Chapter 14

2107 Words
Okay pa ba ako? Bakit simula kahapon hindi na mawala si Dane sa isip ko? Okay pa ba ako? O kailangan ko na ng pagmamahal niya? Waaaahh! Corny! Napailing na lang ako saka tinapos mga sinulat ko na sched ni Dane. Para akong baliw ngingiti 'pag naalala ko ang sweet moments namin. Parang timang lang! Wala ngayon si Dane kaya imbis sa table ko tinatapos mga gawain ay sa office niya ako gumagawa. Feel ko lang. Kasama ngayon ni Dane ex-girlfriend niya, ayon niloloko na naman siya, tapos nagpapaloko rin. Char. Hahaha! Nakita ko kasi sa socmed ni Dane ni-story niya na nasa Japan sila, edi sana all. Syempre dakilang stalker ako kaya nistalk ko rin IG ni ateng girl, jusko, every minute may update, may bagong bag pinopost. keishamarquez_ he said he will court me again so i said i want these, and i got this!! ahh so lucky!! katelynxx: omaygash girl, u getting back? keishamarquez_ duh? he's courting me again bitch Wow, pa hard to get? Kawawa naman si Dane, inaabuso niya lang. Pasalamat talaga siya mahal siya ni Dane. Hay, sana all. Wala na akong kailangan pa gawin kaya umuwi na ako sa condo. Sinayang ko lang oras ko kakalaro ng ML kasi namiss ko. Dumaan lang ang friday at saturday na parang iglap. Ginawa ko lang sa loob ng dalawang araw ay maglinis, manuod, punta sa office para sa trabaho, uwi saka matulog. Kailan kaya uuwi si Dane? Sunday na ngayon. Miss ko na siya, char. May mahal na 'yon, at hindi ako 'yon. Kinuha ko naman cellphone ko saka binuksan socmed ko. Napangiti na lang ako nang makitang madami na naman dumagdag na followers ko. Gandang-ganda sa akin? Ako lang 'to! Tatlo pa lang nipost ko kasi medyo mahiyain ako sa social medyo, sa totoong buhay ay medyo lang. Last post ko 'yong nasa bahay ampunan kami pero puro mga bata lang naman. Napangiti na lang ako nang makitang nasa background nila si Dane. Ni-zoom in ko at nagtili na parang baliw. Grabe! Ang gwapo! Inexit ko na saka ni stalk ulit si Dane. Wala siyang new post pero may story siya. danelim_ Napairap na lang ako nang makita ang mukha ni Keisha. Edi sana all ulit. Inixit ko na saka nagselfie ako. Inayos ko buhok ko saka pumunta sa terrace ng condo, hapon ngayon at saktong may araw. Naka-sleeveless gray lang ako at nakalugay ang buhok. Naglagay na rin ako ng liptint para hindi maputla. Tumutok na ako sa araw at ngumiti, may pa fierce at may pa cute. Mas lalo naging maganda kuha ko dahil medyo curl 'yong hair ko ngayon dahil sa kakatali. Mahaba na pala buhok ko, nasa ilalim na ng boob ko ang haba. Pinili ko lang ang sa tingin ko na pinakamaganda at pinost sa IG ko, keishaM. nilaplap ng araw. HasHtag AnoRaw Hashtag BastaSunkissed Ilang segundo pa lang nang napost ko nakita ko kaagad comment ni LJ. eljhayrdx alam mo sis, angganda mo pero ba't ganyan caption mo, parang kinulang ka sa aruga Natawa naman ako kaya kaagad ako nagreply. keishaM. kinulang sa pagmamahal niya, char! Nanlaki mga mata ko nang na-heart ni Dane ang post ko. Napatalon ako sa sobrang saya, did he just notice me?! Kumurap pa ako saka kinusot mga mata ko. Ngunit nawala mga ngiti ko sa labi nang nawala na pangalan niya sa mga nagreact. Kainis naman! Bakit niremove? Agad ko chinat si LJ tungkol sa nangyari. @eljhayrdx: bakani-stalk ka sissy tapos aksidenting na click 'yong heart button? O baka nagandahan talaga sa'yo tapos mapride lang kaya kinuha niya! hahahaha taray mo girl Mabilis ang takbo ng oras at gumabi na. Nag-jagger lang ako tapos hood since sabi naman ni Drake ay pwede naman ako makapambahay lang. Ang lapit lang kaya ng pagitan namin, same floor lang oh. Limang pinto lang ang layo. As usual, tinali ko lang buhok ko. Huminga muna ako ng malalim nang nasa harap na ako ng pinto nito. Kakatatok pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya kuno't noo ko 'tong sinagot nang makita kung sino ang caller. [Hey-sh-- haha, hello? Keish--] "Dane." Bumuntong hininga ako. Bakit naglalasing naman 'to? [W-walang kwenta. Haha, tangina--] "Asan ka?" Hindi ko alam pero ako 'yong nasasaktan sa kaniya. Bakit pa kasi pilit sa taong ayaw na, hay pag-ibig talaga. In-off ko na nang sinabi niya kung saan siya. Bago ako umalis nagtext muna ako kay Drake. To Drake: Hey, good evening.. I'm so sorry for not meeting you tonight. May emergency lang. Hope you understand. Sorry talaga. Tumakbo na ako papunta sa elevator saka sumakay ng taxi kaagad. Madali lang ang byahe kaya tumungo ako kaagad sa bar kung nasaan si Dane, hindi na ako hinarang ng mga bouncer dahil sa tingin ko ay nakilala na ako. Mas lalo pa nga nila akong tinulongan saka tinuro kung nasaan naka pwesto si Dane. Tulad pa rin ng dati, nasa gilid, lugmok, at walang pakialam sa mundo. He looks so messy, broken, and so lost. Ramdam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Nilapitan ko siya saka aakmang kunin sana ang bote ng alak sa kamay niya ngunit nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Nisubsob niya ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang hininga nito. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking mga kamay at niyakap din siya pabalik. I stroked his hair and carresed his back. He is crying. "Sshh, I'm he--" I didn't finish my sentence anymore because he grabbed my waist, pulled me to him and brushed his lips to mine. I feel his soft lips engulfing my whole lips. He entered his tongue to make my lips parted even more, and he didn't fail, I opened my mouth to welcome his. "I-- I love you," he said between our kisses. I stopped and pushed him away. This is aint right. Maybe he just thought I am his girlfriend. Wala naman siyang sinabi kaya nanatili lang ako sa tabi nito hanggang sa natulog ito at inuwi ko na siya. Kinaumagahan ay mas maaga akong nagising kay Dane saka nagpaalam ako kay manang Rosie, ang kasambahay nila, na umuwi na kasi wala naman akong damit pangpalit. I was about to exit their main door but Mr. Lim came downstairs and approached me. He's just wearing his white shirt and a pajama. Halatang kakagising lang. Napatingin naman ako sa gilid ng salamin, mugto pa mga mata ko dahil hindi ako natulog kagabi sa kakaisip sa halik namin. "Magandang umaga po," kaagad kong bati nang papalapit na siya sa akin. "Good morning, too. This is your second time sleeping in our house without him knowing, I guess." Ngumingiti pa ito. "Thank you for taking care of my son. You know, he's broken." He chuckled. "Uuwi ka na? Why don't you join our breakfast?" Ngumiti na lang ako saka tumango, "Oo nga po 'e. Nataamaan ng pag-ibig. Saka huwag na po, nakakahiya po. Sobra-sobra naman po 'yon at hindi naman po alam ni Dane, saka na lang po muna 'pag alam na niya. Nakakahiya talaga 'e." Tumawa ito dahil sa pagdadaldal ko. Kasalanan ko bang hindi magtigil bibig ko sa kakadaldal? Sakit ko na 'to at ito 'yong tinatawag na daldalism. Tamang daldal lang kahit paulit-ulit na 'yong sinasabi, daldal rin. Haixx "Well, you have a point. Mas mabuti nga kung si Dane mismo magdadala sa'yo dito at ipakilala," he smirked. Nanlaki naman mga mata ko saka hinampas siya at tumawa, "Grabe naman po kayo! Excited din ako." Saka humalakhak ako. Biglang naging seryoso mukha niya saka napatingin sa braso nito, do'n ko lang na realize na hinampas ko talaga siya na parang close kami, "Hala sorry po! I mean, waah, hindi ko po sinasadya--" Tumawa ito kaya natigil ako sa pagpanic. "It's okay ija, your father is actually right. You are adorable." Ngumiti ito kaya medyo yumuko ako saka umaktong may luha sa mata at pinahiran ito, "Nakakatouch," sabi ko kaya tumawa ulit siya. "Oh siya, nice meeting you. I'm gonna call our driver to drive you home, ingat." Kumaway na lang ako saka sumakay na sa sasakyan. Ang bait talaga ng daddy ni Dane, totoo nga sabi nila inay, sobrang bait nito. Nakauwi na ako kaya kaagad ko rin binilisan mag ayos, alas otso kasi ay may trabaho na ako. Pumasok ako sa office ni Dane saka naabutan siyang nagtitipa sa kaniyang laptop. He's wearing casual gray polo paired with black slocks and black shoes. Mas lalo pa itong pumogi dahil sa mamahalin niyang relo saka sympre 'yong maayos na buhok. Sobrang linis talaga. "What's my schedule for today?" He asked without looking at me. Did he remember what happened last night? Kaagad ko naman tinignan ang naitali ko kahapon, "Ahm, you have two meetings for today sir. The first one is with Furtura company at exactly lunch time, 12 PM. The second one is about your staff at 4 PM, the rest is wala na po. But there are some calls that will be coming around 5 PM from Lim's Condo, basically, you have something to discuss in phone call." Tumango naman ito saka tiniklop ang laptop. Tinignan niya ako nang ilang minuto kaya na conscious na naman ulit ako sa sarili ko. Jusko, okay naman suot ko ah. Naka white casual sleeveless na medyo kita ang cleavage paired with black coat and naka tuck-in ang black pencil skirt ko. Last time I checked, I looked hot. So why is he staring me like he has never seen this so gorgeous ever in his life? Char. I guess he didn't remember at all. "You are not allowed to wear that here," and he looked away. Kumunot noo ko sa sinabi niya. As far as I know this is the most formal attire as secretary! "Bakit? Hindi naman sobrang hubad ha, konti lang." Seryosong tinignan ako nito. "That's it. What if they'll going to harrass you? Look, I'm just protecting my employee." Napataas kilay ko, "Hmm.." ngi-ngiti kong sabi. Gusto ko siyang asarin ngayon dahil hindi niya ako pinatulog kagabi! "Protect but why am I seeing lots of workers here wearing the same outfit of mine? Looks like you are just protecting ME," walang hiya kong sabi saka kinagat bibig ko para lamang pigilan ang ngiti ko. Bakit? Kung ikaw din naman gaganiton ng taong gusto mo kikiligin ka rin naman diba? Oo na, takte! Nahuhulog na ako. Oh, 'e ano naman? Hindi naman masama 'yon! Ang masama lang mukhang malabo magustohan ako pabalik. Awit. "You can now get out, your job here is already done. I don't need you anymore," saka binuksan ulit ang laptop at nagtipa. Nakangiti akong umalis sa office niya. Kainis naman, ako 'yong nag-aasar tapos ako rin mahuhulog. Pumunta ako sa desk ni LJ para ichika ang nangyari pero naalala ko wala pala siya ngayon dahil umuwi ng probinsya. Sinayang ko na lang oras ko sa paglalaro ng ML. Dumaan si Dane sa akin pero hindi niya ako pinansin o tinawag man lang kaya hindi na rin ako nag abala pang sundan siya. Nakakapagod din kaya. Mabilis ang oras at natapos ko na rin trabaho na pinagawa sa akin ni Dane sa kaniyang office habang nasa meeting ito. Nagfi-fill out form lang ako at chine-check mga balances. Medyo mahirap lang dahil kapagod mag-type kaya naabotan ako ng 8PM tapos wala pa rin si Dane. Nang natapos na ako nag-stretch na ako ng katawan at ininom ang kapeng binili ko kanina. Saktong pagpatay ko ng laptop ay biglang nagbrown-out kaya napasigaw ako. "Ang cellphone ko, huhu." Sabay kapa sa mesa. Sobrang dilim. Hindi ako natatakot sa dilim, natatakot ako sa mga bagay na hindi ko makikita dahil madilim! Magkaiba 'yon! Mas lalong kumabog nang napakalas ang dibdib ko nang may naramdaman akong gumalaw sa likuran ko. Heto 'yong problema sa akin 'e, 'pag madilim, nakakaisip ako ng kahit ako. "Bakit nagblack out!" Sigaw ko habang kumakapkap pa rin sa desk. Nandito lang 'yong cellphone ko 'e. Nanlumo ako nang nakapa ko na nga, nahulog naman. Napasigaw ako sa takot nang biglang bumukas ang pinto saka humangin ng malakas kasabay ng kulog at kidlat. Napaupo na lang ako sa gilid saka napaiyak. Dane, naasaan kana? Napatingin ako sa dahil sa ilaw ng flashlight paparating sa akin. Pumasok ito sa loob saka ko napagtanto kung sino ang may hawak nang marinig ko boses nito. "Keisha!" "Dane!" Sigaw ko saka tumakbo sa kaniya saka niyakap. Sa sobrang yakap ko ay na out of balanced ito kaya napahiga kami sa sahig. The next thing I knew, I am at the top of him and our lips just met. Ahhh! We just kissed again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD