The Charity.
Alas sais pa lang ng umaga nakasakay na kami sa sasakyan. Mahaba-haba raw ang byahe kaya kailangan maaga kaming luluwas. Dumaan na ang dalawang oras at pagod na ang puwet ko kakaupo.
"Did you eat your breakfast?"
Gulat akong napatingin kay Dane na nakatingin lang sa daan. Dalawa lang kami sa sasakyan at nakasunod naman ang mga tinawagan ko kagabe. Grabe sobrang dami ng idodonate na pagkain at gamit nito, tignan niyo mamaya.
"Wala, ba't mo tinatanong? Concern ka?" Nakangiti kong sabi. Kasi naman, nambibigla! Kinilig tuloy ako. ahe.
Napailing na lang ito saka itinuro ang bag niya sa likod.
"Get my box of sandwiches there and eat it."
Napangiti ako nang patago saka kinuha ang bag nito sa likuran. Binuksan ko saka may nakita akong dalawang box. Pareho lang kulay at pareho ring laman since naka transparent ang tupperware. Pinaghandaan niya talaga ako?
"Dalawang box 'to, alin kukunin ko?" Pagsisigurado ko.
Tinaponan niya lang ito ng tingin saka nagsalita muli. "It's up to you, just leave the one box alone because that's mine."
Pagkasabi niya 'yon ay ganoon rin ang pagtunog ng tiyan nito, halatang hindi nakakain din. Kinuha ko ang dalawang box saka binalik ang bag sa likuran. Pinatong ko ang tupperware sa binti ko dahil naka pants naman ako. Binuksan ko ang isa at napansin na may tatlong sandwich na laman, kinuha ang isang sandwich at binigay kay Dane. Tumingin ito sa akin na nakakunot noo.
"It's fine—"
"It's okay, ako na lang susubo," pagpupumilit ko.
He just heaved a big sigh and opened his mouth. Kumagat ito at ngumuya. Nilagay ko rin balik ang sandwich sa lalagyanan nito saka kinuha ko akin at binuksan. Nanlaki mga mata ko nang natikman ko ang sandwich. Hala! Sobrang sarap!
Binuka ko pa ang dalawang pan at tinignan kung ano ang palaman, it's a bacon with egg, mayonnaise and something na may red and orange liquid pa na nakatimple, I don't know what's this but mas nagpapasarap pa ito sa sandwich.
"Ang sarap sir!" Para akong batang ngumunguya. Nakalimutan ko na rin subuan si Dane kaya kinuha ko kaagad parte nito at pinakagat sa kaniya.
"Ang sarap talaga!" Nakapikit ko pang sabi saka natawa ito.
Tinignan ko siya at ngayon ko lang napansin na may dimple pala ito sa right cheek niya. First time niya kasi natawa sa akin.
Bakit ganon? Sobrang sarap sa feeling. Parang isang achievement unlocked ang nangyari.
"Do you like it?" He asked, still smiling.
Tumango ako at ngumiti nang napakalapad, "Opo! Sobra!" Parang bata kong sagot. Naubos na kaagad ang isa at kinuha ko naman ang pangalawa saka kinain, "Ikaw naghanda nito?" Dagdag ko pa.
Tumango ito. "Yeah, I thought you wouldn't like it, well it's okay because Keisha doesn't like it, too."
Kumunot noo ko, "Anong hindi gusto?! Sobrang gusto nga! First time may naghanda sa akin ng ganito! Ahh! Sobrang na appreciate ko! Thank you for this!"
Ngumiti lang ito sa akin. Kaagad ko naman kinuha ang parte nito saka sinubuan siya. Nakadalawang sandwich na ako pero siya nakatatlong kagat pa lang.
"Thanks," matipid nitong sabi pero ramdam ko ang sinseridad.
Inubos na namin ang pagkain saka nag stop over kami sa gilid ng highway nang may nadaan kaming nagtitinda ng tubig. Hindi ko na sinubo sa kaniya ang tubig 'no since hindi naman siya nagdadrive.
"Ang sweet niyong tignan sir!" Sambit ni manang na nagtitinda ng tubig.
Halos mabilaukan ako sa narinig ko, napailing ako saka hinarap si manang.
"Nako! Saan ang sweet dito? Manang kung alam mo lang na ngayon lang ito naging mabait!" Hirit ko pa pero natawa lang si Dane.
Napapadalas ngiti ni Dane ngayon ah? Mas gumwapo talaga siya 'pag ngumingiti.
Dumating na kami sa bahay ampunan at kaagad naman kami sinalubong ng mga sister. Nagmano ako at gano'n din si Dane. 'Yong mga tinawagan ko kagabe ay hindi pa nakarating. Alas dyes na ng umaga pero mukhang alas sais pa lang dahil sa tahimik na atmosphere nito.
"Sa wakas napapayag mo rin ang girlfriend mo pumunta dito!" Nakangiting sabi ni sister Melli sa akin pagkatapos ko magmano.
Kilala ko dahil may nametag ito sa kaniyang damit.
Nilingon ko naman likod ko saka hinanap si Keisha, 'yong girlfriend ni Dane. Pero sa pagkakaalam ko, kaming dalawa lang ang pumunta dito.
"Ikaw," dagdag nito.
Itinuro ko sarili ko, "A-ako po?" Nauutal ko pang tanong.
"Hindi ko po siya girlfriend sister, Secretary ko po siya," magaling na sagot ni Dane habang ngumingiti.
Hala siya! Dalawang beses na 'to!
"Ay, akala ko 'e."
Hinampas ko si sister saka tumawa, "Sister naman, mapagbiro! Nasaan na pala mga bata?" Pag-iiba ko kaagad ng usapan. Ang awkward kaya. Feel na feel ko pa naman pagtinatawag akong girlfriend. Char!
"Ay oo nga pala, nasa likod, naglalaro. Kakatapos lang ng umagahan. Tara, excited na 'yon makita ka sir Dane!" Pagbaling niya kay Dane.
Medyo may katandaan na si sister Melli habang ang isa namang sister ay medyo bata pa pero tahimik lang na ngumingiti sa amin. Nang tuloyan na kami pumasok sa ampunan ay sinalubong pa kami ng tatlo pang madre. May mga bata na nagtatakbuhan, mayroon din na nauupo lang sa sofa habang nanunuod ng TV. Parang malaking lobby lang ang ampunan, pero sa gilid nito ay may malaking hagdan patungo sa mga kwarto siguro ng mga bata. Dumiretso lang kami hanggang sa nakalabas kami sa likod, mas malawak ang espasyo at puno ng damohan. Madaming batang naglalaro ng kahit ano.
May nakapansin sa amin na isa kaya kaagad din itong tumakbo kahit pa ika-ika 'to dahil mukhang may bali ang isang paa. Lumuhod si Dane para yakapin siya.
"Caloy!" Nakangiting sigaw ni Dane saka binuhat.
"Kuya, bumalik ka!" Masayang bati nito.
"Nandito na si Kuya Dane!" Sigaw niya kaya napaharap ang lahat ng bata saka nagsitakbohan sa amin.
"Hi!" Masayang bati ko sa kanila pero nilagpasan lang ako at kumalabit sa paa ni Dane.
Attitude!
Naninipa ako ng mga bata, baka gusto nila sampolan ko? Hmp.
"Hayaan mo na sila, halos limang buwan din kasi hindi nakabisita si Dane," saad ng isang madre. Tinignan ko ang nametag nito, si sister Madeline pala ito.
Sasagot pa sana ako kaso may kumalabit sa akin kaya napaluhod ako. "Hi ate crush!" Sigaw niya kaya nakuha niya kaagad atensyon ni Dane.
Gulat din ako pero ngingitian ko lang siya, "Bakit mo ako crush?"
"Tsk, pedo."
Kinurot ko paa ni Dane dahil nainis ako. Mukha bang papatolan ko 'to?
Sus, selos ka lang Dane e.
Charot.
Kinuha ko phone ko saka pinicturan sila. Nipost ko kaagad sa ig ko.
And I captioned them, 'angels.'
"Ang ganda mo po!" Sabi niya kaya napatingin ako. Nilagay ko sa bulsa phone ko tapos hinarap sila.
"Weh? Mambobola ka 'pag lumaki ka," sagot ko.
Kumunot noo nito, "Ano po 'yan?" Inosenting tanong niya.
"Marami kang babaeng mabibingwit!" Natatawa kong sagot.
"Ha? Basta maganda ka po!"
"Opo ate ganda! Ikaw na ba 'yong Girlfriend ni kuya Dane?" Sabat naman ng isang babae.
Ngayon, nagsitinginan naman lahat ng bata sa akin, pati na rin ang buhat buhat ni Dane.
"Siya ba 'yong girlfriend mo kuya?! Sumama na siya?!" Excited na sigaw ni Caloy.
Bakit ba gulat sila na sumama girlfriend ni Dane? Hindi ba niya sinasamahan si Dane? Pansin ko kahit ang simpleng sandwich ni Dane hindi niya rin na-appreciate. Impakta talaga ng babaeng 'yon.
Eh ba't ako nainis sa kaniya? Hmp.
Tumawa lang si Dane saka nilapag siya.
"Kayong mga bata mga chismoso at chimosa! Hali na kayo at dumating na mga pasalubong ni Dane," tumingin lahat sila kay Sister Madeline saka sinundan sa loob.
"Pasensya kana, ang kukulit nila," biglang sabi ni Dane nang nakaalis na ang lahat.
"After pala buksan 'yong mga pasalubong may gaganapin na mga games or activities. Ganito palagi 'pag nandito ako. I'm playing with them, how about you?" Napatingin ito sa akin.
"Oo naman! Ano bang mga laro?"
"Street games?" Hindi sure na sabi nito habang nakakunot noo pa. Napatawa ako sa reaksyon niya.
Anong street games?
At naglaro na nga kami pagkatapos kumain ng tanghalian, 'yong street games pala na sinasabi niya 'yong mga tumbanv preso, tubig-tubigan, finish, tago-tagoan, saka Dr. Quack-quack. Ansaya nang nilaro namin 'to, not minding the sweats. Basang-basa si Dane sa pawis at tudo bigay naman ako nang towel, nang nakita ko na medyo nahihirapan siya magpunas sa likod ay kinuha ko ito saka pinunasan.
"Ayiee love birds!!!" Asar ng mga bata saka tudo ngiti.
"Sana all!" Hirit ng isa pa.
Tumaas ang kilay ko saka nilagay ang towel at hinabol ang bata, "Saan mo natutunan ang sana all?" Sabay kiliti ko sa kaniya. Tawa lang ito nang tawa saka humingi ng tulong.
Ang nangyari ay lahat ng bata dinumog ako kakakiliti, hindi na ako makahingakakapigil sa kanila pero masyado silang malakas kaya humingi ako ng tulong kay Dane na tawang-tawa sa ginagawa nila.
Nanlaki mga mata ko nang binuhat ako ni Dane na parang pangkasal!
'Yong puso ko!
"Enough kids, she's tired na," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat pa rin ako.
I could even hear my heartbeats dahil sa lakas ng pintig nito. He's at his messy hair and genuine smile, kaya mas lalo akong nahulog sa kagwapohan nito.
Napapikit na lang ako nang nagsimula na siyang maglakad saka pinaupo ako.
Dane, 'wag ganyan!
Inabot niya sa akin ang isang bottle ng tubig saka ngumiti, "How are you?" He asked.
"Heto, hulog na hulog na sa'yo," walang kamuang sabi ko.
Kumunot noo nito kaya hinampas ko siya saka tumawa nang napakalakas, "Joke! Okay lang, medyo hinihingal, ang kukulit!" Pagbawi ko.
Uminom ito ng tubig saka ngumiti rin, "Pero mas makulit ka 'e. Maingay pa," reklamo nito.
Hinampas ko siya ulit dahil hindi naman! Sasagot pa sana ako kaso biglang lumapit si sister Melli sa amin.
"Tama na 'yang lambingan, tara na at mag meryenda kayo, maggagabi na at kailangan niyo na lumuwas kaagad." saka iniwan kami.
Tumayo na kami ni Dane pero na out-balanced kaya napakapit ako kay Dane. Ewan ko pero biglang nag slowmo ata ang paligid at ramdam ko na lang na kumapit siya sa bewang ko habang ang dalawang kamay ko naman ay nakakapit sa chest nito.
Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko nang maamoy ko na ang hininga nito dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.
Bakas sa mga mata niya ang pag-alala, "Are you okay?"
Tila parang musikang nakaka-adik ang boses nito.
Am I falling?
Nahimasmasan ako nang itinayo niya ako. "Hey."
"I-I'm okay, thank you."
Keisha ano ba! Baka nakalimutan mo na boss mo siya at nasa trabaho ka pa rin?
Lintek na puso 'to!
Kumain na kami ng meryende habang nag-uusap. Napag-alaman ko na 3 years na palang bumibisita si Dane dito simula nang nabangga niya si Caloy. Napadaan lang daw si Dane dito pero ayon ang nangyari, nabangga niya ang bata. Siya gumastos lahat-lahat sa paghohospital at mga pagkain dito. Kaya pala pa-ika-ika si Caloy kanina maglakad. Pero sabi ni Sister Melli, okay na raw si Caloy, may tungkod pa nga raw 'yan una pero nagiging okay na kaya kinuha. Baka raw sa ilang taon, makakalakad na siya na parang normal. Napapalapit na rin si Dane sa mga bata, at nalulungkot din daw 'pag walang may umaampon sa iba.
"Hapon na, let's go?" Kalabit ni Dane sa akin saka inilapag ang batang babae kanina na nagsabi ng sana all. Tinignan ko siya na ngumingiti tapos parang binibigyan niya pa ako ng "o" look. Bwesit na bata 'to, anim na taong gulang pa lang pero kung kiligin parang tropa ko lang.
Tumakbo ito pero hindi pa nakalayo sumigaw ulit ng sana all!
Napatingin ako kay Dane na tawang-tawa rin.
"Suotin mo lagi 'yan." Napalingon sa akin 'to. Tinignan niya naman damit niya.
"Alin? This? I'm wearing this for second tim—"
"No, 'yong ngiti mo. Bagay sa'yo 'yong nakangiti palagi," tumango naman ito kaagad.
"Why? Are you falling with my smile?"
Yeah.
Pwede ba 'yon?
Napailing ako. "Amfeeling mo!" Deny ko saka tinignan ang relo ko. Alas singko na pala.
Nagpaalam na kami sa lahat pati na rin sa mga sister. Lubos naman nila kaming pinasalamatan sa pagbisita, sabi pa ni Dane ay mauuulit din daw ito na kasama ako.
Chill heart!
"Okay na lahat ng dala mo? Wala kang naiwan?" Napangiti ako sa sagot nito.
"Makatanong! Friends na ba tayo? Ayiee! Hindi na siya naiirita sa akin!" Sabay pisil ko sa tagilid nito saka natawa naman siya.
"Stop, Keisha. Okay fine, we're now friends. But don't expect too much. I can still be mean."
Parang bakla! Napairap ako. "Oo na! Tara na!"
Bago pa kami sumakay ay binayaran muna ni Dane lahat-lahat nang nagdala ng pagkain saka mga laruan sa mga bata.
At finally, bumyahe na kami pauwi.
Nakangiti akong nakauwi sa condo saka humiga sa kama.
Bago pa ako nakatulog ay binuksan ko muna ig ko dahil may nipost ako kanina. Napangiti naman ako sa nakita ko.
@danelim_ follows you.