Araw-araw nahuhulog na ako kay Dane at alam kong hindi na normal 'to. Anong magagawa ko? The more he came nearer, the more I fell. Napabuntong hininga na lang ako saka naghilamos ulit ng mukha.
"Focus Keish. Please. Nadadala ka lang, hindi mo siya gusto. Okay? Kaya please, gumising ka," bulong ko sa sarili ko habang tumitingin sa salamin.
"Good, smile Keis— ay kabayo ka!"
Napatingin ako sa ballpen na tumama sa likod ko, kasabay no'n ang pagtawa ng isang malanding bakla.
"Girl! Rinig na rinig ka dito sa labas shunga ka! Mabuti na lang ako lang 'yong dumaan!" Bungad niya sa pinto.
Inirapan ko lang siya saka kinuha ang bag ko.
"Sorry naman. Kainis e. 'Yong narinig mo, wala 'yon ha!" Lumabas ako saka luminga-linga pa. Tumawa naman ito sa tabi ko.
"Don't worry, ako lang talaga nakadaan dito, saka anong wala? Wala kang maloloko dito baby girl! Ramdam na ramdam kita una pa lang e!" Napabuntong hininga ako.
"Ang arte ko ba?" Tanong ko kay LJ saka yumuko. Hindi na ako nabahala na narinig 'yon ni LJ dahil sobrang pinagkakatiwalaan ko naman siya saka bakay mabigyan din ako ng advice.
"Hindi mapipigilan ang puso, mamshie. Matagal na kitang ramdam." Kunot noo ko siyang tinignan, pilit na iniintindi ang kaniyang sinasabi.
Anong matagal? Ngayon ko lang 'to naramdaman 'no.
"I mean, the way you look at him, nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya kausap siya. I don't know, you may not notice it but people around you can," he smirked.
Grabe, gano'n na pala ka obvious? Hindi ko alam. Hindi ako aware. Napatingin ako sa ilalim at napabuntong hininga.
"Ayaw ko nang ganito LJ, may mahal 'yong tao. Baka ako lang 'yong talo sa huli."
"Pero hindi siya mahal at wala na sila," kaagad na sabat nito kaya napatingin ako sa kaniya.
Natawa naman ito. "Slow ka talaga."
"Ibig kong sabihin, pwede mo pa makuha puso ni Dane."
Huh?
"Come on! It's 2020, Keish. Mag-first move ka," humalakhak pa ito.
"Anong first move tinitukoy mo diyan?" Sabay batok ko sa kaniya. Luminga pa ako dahil may mga ka-officemate pa kaming nagtitingin dito. Ang tawa ni Lj, nako!
"Make him fall for you," bulong nito saka iniwan akong mag-isa.
Make him fall for me?
How will I do that?!
Hinabol ko si Dane saka hinila braso nito. Tumawa pa ito nang nakakaloko, "Girl, kinilig na ako!"
Bakla talaga.
"Paano?" Bulong ko.
"Alam mo, ang weakshit mo. Edi landiin mo, pero huwag 'yong desperada ha! Lowkey landi lang."
Hala jusko! Bad influence ata 'to si LJ ah! Binatukan ko siya dahil hindi na niya alam pinagsasabi niya.
"Malandi, idamay mo pa ako!" Natatawa kong wika.
"Lahat tayo may tinatagong landi, gaga ka. Bahala ka diyan, trabaho na ako."
Wala na akong choice kundi hayaan na lang siya bumalik sa desk niya. Gaga talaga, gumigewang pa maglakad. Bumalik ulit ako sa CR para tignan ang sarili ko. Nang makita kong ayos naman ay nagpunta na ako sa office ni Dane. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago binuksan at pumasok. Nakita ko siyang nag-angat ng tingin saka ibinalik ang atensyon sa sinusulat niya.
Ngumiti ako saka pumunta sa kaniya, "Hi boss Dane! Coffee or me?" Asar ko.
"Wala ka pong meeting ngayong araw! So—"
"I know," pilosopo nitong sagot.
Aba, bastos!
"By the way.." he cleared his throat and looked at me, "About what happened yesterday—"
"Ay okay lang po 'yon sir!" Kaagad kong sabi. Ayaw ko na marinig. Kahit ako naa-awkwardan na. Alam kong pati rin siya, kaya as much as possible, ayaw ko nang ibring-up pa. Taray!
"Okay." He looked away.
"Just give me a coffee."
"Alright!" Masigla kong wika saka tinalikoran siya.
Nang nakalabas ako ay sakto rin namang dumaan si LJ. Napataas ang kilay nito saka sinilip si Dane sa loob ng office nito.
"Ano? Sinimulan mo na?" Halikhik nito.
"Wala akong plano," wika ko saka lalampasan na sana siya, pero pinigilan niya ako kaya napahinto ako.
"Gaga, bakit hindi? Try lang. Malay mo mahulog din sa'yo! Go sissy! For the sake of nota—aray!"
Binatukan ko siya saka tinulak palayo sa office ni Dane. "Ewan ko sa'yo, hindi ko gagawin 'yan!" Tanging sabi ko na lang saka iniwan siya at naglakad tungo starbucks.
Kagat labi akong pumasok sa office ni Dane habang dala-dala ang coffee nito. Syempre, hindi ko mapigilan mga ngiti ko dahil may ginawa akong kalokohan.
"Here's your coffee sir!" Nakangiti kong inilapag ang kape sa desk nito kaya napatigil siya sa pagtipa sa kaniyang laptop.
Kumunot noo nito nang may nakitang note na nasa baso.
Isa lang 'yong kapeng gusto ko.
Ang makapeling ka. Ahe!
Hindi niya ito pinansin saka ininom lang ang kape. Grabe, hindi na appreciate. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa kaya nagtudo pakitang gilas ako.
"Boss, alam mo ba may hidden talent ako?" Pangungulit ko saka napatingin ito sa akin. Umupo ako sa harap nito saka kinuha ang laptop sa harap niya.
"Gusto mo makita?" Nakangiti kong tanong.
"What?" Iritado nitong sabi pero halata sa mukha na interasado ito.
"Pikit ka muna."
Tumawa ako nang makitang sinunod niya ito. May paki talaga sa akin si Dane, sus. Pakipot lang talaga siya.
"Nakikita mo? Wala pa diba?" Tanong ko saka natawa ulit nang tumango ito, "Hmm.."
"Wala ka talagang makikita kasi hidden nga. Naka hide pa," tumawa ako nang napakalakas kaya napamulat ito. Mas lalo akong natawa nang sinamaan ako nito ng tingin, "It's a prank! Uto-uto!" Sigaw ko. Napahawak pa ako sa tyan ko dahil sa mukha niyang inis inis.
"Happy? It's not even funny," he sarcastically said.
Pinahiran ko luha ko dahil sa kakatawa, "Funny kaya! Minsan ko lang pinapakita humors ko ano!"
Napailing na lang ito saka pinipigilan ngumiti.
"Waah! Ngingiti na 'yan! Huwag mong pigilan!" Sabay hampas ko sa braso nito.
"I'm not smiling, you corny baby." Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang nabanggit niya ang baby.
"Baby amp, enebe. Nambebegle."
Buong mag-hapon wala akong ginawa kundi inisin lang nang inisin si Dane. Babanatan dito, babanatan noon. Kahit alam kong para akong tanga kakadaldal dahil focus na focus ito sa trabaho. Isa pa sa hyper ako ngayon dahil wala siyang may pinapagawa sa akin, which I really love. Kasalukuyan lang ako nakaupo ngayon sa sofa dahil napagod ako kakasaway sa t****k. Sa i********: ko lang nakita 'to at nagdownload kaagad ako. Masaya rin pala magtiktok, nakakatanggal stress at boredom.
Tumayo ako nang pumasok si Keisha. Tila hindi niya ako napansin dahil diretso lang itong pumunta kay Dane sa swiveling chair nito.
"Surprise!" Sigaw nito nang umangat na tingin ni Dane. Hindi ko alam pero bigla akong nasaktan nang ngumiti si Dane sa kaniya. Kanina pa nga ako bumabanat, pero hindi ko siya napangiti. Ngayon na kakarating lang ni Keisha ay bumago ang modo nito.
"Oh, hi. I thought—"
"No, love! I'm so sorry sa nangyari. Sorry love, pero hindi ko talaga kilala si Anton. Promise love, swear! Stalker 'yon, love," arte nitong sabi. "Tuloy na bukas ha? Gusto ka kausapin nila mommy. May bagong offer sila sa business mo, hehe! Para sa atin sa future love," dagdag pa nito.
Pero wait, Anton? Familiar.
Heto 'yong binanggit ng mama niya diba? Na hindi niya na gugulohin pa ni sila Anton 'pag napabagsak daddy ni Dane? Baka ito rin 'yong business na narinig ko para mapabagsak sila? May plano talaga sila!
Biglang uminot ulo ko. Tinignan ko nang masama si Keisha habang kumakapit sa braso ni Dane at ito namang si Dane ay nagpapa-uto rin. Napaiwas ako nang tingin nang napatingin si Dane sa akin. Yumoko na lang ako sa lumabas na walang paalaman.
Naghintay lang ako nang ilang minuto sa desk ni LJ at lumabas na si Keisha. Parang model ito makarampa. Hindi niya talaga siguro ako nakita dahil kung nakita niya man ay susunggaban naman ako nito.
Kaagad naman ako pumasok sa office ni Dane na kakababa lang ng phone. Tinignan niya ako saka iniwas din ang tingin.
"I want you to make a request form for my bank account tomorrow. I need 30 million." Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya.
"Hala! Bakit gano'n kalaki?!" Nilapitan ko siya habang nililigpit niya ang kaniyang mga gamit.
"This is for my business with Keisha's Family and you're out of it. Just follow what I said."
Kumunot noo ko. Hindi pwede!
"Sir, I'm really sorry for not telling you this but I think you really deserve to know this." Napabuntong hininga ako.
Huminto siya sa pagliligpit saka napatingin sa akin nang nakakunot noo, "What?"
"Ahm, I think Keisha has err— ahm.. Keisha and her family has an evil plan." Mas lalong kumunot noo nito.
"Promise! Sir, naalala niyo 'yong ako 'yong pinaharap niyo sa family niya? Sir, narinig ko usapan nila. May plano sila pabagsakin ang daddy mo. Promise! Maniwala ka." Nagtaas pa talaga ako ng kamay para lamang malaman niya kung gaano ako ka seryoso.
Natawa ito nang mahina saka umiling, "Desperate to drag Keisha down?"
Bigla akong nagalit sa narinig ko. "Hindi! Sa totoo nga, 'yang Anton na sinasabi niya ay kilalang-kilala niya! Check mo kasi dahil baka 'yan ang rason kung bakit hindi ka makabalik sa kaniya!" Inis kong sabi.
Ako desperada? Tangina niya pala eh! Siya na nga 'tong tinutulungan!
Napapikit ako ng mata nang hinampas niya ang bag nito sa table niya. Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. Pulang-pula ito, at bakas ang galit sa mga mata.
"Don't. Ever. Enter. Our. Relationship. Wala kang alam at mas lalong wala akong pakialam sa sinasabi mo! Keep this in your mind, you can't drag Keisha down to me because you're just a secretary, nothing more. Nothing less," madiin nitong bitaw saka nilagpasan ako.
Napatalon naman ako nang ibinagsak niya rin nang malakas ang pinto sa kadahilanang nakagawa ito nang malakas na ingay.
Napatingin ako sa kamay ko nang may naramdaman akong basa.
Keep this in your mind, you can't drag Keisha down to me because you're just a secretary, nothing more. Nothing less.
you're just a secretary.
Napatawa ako ng peke. Oo nga naman, bakit ko pa sila pinapakialaman?