Chapter 5

1462 Words
Ilang araw na simula nang nakatrabaho ko si Dane at simula ng gabing nalaman ko ang tungkol sa kanila. Pero may napansin ako kay Dane, topakin klaseng lalaki. Alam mo 'yon? 'Pag may maalala siya tungkol sa ex mag-iiba ang modo nito. Nagiging galit at bato ang puso. Ang bitter pa eh, 'di pa naka-move on. Sabagay, mahirap naman talaga. "Oh." Napalingon ako sa nag-abot sa akin ng coffee. Si Eljhay. Ang kaisa-isang baklang nagtra-trabaho dito sa companya nila. Kinuha ko ang coffee at nagpasalamat sa kaniya. Noong una ay hindi ko siya nakita rito. Pero nang nagkita kami ay nagkalagayan naman kami ng loob. Sobrang bait naman kasi at sobrang havey. Since friendly naman talaga ako at walang kaibigan dito, pinapansin ko siya. Laking pasasalamat ko nga dahil may makakausap ako minsan. "Lalim ng iniisip mo ah?" Nilingon ko siya at tumawa. "Ikaw lang iniisip yieee," hirit ko at tumawa nang makitang diring-diri siya sa mukha ko. "Yak. Hoy magising ka! Kay papa Dane lang ako, 'no!" "Yak ka rin, if I know kinakaibigan mo lang ako dahil gusto mong mapalapit kay Dane!" Asar ko sa kaniya. "Wala ka ng pakialam doon!" Saka nagtawanan kami. Nahinto lang kami sa pagtawa nang dumating si Dane. "Let's go," tipid nitong wika at umalis. Agad naman akong tumayo saka nagpaalam kay Eljhay. Hinabol ko siya hanggang sa nakarating kami sa elevator. Nasa 16th floor kami ngayon kaya tamang laro lang sa daliri ko. Ang awkward. Akala ko talaga magiging close na kami eh. "Saan tayo pupunta?" Pagbasag ko sa katahimikan. Nilingon niya ako at ibinaling kaagad ang atensyon sa nakasaradong pinto ng elevator. Halos limang minuto akong nag hintay sa sagot niya pero tila wala siyang planong sagotin ako. Nakalabas na lang kami na hindi ko pa rin nakukuha ang sagot nito. As usual, sumusunod lang ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa parking lot. Saan naman kaya kami pupunta? Parang wala naman sa schedule niya na may gagawin siya or meeting sa ganitong oras. Napasunod na lang ako hanggang sa nakarating kami sa isang restaurant. "There. Get in and tell them na masama ang pakiramdam ko." Turo niya sa loob ng restaurant. Paraang gusto kong manuntok, seryoso? Sana sa phone niya na lang kinausap na hindi siya sisipot! "Sino ba sila? Saka bakit ka pa pumunta rito e hindi mo naman pala sila imemeet," nakakunot noo kong tanong. Nilingon niya ako at napaatras naman ako sa awra niya. Teka lang, parang magagalit naman eh. "What's the purpose of your job if I cannot use you?" Madiin nitong tanong. Teka lang! Napatingon ako sa loob ng restaurant at nakita na kakarating lang ni Keisha saka nagbeso sa babae at lalaki. Sa mukha nila mukhang mga 50+ age na ito, I think mom and dad ito ni Keisha. Magaganda ang lahi eh. "Go. Babayaran kita after mong magsabi." Nilingon ko siya at ngumiti. "Kahit ano? Hehe" nakaramdam ako ng maraming blessing mamaya. Sabi sa inyo, mabait talaga si Dane. "Yes." Napa-yes din ako sa sinabi niya. Gusto ko kasi sana makauwi sa probinsya-- so I think oras na para makauwi. Lumabas na ako saka nagtungo sa kanila. Laking gulat naman ni another Keisha nang makita ako. Nag bow ako at bumati. "Magandang hapon po. Ako po yung secretary ni Mr. Dane Lim, ikinalulungkot ko pong ibinalita na hindi siya makakadalo ngayon sa inyo dahil masama po ang pakiramdam niya." Tumango naman sila pero si another Keisha ay nakakunot noo. "My daughter, akala ko ba kahit masama ang pakiramdam ni Dane ay pupuntahan at pupuntahan ka pa rin niya?" Nilingon ko ang babae. Halatang mommy ni Keisha. "Ah eh, I don't know mom. 'Di yata niya nasabi sakin na he's sick." "You are the girlfriend, you should know what he is doing or what. Dapat updated ka sa kaniya." Kumunot noo ko sa binitawang salita ng daddy niya. Girlfriend? Hindi pa nila alam? Nilingon ko si Keisha na napangiwi. "U-updated naman a-ako d-dad. Pero you know I'm busy too." Pagdadahilan niya. Sinungaling! Break na kayo 'no at ikaw 'yong dahilan! "I think we are wasting our time. I really wanted to talk to him personally pa naman because it's all about our business. Seryosong usapan," wika ng mommy niya. Nakalimutan yata nila na nandito ako. Aalis na ba ako? Paalis na sana ako nang biglang nagsalita si Keisha at nilakasan ang boses. "It's okay mom. Tama nga naman siguro na wala siya muna ngayon because I have a plan," she giggled. Umalis na ako kaagad at nagtungo kay Dane. Ngunit bumalik ako dahil may nakalimutan ako. Ang magpaalam. Hindi naman ako bastos. "Nice, and once makasal na kayo maangkin mo na ang kayamanan. And we are safe! 