Napagdesisyonan ko na umuwi na lang sa probinsya muna para makapagpahinga saglit. Siguro isang linggo lang ako doon dahil babalik muli ako sa Manila para makapaghanap ng ibang trabaho. Since, may experience naman ako sa trabaho dito, siguro madali na lang na makakapasok ako. At isa pa, kinamusta ako ni LJ dahil wala siya kahapon, ayon sinabi ko sa kaniya ang lahat at naawa ang gaga tutulongan niya raw akong makahanap ng trabaho but I declined it and said to him na huwag akong kaawaan, so instead tulongan niya ako sa trabaho ay tutulongan niya na lang daw akong pagbagsakin ang dalawa. b***h talaga. Pero wala na sa utak ko makipaghigante. Masakit oo, pero kailanman hindi ko hihilingin na may masaktan.
"Oh, saan punta? Good morning!"
Napalingon ako sa likod ko pagkatapos kong isirado ang condo ko. It's Drake, wearing plain blue shirt and just a short. Sa kanang kamay nito ay may grocery na dala habang sa kaliwang bahagi ay susi at phone nito. Maybe he went for groceries, obviously.
I smiled at him. "Going home. Pahinga muna ako sa probinsya."
Kumunot noo nito, "Why? Hindi kana babalik? Paano trabaho mo?" Bahagya akong natawa dahil sa accent nito. Trabahow mow. Pft.
Para siyang si James Reid magsalita, pero ‘yong tindig ala Richard G.
"Hindi, babalik din naman akon dito after one week. Just wanna rest lang." taray ko nakipag-englishan na rin.
He laughed and nodded after, "I thought I won't see you again. Anyways, kumain ka na ba?" Wow, bumanat pa. Mga lalaki talaga mga pafall. Amp.
"Tara, kain muna. Magluluto ako ngayon, magbalot ka na rin. Sige ka, mamimiss mo luto ko niyan." Humalakhak ito. Napataas naman kilay ko. "Wow ah? Pasalamat ka talaga masarap ka magluto!" Hirit ko saka tinignan ang relo ko. Alas syete pa lang ng umaga, siguro mamayang alas nuebe na lang ako magbabyahe.
Pumayag na ako dahil nahihiya naman ako tumanggi, at isa pa, hindi pa naman ako kumakain. Okay na 'to, sign na 'to na hindi ako gagastos mamaya. Plano ko kasi bibili lang ako sa mga nagtitinda.
"All done!" He said cheerfully. Nilapag niya ang bowl saka kumuha ng dalawang pinggan. Tatayo na sana ako ngunit pinigilan niya ako.
"Nope, just sit there. Bisita kita at minsan lang 'to, okay?" Lumabas ang dimple nito sa gilid. Naalala ko tuloy si Dane, may dimple din kasi 'yon, slight. Argh! I shrugged. Bakit ko ba siya iniisip? Nakakainis. Nakakatrauma talaga ‘yong mga lalaking may dimple. Shuta.
"Here." Nilapag niya ang pinggan saka binigyan ako ng kutsara. Nakahanda na rin ang kanin. Medyo nahihiya pa ako sumukob kaya naunahan niya na ako ilagay sa plato ang kanin.
"Okay lang, malaki na ako. Okay?" Tumawa ako. Masyadong maalaga! Amp. Ganito ba talaga kapag chef?
"Seems like you're shy 'e." He smiled awkwardly.
Gwapo talaga!
"Ano ba, wala akong hiya 'no! Pusta mauubos ko 'to!" Ano ba 'to, ba't ngayon lang ako nahiya? Sa pagkakaalam ko wala ako no'n.
Nagsimula na kaming kumain kaagad. Sinigang niluto niya tapos may iba't-ibang side dish. Hindi ko alam kung ano 'to kasi puro dahon lang naman nakikita ko sa pinggan tapos parang may maliliit na karne, may sauce tapos parang binubudan lang ng magic sarap. Ay ano ba 'yan!
Natapos na kain namin at nagkuwentohan lang kami nang sandali. Napag-alaman ko na last day din niya pala ngayon kasi pupunta siya Cali for business purposes. Mayroon kasing cooking show doon at isa siya sa magiging judges. He's really a successful man right now. Habang ako, may trabaho na nga, pumalpak pa. But haler, I'll be successful someday, too! Itaga natin 'yan sa bato. With the use of law of attraction, magiging mayaman ako someday!
"Eh, ikaw?"
Napatalon ako sa gulat. Anong ako?
Tinignan ko siya na parang clueless. Kasi naman bigla ba naman magtatanong nang walang context. Ano, kelan ko balak mangibang bansa? Maging mayaman?
Tumawa ito. "I mean, do you have any plan after my cooking show?"
Ha? Kumunot noo ko. "Wala, bakit? Ikaw ba meron?" Diretsahan kong tanong.
His eyes closed a little, while the side of his lip rose up. Obviously, he's showing an awkward smile. Uminom ako ng tubig dahil nakita ko na mag[-a-alas onse na. Jusko po! Baka mawalan ako ng byahe. "Yeah, ahm.. can I invite you for a date?"
Nabuga ko ang ininom ko saka gulat na napatingin sa kaniya. What?! Saka ko lang napansin ang basang mukha nito. Shocks, kadiri! Tumayo ako at kinuha ang tissue na nasa ibabaw ng ref saka pinunas sa kaniya.
"Sorry, sorry. Ikaw kasi 'e. Pinagsasabi mo?"
Nahinto naman ako sa pagpunas nang biglang hinawakan niya kamay ko. He then looked at me straight to my eyes. Napalunok ako. His dark black thick brows suit to his dark brown eyes. In fact that he has a little similarity to Dane makes me think of him. He grabbed my waist and pulled me so close to him. The next thing I knew, I was already sitting on his lap. Is he going to kiss me?
Yes, he is!
I was about to push him but someone's voice interrupted the scene.
"Oh, sir? May hinihintay kayo dito?"
Napatayo ako kaya napaiwas siya ng tingin.
"I'm so sorry," he sincerely apologized.
Bahagya akong napangiti, "Okay lang--"
"May tinignan lang." Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko boses nito.
Si Sir Dane 'yon ah!
Boses 'yon ni Dane!
Walang pag-alinlangang tumingin ako sa pinto saka tumakbo doon. Bahagya siyang nakabukas! Lumabas ako at nakita ko ang guard na kumakamot ng ulo habang tinitignan ang hallway.
"Sino po 'yon, manong?" Feeling close kong tanong.
"Si boss Dane po. Kanina pa kasi dito 'e, kaya nilapitan ko para sana hindi ma-bored."
Kanina pa siya dito?!
Tatakbo na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Drake.
"Hey, you forgot your bag." Inabot niya 'to sakin saka kinuha ko kaagad. "I'm really sorry 'bout what happened. I'm sorry. I'm really--"
"No, it's okay." Ngumiti ako sa kaniya. Akala niya siguro lumabas ako dahil sa nangyari. Lumabas kaya ako para masigurado kung si Dane nga ba 'yon, kaso olats 'e. Hindi ko rin pala naabotan.
"Ihahatid na kita, wait--"
"Huwag na, okay lang. Nakikain na nga ako 'e." I timidly smile.
"You sure? I'm free today."
"Sure na sure! Thank you!"
Tumango naman ito saka ngumiti. Lumabas na naman dimple niya!
Sumakay na ako ng elevator saka lumabas ng condo. Sigh.
Si Dane ba talaga 'yon?
Kung gayon, so... kanina pa siya nakikinig sa usapan namin?
Nanlaki mga mata ko saka napatakip ako ng bibig.
SO, NAKITA NIYA NA MUNTIKAN NA KAMI MAGKAHALIKAN NI DRAKE???????????!