stay healthy as well. May herbal 'yan."
Napasamo na lang ako. Napakayabang ko pa naman kanina.
"It's okay, atleast you tried. By the way, are you free on sunday?"
Hala! Sunday? Sabado ngayon, so may one week pa.
Wait... is he asking for a date?! Andali naman mafall 'to!
Mom! I'm getting married!
Natawa ito sa reaksyon ko. Palagi na lang ito natatawa sa akin! Ano ba nakakatawa? Sayang-saya siya sa akin 'e.
"Happy pill mo ba ako?" Bigla kong tanong na siyang kinanuot ng noo niya.
"Why?"
"Kasi palagi kang tumatawa pag kasama ako!" Mayabang kong sabi. "Sus, aminin!" Pagkukulit ko at ngumiti ulit siya.
"Anong oras sa sunday?" Pag-iiba ko kaagad ng usapan. Baka sabihin may gusto sa akin o ano man 'yan at magiging awkward lang. Ayoko no!
Hindi pa ako handa, char!
"Maybe 8? I'm gonna cook you a dinner, as a promise."
Tumango naman ako sa kaniya saka nagpalitan kami ng social media account. He is the first one I followed.
Hindi na nagtagal pag-uusap namin dahil tinawag siya for pictorial. Lumabas na ako hanggang sa nakarating ako sa pool kakahanap kay Dane.
Nasaan na ba 'yon?
Kainis. Iniwan ako mag-isa.
Palinga-linga lang ako kakahanap sa kaniya nang may nabunggo akong babae.
"What the hell?!"
Nanlaki mga mata ko nang nabuhos niya pala ang wine sa gown nito. Sobrang dami.
Napayuko ako, "Pasensya na po ma'am, hindi ko sinasadya. Sorry po," paulit-ulit akong nagsorry.
"b***h, are you dumb?!"
"Miss hindi ko po talaga sinasadya—"
Hinigit niya buhok ko sa kadahilanang nagkagulo ang lahat. Kinuha ko naman kaagad pero masyado siyang malakas kumapit kaya hindi ko rin makuha-kuha.
Nanununtok ako ng babae!
"You are so clumsy inggeterang b***h! I don't even know who the f**k are you!"
"Clarissa! Stop!" Sigaw ng mga kaibigan nito at kinuha kamay ni Clarissa sa buhok ko.
Napaluhod na lang ako nang binitawan niya ako, tangina ang sakit!
Nagulat na lang ako nang nakaramdam na ako nang malamig na tubig dumapo sa ulo ko. Nagsimula na magbulong-bulongan ang mga tao nang binuhosan niya rin damit ko ng wine.
"You ruined my gown, so I must ruin yours too!" Gigil nitong wika saka ngumiti.
She was about to slap me but Dane came to stop her.
"Clarissa!" Sigaw nito at tinabi si Clarissa saka pumunta sa akin at inalalayan akong tumayo. Hinubad niya naman kaagad ang coat at pinasuot sa akin.
"What the f**k are you doing?!" Galit na sigaw ni Dane.
"Why are you shouting at my sister, bro?"
Nanlaki mga mata ko nang makita si Drake saka kinuha kamay ni Clarissa.
So.. this is Drake's sister.
"He's the first one who ruined my gown Kuya! I hate her!" Naiiyak na sumbong ni Clarissa.
"Hindi ko sinasadya, Drake. Swear! Promise! Cross my heart!" Agad kong tinaas ang kabilang kamay ko.
"Let's go," malamig na tugon ni Dane saka hinigit kamay ko at kinaladkad papuntang parking lot.
Tinignan ko siya na nagmamaneho habang umiigting pa rin ang panga nito.
"I'm sorry," mahina kong sambit.
Hindi niya ako nilingon hanggang sa nakarating na kami sa condo. Pero hindi pa rin ako bumababa.
Tinignan ko siya na nanatili lang nakatingin sa kawalan at mukhang may galit pa rin sa mga mata. Baka nabadtrip talaga dahil isinama lang ako pero kahihiyan ang dinala ko.
Ahhh! Ano ba naman Keisha!
Kinuha ko at coat saka ibinalik sa kaniya.
"Thank you, and sorry talaga. Ingat," tanging sabi ko na lang saka binuksan ang pinto ng sasakyan.
Sasaradohan ko na sana nang bigla itong nagsalita.
"It's not your fault. The blame is on me because I left you there alone. The reason is we had business meeting there, and that is actually the purpose why I brought you. But I don't know what happened, you looked so excited when we entered the hotel. I thought this is your first time, so I let you enjoy the party."
Napangiti ako sa sinabi niya. Akalain mo 'yon? He knows how to appreciate small things.
I was about to speak but he cut me off.
"By the way, you look so beautiful tonight."