'Pag 'yan nagawa mo, you can have your own life with Anton. Hahayaan ko na kayo as long as mapapabagsak ko si Dominador!" Natatawang saad ng mommy niya. Napaatras ako. Hala! Dominador? As far as I know, daddy 'yan ni Dane. Andami kong tanong. Minahal ba talaga ni another Keisha si Dane? Kung ganon, bakit may "you can have you own life with Anton" pa? Sino naman si Anton? Siya ba ang dahilan kung bakit nasira relasyon nila ni another Keisha at Dane? Tapos anong mapapabagsag? Kaya ba gustong makipagbalik si Keisha? Kaya hindi niya pa sinasabi na wala na sila? Gulong-gulo na ako! Bumalik na ako kay Dane na hindi pa rin nagsasalita. Madaming pumapasok sa ulo ko, sasabihin ko ba? "Hey Keisha." Napalundang naman ako sa pag upo kaya napatawa siya ng mahina. Nasa loob na kasi kami ng kotse at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. "Jusko, huwag naman pong manggulat sir," tanging sambit ko na lang. "And huwag niyo na po akong tawaging Keisha please? Dada na lang, nagugulohan kasi ako. Dada na lang mas maangkin ko pa 'yan na ako talaga. Bakit ba kasi kaparehas ko pa name 'yon," naiinis kong sabi. "Okay, dada." Nilingon ko siya nang nakangiti. Ang cute ng dada niya! "So ano gusto mo?" Casual nitong tanong. "Ikaw." Bigla siyang prumeno kaya napasupalpal ako sa harap. "Pucha! Maghinay-hinay ka nga!" Inis kong reklamo habang hawak-hawak ang ulo ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Bigla naman akong nainis. Ano ba pumasok sa ulo nito? "You forgot that I'm your boss. Bawal mo akong sigawan, even magmura. I can fire you whenever I want." Humingi na lang ako ng pasensya. Siya kasi e, mukhang gulat na gulat sa sinabi ko halatang nagbibiro lang naman ako. Nagsimula na siya magmaneho kaya tumahimik na ako. Tumingin na ako sa labas at nakikita ko pa rin naman siya sa gilid ng mata ko na seryosong nakatingin sa daan. Huminto kami sa isang mamahaling restaurant dito. Bigla tuloy akong nagutom. Lumabas na kaagad siya at ganoon rin ang pagsunod ko sa likod niya. Mag d-date kami?! "Crush mo ako 'no?" Napatigil siya at pinitik noo ko. "Wake up, noisy woman." Sus! Baka nagagandahan na 'to sa akin! Nagsimula na siyang maglakad at iniwan ako kaya humabol ulit ako. Sobrang moody talaga ng lalaking ito. "Ayan na! Thank you boss ah! Ngayon lang ako nakakain nito!" Malapad na ngiti ko nang inihanda na ang pagkain sa mesa. Ang sasarap! Kumain na ako sabay kwento nang kung ano-ano. "Grabe, sobrang mahal ng mga veges dito. Sa amin nga sa probinsya kuha ka lang ng mga tanim sa kapit bahay makaka-ulam ka na! Tapos dito jusko kailangan ko pa talagang kumayod at mag ipon para lang makakain nito. Eh hindi naman magkalayo ang lasa, ganoon pa rin." Kwento ko pa habang kumakain. Wala naman siyang reaksyon kaya daldal na lang din ako nang daldal. "Alam ko kaya magluto nito! Sus. Gusto mo lutoan pa kita eh," dagdag ko pa. Nag angat naman siya ng tingin. "Who cares?" Saka pinagpatuloy pagkain niya ulit. "Share ko lang!" Suplado. Tinignan niya ko at napatawa siya nang mahina. Napatingin siya sa bibig ko kaya bigla tuloy akong na conscious. "By the way, diba miss mo na si another Keisha bakit hindi mo pinuntahan kanina?" Napatigil siya sa tanong ko. "I am not prepared," tipid niya lang wika saka pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ako nagsalita pa dahil halatang iniiwasan niya ito. Akala ko ba mahal. Sabagay, kahit ako kung peperahan lang naman ay hindi na ako magpapakita. Char! Hindi ko talaga alam rason niya. Natigil ako nang bahagya siyang napatayo at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ang tindi ng heartbeat ko habang nalalapit ako sa kaniya. Nararamdaman ko na rin ang paghinga nito. Hahalikan niya ba ako? Napalunok ako at napapikit. Ramdam ko na lang ang pagdampi nang mga daliri niya sa labi ko. "Ayosin mo nga ang pagkain mo. Para kang bata," ani nito at napaupo ulit. Napailing ako. Bakit? Sayang naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD