Hindi ako pinansin ni Dane buong araw. Hindi ko tuloy narinig ang good news nito.
Tinawagan ko si itay at ang sabi ay okay lang daw siya. Binigyan ko siya ng cellphone galing sa utang ko sa kay Dane noong araw. Sabi ko ibabawas na lang sa sweldo ko. Lunes pa lang ngayon at may limang araw pa akong trabaho, sa linggo kasi ay uuwi naman ako para bisitahin si itay. Ganito lang ang routine ko since ayaw naman ni itay na sumama sa akin. Medyo nahihirapan pa nga ako sa sitwasyon ko pero mas okay na rin 'to kaysa naman sa wala na akong babalikan pa.
"Hoy bruha, hinahanap ka ni fafa Dane! Gaga ka! Ikaw ba ang boss?" Bungad ni Eljhay nang nakita ako na nakipagchikahan.
Tumayo ako at iniwan mga chikamates ko. Break time naman ngayon e, may right kaya ako magchika! Saka, hello! Ang boring kaya kapag walang may iutos sa akin si Dane.
"Bakit daw?" Tanong ko nang nakalapit ako sa kaniya.
"Aba malay ko! Gora na do'n!" Taas kilay niyang sabi saka kinuha ang salamin at nag lipstick ulit. Pangiti-ngiti pa siya sa salamin saka bumaling ulit sa akin. "Maganda na ba ako?"
"Hindi," tanging sagot ko saka nilagpasan siya.
"Gaga ka talaga!"
Natawa na lang ako kasi ang saya lang na inisin siya.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa office ni Dane. Napatingin ako sa malaking salamin at nakita sarili ko.
Nakasuot lang ako ng puting blouse, as usual, kasi heto raw ang required na color sa blouse ng secretary. Hindi ko nga alam kung secretary pa ba ako o utusan lang 'e, charot. Tapos 'yong coat ni Dane. Isasauli ko na lang since nakabili na ako ng bagong damit sa botique malapit dito sa building. Nawalan tuloy ako ng 900 pesos dahil lang sa blouse. Naka skirt din ako na black at may heels na 4inches lang. Inayos ko 'yong side bangs ko na konti at 'yong nakatali kong buhok.
Napangiti ako sa salamin, ang ganda ko! Pero sure ako talaga na kapag may make up, mas gaganda pa ako.
Lumakad na ako at binuksan ang pinto ni Dane.
"Yeah, and they accepted it. Thank you raw." Ha? Napakunot noo ko nang may narinig ako.
Napahinto ako saka sinilip si Dane. May kausap siya sa phone. Mukhang seryoso,.
"The invitation? Yeah, what's all about this?"
Kinuha niya ang card sa desk nito at binuksan. Binasa niya at kumunot noo nito.
"Wedding venue in Staffu Hotel? I don't care about their wedding dad."
Naiinis pa nitong sabi. "Okay fine! I'll go. Tsk."
Kita sa mukha niya ang iritasyon. Suplado talaga nito! Akala mo naman araw-araw may kaaway at gustong-gusto manuntok.
Nilabas ko na ulo ko saka kumatok. Hindi niya pa naman alam na nakikinig ako, huwag na baka mapagkamalan pa akong chismosa.
"Get in!" Napatalon ako sa gulat. Grabe naman makasigaw 'to!
Bumuntong hininga ako bago ko binuksan. Napangiti ako nang nakita ko si Dane habang basa basa pa rin ang invitation card. I was about to greet him with my wide smile pero inunahan na niya ako magsalita.
"About the good news, ililipat ko kayo sa mas malaking condo. That's my dad offer. It's for free. That will be your house here from now on," tuloy-tuloy nitong sabi.
Nanlaki mga mata ko. Hala wait, seryoso? Tama ba narinig ko? Sandaleee!
"H-ha?"
"Are you deaf?"
Kaagad ako umiling.
"Nakakahiya po, sir. Okay naman po kami saka ayaw ni itay lumuwas." Sumagot na lang ako dahil baka suntokin niya pa ako sa galit. Nakakatakot pa naman. Akala ko nga talaga okay na kami 'e, parang may toyo lang talaga siya. Okay kami 'pag trip niya lang.
He just shrugged, "Libre na nga," wika nito. Mukhang iritado pa.
"Anyways, we'll go to Staffu Hotel tomorrow after." He stood up.
Binanggit niya 'to kanina diba?
"Hotel po?" Pag-uulit ko, baka nabingi lang ako.
Tumingin siya sa akin nang masama kaya bigla akong nagpanic.
"A-ano ho gagawin natin? S-sir, pwede naman a-akong magtrabaho tapos lahat ng sweldo ko ay sa'yo na lang. Opo, huwag niyo na po akong bigyan ng sweldo, huwag lang po ang katawan ko ang magiging kapalit ng lahat ng tulong mo sa akin. Huhu sir. Ayoko po. Bata pa po ako. Kahit sarili ko nga po hindi ko mapakain tapos dadagdag pa ako ng bata? Kawawa po 'yong bata sir, hindi niya naman deserve na mamulat sa mundong mahihirapan lang siya," maiyak-iyak kong sabi.
Kunot noo siyang tumitig sa akin at inis na binigay ang invitation card. Tinignan ko ito at alinlangan pa ako pero kinuha ko na rin bago niya pa ito ibato sa akin. Nang nakuha ko na ay umupo siya ulit, kaya napatingin ako sa card at binasa ito.
To Mr. LIM,
Good day! You are invited to witness the wedding vow's of Rameros' couple!
When: July 12, 2020
Where: Staffu Hotel at 6PM!
See you!
Wear long gowns for women and a formal attire for men. Thank you.
Ah.
Tinignan ko ang kalendaryo. Sa susunod na araw na pala. Ang gago ko!! Nakakahiya! Bakit ko ba naisip 'yon? AACKKK!
"Okay na?" Bored nitong tanong.
Nahihiya akong tumingin sa kaniya at akward na tumango naman ako, he just rolled his eyes kaya napangiti ako nang peke. "Opo hehe." Yumuko ako ulit. Shuta ka, self!
Natapos na ang araw ko kakasama sa kaniya sa meeting. Akala ko naging mabait siya kasi sa meeting parang ang nice niya sa akin, mayroon pa siyang pa-thank you kapag inaabot ko sa kaniya ang tubig tapos kapag may mga iutos pa siya sa akin pero nang natapos na at wala na mga investors, hindi pala talaga, 'yon lang 'yong oras na mabait pala siya. Bakit hindi ako nasanay?
Kaya ngayon, tignan mo siya oh! Walang minuto na hindi ito nagsusuplado sa akin at wala ring minuto na magdadaldal ako. Gaano ako kadaldal? Nag-uusap kahit wala namang may nagtatanong. Bakit ko ginagawa? Para naman makilala niya ako at marealize niyang hindi ko deserve ang pagiging suplado nito sa akin! Amp! Aba dapat lang! hindi porket na boss ko siya may karapatan na siya na ganitohin ako! Neknek niya. Wala lang talaga ako karapatan na sapawan siya 'e kasi di hamak na binabayaran niya lang ako. Hay.
Pero in fairness ha, natatawa na lang din ako dahil kahit sabihin niyang wala siyang pakialam ay alam kong nakikinig pa rin ito. Halata.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa walang kataposan niyang tawag.
May pupuntahan daw siya at kailangan kong sumama.
"Mall? Ginising mo talaga ako nang ganito kaaga para mag-mall? Close pa oh." Sabay turo ko.
Alas sais pa lang ng umaga, jusko. 6 AM.
Naka jeans lang ako dahil sabi niya kahit huwag na muna mag-uniporme.
Nagpark siya saka iniwan ako, kaya dali-dali naman ako lumabas sa kotse at sinunan siya hanggang sa loob.
Close talaga promise, pero pinapapasok siya.
Dumiretso kami sa 4th floor at sa isang mamahaling botique. Napanga-nga ako sa mga magagandang gowns na nakadisplay sa kaniya-kaniyang maniquin.
"Choose the best one for tomorrow, I'll just wait here." Sabay punta niya sa isang upuan malapit sa malaking mesa at umupo.
Napangiti naman ang sumalubong sa amin kanina na babae. Halatang nagtra-trabaho dito.
"Ma'am wala po kayong dress dito?" Nahihiya kong tanong nang nakita kong puro mga gown lang laman.
Tumawa ito, "Wala po ma'am. Ano ba gusto mo? Heto ma'am bagay sa'yo 'to." Sabay kuha sa isang maroon na sobrang laking hiwa sa dibdib. Jusko. Ayaw ko niyan!
Tumanggi ako at pinili ang pinakasimple.
Tinignan ni Dane ito at napailing.
"That one doesn't suit you," bored nitong komento.
Napailing na lang ako. Kainis! Ito pinakasimple eh.
"Ma'am, huwag po kasi kayo dito pumili sa pangmatanda, dito po 'yong mga fitted gowns for you."
Wala na akong nagawa kundi sumunod. Marami pang gown akong nitry pero ayaw pa rin ni Dane, hindi raw bagay sa akin.
Hmpk.
Sinuot ko na ang pinakalast na pinili ng babae para sa akin. Backless ito at sobrang fitted sa katawan ko, nakikita talaga ang curve ko. Kulay silver ito at kita rin ang cleavage ko. Saktohan lang dede ko kaya hindi rin masyado nakakahiya na wala akong maipakita.
Sobrang simple pero elegante. Isama mo pa na medyo revealing ang damit kaya sobrang hot tignan.
Lumabas ako at nakita na wala si Dane. Umupo ako at naghintay pero sobrang tagal niya. Napagdesisyonan ko na lang na bukas ko na lang ipapakita dahil wala naman siya. Nanlaki mga mata ko nang makita ko ang price nito.
P681,893.00
Pucha! Six hundred thousand?!
Saan ako kukuha nang ganong pera?!
"Ahm, m-miss hehe," simula ko kaya napatigil ito sa paglagay.
"Ang laki pala ng presyo," nahihiya ko pang dagdag.
Ngumiti ito sa akin. "Yeah, swerte mo nga e dahil binilhan ka nito."
Ha?
"Binilhan?"
Tumango ito.
"Yep, and this mall is only exclusive for him sa ngayon. Sinadyang binuksan para sa kaniya para makapagshopping ka." Sabay abot sa paper bag nito sa akin.
Kinuha ko at napangiti.
"Talaga?"
I feel so special.
"Let's go. I have something important
to do."
Napatingin ako sa kamay ni Dane na nakahawak sa kamay ko.
Kaladkarin mo pa ako, Dane.
Chos!
Buong byahe hindi ako pinansin ni Dane at sobrang focus lang sa pagmamaneho hanggang sa nakarating na sa condo.
Hindi na rin ako nagsalita at kahit pasasalamat ay hindi ko nagawang isabi kasi mukhang galit ito.
Nang nakaalis siya ay angtext ito na huwag na muna papasok dahil wala rin naman siya sa office. Kaya binuhos ko na lang oras ko sa panunuod ng netflix at tawag sa kay itay.
Nang kinagabihan ay bumaba na ako para makabili ng kakainin ko sa convenience store. Gusto ko sana mag grocery pero masyado akong tamad ngayon kaya bumili na lang ako ng delatas.
Habang naglilinya ay may nakaramdam ako na parang may tumitingin sa akin.
Nilibot ko tingin ko at napakurap nang makita ang gwapong chef sa restau noong araw nakalinya rin sa kabilang counter.
Sobrang gwapo talaga! Nakasuot lang ito nang itim na tshirt at puting shorts saka naka-tsinelas lamang. Pero kahit ganoon, gwapo pa rin!
Hala! Ngumiti ito sa akin kaya napangiti rin ako kaagad. Nagbayad na ako sa counter at hinintay siya makabayad.
Gusto kong magpasalamat.
Nang natapos siya ay kaagad ko itong nilapitan.
"Hoy hi!" Bati ko.
"Thank you nga pala, sorry ngayon lang ako nakapag-thank you," wika ko kaagad at nagsimula na kami lumakad palabas.
"Oh, it's okay. Where are you at? Gabi na ah?"
Napangiti ako dahil sobrang sweet ng boses nito.
"Ah sa taas lang! Condo lang ako, nasa 8th floor," daldal ko habang dala dala ang plastic na binili ko.
Tinignan ko mga dala niya na puro mga gulay. Masarap siguro magluto nito no? Chef e.
"Wow, really? We have the same floor."
Gulat akong napatingin sa kaniya.
"Talaga? Nakakagulat," natatawang kong saad.
Kaya pala naka-tsinelas lamang siya.
Naka-tsinelas at dolphin shorts lang naman ako at naka yellow hood. Ang ginaw kasi.
"Yes, you know we can have dinner together soon. Paglulutoan kita."
Napatalon ako sa saya. "Hala sobrang swerte koo!" Sigaw ko na nakangiti kaya napatawa rin ito sa akin.
"I never thought you are this so bubbly. By the way I am Drake," sabay abot ng isa niyang kamay sa akin. Kinuha ko naman ang plastic at inilipat sa kabilang side ng kamay ko saka naghand-shake sa kaniya.
"Keisha.." nakangiti kong pakilala at tinanggap ito.
Sobrang lambot pa ng kamay at amoy na amoy ko ang pabango nito. Grabe! Napakabait talaga ng lalaking 'to!
Naniniwala na ako sa forever~
Char! Landi!
"Ehem." Agad akong napabitaw nang nagulat ako sa nagsalita. Napatingin ako sa likod ko at nakita si Dane na naka gray hood at shorts lang with paper bag sa kamay nito.
Lumapit ito sa amin at supladong tinignan si Drake.
Nakaramdam siguro nang mainit na tensyon si Drake kaya nagpaalam na lang, pero bastos si Dane at hindi ito pinansin.
"Sige Drake, see you when I see you! Paglulutoan mo ako ha!" Sigaw ko pa at hinarap si Dane.
"Bastos mo naman sa tao--"
"Here!" Natigil pagsasalita ko nang inabot niya sa akin ang paper bag.
'Yong gown! Naiwan ko pala sa sasakyan niya.
"Ngayon lang ako nagkatime ibigay sa'yo 'yan, hindi ko naman akalain na sobrang busy mo rin pala dito," supladong sabat nito saka tinalikuran ako.
Hinabol ko siya hanggang sa nakarating na siya sa sasakyan niya na nasa harap lang din naman ng convenience store.
"Hindi ako busy ah!" Pagdedepensa ko.
"Whatever, go and continue your discussion with that jerk. I don't care!" Sabay pasok at barumbadong isinirado ang pinto.
Naiwan akong tulala.
Nagseselos ba 'yon?
Para saan naman?