Nakangiti akong pumasok sa office ni Dane habang dala-dala ang cake na binili ko. I found out that he likes Black Forest cake so I ordered him one.
"Hi boss Dane!" Bati ko kaagad nang nasa harap na niya ako. Tumingala naman ito sa akin at hininto ang pagtitipa.
Simula kaninang umaga, naging sobrang busy na ito. Ginawa ko na rin kagabi ang pinagawa niya at sa lunes ay pwede na makukuha kaagad. Halatang may minamadali ito.
"What's that?" Kunot-noo niyang tanong nang inilapag ko na ang kahon ng cake.
"Peace offering!" Saka nag peace sign pa ako at nagpa-cute.
"Sorry na! Oo, secretary mo lang ako kaya hindi na ako mangingilam, promise!" Nakangiti kong sabi.
Ayaw ko na magtalo pa sa taong sarado ang utak. Closed minded people will only accept the things that they only want to hear. Kung hindi niya gusto ang sinasabi mo, hindi ka rin paniniwalaan.
"Buksan mo, matutuwa ka!" Sabi ko saka binuksan ang kahon.
Natawa ako sa sarili ko. "Ako na pala magbubukas!" Kinuha ko ang maliit na cake sa kahon at binigay sa kaniya. "I know you love this!" Hindi pa rin nawala ang ngiti ko sa labi pero sinuklian niya lang ako ng tango.
"Just put it there and clean up this mess. I'm working. Focus on your job, too." Awkward akong napatawa.
Ang sakit no'n ha, mahal kaya nito.
"Tikim lang po!" Pangugulit ko saka pilit na binibigay sa kaniya. I even took his hand to lend the cake to him but he refused.
"Boss naman! Nag effort kaya ako!" Pangungulit ko pa rin.
Winaslik niya ang cake sa kamay ko kaya natapon ito sa sahig.
"Look what you have done!" Napatalon ako sa sigaw nito.
"S-sorry. Sorry," naiiyak kong sabi saka pinulot ang cake at inilagay ulit sa kahon.
"If I told you to focus on your job, focus! f**k peace offering." Galit itong tumayo saka iniwan ako.
Tumulo mga luha ko nang napatingin ako sa cake na na sayang. Gusto ko lang naman kalimutan ang nangyari kahapon 'e. Bakit galit na galit ito sa akin?
Wala na akong magawa kundi linisin ang kalat ko.
Hanggang kinagabihan ay gano'n pa rin ang trato niya sa akin. Inutosan pa nga ako pero 'pagkatapos kong gawin ay hindi niya na magugustohan. May mga oras na itatapon niya lang mga gawa ko at utusan muli na gawin ito.
Kinabukasan at gano'n pa rin ang kinalabasan. I cooked him adobo for his lunch but he refused it again. Hindi niya na ako pinapansin katulad ng dati. He became so cold and distant.
He became so ruthless.
"Hindi ko nga alam kung bakit gano'n na siya ngayon. Parang iniiwasan na niya ako LJ," malungkot kong wika saka napayuko.
"Nang dahil lang sa sinabi mong 'yon? Kaloka ha, siya na nga 'tong pinagsabihan," inis na sabat nito.
Kinuha niya ang coke na nakalapag sa mesa saka ininom. Kasalukuyan nasa karenderya kami malapit sa building namin, nagtatanghalin. Breaktime namin kaya magkasama kami ngayon ni LJ, hindi ko naman mapigilan sarili ko na hindi dumaldal kaya nasabi ko ang lahat na nangyari kay LJ.
"So nasaan na 'yong niluto mong adobo? Aki na, ako na lang kakain. Sayang naman aba!" Natawa ako sa reaksyon nito.
"Wala, ando'n pa rin sa office niya. Iniwan ko sa desk." Sabay kuha ko ng kanin saka sinubo.
"Ay, 'pag gano'n, ibigay mo na lang sakin ha? Sayang effort teh! Jusko, ewan ko na lang ba't nagpapatanga pa siya do'n sa Keisha, halatang pineperahan. Wala talagang may maidudulot ang pangalang Keisha sa kaniya."
Nasamid ako kaya kaagad niya naman ako inabutan ng tubig kaagad. Nang naka-recover na ay sinamaan ko siya ng tingin. Natagalan pa bago niya na-realized ang sinabi.
"Hehe," pangiti-ngiti nito saka lumunok. "Keisha ka rin pala."
Binatukan ko siya.
"Oo, pero ako 'yong Keisha na nagmamahal sa kaniya nang totoo." Sabay nag flip hair pa ako.
"Na hindi ka naman mahal," kaagad na sabi ni LJ.
"Joke lang! Habang may buhay, may pag-asa!" Kaagad na bawi nito.
Tinapos na namin ang pagkain at bumalik na kaagad sa office. Baka hinahanap na ako ni Dane at may iuutos sa akin nang walang kwenta. Gano'n kasi 'yon 'e. Hindi ako kakausapin at papansinin kaya tahimik lang akong uupo sa upuan. Ilang segundo ay tatawagin ako at uutusan tapos nang nagawa ko na ay itatapon. Naiinis talaga ako!
Tumingin muna ako sa salamin bago pumasok. As usual, nakatali lang ulit buhok ko at naiwan ang ilang bangs sa mukha. Naka casual attire din ako at naka heels. Nag liptint muna ako para hindi ako magmumukhang pale at haggard 'pag kaharap siya. Nang sa tingin ko ay okay na, saka ko lang pinihit ang pinto at pumasok. Nakita kong nakatayo siya habang nasa kamay niya ang tupperware na may laman na adobo ko.
Nanlaki mga mata ko nang itinapon niya ito sa basurahan. Kaagad ako tumakbo para sana pigilan siya pero huli na ang lahat at naitapon niya na ang laman kasama ang tupperware.
"Bakit mo tinapon?!" Hindi ko mapigilan sarili ko magalit.
Pinaghirapan ko 'yon 'e. Kahit man lang sana hindi niya kakainin ay ibigay niya na lang balik sa akin. Maibigay ko pa sana 'yon sa mga taong nasa lansangan.
"I don't like it," suplado nitong sabi saka umupo.
Magsasalita pa sana ako pero nilingon niya ako at nagsalita.
"At please, don't be so desperate for wanting my attention."
Napaatras ako at napakurap.
Bakit ang sakit?
"H-hindi naman ako desperada ah!" Nauutal kong sigaw. Napaka-feeling. Sige, Keisha. Deny pa.
"Gusto ko lang naman magbati tayo, we're friends right? Okay naman tayo?" Pilit kong tinatagan boses ko.
Para na akong iiyak pero pinipigilan ko lang ito. Bakit ba kasi ang sakit? Hindi ko kaya 'yong binitawang salita nito. Napatingala ako para hindi mahulog ang luha ko. s**t.
"That's it. You know that we're friends, but you want more. I know you like me, don't deny it. Sorry, but I don't like you. Hindi ikaw si Keisha na mahal ko, at kailanman hinding-hindi magiging ikaw 'yon," seryoso nitong sabi.
"And please, huwag ka mag effort sakin. You are not my girlfriend for pete's sake! Woman shouldn't be the one who is risking an effort. Wait for a man who can do that to you." He then opened his laptop and acted like he never said something offensive.
Hindi ko na napigilan umiyak. Kaagad ko naman pinahiran luha ko. Bakit parang nagmumukha akong tanga para sa kaniya? Gano'n na ba ako ka-desperada sa paningin niya? Pucha.
"G-gusto ko lang naman maging okay tayo,
okay fine. I won't do that anymore. Sorry,"
Bumagsak ang balikat ko at napayuko ako. Tinalikuran ko siya at kinuha ko ang bag ko sa sofa nito. Bago pa ako umalis ay nagsalita ito na siyang ikinadurog ng puso ko.
"And please, I don't want to see you anymore."