"Sorry, but I don't like you. Hindi ikaw si Keisha na mahal ko, at kailanman hinding-hindi magiging ikaw 'yon."
"I don't wanna see you anymore."
Napangiti ako nang mapait. Should I face him? Magpapa-apekto ba ako? Bakit ba kasi kailangan mahulog sa taong alam ko naman na talo ako. Una pa lang 'e. Sana hindi ko na lang hinayaan. Sana pinigilan ko na lang. Napatingin ako sa cellphone ko na biglang tumunog. Kaagad ko sinagot ang tawag nang makita ko si itay 'yong caller.
“Anak?”
I cleared my throat before answering him. Pinahiran ko rin ang luha kong tumulo kanina.
"Hi, 'tay! Kamusta? Okay lang ako dito, masaya dito!" Kaagad ko na daldal. Kilala ako ni itay na sobrang madaldal sa amin kaya magtataka 'yon 'pag Hi lang bati ko sa kaniya.
“Oo nga 'e, halata sa boses mo.” Natatawang sabi nito.
Napangiti na lang ako ng peke.
“Napatawag talaga ako para kamustahin ka diyan. Pero sa tingin ko naalagaan ka naman ni Dane diyan nang maayos. Sobrang bait talaga no'n, huwag kang gagawa ng ikakasama mo sa kaniya ha? Maging mabait ka palagi, malakin tulong ang ginawa sa atin. Hindi naman pwede na suklian natin sila ng hindi nila deserve.”
Natawa ako. Mabait? 'E 'yon lang naman panahon na nasa probinsya ako naging mabait siya. Pero ngayon wala, ni-ayaw na nga ako makita.
"Oo naman 'tay," tanging sabi ko na lang.
"Kamusta naman ho kayo diyan? Natanggap niyo na po pinadala ko?" Dagdag ko pa. Umayos ako ng upo.
“Oo anak, ginawa kong negosyo. Barbecue-han, andaming bumibili ano! 'Yong space natin sa labas nilagyan ko ng dalawang mesa at nga upuan, pang meryende nila. Hiniram ko lang 'to, buti naman pumayag si Aling Este mo.”
Kahit nasasaktan ako ay nagawa ko pa rin maging masaya sa balita ni itay. Masaya siya sa kaniyang ginawa, 'yon naman ang importante sa akin. Madami pa kaming pinag-usapan ni itay hanggang sa natulog na ako.
Kinabukasan ay nag-ayos muli ako dahil may trabaho pa ako. Tulad nga ng sabi ni itay ay maging mabait ako sa kaniya. Wala na akong pakialam, bahala na si batman.
Pinihit ko ang doorknob ng office niya saka pumasok ako. Napatingin ito sa akin saka binalik ang atensyon sa laptop nito. Busy siya ngayong araw dahil mas inuna niya ang meeting niya sa mga magulang ni Keisha. Hindi ko alam kung anong business dahil hindi niya pinagawa sa akin, 'yong mga ginagawa ko lang ay ang pagsagot sa mga tawag sa iba't ibang companya.
"Good morning po, sir," nakangiti kong bati. Natatakot na akong tawagin siyang boss, hindi naman kami magkaibigan.
Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa pag-tipa. Tinignan ko ang schedule niya at nakitang may meeting siya mamayang 4PM.
"4PM at meeting area with Lanceia Corporation. They have products to discuss po with you." Yumuko ako.
"Why are you still here?" Napaangat tingin ko nang nagsalita ito.
Pilit akong napangiti. Hindi pa ba obvious? Syempre sa trabaho.
"Trabaho," tipid kong salita.
Tinaasan niya lang ako ng kilay, "Coffee," casual niyang utos.
Agad ko naman siya tinimplahan ng kape at ibinigay sa kaniya. Ngumiti ako nang nilapag ko na ito. Para akong tanga na hindi naman pinapansin o dapuan ng tingin. Umatras ako at yumuko. Tumalikod na ako saka lumabas.
He's so near yet so far. Totoo nga ang kasabihan na 'yan. Napabuntong hininga ako.
Kaya ko pa ba makipagsalamuha sa ganitong klaseng tao? Sobrang awkward. Lintek na puso kasi 'to, bakit pa pinili mag-stay. Naglakad na ako papuntang banyo dahil naiihi ako.
Napatingin ako sa salamin.
"Ganda mo girl!" Nakangiti kong sabi sa sarili ko.
Bakit, nagandahan talaga ako sa sarili ko. Sinong maniniwala na maganda ako kung ako mismo ay hindi naniniwala? Diba? Kaya maganda ako. Maganda ako. Hindi nga lang mahal.
Char! Pumasok na ako sa kubeta at umihi. Ilang minuto pa lang ay may narinig akong tunog ng takon papasok sa CR. Napakunot noo ko nang biglang umandar ang gripo. Jusko, may multo ba dito? Dali-dali kong sinuot panty ko saka 'yong slacks ko.
Pipihitin ko na sana ang pinto ngunit biglang may nagsalita na pamilyar na boses.
"Yeah? Huwag kasing atat mom! I'm already here."
Hindi ako nagkakamali. Si Keisha 'to.
"Whatever. Busy nga 'yon, atleast naibigay niya na ang pera diba? Yeah, dala ko na ang papeles na pepermahan niya." Tumawa pa ito.
"Yes, of course! Hindi niya alam na 'pag pinermahan niya 'to ay maisasalin na ang pangalan ng companya niya sa atin. Akala niya bagong company name." At humalakhak pa ito.
Biglang kumulo dugo ko. Sarap sabunotan ang gaga!
"I'm really smart, I know. So yeah, just wait, mamaya atin na ang companya. Bye, I don't need goodluck anymore. Mwa."
Dali-dali akong lumabas at gulat siyang napatingin sa akin. Para akong multo dahil sa sobrang laki ng mga mata nito.
Natawa ako. Para siyang nabuhosan ng malamig na tubig.
"I heard everything," I sarcastically said.
"O-oh, hi." Ngumiti ito.
"Ang chismosa mo naman." She crossed her arms and smiled at me.
Bahagya rin akong lumapit sa kaniya saka ngumiti.
"Hindi ako chismosa, ang chismosa ay humahaba ang leeg kakachismis. Nakita ko ba humaba leeg ko?"
Napatingin naman ito sa leeg ko.
"Walang hiya ka rin 'e 'no? Mahal na mahal ka ng tao tapos lolokohin mo? Sabagay, kung sino pa 'yong nagmamahal, siya pa 'yong niloloko."
Napairap ito saka tumalikod, "Hindi ko alam sinasabi mo." Aakmang lalakad na sana siya pero hinigit ko braso nito sa kadahilanang napaharap ito sa akin.
"Sinasabi ko sa iyo. Huwag na huwag mong itutuloy plano mo o isusumbong kita?!" Pagbabanta ko.
Parang grade 10 tuloy ako na umaaway ng grade 7. Mukhang matapang dahil sa makapal na lipstick nito, pero nanginginig naman sa takot. Ganito kasi si Keisha ngayon oh, halatang nagtatapangan.
"Go. Isumbong mo, sino maniniwala sa'yo?"
At natigilan ako.
"See? So let me go. Poor you sweetie," tumawa pa ito bago ako tinalikuran.
Napasabunot ako ng buhok. Mapapamura na lang ako sa inis! Bakit ba kasi hindi ka maniwala sakin Dane?! Tangina naman 'e. Hindi pwede 'to. Kailangan ko pa rin pagsabihan siya kahit alam kong hindi ito maniwala. Atleast I warned him, right? Atleast, somehow I did my part.
Inayos ko sarili ko saka hinabol siya papuntang office.
Kung ayaw niya maniwala, edi gawan ko ng paraaan! Bahala na!
Ang bilis maglakad ng bruha, nakarating na siya kaagad sa office. Wala akong choice kundi tumakbo. Saktong pagbukas ko sa office ni Dane at gano'n rin ang pagbigay niya ng brown envelope folder kay Dane. Walang pag-aatubiling tumakbo ako saka hinigit ko sa kamay ni Dane at pinunit.
Nanlaki mga mata ni Dane sa ginawa ko at gano'n din si Keisha.
Hindi pa ako nakuntento at pinagpupunit ko talaga nang napakaliit. Bastos na kung bastos, Dane but this is the only way to stop you from signing.
"What did you do?!" Naiiyak na sambit ni Keisha saka umupo at pinagdadampor ang mga nagkakalat na papel. Masyadong mabilis at napapikit na lang ako nang sinampal niya ako.
Mas lalo akong kinabahan nang hinigit ni Dane braso ko saka hinila ito papunta sa pinto ng office niya.
"Are you crazy?! Ano ba?! Why did you do that?!" Galit na galit na sigaw nito.
Hindi ko na napigilan luha ko at kusang tumulo na ito.
"I just want to help you—"
"Need for what?!" He shouted again. He is so fuming mad right now that the veins inside of his neck is now visible. Umigting panga niya na halatang nagpipigil sa sobrang galit.
"H-help—"
"Anyways, whatever it is, I don't need your f*****g help!" He cut me off again.
"But Dane, listen! I heard everything! Hindi 'yan 'yong business niyo kundi contract 'yan na 'pag pinermahan mo ay mawawala ang pinaghirapan ng papa mo!" Sigaw ko.
Galit na galit pa rin ang mukha nito. Wala na akong pakialam kung magalit siya o mapatalsik na ako dito ngayon. Ang importante ay malaman niya ang lahat. Hindi na ako natatakot. Why would I? Alam kong nasa tama ako. Alam kong nagsasabi ako ng totoo.
"You b***h! Gano'n ka na ba ka desperada?!" Napasigaw ako sa sabunot ni Keisha sa buhok ko. I held her hand to stop it from pulling, at ganoon din ginawa ni Dane.
"Stop it, Keisha!" Pagpigil din ni Dane. Naiiyak na ako sa sakit pero mas lalo pa akong nanlaban.
Kinuha ko rin buhok niya saka sinabunotan. Gaga siya! Naiinis na ako!
"ENOUGH!!!" Natigil kami nang sumigaw si Dane.
Kaagad naman lumapit si Keisha sa kaniya at umiyak. Kadiri, mukhang tuko. Argh! Tukmol!
"Look, sinisiraan niya ako sa'yo." Humagolhol siya kaagad. Nahiya naman ang made in china sa sobrang kapeke-an niya.
"I will never do that baby. This is for our future. Huhu."
I cringed.
Tinignan naman kaagad ako ni Dane na nakakunot noo. Oh, ako na naman masama? Sabagay, sino ba naman ako? Isang hamak na trabahador niya lamang! Bahala ka diyan Dane, sinasabi ko sa'yo. Inayos niya suit niya saka kinuha ang kamay ni Keisha sa kaniya. Lumapit ito sa akin.
Napalunok ako dahil hindi ko na mabasa ang expression nito. Sobrang blanko. Hindi ko mawari kung galit o wala lang talagang pakialam. Pero 'yong mga mata nito ay nangungusap. Hindi ko talaga alam ngunit kung tignan mo ito ay para kang maaawa rin.
Naaawa ba si Dane sa akin? Or is it just me?
He faced me with those blank eyes.
He cleared his throat and spoke after.
Salita na sobrang ikinadurog ng puso ko.
"Please, just leave us alone."
"Leave me, alone."
Napakurap ako. My heart wrenched and my eyes started to tear up. I even looked up to stop my tears from falling, but I failed.
I failed when he parted his lips and spoke, "Please, now. I don't want to see you again."