Chapter 4

2411 Words
Tahimik lang ako nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine nang narinig ko boses nito. "Hey." Hindi ako lumingon at nagbasa pa rin kahit hindi naman talaga. Na-offend ako do'n ah? Buti na lang hindi nakita ni Dane luha ko dahil kaagad ko naman 'yon pinahiran. Tumatawag pa rin ito pero hindi ko nilingon. Bahala siya diyan, suyoin niya dapat ako. Papausohin ko 'yong boss na sinusuyo ng secretary nito pagnagtatampo! Char. Pero ansakit talaga no'n. "Keisha Mendez." Napalingon ako. "Are you okay? I'm so sorry for what Keisha said awhile ago." Bigla kumunot noo ko. Bakit siya nagso-sorry? Hindi niya naman kasalananan. Dapat si another Kiesha magso-sorry kasi sa kaniya naman ako nanggigil nang very slight. "Are you mad?" Napatingin ako sa ballpen na tumama sa paa ko. He chuckled as if he was just playing around. Obviously, he wants my attention. Wow, taray ko ah. Napatayo ako. "No," sabat ko. Ayan na attention, english pa! "Then why are you silent? Silence means yes, you are mad." I raised a brow. So kung pipiliin ko lang tumahimik, agree na pala ako no'n? "You know, my silence doesn't mean I am mad. It's just that I was hurt." Ano ngayon? Englisher talaga ako 'pag galit. Kita sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya inexpect na sasagotin ko siya nang ganyan, o baka hindi siya naka-intindi sa english ko? O, baka mali lang grammar ko? Nag-walk out ako pero hindi pa ako nakalayo ay bumalik ako kaagad. "Just a reminder that you have to go now sir. Hinihintay ka na nila," pormal kong wika saka iniwan siya ulit at nag CR. Wala naman akong may mapuntahan, babalik naman ako ulit para samahan siya sa meeting. Nauna nang pumasok si Dane sa loob at iniwan akong mag-isa rito sa labas. Hay, sobrang gigil na gigil na ako sa kaniya at gustong-gusto ko na siyang murahin kaso lang nagtitimpi ako. Baka mawalan ng trabaho kaya napagdesisyonan ko na lang ay tumahimik at mag focus na lang sa trabaho ko. Isang oras na dumaan at hindi pa rin tapos meeting nila. Private kasi at sila lang dapat nakakaalam kaya siguro hindi ako sinama ni Dane sa loob. Nag ikot-ikot na lang muna ako dito sa labas ng building nang may napansin akong isang botique sa tapat nito. Agad naman akong pumasok. Andaming damit na magaganda. May nakita akong pulang damit na pangmatanda kaya kaagad ko itong kinuha. Bagay siguro 'to kay Inay? At heto, kuha ko naman sa isang polo, bagay 'to siguro kay tatay ano? Ang gaganda. Papasalubongan ko kaya sila? "Miss ano po ang sa inyo?" Tanong ng saleslady. Tinignan ko ang damit ulit, napalundang na lang ako sa gulat nang makita ang presyo nito. Jusko, parang isang buwan akong 'di makakain nito ah. P1,569.50 "Ahm, wait lang po miss ah? Babalikan ko lang." Saka ko ibinalik sa lalagyan nito. Lumabas na ako at nagtungo sa kotse nang makita ko si Dane pumasok. Bahala na 'yong damit, 'di ko na 'yon babalikan. Hindi naman kasi lahat binabalikan. Char "Tapos na meeting, sir?" Usisa ko. Hindi ito sumagot at nagstart lang ng engine. "Saan punta natin ngayon?" Tanong ko ulit pero hindi pa rin ito tumitingin sa akin! Tumahimik na rin ako at tumingin na sa harap. Edi 'wag niya akong kausapin! "Lunch." Napatingin ako sa kaniya. Sasagot din pala e. "Hindi tayo mag d-date. I don't even f*****g know why you are here," dagdag pa nito na hindi pa rin tumitingin sa akin. Oo nga, bakit nga ba ako sumakay dito? "Edi ibaba mo ako!" Sagot ko. Basic. Akala mo naman gusto rin kitang makasabay. Pero nanatili pa rin siya nag-drive hanggang sa dumating na kmi ng mall. Napagdesisyonan ko na lang na hindi na sumunod sa kaniya sa loob ng mall dahil kakain na lang ako sa karenderya sa labas. Wala naman akong pera panggastos sa mall, at isa pa, wala pa akong sweldo. Natapos na akong kumain at nagtungo na kaagad kay Dane sa loob. Nasaan kaya 'yon? Luminga-linga pa ako at pumasok sa isang restau. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita-kita kaya lumabas na ako. Sakto namang paglabas ko ay may nasagi ako at bumasag. Nanlaki ang mata ko! Napatingin ang lahat kaya dali-dali akong umupo at inisa-isang kinuha at inilagay sa kamay ko. Mukhang mamahaling vase 'to sa restau! "Miss, kami na bahala." Napa-angat ako ng tingin. Asdfghjkl!!! Hala! Sobrang gwapo! He's wearing chef uniform. Ahh! Ang kinis ng mukha! Kulay brown ang mata at sobrang tangos ng ilong! Ito 'yong nababasa ko! I finally met the one! Inalalayan niya akong tumayo habang hindi ko pa rin kinukuha ang tingin ko sa kaniya. Artista ba 'to? Nakakastarstruck! Totoo ba 'to? Am I now living the life I used to dream on? I wanna cry. "Boi, paki linis please," tawag niya sa lalaki. Sa waiter ata. "Miss, mag-ingat na lang ha? I will not let you pay for this---" "No no no! Babayaran ko." Hindi ko na siya pinatapos at kinuha ang wallet ko sa bag ko. Buti na lang dinala ko sling bag ko kanina. Hanggang ngayon naka-uniporme pa rin ako na pang-secrrtary. "It's okay, miss," nakangiti nitong sabi. Jusme, ang gwapo talaga tapos ang bait pa. Magsasalita na sana ako kaso biglang may sumabat. "Ako na ang magbabayad." Napatingin ako sa likuran nang marinig ko boses ni Dane. Si Dane nga! Walang emotion ito nakatingin sa gwapong chef na kaharap ko. Tinignan ko ang kausap ko kanina nang at medyo napakunot ang noo. "Oh--" Hinigit ni Dane ang kamay ko papunta sa kaniya saka kinuha ang wallet at itinapon ang laman nitong pera sa mukha ng tumulong sa akin. Hala! Sobrang sama! Pagkatapos nito ay ikinaladlad niya ako palabas papuntang parking lot. Pumasok siya sa loob kaya pumasok na rin ako. Nanatili lang siyang tahimik, pero bakas sa mga mata nito ang galit. Hindi tuloy ako nakapagpasalamat sa Chef! Nakarating kami sa office niya ay agad niya naman isinasikaso ang mga gagawin niya. Wala na palang bisitang darating dahil nandito na si another Keisha kaninang umaga. "Sir saan ka pupunta?" Habol ko sa kaniya habang papalabas sa building. "It's none of your business," tipid na wika nito. Oo nga naman, buhay niya 'yan so wala akong paki. Huminto na ako sa paghahabol sa kaniya at pinagmasdan na lang siya pumasok sa kotse niya at umalis. So saan ako pupunta nito? Alas singko pa lang ng hapon. Sobrang easy naman ng trabaho ko, hindi mahirap! Hays. Nagdesisyon na akong umuwi since walang kwenta rin naman ang boss ko. Naligo na ako at natulog dahil wala naman akong gagawin dito sa condo na binigay ni Dane sa akin. Napabangon ako at agad agad kinuha ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. 10 missed calls. 12:51 am. Jusme Keisha, sobrang haba ng tulog mo. Sinagot ko na ang tawag nang tumawag ulit ang caller. "W-where arsh you?" Napakagat ako ng labi. Naglasing si Dane. "Hello po? Sir? Nasa condo na po, bakit po?" Tumayo ako nang makita ko na nakabukas pala ang bintana ko sa kwarto kaya sinarado ko kaagad. Baka may pumasok na aswang o magnanakaw. "K-keish ikaw ba 'to?" Sobrang halata sa pananalita nito na siya ay lasing. Nakakaawa naman, ang hirap siguro nang pinagdaanan nito. "I miss you." Napaayos ako ng upo nang walang sa oras. Hala. Huminga siya nang malalim at pinakinggan ko lang ang bawat hikbi nito. Umiiyak siya? Malamang, Keisha. Bobo ko. "f**k I miss you. f**k why did you leave me? D-Do I f*****g deserve that? s-sobrang shakit k-kasi." Nanatili lang akong tahimik. Wala naman akong masabi dahil hindi ko pa alam ang totoong nangyare sa kanila kaya tatahimik na lang ako. Kahit wala akong mai-advice, atleast nakinig ako diba? 'Yan naman ang pinakaimportante sa lahat. Ang makinig. Saan nga ba siya? Puntahan ko kaya? Umubo ako ng konti dahil sigurado ako na basag ang boses ko. Madaling araw na eh. "Saan ka?" Tanong ko. "S-a Bistrolim." Saan naman kaya 'yon? Jusko, kay bago-bago ko pa lang dito 'di ko pa alam ang pasikot-sikot. Enixit ko muna ang tawag at pumunta sa google map. Bright ko, 'no? Alam ko. Nang na locate ko na ay kaagad na akong nag ayos. Nagpara ako ng taxi and guess what? Para akong tangang turo nang turo e alam naman pala ni manong. "Sikat na bar 'yan dito miss eh. Broken ka kaya maglalasing ka, 'no?" Napaubo naman ako. Grabe naman si kowya. Nbsb yata 'to. No boobs since birth. Hindi ko na lang siya pinansin at dumungaw sa bintana. Umulan pala kaya basa ang daan. Natural Keisha, umulan nga eh. Hays, minsan talaga nagtatalo ang utak ko kahit wala naman. Charot. Huminto na ang taxi kaya nagbayad na ako. 500?! Sana nilakad ko na lang kainis! Binayaran ko na lang kahit labag sa kalooban ko. Charot ulit. Lumabas na ako sa taxi at pumasok na sa loob ng bar. Napasinghap ako nang may biglang humawak sa pwet ko. Aba bastos! Nilingon ko siya at sinampal. Nakakagigil ang mga ganitong tao eh. Mapapaisip ka na lang talaga kung totoong tao pa ba sila? "Choosy mo naman miss! Gwapo naman kaya ako!" Pagmamayabang nito. Hindi nga magkaila na may itsura siya. Pero sa inasta niya ay parang mababasag ang mukha niya. Sinuntok ko siya. Kaya ayon, deadbat. Nagkamali ka ng binangga mo sir, black-belted kaya ako ng taekwando noong highschool. Napansin ko na marami pala nakakita sa ginawa ko. Lumapit ang dalawang bouncer saka hinawakan magkabilang kamay ko. "Kung may balak kang manggulo, lumabas kana!" Sigaw nito sa akin. "Kuya nambabastos po siya eh!" Agad na depensa ko. Pero hindi nila ako pinakinggan at mas lalo pa akong hinila palabas. Nakita ko naman kaagad si Dane sa gilid, umiinom. Parang walang paki sa paligid. "Wait po kuya! Kakausapin ko lang siya." Sabay turo ko kay Dane kaya nagsitinginan naman ang dalawang bouncer. "Pretty please? Kailangan ko po siya iuwi," pagmamakaawa ko. "Si boss Dane 'yon ah, bakit sino ka ba?" Kinuha na niya ang kamay niya sa braso ko kaya napangiti ako. "Ako po si Keisha, ang se--" "Hala, Keisha. Gago, girlfriend niya to pre, lagot ka kay boss Dane," pagputol ng kasamahan niya. "Anong ako? Tayo dalawa umawat dito, tanga." At nagsisihan na sila. Secretary po kasi pareho kayong tanga. "Pasensya po ma'am, sige po." Saka umalis ang dalawa. Tinignan ko naman ang lalaking nakahiga. Kawawa ka naman, walang may pumansin. Lumapit na ako kay Dane at kinuha ko ang bote ng alak sa kamay niya. "Dane? Dane-" nagulat ako sa biglaang paghigit niya ng braso ko. Aray naman! Parang mabalian ako eh. "What a-are you d-doing here?!" Lasing na sambit nito. Grabe, ang gandang bungad sakin ah. "Iuuwi kita," tipid kong wika saka kinuha ang braso niya at inilagay sa balikat ko. "B-bakit sino ka ba?" Alam mo pwede kang manakawan nito. Sobrang lasing hindi na maka-alala kung sino ako. Pero 'yong panlolokong ginawa sa kaniya ng ex niya, alalang-alala. Detailed pa! "A-ayaw kong umuwi," saad nito saka kinuha ang kamay niya. Napahawak na lang ang dalawang kamay ko sa bewang ko. Hay nako! "Kailangan, may trabaho ka pa bukas! What if may mangyari sayong masama ha?! Ikakasaya ba 'yan ng lahat? What if nadukotan ka? Na hold up? Tapos pinatay tapos itinapon sa dagat. Paano na lang ako?" Napatikom ko ang bibig ko. Wait-- Parang may mali sa sinabi ko.. "P-paano ikaw?" Napatawa ito. "Why, do you like me?" Nakapikit nitong sabi. Messy ang buhok nito at sobrang basa pa, siguro ay dahil rin sa pawis nito. Naka white unbotton shirt ito sa loob habang may black coat naman na suot-suot niya. Ganoon pa rin ang suot niya kaninan sa trabaho, halata talaga na dito siya dumiretso. "No sir. Ahm, Paano na lang ako, uhm I mean p-paano na lang ang sweldo ko! 'Yan!" Pagdadahilan ko. Hindi ko rin alam bakit lumabas 'yan sa bibig ko 'e! Napapikit na lang ako. Keisha ba't mo kasi nasabi 'yan? "I-iba k-ka. Ibang-iba sa ex ko. Ikaw napakadaldal mo, baliktad sa ugali ng ex ko. Pero kahit g-ganon mahal ko 'yon." Napabuntong hininga ako nang nakita siyang umiiyak. "Sobrang mahal," dagdag pa nito. Napaupo ako sa tabi niya at uminom ng alak. Tara at damayan nga natin siya. "Ano bang nangyari?" Tinignan ko siya na pinahiran ang luha nito at ngumiti. Ngumiti ito nang mapait. "Okay naman talaga kami. S-sobrang mahal namin ang isa't-isa. O-okay na ang lahat, pero..." "Pero?" "Pero bigla niya akong iniwan." Ngumiti ito nang peke. "I don't know what's wrong with me. Am I not enough? I gave her everything. Everything! But still, it was not enough for her to stay." Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sobrang sakit nga 'yon. Kahit hindi pa ako na-broken e ramdam ko ang pag-ulila nito sa taong mahal niya. "Ahm, kanina nasa office naman siya ah? At mukhang okay pa kayo?" Hindi ko napigilan mapatanong. Kinuha niya ang bote ng alak saka ininom ulit. "Ayon na nga, she knows that I cannot resist her. She knows that I will give everything to her that's why she's abusing me." "Hinahayaan mo kasi ang tao maging ganyan sa'yo. They will not abuse you if you are not letting them. Tapos." Tumingin siya sa akin at napailing. "I love her okay? If you truly love someone, no matter how much they abuse you, it will be fine with you. That's how love works. You became selfless." Bigla siyang tumayo kaya napatayo rin ako kaagad saka inalalayan siya. Andaming happenings naman sa buhay. Ako ang tanging problema ko lang sa probinsya ay ang maiahaon sila inay. Inalalayan na kami ng bouncer hanggang sa makasakay kami ng taxi at hinatid sa bahay nila. Tinulangan din naman ako ng kasambahay ni Dane saka nagpayo na doon na raw matulog sa guess room dahil madaling araw na at sobrang delikado. Wala na lang akong nagawa at pumayag na lang. "Atlast!" Pag-dive ko sa malaking kama ng kwarto nila. Kanina pa ako inaantok eh at sobrang kailangan ko na ng tulog ngayon. Napaharap ako sa kisame, naalala ko na naman ang pinagdaan ni Dane. Napaisip ako. Kung sino pa talaga ang totoong nagmamahal, sila pa 'yong madalas na ginagago. Ang sayang lang, ang sayang lang talaga ng mga panahon, pagod, pagmamahal at efforts na igugol mo sa taong iiwan ka rin pala sa huli. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit natatakot akong magmahal. Baka kasi mapunta ako sa maling tao. Mahirap na magpakatanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD