Chapter 18

1381 Words
I immediately went outside and ran as much as I could. Piste! Bakit sobrang babaw ng luha ko?! That's not even a big deal, why am I crying like I lost something?! Pinagtitinginan na ako ng tao pero wala akong pakialam. I just want to get out of here right away! Aargh! Bakit ako nag-eenglish! Gano'n ba talaga 'pag broken? Instant englishera kana agad? Inay naman 'e. Para akong tanga na nagmamaktol sa daan habang pinipigilan luha ko. Pakshet! Ang sakit talaga! Alam ko naman na ganito kalabasan 'e, ba't hindi ko pa rin mapigilan masaktan? Pumara ako ng jeep at wala talagang may huminto sa akin. Mukha na talaga akong muntanga dahil sa sobrang pagpigil ko ng iyak. Ang sakit sa dibdib. Mas masakit 'yong kanina pa ako nagpapara dito at wala talagang may huminto. Pati ba naman dito pagtataboyan ako? Nakakainis naman 'e. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko nang yakapin si itay. "Miss, pwede magtanong?" Nagulantang ako sa lalaking biglang tumabi sa akin. Napahawak ako sa dibdib dahil hindi ko inexpect na biglang lulutang 'to sa harap ko. Mushroom ba 'to? "Nagtatanong kana po, kuya," bigla kong sambit na siyang ikinatawa niya. Aba loko 'to ah, anong nakakatawa? Siya kaya napahiya, hindi ako. "Globe ka ba?" Hala jusko! Alam ko 'to! Nako, babanat pa! "Alam ko 'yan kuya, dahil noong nakita mo ko bigla akong naging mundo mo?" Hirit ko saka napahampas sa kaniya. Kumunot naman noo niya saka ngumiwi. "Hindi ah! Makikitext lang sana ako o pasahan mo na lang ako ng load at babayaran ko 'yan sana pero huwag na lang! Ambisyosa naman 'to, mukha namang panda," hambog niyang wika saka tinalikuran ako at lumakad palayo. Nanlaki mga mata ko sa inasta nito, loko 'to ah! Ngayon pa ba talaga siya sasabay sa pagka-heart broken ko?! "Gago ka ah! Mukha ba akong loader?!" Sigaw ko ngunit pinakyuhan niya lang ako. Ang bastos! Ako, ambisyosa? Panda??? Wait.. panda? Bakit panda? Dali-dali kong kinuha ang bag ko ngunit wala akong makapkap dahil wala naman talaga akong dalang bag. Napasamo ako ng noo. Jusko naman, Keish. Bakit mo iniwan bag mo sa office ni Dane? Antanga mo naman! Masyadong malayo na tinakbo mo 'e. Wala akong choice kundi bumalik ulit sa office ni Dane. Napagod ako sa paglalakad pero pinagpatuloy ko lang hanggang sa pumasok sa building. Pinagtitinginan ako ng mga tao saka nagpipigil tumawa. Napalingon naman ako kaagad sa salamin ng building at sobrang nadismaya sa mukha ko. Kaya naman pala mukhang panda kasi lahat ng masskara ko sa mata at eyeliner ay nagkakalakat sa buong mata ko. Isama mo pa ang natuyo na luha at sobrang messy ng buhok. Argh! Pumunta ako sa CR saka naghilamos at inayos ang pagtali ko sa buhok. Wala na akong make up ngayon kasi kinuha na ng tubig. Sana all kinukuha. Kunin mo na rin ako lupa. Sobrang laking kahihiyan ang dinulot ko ngayon 'e. Kumuha na ako ng tissue saka pinagpunas sa mukha ko. So ano na? Wala ka ng trabaho, Keish? Final na? Sure na? Uuwi kana ba talaga sa probinsya? Napabuntong hininga ako. Bahala na. Kunin ko na lang 'yong bag ko at kailanman hinding-hindi na ako babalik dito. May pinag-aralan naman ako at nakatapos, makakahanap pa ako ng mas magandang trabaho. Siguro sa ngayon uuwi na lang muna ako ng probinsya. I took a deep breathe before I go out. Wala si bakla ngayon ah? Hindi ko nakita. Hay, hindi man lang ako makakapagpaalam. Nasa taas na ako at natatanaw ko na office ni Sir Dane. Pumunta muna ako sa table ko sa at kinuha mga gamit ko. "Pst..." Napalingon ako sa likod at nakita ko si Emerson na tumitingin sa akin. Kasama na 'to si Jane na isa ring trabahador dito. "Suplado ni Sir Dane, 'no?" Tanong ni Emerson. "Nako, kaya ayaw na ayaw ko siyang makasalamuha 'e. Gugustohin ko man pero natatakot ako. Baka bigla akong magkamali at palayasin ako dito," sabat naman ni Jane kaagad. Ngumiti ako sa kanila. "Tama 'yan. Huwag niyong sagapain ang demonyo," sabi ko na siyang ikinatawa nilang dalawa. "Okay ka lang?" Biglang tanong naman ni Jane. Tumango ako. "Oo naman, bakit hindi? Hindi ako ang nawalan 'no! Siya ang nawalan ng sexytary," hambog kong sabi saka tumawa muli sila. Totoo naman! Ang laki kaya ng nawala sa kaniya. Sige, Keish. Lokohin mo sarili mo. "O siya, kuha na ako ng bag ko at ako'y lalarga na!" Hyper kong wika saka iniwan sila. Mga chismosa. Hindi naman kami close. Char. Huminto ako sa harap ng pinto ni Dane at napabuntong hininga. Woooh! Kaya ko 'to. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto saka pipihitin sana ngunit bahagyang nakabukas na pala ito. "Dane naman 'e, miss mo? Hihi." Napakunot noo ko. Sa sobrang curious ay nalaman ko na lang nakasilip na pala ako sa kanila. And I regretted it because what I've seen right now truly breaks my heart. "Of course, I miss this because I miss you." Dane is sitting on his chair while Keisha is sitting on his side armchair. He is holding Keisha's hand, seems he's playing with it. Sobrang sweet nila. I can even see how Dane misses Keisha so much. I don't know why seeing them makes my feelings hurt so bad. Ang rupok ni Dane. Parang hindi lang niloko. Mapagbigay! Hindi ko alam na tumulo na pala luha ko. Argh! Kainis! Hindi naman ako nasasaktan ah? Hindi talaga. Pakialam ko sa kanila? Ilang buwan lang naman kami nagkakilala ni Dane. Bakit ako maattach? Kasi sa loob ng ilang buwan andami ring memories na nagawa niyo. I shrugged! Bwesit, sino bumubulong sa akin? "Ahm, can I ask something?" Pucha, hihingi na naman! "Sure, babe." Edi wow babe. "Is that Keisha on the door, right?" Napaayos ako ng tayo dahil sa nadinig ko. I was about to run but too late, their eyes are already on me. Haliparot laughed. "Chismosa sa ka? Ano, naiiggit ka?" Tumawa ito nang napakalakas. Dane just looked at me with his furrowed eyebrows. "Chismosa ka ba? Ano pakailangan mo? Ayaw kana namin makita, duh!" Keisha added. Potek, paulit-ulit! "Ako rin. Ayaw ko rin kayo makita," matapang kong sagot saka dumiretso sa couch at kinuha ang bag ko. Hindi ko sila nilingon at dali-daling lumabas saka dumiretso sa table ko. Doon na lang ako napabuga ng hangin. Sakit niyo sa mata. Umuwi na ako sa condo at inayos kaagad mga gamit ko. Humiga ako sa kama at napatulala sa ceiling. So, what is up now? Uuwi na ako? Ano sasabihin ko kay itay? Sasabihin ko ba na pinalayas ako kasi hindi na ako gusto? Bakit kasi humantong sa ganito? Concern lang naman ako sa kaniya 'e. Masama ba maging concern? Siya lang naman iniisip ko 'e. Ayaw ko lang naman siya mapahamak. Hindi man lang siya marunong mag-appreciate sa taong gustong gtumulong sa kaniya. Naiinis ako. Sobra. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako makainis, kasi in the first place dapat wala akong pakialam e. Sino ba naman siya diba? Ngayon ko lang naman 'yan nakilala. Argh! Kainis pa rin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Ang sakit lang kasi. Alam niyo 'yon? Nagsasabi ka naman ng totoo pero hindi ka pa rin pinaniniwalaan. Bakit? Kasi walang tiwala ang tao sa'yo. Now I know why I am hurting so bad.. not because I'm falling for him, but because, I gave him my trust but he doesn't trust me that all. I wiped my tears. Mas lalo akong naiyak nang maalala ko kung paano siya naging kabait sa akin. How did he treat me so right from the wake of my mother, to the party, to the charity and all. I admit, wala na akong ikakasaya habang pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka special. Bakit kasi kailangan niyang maging mabait? Bakit kailangan niyang iparamdam sa akin na okay kami kahit hindi naman? Bakit kailangan niya maging sweet kung ayaw niya naman talaga sa akin? Oo, kasalanan niya 'to lahat. Kasalanan niya 'to kung bakit ako nahulog sa kaniya. This is all his fault. I really blame him but most of all I blame-- is myself. I blame myself for falling to him so deep. So deep that I couldn't climb up there to save myself from this pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD